You are on page 1of 5

Group 4

Kabanata 31-39

Members:
Bea Buendia
Diane Dychitan
Ervin Picardal
John Lloyd Apolinario
John Patrick Libo-on
Joyce Anne Lim
Juf Hugo Landero
Migs Santos
Phillipe Alain M. Pantas
JOHN PATRICK LIBO-ON

Kabanata 40

Ang Katapusan

Tagapagsalaysay: Nagiisa si Padre Florentino sa kanyang bahay na nasa tabi ng dagat.


Tumutugtog siya ng kaniyang armonyum, kasaliw ang ugong ng alon. At lagaslas ng mga sanga
ng mga punong gubat. Noong umaga ay may natanggap na liham ang pari na galing sa
tenyente ng mga guwardiya sibil.

Nasa liham: Mahal kong Kapelyan: Katatanggap ko ng telegramang buhat sa kumandante.


Sinasabing dakpin ng patay o buhay ang Kastilang nagtatago sa bahay ni Padre Florentino.
Maliwanag ang telegrama. Pagsabihan ninyo ang inyong kaibigan upang di datnan ng mga
guwardiya sibil sa ikawalo ng gabi. Lubos na sumasainyo, PEREZ.

Don Tiburcio: (pautal-utal) A...ang Victorinang ito..ku...kulang na lang....na...na ako'y ipabaril!

Padre Florentino: Ngunit ang sinasabing Kastila ay hindi ikaw kundi si Simoun.

Tagapagsalaysay: Hindi napigilan ni Padre Florentino si Don Tiburcio. Sa kabilang dako, bigla
na lamang dumating ang mag-aalahas. Pasan ang kanyang baul ng kayamanan. Duguan ito.
Malungkot. Pagod. Magiliw na tinanggap ni Padre Florentino si Simoun.

Padre Florentino: Bakit ka sugatan Ginoo?

Simoun: May mga tumugis saakin na mga kawal.

Padre Florentino: (pabulong) Ano ang kanyang gagawin pagdating ng mga guwardya sibil?
Masama sakanya ang magkikilos o pagbiyahe. Ngunit ayon sa telegrama ay buhay o patay!

Padre Florentino: (lalapit sa maysakit) Nahihirapan ba kayo, Ginoong Simoun?

Simoun: Bahagya po. Pero sandali po lamang ito. Matatapos rin ang paghihirap ko.

Padre Florentino: (nangilabot) Diyos ko! Ano ang inyong ininom?

Simoun: Wala nang magagawa! Maaring patay... ngunit buhay, hindi!

Padre Florentino: Diyos ko! Diyos ko!

Simoun: Huminahon kayo. Ang nagawa na ay nagawa na. Ayokong mahuli ng buhay. Ayokong
mabatid nila ang aking lihim. Huwag kayong mabahala. Pakinggan ninyo ako. Gagabi na.
Kailangang ipagtapat ko sainyo ang aking lihim.

Padre Florentino: Lunasan natin ang lason, Ginoong Simoun. Mayroon akong apomorpina, eter
o kloropormo.

Simoun: Wala nang magagawa pa! Huwag kayong magsayang ng oras. Yayao akong dala ang
aking lihim.
Tagapagsalaysay: Lumuhod si Padre Florentino. Nanalangin sa paanan ni Kristo. Nakasubsob
ang mukha sa dalawang palad. Saka tumayo. Hinila ang isang silya. Inilapit sa maysakit at
humandang makinig.

Simoun: (pabulong) Ibarra ang aking tunay na pangalan

Padre Florentino: (napaurong, tinitignan ang kaharap na lipos ng pagkabahagan)

Tagapagsalaysay: Nagpakahinahon ang pari. Tinakpan ng panyo ang mukha at muling nakinig.
Isinalaysay ni Simoun ang kanyang buhay. Mula ng magbalik siya buhat sa Europa na puno ng
pag-asa at magagandang pangarap sa tahimik na pamumuhay. Hindi nangyari ang kanyang
mga inasam. Ginulo siya ng mga kalaban. Nawala ang lahat sa kanya. Pangalan. Yaman. Pag-
ibig. Kalayaan. Kinabukasan.

Simoun: Nailigtas lamang ako sa kamatayan ng isa kong kaibigan. Nagtungo ako sa ibang
bansa para magnegosyo at nakisama sa mga naghihimagsik sa Kuba. Tumulong ako sa
magkabilang panig. Doon ko rin nakilala ang isang komandante na nagsimulang mangutang
saakin. Sa tulong ng aking yaman ay nagawan ko ng paraan na maging Kapitan Heneral ng
Pilipinas ang komandante. Inudyakan ko ito gumawa ng lahat ng katampalasanan, kapalit ng
aking salapi.

Tagapagsalaysay: Ang pagtatapat ay naging mahaba, at mabigat. Paminsan-minsan lamang


nagtatanong ang pari. Gabi na nang matapos ang kumpisalan.

