You are on page 1of 10

Published June 22, 2016 11:23pm

Nanindigan si President-elect Rodrigo Duterte sa kaniyang plano na ibalik ang parusang


kamatayan sa kabila ng pagtutol ng Simbahang Katolika at mga human rights advocate sa
katwiran na hindi nito mapipigil ang paglaganap ng krimen.
Sa pagdalo ni Duterte sa inaugurasyon sa pagkapanalo ni Senator-elect Manny Pacquiao at
iba pang lokal na opisyal ng Sarangani nitong Miyerkules, sinabi ng susunod na pangulo na
nais niyang ibalik ang bitay para pagbayaran ng kriminal ang nagawa nitong kasalanan at
hindi para pigilan ang mga tao na gumawa ng krimen.
The death penalty might be a deterrence to prevent or matakot siya to commit a crime but
that is one school of thought. The other school of thought is, iyang death penalty hindi iyan
pantakot," giit ni Duterte.
Patuloy niya, "Hindi iyan to deter. Whether you like to commit a crime or not, thats not my
business. You are equipped with your mental faculty. Iyong death penalty to me is the
retribution. Magbayad ka sa ginawa mo sa buhay na ito. Kaya hindi kami magkaintidihan
eh.
Nauna nang nagpahayag ng pagtutol sa parusang kamatayan ang Commission on Human
Rights (CHR) at Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP).
Bukod sa hindi umano ito ang solusyon sa paglaganap ng krimen, pinapangambahan na ang
mga mahihirap ang labis na maaapektuhan na hindi kayang kumuha ng mahusay na
abogado para idepensa ang kanilang kaso.
Paliwanag pa ng CHR, marami sa mga bansa ngayon ang nagbabasura na ng kanilang
parusang kamatayan at sa halip ay pinaghuhusay ang sistema ng rehabilitasyon sa mga
bilanggo.
"Sa pamamagitan ng criminal justice sytem sinasabi natin sa mga nagkasala at mga
nagkamali na kailangan silang parusahan pero sa pamamagitan na matututo sila," ani Chito
Gascon, pinuno ng CHR.
"Sa death penalty, wala nang pangalawang pagkakataon pa ang mga salarin at mga
convicted na magbagong buhay dahil kikitilin na ang buhay nila," dagdag niya.
Tiniyak naman ni Archbishop-emeritus Oscar Cruz sa GMA News Balitanghali nitong
Miyerkules na maninindigan ang CBCP kontra sa death penalty.
"Siyempre po naman tututulan po namin iyan, lalo na ng CBCP. Hindi maaaring maupo
lamang ang Simbahan diyan. Tatayuan iyan," ani Cruz.
"Wala pong binigyan ng buhay ang estado na kahit sino kay ahindi po siya puwedeng
kumuha ng buhay ng kahit sino. Iyan po ay malinaw," dagdag niya. FRJ, GMA News
Bakit Kailangang Ibalik ang Death Penalty sa Pilipinas
BY RESIDENTPATRIOT ON SEPTEMBER 29, 2015 ( 7 )

Drugs, gun-for-hire killings, murder, rape, child prostitution, kidnapping, robbery, acts of
terrorism at malversation of public funds ito ang mga lumalalang krimen sa lipunan natin.
Ito rin ang mga problemang ipapamana natin sa ating mga anak.

Subalit para sa lahat ng krimen na ito ay may isang kandidatong solusyon. Ito ay ang
pagbabalik ng Death Penalty sa Pilipinas.

Narito ang ilang mga dahilan kung bakit kailangang ibalik na sa ating bansa ang
Death Penalty, now na!
1. Dahil hindi natatakot sa batas ang mga kriminal
2. Dahil dumadami ang mga kriminal at nagkukulang ang mga pasilidad para i-contain
sila
3. Dahil nababawasan ang resources ng bansa sa pag-aaruga ng mga kriminal sa
kulungan
4. Dahil nagiging headquarters lang ng mga kriminal ang kulungan
5. Dahil hindi naman lahat ng kriminal ay nagdudusa kahit nahatulan na
6. Dahil may mga kriminal na hindi hihinto sa kasamaan habang nabubuhay sila
7. Dahil lumilikha ng mga bagong kriminal ang mga kriminal
8. Dahil binabago ng tiyak na kamatayan ang perspektibo ng isang tao (nagsisisi,
nagiging banal, tinatanggap ang nagawang pagkakamali, hinahanda ang sarili para
sa pagpanaw)
9. Dahil kahit walang malasakit sa tao ang mga kriminal, may malasakit siya sa sarili
niyang buhay (pwede silang mapigilan sa paggawa ng krimen kung alam nilang tiyak
na kamatayan ang magiging parusa sa kanila)
10. Dahil mapipigilan ng death penalty ang pagdami ng mga vigilante na inilalagay ang
batas sa kamay nila

