You are on page 1of 1

Si Pedro Guevara (February 23, 1879 January 19, 1938), ay isang sundalo,

abugado, mambabatas, at manunulat noong nasa Pilipinas pa ang mga


Amerikano. Siya ay ipinanganak sa Santa Cruz, Laguna, noong February 23,
1879.
Siya ay nag-aral sa Ateneo Municipal de Manila at nagtapos sa Colegio de
San Juan de Letran, Manila, noong 1896.
Sumali siya sa hukbong sandatahan ng Pilipinas noong rebolusyon at
tumulong sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa Biak na Bato sa San Miguel,
Bulacan noong 1897.
Di kalaunan ay siya ay naging mamamahayag para sa isang Espanyol na
pahayagan na Soberania Nacional at Vidas Filipinas. Naging konsehal din siya
ng San Felipe Neri, Rizal noong 1907. Nag-aral siya ng abogasya sa La
Jurisprudencia.
Nagsimula ang buhay pulitika niya noong maging myembro siya ng House of
Representatives noong 1909 hanggang 1912 at nang maging senador siya
noong 1916 hanggang 1922. Noong 1921, siya ay naging delegado ng
Pilipinas sa Far Eastern Bar Conference sa Beijing, China. Noong 1923
hanggang 1936, pinagpaguran ni Guevarra na maaprubahan ang Batas
Tydings-McDuffie na siyang nagtaguyod ng Philippine Commonwealth.
Kasama rin siya sa bumuo ng 1935 Philippine Constitution. Natapos ang
termino niya noong February 14, 1936.
Nang magretiro sa pulitika, bumalik si Guevarra sa pag-a-abogasya. Namatay
siya sa atake sa puso noong January 19, 1938, sa Maynila, at inilibing sa
Manila North Cemetery.

You might also like