You are on page 1of 6

Isinilang si Antonio noong Nobyembre 9, 1946 sa Palasinan, Cabiao, Nueva

Ecija. Nagkolehiyo siya sa Unibersidad ng Silangan, kung saan niya nakilala


sina Almario at Mangahas, at naging punong patnugot ng Dawn, ang opisyal
na pahayagan ng nasabing unibersidad. Sa pamamagitan ng kanilang mga
akda, naibalik nila ang Filipino bilang isang wikang pampanitikan. Dito rin
siya nagtapos ng kursong BA Political Science noong 1969.

Para sa kanyang mga tulang sumusuri sa kalagayan at isyu ng lipunan,


nanalo siya ng Ikalawang Gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial
Awards para sa kanyang koleksyong Tatlong Awit ng Pagpuksa noong 1971.
Buhat noon, nanalo pa siyang muli ng mga Palanca hindi lamang sa
kategoryang Tula kundi pati na rin sa kategoryang Sanaysay at Maikling
Kwento, lahat sa Filipino.

Hindi nalimitahan sa Palanca ang tagumpay ni Antonio--kasama si Mario


O'Hara, isinulat nila ang iskrip para sa Insiang, ang unang Filipinong
pelikula na nakabilang sa Cannes Film Festival noong 1970.

Ang kaniyang pinakabagong libro, ang Pingkian at apat pang aklat ng


tunggalian, ay isang koleksyon ng kaniyang mga tula mula dekada '60
hanggang sa pangkasalukuyan. Kabilang dito ay ang Pingkian, na binubuo ng
mga tula tungkol sa rebolusyong Pilipino laban sa Kastila, at nakasulat sa
istilong epiko.

Nagsilbi rin siyang patnugot ng Aklat Adarna Project ng Children's


Communication Center at isang kolumnista para sa pahayagang Kabayan.
Kasama si Ariel Dim. Borlongan, isinalin nila ang libro ni Renato
Constantino na The Philippines - A Past Revisited sa Filipino, na
pinamagatang Ang Bagong Lumipas I.
Ito ang kanyang nagawang tula.

20 Tula - 1971

Hagkis ng Talahib - 1980

Pagsalubong sa Habagat - 1986

Pingkian at apat pang aklat ng tunggalian - 1997

At ito naman ang kanyang awards

Tatlong Awit ng Pagpuksa - Ikalawang Gantimpala, 1971

20 Tula - Special Prize, 1972

Sangkipil na Uhay - Unang Gantimpala, 1976

Sa Bibig ng Balon at Iba Pang Tula - Unang Gantimpala, 1977

Duyan, Araro, Pungko - Ikalawang Gantimpala, 1978

Pagsalubong sa Habagat - Ikalawang Gantimpala, 1985


Lilok ng Lilo - Unang Gantimpala, 1999

Maikling Kwento sa Filipino

May Hatid na Subyang ang Hangin at Ulan - Ikatlong


Gantimpala, 1981

Alitaptap sa Gabing Maunos - Ikatlong Gantimpala, 1985

Sanaysay sa Filipino

Bakasin mo sa Bakasyon - Unang Gantimpala, 1999

Pamagat

Amando V Hernandez

Isang Dipang Langit

Akoy ipiniit ng linsil na puno


hangad palibhasang diwa koy piitin,
katawang marupok, aniyay pagsuko,
damdamiy supil nat mithiin ay supil.
Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas


ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susit walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anakiy atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapoy tila isang tanikala


na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsay magdaan ang payak na yabag,


kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabiy biglang magulantang


sa hudyat may takas! at asod ng punlo;
kung minsay tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon


bilangguang mandiy libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay koy dito mapipigtal.

Ngunit yaring diway walang takot-hirap


at batis pa rin itong aking puso:
piitay bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang taot Bathala ay di natutulog


at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilyay may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw


sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay
layang sasalubong ako sa paglaya!
I TAGPUAN

Kulungan

II TAUHAN

Bathala

III BANGHAY

IV TONO

Ang tono nito ay may hinagpit o kaya malungkot na damdamin.

V PUNTO DE VISTA

VI PAKSA o TEMA

Hindi nawawalan ng pagasa sa paglaya sa kanyang selda .

VII THOERYA/DULOG
Ang akda ay may isang maramdamin na nakaaan o ikinahaharap sa kanyang buhay .
dito niya pinapakita ang kanyang hinanagpit sa damdamin.

VIII REKSYON/OMENTO

Kung meron man hinanakit o kaya kalungkutan ay wag magatubiling maglabas ng


salobin at ipakita ang tunay na gusting sabihin sa lahat ng tao , dahil doon lang
magiging Masaya ang iyong damdamin.

You might also like