Padre Florentino: (magpapahid ng pawis) Patawarin kayo ng Diyos, Ginoong Simoun. Batid
niya ang tao'y nagkakasala. Nakita niya ang inyong pagtitiis. Alam niya ang nag-udyok sainyo
na magkasala. Tanggapin nawa ninyo ang kanyang pagpapatawad. Binigo niyang isa-isa ang
inyong mga balak. Una'y sa pagkamatay ni Maria Clara. Ikalawa'y sa kawalang ingat sa ano
mang mangyari. At ang ikatlo'y sa paraang mahiwaga. Igalang natin ang kanyang kalooban at
pasalamatan natin siya.

Simoun: Sinabi ba ninyo.. na kagustuhan niyang ang kapuluang ito ay...

Padre Florentino: Magpatuloy sa pagtitiis? Di ko alam, Ginoo. Hindi ko nababasa ang kaisipan
ng Diyos! Ngunit alam kong di niya pinapabayaan sa kagipitan ang mga bayang may pananalig
sa kanya. Siya ang hukom sa mga inaapi. Kapag ang katarungan ay niyuyurakan na,
humahawak na ng sandata ang sinisiil. Ipinaglalaban na ang kanyang tahanan, ang asawa at
mga anak. Ito ay nasa mga bituin. Ang Diyos ng Katarungan ay hindi nagpapabaya sa mithiing
kalayaan na kung wala ay wala ring katarungan. Simoun: Kung gayon, bakit di niya ako
tinulungan?

Padre Florentino: Sapagkat ginamit ninyo ang isang paraang hindi niya mapapayagan.

Tagapagsalaysay: Hindi binigyan ng pagkakataon ng pari na makapagtanong ang maysakit.

Padre Florentino: Ang kaluwalhatian ng pagiging bayani ng katubusan ng isang bayan ay di


makakamtan ng isang nakatulong sa kanyang kapariwaraan. Inisip ninyong lunasan ang
kabuktutan ng isa ring kabuktutan. Mali! Ang poot ay lumilikha lamang ng mga dambuhala. Ang
krimen ay humuhubog ng mga salarin. Pag-ibig lamang ang nakapangyayari, ang
nakapagliligtas! Kung balang araw ay lalaya ang ating bayan, hindi sa tulong ng kasamaan
kundi sa pagkakaisa ng kanyang mga anak. Maganda at mabuti ang katubusan. Ang katubusan
ay sibol sa pagpapakasakit. Ang pagpapakasakit ay pag-ibig!

Simoun: Sang-ayon ako sa inyong sinabi. Ako nga'y nagkamali. Dahil ba sa pagkakamali ko ay
itatanggi na ng Diyos ang kalayaan sa aking bayan? Bakit hindi ako sinugatan ngunit
pinagtagumpay ang bayan?

Padre Florentino: Ang matapat at mababait ay nagtitiis upang ang kanilang mithiin ay
mamayani. Kailangang ang pabango ay alisan ng takip at alugin para humalimuyak. Kailangan
pakiskisin ang dalawang bato upang patalsikin ang apoy. Itinadhana rin ng Ditos ang pag-uusig
ng sinisiil sa naniniil.

Simoun: Alam ko.. kaya pinalala ko ang pagmamalabis.

Padre Florentino: Totoo po yan. Pinalusog ninyo ang kabulukan ng iba. Pinalago ninyo ang
kabulakam sa lipunan nang wala kayong ipinunlang mithiin. Sa pagpapalusog ninyo sa
kasamaan ay panghihinawa ang susulpot. Mula sa dumi ay tumutubo ang lasong kabuti. Ang
masamang hilig ng pamahalaan ay tunay na pumapatay sa kanya ngunit kasamang namamatay
ang lipunang nalalaganapan. Sa isang bulok na pamahalaan ay angkop ang bayang walang
kaayusan sapagkat walang layunin. Sa isang pamahalaang walang budhi ay nagiging mailap
ang mga mamamayan. Mga sunud-sunuran sa bayan at mga tulisan sa kabundukan. Kung ano
ang panginoon ay gayundin ang alipin. Kung ano ang pamahalaan ay gayundin ang bayan.

Simoun: At ano po ang nararapat gawin?

Padre Florentino: Magtiis at gumawa!

Simoun: Magtiis...? Gumawa? A, madaling sabihin 'yan ng di pa nagtitiis... kung ang paggawa
ay may ibinubunga. Totoong malaking pagpapakasakit ang kailangan ng Diyos mula sa tao na
bahagya nang makaranas ng biyaya ng kasalukuyan kaya't may alinlangan sa kinabukasan.
(nagbuntong hininga). Kung nakita lamang ninyo ang nakita ko...! Mga kasawiang palad.
Kaimbihinan. Pagkaapi. Na nagdusa dahil sa mga kasalanang di ginawa. Mga pagpatay upang
itago ang sa ibang sala. Kawalan ng kaya sa panunungkulan. Mga sapilitang paggawa sa mga
amang maralita na ipinagdudusa ng buong mag-anak. Magtiis...gumawa...anong Diyos iyan?

