You are on page 1of 53

MGA ELEMENTO NG TULA

Ang salitang ginagamit sa panulaan ay:


a. Pinakapipili at matamang pinag-uugnay-ugnay para
makabuo ng mapandamat makatawag-pansing taludtod.
b. Binigbigyan it ng madadalumat na kahulugan
c. Tiyataya ang mga limitasyong iginigiit ng mga kaanyuan
nitot katangian.

Nahahati sa dalawang kalagayan ang mga elemento ng tula:


1. Nilalaman na siyang magpapalutang sa kahulugan
2. Pangkayariang tunog na siyang mlaan ng tono ng tula.

Mga Elementong Pangkahulugan ng Nilalaman


1. Se etimolohiya, ang orihinal na salitang pinagmulan,
madaling Makita ang literal na kahulugan ng salita.
Kadalasan, ang salita ay sa diksyunaryo matatagpuan. Ang
salitang binakayan halimbawa na ang kahulugan ay
pinaglabanan ay maaaring ugatin sa salintang Tagalog-
Cavite na baka - isang deklarasyon ng pakikipaglaban o
bakay isang pagbabantay o pag-eespiya. Samantala, sa
Bikol-Albay, na salita ang bakay ay isang pagsugod o
pagtugis.
2. Sa terminong teknikal na karaniwang naasimila ng lengua
fraca ay nahihinuha rin ang kahulugan ng nilalaman,
datapwat kinakailangan din ang kaalaman sa particular na
larangang kinabibilangan din ng salita para lubos na
maunawaan. Sa Musika, halimbawa, karaniwan ang
salitang boses, pero pag ginamit na ang mezzo soprano,
kompositor lang o siang dalubhasa rito ang magiging
pamilyar.
3. Sa pagtambis o idioma mapapartikular ang pekyulyaridad
ng isang lengguwahe. Halimbaway Tindig-araw nay di pa
luto. Sa Kamaynilaan itoy di naririnig, pero sa Imus, Cavite
itoy pamilyar.
4. Sa lalawiganin o probinsyalismo o sa diyalekto
malalamang tipikal ang salita sa isang bahagi ng lugar.
Gaya ng mga sumusunod: lakayo-payaso; damdamin-
sama ng loob; boret-boret-monte (isang uri ng sugal);
tiburin-kalesa; tapakalo-sang sa harap at likod ng salawal.
Karaniwan lamang ito sa Imus, Cavite.
5. Sa mga bagong likhang salita gaya ng jaguar na ginawa
pang pamagat ng pelikula ni Lino Brocka ay isang Ingles-
Amerika na nangangahulugan ng isang mabangis na
hayop na karniborus mula sa pamilya ng mga pusa, ngunit
dito sa Pilipinas, ang kahulugan nito ay guwardya na
binaliktad lamang. May kaugnayan din marahil sa
guwardyang Gestapo noon sa Alemanya na Jaguar din
ang tawag. Sa pamamagitan ng mga pagbabago ng
kahulugan at ng anyo ng salita, lumalawak ang kahulugan
nito.
Madalas ding makabuo ng bagong salita sa
pamamagitan ng pagsasama ng 2 salitang magkaiba ng
kahulugan at bumubuo ng ikatlo o gaya ng likhang-salita ni
G. Nazatio Bas ng Liwayway Publication na kandilaw na
ang ibig sabihin ay ilaw ng kandila.
6. Sa mga alusyon na isang di-tuwirang pagtukoy sa
pangalan ng tao, lugar, hayop, pangyayari at sipi na kilala
sa ibat ibang particular na larangan tulad ng Bibliya,
Mitolohiya, Literatura, Kasaysayan, atbp. Napapalawak lalo
at napapalalim ang kahulugan at asosasyon ng nilalaman.
Arketipo kung tawagin ito sa Kritisismo. Halimbawa: Adan,
Pamaso, Tsunami sa Ormoc, Silid Kong Sarili, at iba pa.
7. Konotasyon ang tawag sa maugnaying kahulugan o
inaasosayong kaisipan na kabaligtaran ng denotasyon na
walang iba kundi ang talasalitaang kahulugan o
kahulugang literal na mula sa diksyunaryo. Kapag ginamit
ang salitang ina halimbawa, positibo ang ibinibigay na
impresyon, bukod sa mga katangiang mabait,
mapagmahal, matiisin, atbp. Kontra sa madrasta na
negatibo o sa tiya na limitado.
Ang larawang Diwa
Imagery kung tawagin ito sa Ingles. Ito ang mga nabubuong
larawan o imahen sa isipan na nalilikha ng guniguni ng mga
mambabasa. Mula ito sa mga mapapandamang pahayag. Yaong
mga pananaliang nagpapahiwatig ng galaw o kilos, temperature,
tekstura, kulay, amoy, lasa at mga kapangyarihang pangkalikasan
ng katha. Halimbawa:
Naroon siya inilalagos ang paningin sa
bintana nakakulong pa rin sa kanyang sarili, sa
loob ng kanyang silid. Pabugsu-bugso ang hampas ng
hanging tila nagdadabog sa bigat. Ang mga
pagaspas ng dahon ng niyog, tsiko, kaymito at
kamyas sa bakuran ng kapitbahay ay anasang
naghuhumapay sa pag-uumilag sa malulupit na
hagupit ng inip. Ang nakalawit na dulo ng sala-salang
alambre na nakatali sa yero upang magsilbing bakod
sa bubong ay pakaret na kumukumpas. Nanginginig
ang ngiyaw ng pusang nagsusumiksik sa alulod. Ito
ang musika ni Dinang.