Dapat din syempreng repasuhin agad ang judiciary system natin upang magkaroon ng
mabilis, pantay at malinis na paglilitis sa mga krimen.

Maraming ginagawang paraan ang pamahalaan natin para dumami ang mga turista at
foreign investment sa Pilipinas. Pero kung ibubuhos lang sana nila ang kanilang puwersa at
paggastos ng pera sa pagbabawas ng krimen sa bansa, siguradong dadami ang lokal na
negosyo, ang pagdayo ng mga turista at investments sa ating bansa.

Gusto ko na sana tapusin ang post na ito sa pagsuporta sa Death Penalty subalit ang mapait
na katotohanan ay hindi magiging epektibo ang Death Penalty sa kasalukuyang kalagayan
ng ating bansa.
Sa kasamaang palad, narito ang mga dahilan kung bakit hindi magiging epektibo
ang death penalty sa Pilipinas.
1. Dahil sa corruption sa loob ng PNP
2. Dahil sa corruption sa loob ng mga kulungan
3. Dahil sa corruption sa judiciary system (mabagal na proseso at nababayarang mga
judges)
4. Dahil sa corruption ng government officials (lalo na sa LGU level)
5. Dahil sa kahirapan sa bansa (iaalok ng mga mahihirap kapalit ng pera ang kanilang
sarili para akuin ang kasalanan ng mga mayayaman)
Ang dapat gawin ng ating bansa kung ganon ay:
1. Eradicate corruption sa lahat ng sangay ng Pamahalaan at pribadong sektor
2. Improve education and basic services para sa mga mamamayan
3. Impose Death Penalty Law

Pero parang loop, hindi ba? Paano mo mai-eradicate ang corruption kung hindi natatakot sa
batas ang mga corrupt? At paano naman sila matatakot kung alam nilang hindi naman sila
mapaparusahan?
Kailangang ma-eradicate muna kung ganon ang katiwalian sa lahat ng sektor ng ating
lipunan. Pero kung wala nang korapsyon, kailanganin pa kaya natin ang death
penalty?

Matagal ng may debate tungkol sa pagpapatupad ng parusang kamatayan hindi lamang dito
sa ating bansa kundi sa buong mundo. Ito ay isyung pinagtatalunan hindi lamang ng mga
mambabatas pati ng mga pangkaraniwang mamamayan.

Nararapat nga bang ipatupad ang nasabing parusa lalo na sa mga karumal-dumal na
krimen? Ang idinadahilan ng mga pabor sa pagpapatupad nito ay upang diumano ay
magkaroon ng takot ang mga nagbabalak na gumawa ng krimen. Sa pamamagitan daw nito
ay magkakaroon ng tahimik at payapang komunidad ang mga tao. Pero ito naman ay taliwas
sa paniniwala ng kontra sa pagpapataw nito. Ang katwiran naman nila ay hindi napatunayan
na sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng maayos at mapayapang kapaligiran. Dagdag
pa nila ay hindi ito makatao at malaking kasalanan sa Diyos. Ang buong mundo ay hati sa
magkaibang paniniwalang ito. Habang ang mga bansang nasa Europa ay nagkakaisa sa
pagtanggal ng parusang kamatayan, ang karamihan naman ng mga bansa sa Asya ay
mahigpit pa ring ipinapatupad ito. Maging ang ilang estado sa bansang Amerika ay
pinapanatili ang nabanggit na kaparusahan. Dito sa Pilipinas ay minsan na itong naipataw.
Naging bahagi na ng kasaysayan ang binitay na si Leo Echegaray at ilan pang Pilipino.
Noong panahon ng dating diktaduryang Marcos ay mahigpit din itong naipatupad. Sa
pagpapatupad nito ay minsan pang napatunayan na wala nga itong kinalaman para
magkaroon ng maayos na komunidad at bumaba ang krimen. Hinati nito ang bansang
Pilipinas. At wala rin itong kinalaman sa pag-unlad ng isang bansa. May mga bansang
maunlad na wala nito pero meron din namang mayaman na mayroong kaparusahang ito.
Ang debate sa isyung ito ay magpapatuloy hanggat nananatili ang parusang kamatayan sa
mundo.

