You are on page 1of 3

Problema sa Solid Waste

Ang pagtatapon ng solid waste o basura ay isang malaking


suliranin hindi lamang ng Asya kundi ng buong daigdig.
Maraming bansa sa Asya ay walang karampatang pasilidad
upang itapon sa maayos na pamamaraan ang basurang
galing sa mga kabahayan maging ang mga basurang
industriyal o yaong mula sa mga ospital, pabrika, at
industriya. Ang hindi maayos na pangangasiwa ng basura ay
nagiging sanhi ng pagkontamina o pagkadumi ng hangin,
tubig at maging ng lupa. Kapag sinunog ang basura,
dumurumi ang hangin. Kapag itinambak lamang sa isang
lugar, ang ilang mga maasido at organikong materyal nito ay
maaaring manuot sa lupa na magiging sanhi ng
kontaminasyon ng tubig na iniinom at ng tubig na
dumadaloy sa irigasyon. Ang hindi tamang pagtatapon ng
basura ay nagdudulot ng problemang pangkalusugan sa mga
tao at problemang ekolohikal naman sa kalikasan.

Polusyon
Isa sa pinakamalalang problema ng polusyon sa kapaligiran
ay ang polusyon sa hangin. Ito ay dahil sa malawakang
paggamit ng petrolyo na nagreresulta sa sulfur dioxide.
Malala ang problemang ito sa mga pangunahing lungsod
gaya ng Beijing sa China, Tokyo sa Japan, Seoul sa South
Korea, Taipei sa Taiwan, Jakarta sa Indonesia, at Bangkok sa
Thailand na kung saan nakapagtala ang mga lugar na ito ng
pagkakaroon ng mataas na lebel ng suspended particulate
matter, sulfur dioxide, carbon dioxide at lead sa hangin. Ang
mga gas pollutants na ito ay may masamang dulot sa
kalidad ng hangin. May malubhang polusyon sa hangin sa
Kazakhstan dulot ng hindi modernong paraan ng pagmimina
dito. Ang kontaminasyon ng hangin ay nagdudulot ng tatlong
seryosong problema: acid rain, ozone depletion, at global
climate change. Ang tubig sa mga dagat at karagatan na
nakapaligid sa Asya ay nagdaranas din ng kontaminasyon
mula sa mga basura, maruming tubig galing sa mga
industriya, ang aksidenteng pagkatapon ng langis o oil spill
mula sa malalaking oil tanker at ang latak o residue ng mga
pesticides. Masama ang dulot ng polusyon sa tubig-dagat sa
kalusugan ng mga tao at sa mga buhay-dagat. Samantala,
ang mga tubig-tabang naman gaya ng Huang Ho sa China,
Ganges sa India, at Amu Darya at Syr Darya sa Hilagang
Asya ay nakararanas ng matinding kontaminasyon dulot ng
urbanisasyon dahil sa mga inilalabas na dumi ng mga
industriya na idinederetso sa mga ilog, at ang mine tailing o
dumi o mga materyales na latak mula sa proseso ng
pagmimina at pagsasala mula sa malalaking minahan. Sa
kanlurang bahagi naman ng Kyrgyztan, marami ang mga
planta ng uranium ang naglalabas ng mga radioactive waste.
Ang mga dumi na ito ay nanganganib na dumaloy sa ilog ng
katabing bansa na Uzbekistan.

You might also like