You are on page 1of 4

Mga Landas ng Pangarap

Don Pagusara
This story won First Prize for the Short Story in Filipino in the 2005 Palanca Awards
Nagkita tayo sa silong ng walang-ulap na langit sa isang makitid na sidewalk sa Cubao. Maaliwalas ang
panahon ngunit may kakaibang lamig ang hangin ng Disyembre. Nagsiksikan ang mga tao,
nakipagpaligsahan sa matuling mga araw ng papalapit na Pasko. Minasdan kitang naglalakadsanlangit na
alaala binuhay sa indayog ng iyong mga balakang habang umiilag ka sa mga katawan ng tao at anupamang
nakaharang sa iyong daan mula sa taxi papunta sa aking kinaroroonan. Sumigla ang tibok ng aking
puso.Kanina ka pa?Di naman gaano. Nage-enjoy din naman akong nagmamasid sa klase-klaseng taong
naglalakad. Pero ikaw talaga ang pinak....Teka...don tayo, o. Napaka-awkward namang mag-usap dito.Sa
loob ng naka-aircon na Sams Chicken Plaza, saka ko napansin ang epekto ng make-up sa iyong mukha.
Kumi-kinang lalo ang hiwaga sa iyong mga mata at mga biloy. Hinog na hinog ang datiy manibalang na mga
labi. At ay, kabigha-bighani ang mga dibdib mong umuusli sa plunging neckline ng iyong tangerine blouse.
Hindi maiwasang sariwain ng aking alaala ang mga sandaling pinagsaluhan natin noon.Oo, noonisang
matiwasay na tanghali...nakaupo tayo sa may lilim ng mga punungkahoy sa tabi ng UP lagoon. Dinuduyan
ang ating paningin sa umuugoy na mga sanga. Pinaglalaruan ng hangin ang nakalugay mong buhok.
Paminsan-minsay humihinga ako nang malalim marinig ang huni sa punong kawayang humahagod sa
kapwa puno, habang mga hita natiy mariing nagkadikit, halos kinanlung ko na ang iyong mahiwagang yumi.
Inaliw kita ng mga awit ng digmat kalayaan. Ikaw namay maliksing nagdadampot ng mga laglag na
dahong kawayan at sinubukan mo itong lalahin. Ang sinabi moy Sige, ipagpatuloy mo lang ang iyong pagaawit at akoy maghahabi ng mga pangarap. Hindi kaya aagos sa mga siwang ang ating ligaya?Medyo
nayamot kat kinurot mo ako, Anong siwang? Bastat willing tayong mag-sacrificemagkandurugo man ang
katawat puso natin sa daan Tumahimik akot inabot ang iyong kamay na nakadantay sa ibabaw ng iyong
tuhod at dagling nagdaop ang ating mga kamay. At ngumiti kang nakasandal nang buong lambing sa aking
balikat. Hindi nagkandatuto ang pagbigkas ko sa aking damdamin dahil binuka mo ang iyong mga labi na
lagusan ng walang katumbas na tamis at luwalhati.At ngayoy naglalaro ang iyong mga biloy. Pakiramdam
koy tumitingkayad ang mga sandali sa saliw ng piano instrumental ng jingle bells nitong Paskong-paskongatmosphere ng Sams Chicken Plaza. Nakikiliti ang aking kalooban sa kay-tagal-nang-di-naranasang uri ng
ligaya. Sinubukan kong sisirin ang lalim ng iyong damdamin, gayong kay bait ng mga sandali. Hinatak ko
ang iyong gunita doon sa sulok ng aking pusong pinagluluklukan ng iyong larawanng larawan nating
dalawang naglalambingan.Pero Eric, kay tagal na maraming taon na ang nakalipas. Hindi ka ba
nakalimot?Ikaw, nakalimot ka na?Maraming mga vital questions ang dapat kong ire-resolve, Eric.
Maraming mga pagbabago .. we have passed many crossroads. At hindi madali, kasikasi hindi na ako ang
dating Iris na kilala mo, Eric hinawan mo ang kapirasong damdaming bumabara sa iyong lalamunan.At sa
iyong pagpatuloy, sinalaysay mo ang iyong paglulutang-lutang sa kalituhan at kahungkagan ng kaluluwa
doon sa land of milk ang honey. Sa loob ng ilang taon, hinanap moy kahulugan ng iyong buhay. Natangay
ka sa agos na sumadsad sa iyo sa kakaibang kaugalian. . .kakaibang wika. . . kakaibang kultura. .
.kakaibang mga hangarin at pagnanasa.Idinampi mo ang iyong palad sa dibdib, Pilipinas ang aking pinanggalingan at nakarating ako sa America. After so many years I feel like I dont belong to either place.
