You are on page 1of 1

Ang Galing Ko Bilang Tao

Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong madaling mawalan ng tiwala sa kanilang
sarili at tuluyang nalilimutan ang kani-kanilang kakayahang mag-isip at kumilos upang malutas
ang ibat-ibang suliranin nila sa buhay.

Kadalasan pa ngay nauuwi sa pagpapakamatay ang bunga ng bawat problema na hindi nila
mahanapan ng kalutasan. Sila nga siguro ang tipo ng tao na hindi matukoy kung ano ang
maganda, mabuti, at magaling sa kanila.

Siguroy kung nakapagsasalita o nakararamdam lamang ang isang bato ay tiyak na sasabihin
nitong lahat ang nararamdaman niyang inggit sa bawat kakayahan galling at husay na nakikita
nito sa isang tao.

Siguro ngay dapat nating baguhin ang pagtingin sa ating sarili. Maganda sigurong alalahanin
natin na tayo ay tao at sa pagiging tao ay tinataglay natin ang katangian at kakayahang wala sa
ibang nilikha ng Diyos.

Kung mauunawaan lamnag ito ng lahat, wala sigurong tao ang malulungkot, maaawa, at
mawawalan ng tiwala sa sarili at magpapadaig sa mga problemang dumarating sa kaniyang
buhay.

May galing ang bawat tao at iyan ang kailangan nating tuklasin.

You might also like