Isang Haliging Asin


Joey A. Arrogante
Ang balarila
Kung paanong ang mga salita, mga ideya ay napag-uugnay-ugnay sa
isat isa at napagsunod-sunod sa pagsusulat ay gawa ng kaalaman sa
lingguwistika o grammar. Subalit ang mga makata ay may kakaibang
kalayaang bumago sa mga nakaugaliang kaayusan ng pangungusap
para sa kapakanang magkaroon ng kaibang epekto ang katha. Kung
tawagin nila itoy lisensyang pampoesya o poetic license. Sa halip na
isimple o inatural ang ayos, tinataliwas nila sa pamamagitan ng mga
teknikong pansining gaya ng pagsasa-montage o paghahalu-halong
parang walang kawawaang pagsasalansan ng mga ideya, at
pagdidisporma o distorsyon ng imahen..

Ang mga tayutay


Tayutay ang tawag sa paggamit ng matatalinhagang pagpapahayag.
Nagmumula ito sa isang inspiradong imahinasyon na sa tulong ng
malawak na karanasan sa buhay, mayamang bokabularyo at maunlad
na kasanayan sa pagsasalitaa, pagbabasa at pagsusulat, kahin di na
isipin pa, kusa itong pumipilantik sa dila o sa isip.
Mapanghamong isip ang tayutay. Kailangan kasing unawain itong
mabuti para mahiwatigan agad ang diwang di-tuwirang tinutukoy. Sa
pagbabasa ng mga tula ay may kasabihang Basahin sa pagitan ng mga
taludtod, para maunawaan ang mga sinasabi. Kumbaga, sa pakikipag-
usap, pakinggan ang hindi sinasabi at naroon ang tunay na kahulugan.
Ang kabisaan ng tayutay na dapat tandaan ay nasa kasariwaan
nito. Yaong orihinal na orihinal na hindi pa nagagamit ng sinumang
manunulat.

MGA URI NG TAYUTAY


TAYUTAY
pagtutulad (simili) - di tiyak na paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay. ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng,
paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at
iba pa.
pagwawangis (metaphor) - tiyak na paghahambing ngunit hindi
na ginagamitan ng pangatnig. nagpapahayag ito ng
paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o
katangian ng bagay na inihahambing.
pagtatao (personification) - ginagamit ito upang bigyang-buhay,
pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang
mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga
pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at
pangngalang-diwa.
pagtawag (apostrophe) - isang panawagan o pakiusap sa isang
bagay na tila ito ay isang tao.
pagmamalabis (hyperbole) - ito ay lagpalagpasang
pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay,
pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian,
kalagayan o katayuan.

tula - isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay,


hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin, at
ipinahahayag sa pananalitang may angling aliw-iw.
Sukat - isang mahalagang elemento ng tula. karaniwang gamitin
ang labin-dalawa, labing-anim, at ang labing-walong pantig.
Tugma - isa sa pinakamahalagang elemento o sangkap ng tula
ay ang pagkakaroon ng pareho-parehong tunog sa dulo ng mga
panghuling salita ng taludtod.
ganapang tugma kapag magkakapareho ang
TUNOG at TITIK ng huling salita sa bawat taludtod.
di-ganap ang tugma kapag magkapareho
lamang ng TUNOG ang hiking salita sa bawat
taludtod, ngunit MAGKAKAIBA ANG TITIK.

http://www.cram.com/flashcards/mga-uri-ng-tayutay-6627861\
http://www.slideshare.net/allanortiz/sangkap-at-elemento-ng-tula
Ang tula ay isang uri ng sining at panitikan ng pilipino na kilala sa
malayang paggamit ng wikasa ibat ibang anyo at estilo.
Pinagyayaman ang anyo at estilo ng tula sa pamamagitan ng
paggamit ng tayutay.