Nahihirapan akong maghanap sa aking identity.Dumating ang ating order at na-busy ang ating mga kamay
sa pag-asikaso sa roast chicken na pinaliligiran ng mga dekorasyong dahon at sangkap. May kaparis itong
sauce at ilang pirasong tinapay at potato salad. Napalingon tayo sa may pintuan at nakita ang isang
marusing na batagusto yatang pumasok sa restaurant. Pero bago pa man niya naitulak ang pintuang
kristal ay pinalayas na siya ng guwardiya. Dinapuan tayo ng awa sa bata, nagtinginan tayo at agad pinukol
natin ang guwardiya ng muhi sa ating mata. Nagsalumbaba kat tumitig sa aking mata...tagos sa aking
mata...tagos sa dingding ng Sams Chicken Plaza. Alam ko. May mga landas sa kalawakan ng panahon na
tinatalunton ng iyong alaala. Oo, naaalala mo ang mga sandaling pinagsaluhan natin kasama ang mga
estudyantet kabataang kagaya natiy masugid at matapat na nagtataguyod sa islogang seize the day, seize
the hour, noong puno-sa-aksiyong Dekada Sitenta.Kagaya noong isang hapong nandoon tayo sa ating
kinagawiang rendezvous sa tabi ng UP lagoonnagbibilang ng mga sandalit panakaw-nakaw na lumalagok
ng tamis ng pagmamahalan...nang namataan natin sa may tapat ng AS building ang paparaming lipon ng
mga estudyante. May nagtali ng pulang tela sa ulo, may nagsuot ng Vietcong jacket tulad ng sa iyo, may

nakasombrero ng Red Army cap na may red star sa harap. Mayroon palang mass action na isasagawa sa
front steps ng AS building pagkagat ng dilim, na kung saan magtatanghal ang Panday Sining ng dulang
adaptation ng Waiting for Godot. Pinag-taytolan nila ng Ang Paghihintay kay Andong.Punta na tayo,
nagyaya ka.Mamaya napag nag-umpisa na.Hoy, baka maakusahan tayo ng dikitismo! at dalidali kang
tumayot lumakad nang hindi na naghintay sa akin.Sa ibang pagkakataon, niyaya mo ako sa isang gathering
kasama ng ating mga kaibigang puro tagapaghabi ng mga pangarap. Nagdala ako ng mga chocolate na
nagpatamis sa ating mga bibig matapos nating supilin ang ating gutom sa pamamagitan ng barkekyung
manok. Pinagmumudmod mo ang iyong ngiti sa ating mga kakusa. Di nagtagal at pumasok tayo sa sala ng
bahay at kumanta ng Internationale. Sumigla ang pulso ng gabi. Pinabaktas mo ang iyong mga daliri sa mga
teklado ng piano. Nagkatono ang mga liriks ng tulang naka-graffiti sa pader ng aking puso. Nang sumunod
na gabisa isang sulok sa loob ng bahay ninyo, hinaplos-haplos tayo ng maputlang liwanag. Ang mga
bulong sa lumalalim na gabi nagpatindi ng ating pagnanasa. Ang dilim ay balabal na nagpaapoy sa ating
mga katawan sa gitna ng lumalamig na hangin ng Disyembreng yaon ng ating buhay. Pagdating ng oras ng
pamamaalam, nahirapan tayong paghiwalayin ang ating mga katawat damdaming nagkalingkis.At
ngayon...ngayoy napakagat-labi akong bumubulongO Iris, paano ko iwanan ang pinagtirikan ng aking
pag-ibig? Kay hirap hablutin ang saligang tagdan ng pagsintang nakaugat sa maraming karanasat gunita.
Ikaw Iris, ikaw pa rin!Anong hinahanap mo sa akin, Eric...? wala ang dating lambing ng iyong tinig.
Kangina nang nagtagpo tayo, nagparelaks sa aking damdamin ang ipinakita mong carefree na gawi. Ngunit
ngayoy nararamdaman ko ang pag-igting ng mga sandali habang kaharap kita nitong munting mesa sa
pagitan nating dalawa. Parang nangangatal ang aking bibig, Iris, tapusin natin ang ating nasimulan. Sayang
naman ang ipinunla nating halimbawa para sa bukas-makalawapagsintang pwedeng maging salamin ng
tagapagmana ng ating kasaysayan...Pero...pero di ba nag-asawa ka, Eric?Kay tagal-tagal na naming
naghiwalay ni Daisy, Iris. Labinlimang taon na. Hindi kami magkasundo. Hindi ko talaga siya iniibig!