Ang parusang kamatayan ay isa lang sa isyung panlipunan na humahati sa paniniwala ng


mga tao. Mabigat ang parusang kamatayan kayat ito ay dapat pag-isipang mabuti. Ang
buhay ng isang tao ay mahalaga at biyaya ng Diyos. Gayunpaman nararapat ding irespeto
ang paniniwala ng ibang bansa na naniniwala sa pagpapatupad ng nasabing parusa. Sa
pamamagitan nito ay magkakaroon pa rin ng pagkakaisa at ugnayan sa mundo sa kabila ng
pagkakaiba-iba ng mga paniniwala.

Nabuksan na naman ang isyu ng pagbalik ng parusang kamatayan. Ang artistang si Cherry
Pie Picache ay nagsabing dapat ibalik na ito bunsod nang brutal na pagpaslang sa kanyang
ina. Inayunan naman ito ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na noon pa
man ay ganito na ang paninindigan. Pero, tutol ang Malacaang sa panukalang ito. Wala
naman daw itong nakikitang dahilan para ibalik ang death penalty kahit ipinamumukha na
rito ng mga nagpapanukala na laganap na ang mga karumaldumal na krimen.

Hindi isyu kung dumami man ang krimen, kahit karumaldumal ang mga ito. Sa akin, ang isyu
ay nakaangat ba ang ating gobyerno sa antas na may kapangyarihang moral ito para
ipapatay nito ang kanyang mamamayan na napatunayang nagkasala sa krimeng
ibinibintang sa kanya? Hindi magkatugma ang mga posisyong pinaninindigan ng VACC.
Kasama ito sa One Million March na ginawa ng taumbayan laban sa pork barrel. Isa ito sa
mga nagdemanda ng plunder at iba pang kaso laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
Ang kanilang kinasuhan ay ilan lang sa mga kapwa nila na ginawa nang sistema sa gobyerno
ang pandarambong. Sa pamamagitan ng DAP at PDAF at iba pang paraan, nilimitahan nila
ang kakayahan ng gobyernong maikalat sa lahat ang kayamanan ng bansa. Ngayon, itong
gobyernong ito ang uudyukan mong pumatay ng kanyang mamamayang nakagawa ng
krimen?

Ayon sa statistics, ang krimeng lumago ay iyong crime against property. Ito ang krimeng
ginawa ng pumaslang sa ina ni Pacache. Ang iba pang krimen ay may kaugnayan sa
kahirapan. Dukha ang karamihang gumagawa nang kalaswaan sa kanilang mga anak. Paano
kasi, parang sardinas na siniksik sila sa isang kwarto, bakit hindi madedemonyo ang amang
nakadikt na sa kanya ang katawan ng kanyang anak? Wala naman ito sa posisyong iraos ang
makamundo niyang hangarin sa ibang paraan. Kaya ang gobyerno, sa pamamagitan ng mga
umuugit nito, ang nagbigay ng kondisyon para magkasala ang kanyang mamamayan. Higit
sa lahat ibang halimbawa ang ipinakikita ng mga taong nagpapatakbo ng gobyerno, ang
gumagawa ng krimen. Kaya, tulad ng Malacaang, laban ako sa death penalty.