Mga Elemento ng Tulang Pilipino

1. Saknong isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula


na may dalawa o higit pangtaludtod.
a. 2 linya couplet
b. 3 linya tercet
c. 4 linya quatrain
d. 5 linya quintet
e. 6 linya sextet
f. 7 linya septet
g. 8 linya octave
2. Sukat bilang ng pantig ng tula at Tugma pinag isang
tunog sa hulihan ng mga taludtod* assonance paraan ng
pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay
nagtatapos sa patinig.* conssonance paraan ng
pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay
nagtatapos sakatinig.
3. Sining o Kariktan paggamit ng pili, angkop at maririkit
na salita.
4. Talinhaga ito ay tumutukoy sa paggamit ng
matatalinhagang alita at tayutay.
5. Anyo porma ng tula.

Ano ang Tula?


Ayon kina Ongoco at Pineda, ang tula ay madaling
maipaliwanag bunga ng kawalan ngkaalaman sa pagsulat at
pagbasa at kailangan munang matutunan ng mga tao upang
magingmalinaw at maipabatid sa iba ang isang akdang tuluyan.
Ang mga akdang patula naman aymadaling maisaulo na maaring
maipaulit sa iba hanggang sa mga susunod pang salinlahi.Ang
tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa
pamamagitan ng mgataludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay
tinatawag na taludturan o saknong.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Tula


Sinaunang Panahon
Ayon sa pananaliksik nina Tumangan, Alcomtiser ang
matandang panulaan ng Pilipinas aymasasabing karugtong ng
mga unang kultura ng Timog Silangang Asya.Karaniwan sa mga
kantahin at berso ay tungkol sa mga gawaing maka-Diyos,
tahanan, bukid,dagat, kaligayahan, kasaganaan at iba
pa.Masasabing likas na mga makata ang ating mga ninuno. May
mga tula at awit sila sa lahat ngokasyon ng kanilang buhay.
Patula nila kung bigkasin ang mga bugtong, ang mga
salawikain atmaging mga kasabihan.Ang mga bugtong, ayon kay
Lope K. Santos ay siyang kauna-unahang katutubong tula. Ito'y
ang paghahanay ng mga piling salita na nagsasaad ng talinghaga
at masasagot sa pamamagitan ng panghuhula.Ang salawikain at
mga kawikaan ay mga patula rin. Naglalaman ito ng mga
paniniwalang panlipunan, pilosopiya at mga minanang
kapaniwalaan.

Panahon ng Kastila
Nang matuto ang mga misyonerong Kastila ng wikang
Tagalog, una nilang pinagtuunan ng pansin ang pagsusuri ng mga
panitikang nakasulat ng ating mga ninuno. Pinili nila ang mga
panitikang sa kanilang palagay ay makatutulong sa kanila sa
pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Nakita nilang ang mga
katutubo ay mahilig tumula at bumigkas ng mga tugma. Nahilig
dinsilang umawit kaya ang lahat halos ng mga pang-araw-araw
nilang mga gawain ay naisasagawanila nang may angkop na
awitin. Dahil dito, ang mga tula ang unang kinakitaan ng
pagbabagong- bihis. Ang mga sinulat na tula ng mga paring
Kastilang misyonero ay maiikli sa simula ngunithabang tumatagal
ang mga ito ay nadagdagan ng mga taludtod. Nagsimula sa
dalawang taludtodhanggang sa umabot nang lilimahing taludtod.
Nanatili ang sukat at tugma sa kanilang mga tulakaya hindi
nawala ang indayog sa panulaan nang panahong ito. Ang dating
mga tulang katutubona nakasulat sa matandang baybaying
Alibata ay sinulat ng mga misyonero sa alpabetongRomano.
Kasabay ng pagsulat sa alpabetong Romano ng mga tulang
katutubo ay pumasok na rinsa panulaang Tagalog ang ilang mga
salitang Kastila. Nawala ang talinghaga sa panulaan dahilsa
layuning huwag maipagkamali ng mga mambabasa ang
mensaheng panrelihiyon at pangkagandahang-asal.