Minasdan ko ang iyong reaksiyon, tapos...Ikaw Iris, bakit ka umalis?Saglit na kumulimlim ang iyong
mukha, Wala akong sapat na lakas-loob para suwayin si Mama, Eric. You knew that. Oh Eric, wag mo
akong sumbatanplease! Tayo na, umalis na tayo Sumakay tayo ng bus patungong UP. Nais kong
pagliyabin muli ang natitirang apoy sa ating puso, isa-isahing damputin at tipunin ang mga butil ng alaala
naiwan sa mga kalsada, mga plasa, mga koridor at classroom at mga lilim ng mga punungkahoy sa mga
unibersidad, bagamat binura na ng libu-libong hangin, init at ulan ang mga bakas at ingay ng
makasaysayang Dekada Sitenta. Niyaya kitang dumalaw sa tabi ng UP lagoon, sa ating dating tagpuan.
Ngunit umayaw ka. Inalalayan ko ang iyong gunita upang taluntunin ang mga landas ng
kahapon.Naniniwala ka bang ang pinaka-landmark na action ng FQS ay ang Diliman Commune?Ay,
Diliman Commune...? nanaginip ang iyong mga mata, muntik na akong matamaan ng tumilamsik na mga
pirasong semento, nang lumusob ang Metrocom?Hindi yon mga piraso ng semento, Irismga live bullets
yong pinaulan ng Metrocom sa ating barikada!Oo ngabuti na lang nakatakbo agad tayo sa Kamia dorm,
ano!Sa labas ng Sampaguita dorm, nagbanatan ang ating Pillbox brigade at ang Metrocom! Nadaplisan
ang balikat ni Ka Benig sa Tondonatatandaan mo?Kasama natin sina Judy, May-an, Stella, Reggie at. . .si
Mario! Nasaan na sila?Naririto pa sila. Si Judy nagtuturo dito sa UP. Si May-an namamahala ng isang NGO,
si Stella nasa Silliman, at si Reggie isang practising physician na. Si Mario naman ay namundok yon. . .at
napatay. Of course, alam mong nauna pa si Lorena sa kanya. . . alam mo. . .Oo, alam mong sa puso ng
bawat kasamang kasangkot sa mga pakikibaka, mga pagpapakasakit, nakaranas ng bangungot sa stockade.
. . mayroong mga lihim na luklukan ng bawat salaysay na bahagi ng ating nakaraan. . .ng ating nakaraan
Huwag mong pigilan ang iyong luha, Iris. Umiyak ka. Hayaan mong dumaloy lahat ng lumbay. O di kayay
kumanta ka! Kantahin mo ang malungkot na ritmo sa iyong kaluluwa. Araw na lubhang mapanglaw, lipos
ng kadiliman, nasadlak ang kanyang buhay para sa iyo bayan kaparis ng pagkanta natin sa pagkamatay ni
Enrique, estudyante ng Lyceum, na halos durog ang ulot bali-bali ang katawan sa mga hampas ng
truncheon ang kanyang simulain tigmak ng dugot luha, at dapat nating itaguyod hanggang sa wakas...
Naaalala mo? Oo, hindi mo malilimutan yong gabingUnti-unting bumibigat ang hangin sa ating hiyaw. May
halong takbo ang ating mga hakbang na nakisabay sa mga silabol ng Imperyalismo, Piyudalismo, Burukrata
Kapitalismo! Ibagsak! Sa kabilang bahagi naman ng mahabang martsa dumadagundong ang Sigaw ng
bayan, himagsikan! ng dumadaluyong na taumbayan. Ang sagadsad ng libu-libong paa sa mga kalsada ng
University Belt patungo sa Mendiola, hindi malayo sa tirahan ng Dambuhalang Buaya ng Pasig, ay
nagpalipad sa alikabok, naghalukay sa maalingasaw na mga esterot kanal ng ating pinakamamahal na
Siyudad.Kinabukasan, nagkalat ang mga leaflets at iba-ibang klase ng manifesto at handouts sa mga

sidewalk at lansangan, nagdulot ng walang-katapusang gawain sa mga metro aides. Samantalang sa loob at
labas ng mga classroom at sa mga lilim ng akasya sa Diliman at ibang eskwelahan walang-tigil ang
pagwawalis sa mga damo sa utak sa pamamagitan ng mga teach-in at group discussion na pinanguluhan ng
mga radikal na aktibista. Lumalala ang kolonyal at piyudal na kaisipan sa lipunan. At ni hindi man lang
natitibag ang pader ng graft and corruption sa gobyerno, bagkus ay lumalala pa.Kinagabihan, sa Plaza
Miranda, nagmaskara tayo kasama ng mga singers ng Gintong Silahis. Siningit natin ang awiting Tigreng
Papel sa maikling dulang nagdiriwang sa makasaysayang papel ng rebolusyonaryong mamamayan sa
pagwasak sa kuta ng naghaharing uri. Nagsiupo ang mga kabataan sa malapad na larangan sa may harap
ng Quiapo Church, nagpalipas ng gabi sa pamamagitan ng mga talumpati, tula, awit at dula.Drens, iyon
ang tawagan natin sa isat-isa dahil iyan ang uso ng masiglang kapanahunang yaon, mauna na akong
umuwi, baka kasi mahayblad na naman si Mama?Tena, ihahatid kita. Inakbayan kitat nabigkis ang mga
katawan nating sakay sa jeepney patungo sa bahay ninyo sa Project 2. Doon sa madilim na sulok ng
bakuran na pinagyungyungan ng mga sangat dahon ng aratiles katabi sa gate ng bahay ninyodoon
ipinagdiwang natin ang ating pag-ibig. Ang mga neonlights sa siyudad ay nagsabog ng mga alipato sa langit.