Ang Sentensyang Kamatayan (Death Penalty) sa Pilipinas

KAMAKAILAN LANG, umugong na naman ang usapin tungkol sa parusang kamatayan,


pagkatapos sumambulat sa balita ang ilang karumal-dumal na krimen.
Ang parusang bitay ay kailanman hindi nagsilbi sa kapakanan ng hustisya; bagkus, itoy
ginamit upang kitlin ang mga kalayaan at karapatan ng mamamayang Pilipino. Mula sa
panahon ng mga Kastila hanggang sa panahon ni Marcos, ang parusang bitay ay ginamit sa
politikal at ekonomikong paniniil.

Panahon ng Kastila (1521-1898)


Ilan sa paraan ng parusang kamatayan na ginamit ng mga Kastila ay pagsunog, pagpugot
ng ulo, paglunod, garote, pagbitay, pagbaril, pagsaksak at iba pa.
Sa Codigo Penal ng 1848, ipinataw ang sentensyang kamatayan sa mga Pilipinong tutol sa
pamamahala ng mga Kastila.

Panahon ng Amerikano (1989-1934)


Ginamit ang parusang bitay sa kampanyang pacification ng mga Amerikano at upang
supilin ang mithiing pagsasarili ng mga
Pilipino. Ipinasa ang Sedition Law, Brigandage Act, Reconcentration Act at Flag Law upang
pagtibayin ang marahas na parusa, kabilang na ang death penalty, sa mga makabayang
Pilipino.
Nang rebisahin ang Codigo Penal noong 1932, idinagdag sa lista ng capital offense (mga
krimeng mapaparusahan ng bitay) ang treason, parisidyo, pamimirata, kidnapping, murder,
panggagahasa at robbery with homicide.

Japanese Occupation (1941-1945)


Walang nakatalang nabitay sa panahong ito dahil laganap naman ang extrajudicial na
pagpatay.

Pagkatapos ng Ikalawang Digma


Idinagdag ang espionage sa mga krimeng may parusang bitay. Sa ilalim ng Anti-
Subversion Law, ang mga lider Komunista ay papatawan ng parusang kamatayan.

Presidente Marcos (1965-1986)


Nadagdagan at naging 24 ang mga krimeng may parusang kamatayan, kabilang na ang
subersyon, arson, hijacking, illegal fishing, cattle rustling, unlawful possession of firearms,
atbp.
Deterrence ang naging opisyal na kadahilanan sa pagpataw ng death penalty. Ito rin ang
gagawing batayan sa pagpataw ng Batas Militar noong 1972.

Presidente Corazon Aquino (1986-1992)


Sa ilalim ng 1987 Saligang Batas, inabolish ang parusang kamatayan. Lahat ng
sentensyang kamatayan ay ibinaba sa reclusion perpetua. Ngunit noong 1988, nagsimulang
mag-lobby ang militari na ibalik ang parusang bitay para sa mga krimeng kaugnay ng
insurgency.

Presidente Fidel Ramos (1993-1998)


Bilang reaksyon sa mga krimeng high-profile, nagkarooon ng sapantahang tumataas
ang karumal-dumal na krimen.
Ipinasa ang RA 7659 noong Disyembre 1993 diumano upang masugpo ang sinasabing
tumataas na kriminalidad.
46 na krimen ang nakalista sa RA 7659 na maaring patawan ng kamatayan.
Lethal injection ang magiging paraan ng sentensyang kamatayan.

Presidente Joseph Estrada (1998-2001)


Sa harap ng malawakang kampanya laban sa death penalty, itinuloy ang pagpataw ng
parusa kay Leo Echegaray noong Pebrero 1999. Anim pang iba ang sumunod kay Echegaray.
Noong 1999, kung kailan naganap ang karamihan sa execution, tumaas naman ang bilang
ng krimen sa bansa ng 15.3% kumpara sa nakaraang taon.
Nag-isyu ng de facto moratorium sa pagbitay si Presidente Estrada kaalinsabay sa
pagdaos ng Jubilee Year.