ANG MGA MAKATA NG PANAHON


1. Padre Francisco Blancas de San Jose. Kinilalang ama
ng tipograpiya sa Pilipinas sapagkataklat niya ang unang
nalimbag sa paraang tipograpiko (isang uri ng paglilimbag).
2. Alonzo de Santa Ana. Siya ang may-akda ng aklat ng
Explicacion de la Doctrina Cristiana enla Lengua Tagala na
nagtataglay ng mga tugmang nagpapaliwanag sa mga aral ng
Diyos nanakapaloob sa aklat na Doctrina Cristiana. Ang kanyang
mga tula aya ganap na umiwas satalinghaga upang maihatid
nang tiyak ang diwang nais iparating ng tula. Kinilala niya ang
pagiging maanyo at masining ng tula kaya siya ay kumilala sa
sukat at tugma ng panulaangTagalog.
3. Pedro de Herrrera. Isa siyang makatang nakilala dahil
sa kanyang mga dalit.
4. Fernando Bagongbanta. Ang mga tula ni Bagongbanta
ay napalimbag at natipon sa Memorialde la Vida Cristiana
kasama ng mga tula ni Blancas de San Jose. Isa si Bagongbanta
sa mgatinawag na ladino noong panahong iyon.5. Tomas Pinpin.
Ama ng limbagan sa Pilipinas. Siya ay binabanggit pa rin bilang
isa sa mgaladinong kasama nina Blancas de San Jose at
Bagongbanta. Ang Como con Dios ay isa sa mga tulang nasulat
ni Pinpin.
6. Pedro Suarez Osorio. Siya ang ipinalalagay na unang
makatang Tagalog na napatala sakasaysayan ng panitikang
Tagalog. Nakilala rin siya sa pagsulat ng mga dalit.
7. Felipe de Jesus. Isang makatang Tagalog mula sa San
Miguel, Bulacan. Pinahahalagahan sakasaysayan ng panitikan
dahil sa kanyang "Dalit na Pamucao sa Tauong Babasa Nitong
Libro"na ang tinutukoy ay ang Barlaan at Josaphat. Si Felipe de
Jesus ang nagpakita ng muling pagbabalik g talinghaga sa
panulaang Tagalog. Tula niya ang Ibong Camunti sa Pugad.
8. Francisco Bencuchillo. Ang may-akda ng Arte Poetico
Tagalo na lumitaw noong ika-18dantaon. Sa aklat na ito ay
tinalakay ni Bencuchillo ang iba't ibang sukat at taludturan ng
tulangTagalog.

MGA AKDANG PATULA


1. Bugtong
2. Sabi o Kasabihan
3. Salawikain
4. Awiting Bayan o Kantahing Bayan
5. Pasyon
6. Awit at Korido
MGA TULANG PANDULAAN O PANTANGHALAN
1. Karagatan
2. Duplo
3. Dalit
4. Juego de Prenda
5. Panubong o Pamutong

Panahon ng Propaganda

Bunga ng pag-unlad ng produksyon sa pagsasaka at


pagsulong ng pakikipagkalakalan sa ibangmga dayuhan, ang
pagkaunlad ng kabuhayan ay nakabuo ng pangkat na mga
Pilipinong nakilalasa tawag na "Ilustrado" at sa tawag na "Middle
Class".
Sa pamamagitan nito, lumitaw ang henerasyon ng mga
kabataang namulat ang mga kaisipan sadi pagkakapantay-pantay
ng mga mananakop at sinasakupan. Sila ang mga Pilipinong
nagisingang kamalayan sa pagiging api. Nang mga panahong
iyon, tayo'y sunud-sunuran sa mgadayuhang panginoon, kahit na
nakatataas ang kabuhayan ng ilan sa atin. Dahil sa mga
pangyayaring ito, tinangka ng mga "ilustrado" na magpasok ng
mga pagbabago. Ito'y hindi sa pamamagitan ng armas kundi sa
pakikipagtagisan ng katuwiran sa katuwiran sa pasulat na
pamamaraan.
Isa ang tula sa naging kasangkapan sa pagpapahayag ng
mga propagandista. Dito nailalahad nilaang kani-kanilang mga
kuru-kuro o pala-palagay, damdamin at maging ang kanilang
mgakaranasan. Ang karaniwang tinutuligsa nila ay ang mga
ginagawa ng mga prayle na sana'y yaongtalagang masasabing
kaugnay ng simbahan. Hindi lubhang nanuligsa sa mga taong
pamahalaandahil sa mga layunin lamang ng Propagandista ay
pagbabago sa pamamalakad ng simbahan kaya't ang damdaming
laban sa mga prayle ang nangibabaw dahil sila ang higit na
maykapangyarihan kaysa mga taong pamahalaan.
Mga Manunulat at Kanilang akda