Nawisikan ng mala-rosas na sinag ang iyong mukha. Inangat ko ang iyong baba, pinalis ang kapirasong
buhok na naligaw sa iyong pisngi at hinagkan ang bibig mong malugod na tinanggap ang alay mula sa aking
sumisigaw na kalooban. Hinipo ko ang iyong dibdib, walang-bra sa ilalim ng pulang T-shirt na pinagsapawan
ng Vietcong jacket. Mayamaya, dinuyan ng aking dalawang kamay ang iyong puwitan. At ilang saglit pay
inangat ko ang iyong malambot na kabuuan. Gumanti ang mga hibla ng iyong kalamnan sa aking naninigas
na kalagitnaan...nanginginig ang mga kamay kong nangalap sa misteryo ng iyong pagka babae. Hanggang
kapwa tayo nanlalambot at napadaus-os sa nagkalat na mga dahon ng aratiles---tahimik sa gitna ng bagong
sabog na ingay sa mga unang sandali ng madaling-araw. Mayamayay, bumulong ka, Magkikita tayo
mamayang hapon. At nang hapong yaon...tungo sa gabi... Makibaka! Huwag matakot!Pumapaibabaw ang
sigaw sa karimlan, malakas ang mga yabag ng libu-libong nagmamartsa, winagayway sa ibabaw ng mga
hiyaw ang mga pulang streamers, parang mga talulot ng mga dambuhalang gumamela. Tuwi-tuwinay
bumibilis ang ating mga hakbang, lumalakas ang pintig ng ating puso. Dumagundong ang mikropono, Sa
embassy! Sa embassy!Sinalubong tayo ng mga Metrocom, naglalakad na nagtatago sa likod ng kanilang
mga kalasag, bitbit ang mga truncheon. Pero sumugod ang ating hanay na nagkakapitbisigmalaking
puwersa ng mga estudyantet kabataan, mga drayber at mga manggagawa, mga titser at propesyunal, pati
mga sidewalk vendors at taga-halukay ng basura. Ikaw at akoy nagkadikit na tila pinag-welding ang ating
mga bisig, humihingal sabay sa kalantog ng ating dibdib at maliksing bugso ng kumukulong dugo sa ating
mga ugat. Ang ating poot ay itinudla sa imperyalistang Amerikanong nagpalipad sa presyo ng gasolinat
lahat ng bilihin tungo sa mga ulap. Hindi nagtagal....Takbooo! Namamaril ang mga sundalo! Mga Metrocom
sumusugod!Nagkandarapa tayo, hinila kita, pero hindi ka makatakbo nang matulin, natanggal ang takon ng
iyong isang sapatos. Pinulupot ko ang aking bisig sa iyong baywang. Ngunit biglang-bigla, animoy kidlat,
tinamaan ako ng napakalakas na hampas sa ulo. Nang akoy bumagsak, nasubasob ang aking bibig sa
semento. Natikman ko ang aking sariling dugong nahalo sa buhangin. Sinundan pa ng isang hampas ang
aking likod. At sa aking pagkalugmok nasulyapan kitang nagsisisigaw habang hinatak ako ng mga Metrocom
papalayo sa iyopapalayo...papalayo...parang panaginip.Nanaginip ako... ang aking mga pilik-matay tila
mga rehas na gumuguhit sa maputlang liwanag ng bukangliwayway. Subalit ang totoong mga bakal na rehas
ang siyang natambad sa aking mga mata pagkagising ko sa loob ng stockade. Ikaw ang una kong hinanap
pagbalik ng aking ulirat mula sa guniguni ng gabi.Saan ka, Iris? Lagi kang nagpakita sa aking mga panaginip
at bangungot sa loob ng bilanggoan. Ngunit hindi ka dumalaw kahit minsan man lang. Nasabi ni Clarence na
pinsan ni Judy, pinapunta ka raw sa Amerika. Halos mabuang ako sa kaiisip sa iyo. Kaunting bagay ay
ginawa kong dahilan para gumuho ang daigdig, hanggang nabartolina ako sa bintang na akoy nagtangkang
tumakas.Dalawang taon ako sa stockade, Iris.... At sa aking paglabas hinanap kita sa mga lansangat mga
plaza at sa iba pang mga alaalang dinaanan ng ating mga pangarap para sa kinabukasan at kalayaan.