Presidente Gloria Arroyo (2001-2010)


Sinabi ni Arroyo na hindi siya pabor sa parusang kamatayan.
Dala ng tumataas na bilang ng krimeng may kaugnayan sa droga at kidnapping, inanunsyo
ni Arroyo na ibabalik niya ang pagbitay para matakot ang mga kriminal. Noong Disyembre
5, 2003, tinanggal ni Arroyo ang moratorium sa bitay.
Noong Hunyo 2006, nilagdaan ni Arroyo ang batas na nagpapawalang-bisa sa parusang
kamatayan.
Noong Septyembre 2006 naman, nilagdaan ng Pilipinas ang Second Optional Protocol sa
International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR). Kinikilala ng kasunduang ito ang
karapatan ng isang tao laban sa parusang kamatayan. Ipinagbabawal ng Protocol ang
pagpataw ng parusang kamatayan sa sinumang mamamayan ng isang bansang lumagda sa
nasabing protocol. Tahasang ipinagbabawal din ang muling pagpapataw ng death penalty.

Parusang kamatayan, hindi kailangang ibalik, ayon sa ilang mambabatas


Published September 19, 2013 8:07pm
Aminado ang ilang mambabatas na magiging mahirap na ibalik ang parusang kamatayan
sakabila ng patuloy na pagdami ng mga karumal-dumal na krimen na nagaganap sa bansa.

Bagaman nakikisimpatya sa mga naulila ng mga biktima ng karumal-dumal krimen, inihayag


nina Deputy Majority Leader at CIBAC party-list Rep. Sherwin Tugna at Marikina Rep. Miro
Quimbo, na tutol sila sa pagbabalik ng parusang kamatayan.

Naniniwala si Tugna na hindi pa handa ang sistema ng hustisya at posibleng may mga
inosenteng akusado na mapatawan ng parusang kamatayan dahil sa hindi nila kayang
kumuha ng mahusay na abogado.

Basahin: Kasunod ng pagdukot, paggahasa at pagpatay sa isang dalagita, parusang


kamatayan, dapat na bang ibalik?

"Our prosecutorial and judicial system is not ready and is graft ridden, thereby increasing
the possibility of innocent persons being given the death penalty, not because they are
guilty, but because they cannot afford a competent lawyer and the decision is graft ridden,"
paliwanag ng kongresista.

Sinabi naman ni Quimbo na mahusay na sistema ng hustisya ang higit na kailangan ngayon
para masupil ang paglaganap ng krimen.

"We don't need harsher penalties. What we need is judicial certainty where those
responsible are held accountable, a system of justice that is swift, honest and equal," ayon
kay Quimbo, chairman ng House ways and means committee.

Nitong Miyerkules, umiiyak na nagsumamo si Roland Elba, na ibalik na ang parusang


kamatayan matapos ang karumal-dumal na pagpatay sa kaniyang 12-anyos na anak na si
Stephanie Kristel.

Si Stephanie ay dinukot sa kanilang bahay, ginahasa at pinatay sa Muntinlupa City.

Isa sa tatlong suspek ang nadakip.


Maging si AKO Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe, ay naniniwala na hindi parusang
kamatayan ang susi para mapigilan ang pagdami pa ng karumal-dumal na krimen.

"It (death penalty) will not deter crime. What is needed is to strengthen our law
enforcement, prosecution and judicial systems in order to bring criminals to justice and be
meted with appropriate penalties such as life imprisonment which is far worse than death
penalty," aniya.

Inalis ang parusang kamatayan sa Pilipinas noong 2006 sa ilalim ng administrasyon ni dating
Pangulong Gloria Macapagal Arroyo dahil sa paniwalang hindi ito solusyon sa lumalalang
krimen sa bansa.

Si Alex Bartolome ang huling naisalang sa death chamber noong Enero 2000 dahil sa kasong
rape.

Kamakailan lang ay naghain ng panukalang batas si Sen. Vicente Sotto III upang ibalik ang
parusang kamatayan sa mga kasong may kaugnayan sa paggamit ng iligal na droga.--
RP/FRJ, GMA News
- See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/327243/news/ulatfilipino/parusang-
kamatayan-hindi-kailangang-ibalik-ayon-sa-ilang-mambabatas#sthash.A5pJdQi8.dpuf