Padre Florentino: Isang Diyos na makatarungan, Ginoong Simoun. Nagparusa sa kulang ng


pananalig. Sa may masamang hilig. Sa may malilit na pagpapahalaga sa karangalan ay
pagkamamamayan. Pinababayaan natin ito kaya't nagiging bahagi tayo ng paglaganap ng
masamang kaasalan. Kung minsa'y pinapupurihan pa natin ito. Pinagtitiisan natin ito. At
pagtitiisan din ng ating mga anak. Siya ay Diyos ng kalayaan na upang maging karapat-dapat
tayo ay nag-uutos sa ating magdala ng mabigat na pananagutan. Siya'y Diyos ng kawang-
gawa, ng pagkakapantay-pantay na sa pagpaparusa sa atin ay pinabubuti tayo. Nagkakaloob
lamang ng mabuting kalagayan sa mga karapat-dapat sa ating pagsusumakit. Hindi ko
sinasabing ang kalayaa'y kunin natin sa tulong ng patalim kundi sa isang uri ng pangangatwiran
at pagkamarangal. At pag ang isang bayan ay nakaabot na sa ganyang katayuan Diyos na ang
magbibigay sa kanya ng sandata ipang pabagsakin ang mga nagdidiyus-diyusan at kamtin nila
ang kanilang kalayaan. Ang ating kasamaan ay sa atin din galing. Hindi dapat ito isisi sa iba.
Ang Espanya ang magbibigay sa atin ng kalayaan. Tulad ng isang ina na kagampan na sa
sanggol na hindi na niya mapipigil pa ang pagsilang o magaganap ang pagkakasalang
nakaririmarim. Kailangang mailuwal muna ang pagsasarili. Aanhin ang kalayaan kung ang
mamamayan ay alipin parin? At ito'y nangyayari habang pinapayagan ng busabos na siya ay
busabusin. Ginoong Simoun, kung ang bayan ay di pa nakahanda sapagkat kapos pa sa
kaalamanan, lahat ng matalinong pagtatangka ay mabibigo.

Tagapagsalaysay: Hinawakan ni Simoun ang kamay ng pari at pinisil iyon. Dalawang pisil. At
narinig ang isang buntunghininga ng nasa kama. Tinangay ito ng panggabing hangin at isinapi
sa hampas ng alon sa pamasagan. Sumikat ang buwan ma nakipagsintahan sa mga sanga ng
mga puno sa gubat.

Padre Florentino: (pabulong) Nasaan ang kabataang may pangarap at kasiglahan para sa
kanilang bayan? Tagapagsalaysay: Pinanggiliran ng luha si Simoun. Tumayo. Nanungaw.
Minalas ang kalawakan ng dagat. May kumatok. Ang kanyang utusan. Tinanong kung
magsisindi na ng ilaw. Lumapit si Padre Florentino sa nakahiga. Sa tulong ng nasindihang
lampara, nakitang iyon ay nakapikit. Inakala niyang natutulog Ngunit napansing hindi
humihinga. Pinulsuhan. Nalamang patay na. Lumalamig na. Lumuhod si Padre Florentino at
nanalangin.

Padre Florentino: Kahabagan nawa ng Diyos ang nagliko ng iyong landas!

Tagapagsalaysay: Tinawag ng pari ang mga utusan. Sila'y nagsiluhod at nagdasal para sa
patay. Habang paulit-ulit na na binibigkas ng mga nagdadasal ang mga requiem ay kinuha ni
Padre Florentino ang takbang bakal ni Simoun. Nanaog sa hagdan. Sandaling tumigil. Saka
nag-patuloy tungo sa talampas na laging inuupuan ni Isagani habang minamalas ang kalaliman
ng dagat. Ang baul ng kayamanan ni Simoun ay inihagis ni Padre Florentino sa dagat.
Makailang umikot ito bago lumubog. Nakita ng pari ang pagtilamsik ng tubig. Bumuluwak. At
ang dagat ay muling naghilom. Naghintay ng sandali kung ang dagat ay may ibabalik. Walang
nagbago sa alon.

Padre Florentino: Itago ka nawa ng kalikasan sa kalaliman, kasama ng mga perlas mo at


korales! (nag-unat ng kamay paturo sa tubig na pinaghagisan ng baul) Pag kakailanganin ka ng
tao sa isang dakila at banal na layunin ay ituturo ng Diyos kung paano ka babawiin sa
sinapupunan ng mga alon...Samantala, diya'y wala kang kasamaang mapaggagamitan. Hindi
mo mababaluktot ang katwiran. Hindi ka makapag-uudyok ng kasamaan!

You might also like