Hanggang nagkatagpo kami ni Daisy na katulad koy nangalap din ng mga suhay sa buhay. Sa hangaring
mapunan ang aking lungkot, pangungulila at kabiguan, isinama ko siya sa ilalim ng isang bubongnag-livein kami ng humigit-kumulang isang taon. Subalit walang puwang ang paglimot, Iris. Ikaw...ikaw at ang ating
pinagsaluhang mga sandalisilay walang katapusan! Tulad ng pangarap para sa katubusan.Labimpitong
taon ang lumipas magmula ng sandaling ikawy saklutin mula sa aking mundo. At ngayon...nitong siyudad
na pinaghahandugan natin ng ating mga lunggatit pagpupunyaging ating pag-ibig at pagpapakasakit
nagkikita tayong may kanya-kanyang bitbit na salaysay, halos dalawang dekadang limbo ng ating

buhay.Marami akong attempts na bisitahin ka sa stockade, Eric. Pero, binigo lahat ni Mama. Dalawang
buwan mula sa iyong pagkabilanggo, isinama ako ng aking auntie sa Amerika. Kung ilang beses akong
sumulat sa iyo. Pero hindi ka sumagot. At nabalitaan ko na lang na nag-asawa ka na.Wala akong
natanggap na sulat mo, Iris. Wala.Well, wala nang kabuluhan para pagtalunan natin yan, Eric. Bastat
nangyari ang nangyari na wala sa kapangyarihan natin ang makapagpigil. Kahit ang EDSA nangyaring hindi
naaayon sa ating mga layunin, di ba?Edsa...? Totoong hindi natin yon napaghandaan. Pero, let there be
no mistake about it! Malaki ang papel ng FQS at ang walang-humpay na pakikibaka ng masang
rebolusyonaryo sa panahon ng martial law.Pero salamat sa Edsa revolution pinayagan akong umuwi dito sa
Pilipinas.Wala kang kasintahan sa Amerika, Iris? Babalik ka ba roon? Hmmm...tatlo, apat...siguroy higit
pa ang naging boyfriends ko, Eric. Pero, so what? Dumaan lang sila sa aking buhay... at aywan.. . di pa ako
sigurado kung babalik ako sa Amerika, tumahimik ka sandali, Bakit?Bakit? Ikaw dapat ang may tiyak na
kasagutan sa iyong bakit. Inanyayahan kitang magpunta sa Quiapo...sa Plaza Mirandalarangan ng laksalaksang salitat kamaong winasiwas sa langit, eksena ng mapagbatikos na mga aksiyon, dambanang
pinaghandugan ng ating pinakadakilang hangarin para sa kalayaan at kinabukasan. At sa di-inaasahang
pagkakataon, napadako tayo rito sa loob ng Simbahan ng Quiapo. Nitong malamig na dapithapon limang
araw papalapit sa pagsilang ng Banal na Bata. Kumukurap-kurap ang mga kandila na parang mga alitaptap.
Sa aking isipay napagwari ko kung hindi nga kaya ang mga itoy mga mata ng mga bayani ng ilang siglong
pakikibaka ng mamamayang Pilipino para sa kalayaan...nagbabantay sa atin sa kung anong di-maaarok na
dahilan? Mula sa labas dumaloy sa ibabaw ng humihiging na dasal ang tinig ng mga batang kumakanta ng
Pasko na naman Umisod kat naglapat ang ating katawan, inabot mo ang aking kamay, hinawakan nang
mahigpit. Inaninag ko ang iyong mukha sa gitna ng pusyaw na liwanag. Inilapit mo ang iyong bibig sa aking
tainga, Drens, mag-alay tayo ng kaunting panalanginHmm?Para sa lahat na nauna nang lumisan sa
atinOo, mga manlalakbay sa mahabang gabi...naghawan ng mga landas sa kasaysayan.

You might also like