Ang Death Penalty sa Pilipinas


Sa paglaganap ng krimen at di matapos tapos na drugs, mulin nabuksan ang isyu tungkol
sa pagbabalik ng death penalty sa ating bansa. Itong mga krimen na siyang dahilan upang
bumaba ang porsyento ng mga dumarayo sa Pilipinas ng dahil sa takot at pangamba. Isa sa
mabisang solusyon ang muling pagbabalik ng parusang death penalty, ngunit ano nga ba
talaga ito? Makakatulong nga ba ito sa pagpuksa ng lumalaking krimen sa bansa?
Ayon sa Republict Act No. 7659, ang death penalty ay ang parusang ipinapataw sa
gumagawa ng mga kagimbal gimbal na krimen. Ilan sa mga halimbawa ng mga krimen na
maaaring humantong sa kaparusahang kamatayan ay parricide, murder, qualified bribery,
piracy, kidnapping, robbery, rape at drug pushing. Nauna na itong naipatupad taong 1521-
1898 sa panahon Kastila. Ayon sa Codigo Penal ng 1848 ipinataw ang sestensyang
kamatayan sa mga Pilinong tutol sa pamamahala ng mga kastila. Sa panahon ng Amerikano
naman, ginamit ang parusang bitay sa kampanyang "pacification" ng mga Amerikano at
upang supilin ang mithiing pagsasarili ng mga Pilipino. Sa ilalim ng pamumuno ng Pangulong
Marcos ay muli naman itong ipinatupad at naging 24 ang mga krimeng may parusang
kamatayan. "Detterence"ang naging opisyal na kadsahilanan sa pagpataw ng death penalty.
Tinapos ang parusang sa ilalim ng Saligang Batas 1987 sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong
Corazon Aquino.
Pinaniniwalaang ito ang mabisang solusyon upang mapuksa ang lumalalang krimen sa
bansa. Ayon kay Bato sa isang report, kailangang maibalik ang Death Penalty na batas dahil
kahit marami na ang namamatay at natutumba, nagdadala parin sila ng maraming drugs. Sa
report naman ng GMA News Online, June 22, 2016, sinabi ni Duterte na ang death penalty ay
hindi ipapatupad upang gawing panakot sa kriminal kundi pambayad sa mga kasalanan ng
kanilang ginagawa.
Sa isang post ng Resident Patriot sa the Pinoy site, sinabing kailangang maibalik ang
death penalty sa bansa dahil sa ilang mga kadahilanan. Una ay dahil hindi natatakot sa
batas ang mga kriminal at mas dumarami pa ito na siyang dahilan upang magkulang ang
mga pasilidad at nababawasan ang resources ng bansa sa pag-aaruga ng mga kriminal sa
kulungan. Sunod ay hindi naman lahat ng kriminal ay nagdudusa kahit hatulan at hindi
humihinto sa kasamaan habang nabubuhay sila dahil lumilikha sila ng bagong kriminal.
Nagagawa ring baguhin ng tiyak na kamatayan ang perspektibo ng isang tao. Ngunit sa
kabilang banda, maaaring hindi magiging epektibo ang death penalty sa bansa dahil ang
mga pinuno mismo ang siyang nangunguna sa paggawa ng katiwalian.
Walang nakakaalam kung talaga nga bang magiging epektibo ang death penalty. Nasa
kamay parin nating lahat ang magiging kahihinatnan nito. Dahil kung patuloy parin na
maghihirap at hindi matatakot ang mga mamamayan at kung ang ating mismong pinuno ay
hindi sumusunod sa batas, wala rin namang mangyayari at patuloy paring darami ang
krimen at bilang ng patayan sa bansa.

MATINDI na naman ang mga krimen. Lumalala ang mga insidente ng karumal-dumal na mga
pagpatay. Paulit-ulit na lang. Araw-araw na lang halos nasa balita ang mga karumal-dumal
na krimen.

Ilang beses na nating napag-usapan ang mga maaaring dahilan at mga maaaring solusyon.
Pero hindi halos natitigil ang krimen, parang lumalala pa, parang mas nagiging halang ang
bituka ng mga kriminal.

Kaya maiintindihan natin kung bakit nauungkat na naman ang usapin ng pagbabalik sa
death penalty. Natural na sa ginagawang kampanya ng mga nagsusulong na ibalik ang
death penalty ay parang pinalalabas na ito ang magiging solusyon para masugpo ang
kriminalidad sa bansa. Pero duda ang marami kung mapatutunayan nga na ang death
penalty ang sagot sa laganap na krimen sa bansa.