1. Dr. Jose Rizal - Ala Juventud Filipina ( Sa Kabataang Pilipino)


Ultimo Adios ( Ang Huli Kong Paalam)
2. Marcelo H. del Pilar - Sagot ng Espanya sa Hibik ng
PilipinasPanahon ng HimagsikanAng panahong ito'y nahahati
sa dalawa - Pnahon laban sa Kastila at Panahon laban sa
Amerikano. Bagama't maikli ang panahong nasasakop,
maraming mga pangyayari ang naganapat naging
makasaysayan sa bayan. Kabilang sa mga ito'y ang
pagkakaroon ng pagpapalit ng pamamahala sa
pamahalaan.Bigo ang mga hangarin ng mga propagandista.
Bingi ang pamahalaang Kastila sa mga kahilingansapagkat
noong mga panahong iyon ay abala sa pansariling suliranin
ang Espanya. Dahil dito'y patuloy pa rin ang pang-aapi at
pandudusta, pagsasamantala at paghihigpit ng pamahalaan
atsimbahan sa mga Pilipino.Lumala ang ugnayang Kastila-
Amerikano dahil sa mga tunay na pangyayaring
naganap,ipinahayag ng mga Amerikano ang pormal na
pakikidigma sa Espanya noong Abril 25, 1898.Inanyayahan ni
Almirante Dewey ang mga Pilipino upang makipagtulungan sa
mga Amerikano.Mga manunulat at kanilang Akda1. Andres
Bonifacio - Katapusang Hibik ng Pilipinas- Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa2. Emilio Jacinto - Sa Anak ng Bayan
3. Apolinario Mabini - El Verdadero Decalogo ( Ang Tunay na
Sampung Utos )
4. Jose Velasquez Palma - Himno Nacional Filipino (Pambansang
Awit ng Pilipinas)
Panahon ng Amerikano

Ang mga akdang pampanitikan na naisulat at nailimbag


nang panahong ito ay binigyan nglayang magpahayag ng tunay
na pangyayari hinggil sa iba't ibang paksa at nagkaroon sila ng
pagkakataong makabasa ng iba't ibang uri ng aklat na gumising
pang lalo sa nag-aalab na nilang damdaming Makabayan.
Ano mang uri ng akda ang nailabas ng panahong iyon ,
ang damdaming makabayan ay dinawawala bagkus ay mahigpit
na binigyan ng tuon. Kung minsan ito'y hinaing tungkol
sakaapihang dinanas ng Inang Bayan, o kaya'y pagpupuri sa mga
katangian ng Inang Pilipinas okaya nama'y pagpapahayag ng
mga mithiin tungkol sa pagiging bansang Malaya ng
Pilipinas.Masasabi kung ganoon na ang naging kalakaran sa
panitikan sa panahong ito ay nasyonalismo,karanasan, at
kalayaan sa pagpapahayag.
Sa panahon ng bagong mananakop, ang mga Pilipinong
may likas na hilig sa pagtula ay lalo pang nahilig sa pagsusulat. At
masasabing ito'y bunga rin ng pagkakaroon ng lingguhang
babasahin na naging daan upang malathala ang kanilang mga
akda. Humabi ng tula sa lahat halosng larangan tulad ng liriko,
pandulaan, pasalaysay at pangkalikasan.

MGA URI NG TULA


1. Tulang pangkalikasan
2. Tulang pandamdamin/Liriko
a. Soneto
b. Elehiya
3. Tulang Pasalaysay
4. Tulang Pandulaan
a. Balagtasan
b. Batutian
c. Pagpuputong

https://www.scribd.com/doc/59225579/Ano-ang-Tula

You might also like