You are on page 1of 4

Mahahalagang Akda at Ambag ng Bawat

Manunulat

I.

Sa Larangan ng Sining at Panitikan

FRANCESCO PETRARCH
Unang dakilang humanistang manunulat dahil sa kanyang interes sa klasikong kaalaman,
pagpapahalaga sa kalikasan, at pagmamalaki sa kanyang mga nagawa. Nakilala siya sa
kanyang magagandang sonnet o mga lirikong tula na isinulat sa wikang Italyano.

NICOLLO MACHIERELLI
Sumulat ng The Prince na isang gabay na aklat para sa mga pinuno na naghahangad na
mapanatili ang kapangyarihan. Naniwala sa Machiavelli na ang tao ay likas na makasarili,
pabago-bago ang isip, at sinungaling, kayat upang magtagumpay ang isang pinuno ay
kailangang maging malakas at tuso. Kung kinakailangan ay maaaring linlangin ng isang
pinuno ang mga kaaway at mga tao para sa kabutihan ng estado.

LEONARDO DA VINCI
Pintor, imbentor, manunulat, eskultor, arkitekto, musikero, inhinyero, at siyentipiko.
Itinuturing din siya na isang henyo. Kabilang sa kanyang mga tanyag na painting ay ang
Mona Lisa at The Last Supper. Ang Mona Lisa ang itinuturing na pinakatanyag na painting
sa buong mundo. Ang The Last Supper naman ay isang fresco na ipininta ni da Vinci sa
haligi ng isang monastery sa Milan, Italy.

GIOVANNI BOCCACCIO
Iskolar na humanista na sumulat ng mga nakakaaliw na maikling kuwento sa makabagong
wika. Ang pinakamahalagang akda ni Boccaccio ay ang The Decameron na naglalaman ng
100 koleksiyon ng mga kawili-wiling kuwento.

DESIDERIOUS ERASMUS
Sumulat ng The Praise of Folly na naghahayag sa mga katiwalian ng simbahan.

MIGUEL DE CERVANTES
Sumulat sa Don Quixote na kumutya sa mga kabalyero at piyudalismo na sa kanyang
pananaw ay hindi na napapanahon sa nagbabagong lipunan.

MICHELANGELO BUONARROTI
Italyanong pintor, eskultor, manunula, at arkitekto. Siya ang nagpinta sa kisame ng Sistine
Chapel sa Vatican. Ang kisame ay may taas na 65 talampakan at may lawak na 5,800
kuwadrado talampakan. Nagawa ni Michelangelo na ipinta sa mataas na kisame ang
tinatayang 300 larawan ng tao na hango sa Bibliya. Nililok din niya ang eskultura ni David sa
Florence at Pieta sa Rome. Siya rin ang nagdisenyo ng simboryo o dome ng St. Peter
Basilica noon 1547.

RAPHAEL SANTI
Ipininta ang Sistine Madonna. Ipininta rin niya ang isang fresco sa aklatan sa Vatican na
tinawag na The School of Athens.

SANDRO BOLTICELLI
Ipininta ang Birth of Venus at Venus and Mars.

DANTE ALIGHIERI
Sumulat ng Divine Comedy na isang mahabang tula na nahati sa tatlong bahagi. Ito ay
patungkol sa pag-ibig, kamatayan, at pananampalataya. Isinulat niya ito sa wikang Italyano.
Itinuturing ito na obra sa panitikan.

GEOFFREY CHAUCER
Sumulat ng Canterbury Tales na koleksiyon ng mga kuwento patungkol sa mga naglalakbay
na pilgrim sa isang dambana sa Canterbury, England.

BALDASCASARE CASTIGLIONE
Sumulat sa The Courtier na naging batayan ng wastong pagkilos. Inilarawan ang ideyal na
katangian ng isang lalaki at babae sa panahon ng Renaissance.

THOMAS MORE
Sumulat ng Utopia na inilarawan ang isang lipunan na umiiral ang katwiran at tumataguyod
sa pampublikong kapakanan.

II. Sa Larangan ng Agham


NICOLAS COPERNICUS
Astronomo at matematikong Polish na nagpaliwanag na ang Araw ang sentro ng Solar
System. Ang kanyang teorya ay tinawag na Heliocentric. Inilathala ni Copernicus ang
kanyang ideya sa aklat na On the Revolution of the Heavenly Bodies noong 1543. Hinamon
ng teorya ni Copernicus ang Geocentric Theory ni Aristotle at Ptolemy na sinasabing ang
Earth ang sentro ng Solar System at ang pananaw ng mga Kristiyano na inilagay ng Diyos
ang daigdig sa gitna ng Universe.

GALILEO GALILEI
Siyentipiko na gumawa ng sariling teleskpyo upang pag-aralan ang kalawakan noong 1609.
Itinala niya ang kanyang obserbasyon sa Starry Messenger, Isang serye ng newsletter na
inilathala noong 1610. Nagbigay siya ng detalye patungkol sa apat na buwan ng Jupiter,
sunspots, ilang bituin sa Milky Way, at ang Buwan.

SIR ISAAC NEWTON


Ipinaliwanag ni Newton ang light at visible spectrum sa kanyang Teoryang Optics. Ang
pinakamahalagang ambag ni Newton ay ang batas ng grabitasyon na nagpasimula sa
pagiimbestiga ng lahat ng bagay sa kalikasan.

III. Kababaihan sa Renaissance

University of Northeastern Philippines


HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Iriga City

Project in
ARALING
PANLIPUN
AN

Submitted by:
JHANEL IRISH FAYE E. ORPILLA
Grade 8 - Narra

Submitted to:

Teacher

Subject

You might also like