Natatandaan ko sa mahabang debate sa pag-alis ng death penalty noon, may lumabas na


pag-aaral na nagsilbing ebidensya na hindi raw naman mapipigil ng death penalty ang
krimen. May mga datos na ipinakita noon na nagpapatunay na hindi naman bumaba ang
kaso ng krimen sa isang bansa dahil lang nagkaroon ng death penalty at hindi rin daw
mapatutunayan na mataas ang kriminalidad sa isang bansa na walang death penalty kung
ikukumpara sa mga bansa na may polisiya ukol dito.

Pero ngayon ay umiinit na naman ang usapan. Dahil sa sunod-sunod na patayan, sa sunod-
sunod na kaso ng rape, sa mga nakawan kung saan nilooban na ay pinatay pa ang biktima.
Hindi ako magtataka kung iakyat na naman ang debate sa Kongreso.

Maaalalang ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Asya na nagtanggal sa death penalty
noong 1987, sa panahon ni Pangulong Cory Aquino. Bumalik ito sa panahon ni Pangulong
Fidel Ramos dahil tulad ngayon ay tumaas din ang kaso ng mga krimen noong mga
panahong iyon lalo ang kidnapping ng mga mayayamang Chinese sa bansa. Umiiral din ang
death penalty noong panahon ni Pangulong Joseph Estrada at muli na namang tinanggal, o
na-abolish, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang sabi ng mga pabor na mabalik ang death penalty, mas matatakot daw ang mga kriminal
na gumawa ng krimen at mas angkop daw ang kaparusahang kamatayan sa isang karumal-
dumal na krimen.

Pero sabi ng mga hindi pabor, hindi mapatutunayan na matatakot ang mga halang ang
kaluluwa na gumawa ng krimen dahil sa death penalty. Malalim daw ang ugat ng
kriminalidad sa ating bansa. Nandiyan ang nagkalat na mga bawal na baril, ang korapsyon
sa mga ahensya ng gobyerno na naatasan na sugpuin ang mga krimen, ang kahirapan at
ang kawalang pag-asa ng maraming Filipino.

Ano sa palagay ninyo? Tama ba na ibalik ang death penalty? Kailangan ba natin ito ngayon?
Pag-isipan nating mabuti ito.

MULING nabuhay ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan dahil sa lumalalang
krimen. Ang nagpanukala ay si Sen. Tito Sotto kasama ang iba pang anti-crime groups. Nais
ng mga ito na ibalik ang parusang kamatayan para raw mapigilan ang pamamayagpag ng
mga kriminal.

Sa halip na death penalty ang pagtuunan ng pansin, kalampagin ang Philippine National
Police at mga local na pamahalaan sa pangunguna ng Department of Interior and Local
Government (DILG) na tutukan ang pagresolba sa mga krimen.

Kung maaaresto agad ang mga kriminal buhay man o patay asahan na ito ang pinaka-
instrument upang bumaba ang bilang ng kriminalidad sa bansa lalo na sa Metro Manila.

Kahit pa may parusang kamatayan sa bansa pero kung hindi naman mabilis ang pag-aresto
sa mga criminal, wala rin itong bisa. Bukod dito, dapat pabilisin ang proseso sa mga korte
upang mahatulan at maparusahan agad ang mga kriminal.

Kung susuriin, mas masahol pa nga sa parusang kamatayan ang mabilanggo ng


habambuhay dahil sa hirap ng kalagayan sa mga kulungan maliban na lang sa mga
mayayaman na nakakapamuhay sa loob na masarap pa rin ang buhay.

Namamapayagpag ang mga criminal lalo sa Metro Manila. Malaking problema ang riding-in-
tandem na hindi masugpo ng PNP. E paano, ang solusyon ng gobyerno dito ay ipagbawal ang
may angkas sa motorsiklo sa halip na tugisin ang mga riding-in-tandem criminal.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1


Masyadong mababaw ang diskarte ng hepe ng NCRPO na si Chief Supt. Carmelo Valmoria.
Halimbawa na lang ay nang umatake ang Martilyo gang sa SM-North E . Pawang naka-
shades at sombrero ang Martillo gang. Agad ipinagbawal ni Valmoria ang pagsusuot ng
sumbrero at sunglasses sa mall. Kung ganitong mag-isip ang NCRPO chief malabong
masugpo ang krimen sa Metro Manila.

Samantala, tama ang paninindigan ni President Noynoy Aquino na hindi pa perpekto ang
justice system sa bansa kaya hindi puwede ang death penalty. Ayon kay P-Noy, kapag ang
isang tao ay nahatulan nang mali at naparusahan ng kamatayan, hindi na maibabalik ang
buhay nito samantalang kung habambuhay na pagkabilanggo ay maaring makalaya.

Dapat magising ang mga awtoridad na bilisan ang pagsolusyon sa mga krimen lalo nat ang
madalas biktimahin ay pangkaraniwang mamamayan.

Tila dumarami na naman ang mga marahas na krimen gaya ng pagpatay at rape, na halos
gabi-gabi nating napapanood sa telebisyon.

Laganap na rin ang pagawaan ng droga sa bansa, tulad ng huling napaulat na shabu lab sa
Pampanga.

'Di kaya maiging ibalik muli ang death penalty, at baka makabawas ito sa mga ganitong
krimen?
Sali na sa debate sa comments section sa ibaba at sa GMA News Facebook page.

The death penalty might be a deterrence to prevent or matakot siya to commit a crime but
that is one school of thought. The other school of thought is iyang death penalty, hindi iyan
pantakot.

Isa lamang ito sa mga naging pahayag ni Pres. Rodrigo Duterte tungkol sa pagsulong niya sa
batas na magkaroon ng parusang kamatayan. Tumutol ang simbahang Katoliko sa katwirang
hindi nito mapipigil ang paglaganap ng krimen.

Bilang isang estudyante at mamamayan ng ating bansa, kung ako ang tatanungin, hindi ako
sang-ayon sa death penalty. Bukod sa labag ito sa batas ng Diyos, hindi rin nila mabibigyan
ng pagkakataon na magbago ang isang tao. Hindi ito maari sapagkat marami ang
maaapektuhan.

Sabihin na natin na may mga magandang epekto rin kapag ito ay ipinasulong. Ilang
halimbawa na diyan ay; maaring mabawasan ang paglaganap ng krimen dahil sa takot na
maparusahan nito, mababawasan ang masasamang tao sa lipunan, mapapadali ang pag-
unlad ng ating bansa, at iba pa. Nung una, nakumbinse rin ako, at sumang-ayon sa
parusang ito dahil pag nakulong rin naman ang isang kriminal at nahatulan ng habang
buhay na pagkakabilanggo, mamamatay rin naman ito sa bilangguan. Tama naman diba?
Pero mali. Mas marami pa ring negatibong epekto ito sa buhay ng isang tao. Una, sa death
penalty wala nang pangalawang pagkakataon ang nagkasala na magbago dahil kikitilin na
ang buhay nila. Ikalawa, hindi ito solusyon sa patuloy na paglaganap ng krimen. Hindi nito
mapipigilan na makagawa ng pagkakamali ang isang tao. Ikatlo, ang mahihirap ang labis na
maapektuhan dahil sa ang ibay hindi sila ang may gawa na kasalanan at hindi nila kayang
kumuha ng mahusay na abogado para idepensa ang nabintang na kaso. Ilan lamang ito ito
sa mga posibleng epekto kapag naisulong ang parusang kamatayan.

Ang nagkakasala at nagkakamali ay nararapat na parusahan pero sa pamamagitan na


matuto sila. Sa estado ng ating bansa masasabi natinng marami talagang krimen ang
nagaganap. Nararapat silang parusahan ng tama.

Sa Pilipinas mas maraming mamamayan ang kristiyanong Katoliko. Hindi natin dapat
maipaghihiwalay ang politiko sa relihiyon. Ayon sa nakararami, ang buhay ay mahalaga.
Tayong lahat ay binigyan ng buhay ng Diyos. Ang buhay natin ay hiram lang. Walang
karapatan ang sinumang tao na kumuha ng buhay ng kapwa tao. Diyos na ang bahalang
magparusa sa mga nagkakasala.

You might also like