You are on page 1of 5

1

FAMILY CAMP APRIL 13-14 LESSON


Personal Devotion or Quiet Time

. KAHALAGAHAN

Personal Devotion or Quiet Time


May ibat-ibang tawag-Quiet Time, Daily Devotions, Personal Devotions, Morning Watch- ito ang
Panahon o oras na inilalaan ng isang tao araw-araw para sa Dios upang makipag-tipan sa Kanya sa
Pamamagitan ng Salita, Pananalangin at Pagsamba.

Markos 1.35 Madaling araw pay bumangon na si Jesus at nagtungo sa isang ilang na pook at
nanalangin. Naging ugali ni Jesus na ihiwalay ang kanyang sarili sa kaabalahan upang maglaan ng
oras sa pakikipagniig sa Ama. Kung ang ating Panginoon ay naglaan ng oras para maka-fellowship ang
Ama dapat mas lalo natin pahalagahan ang ating personal devotion. Marami bagay sa ating panahon
ngayon ang uubos at kukuha ng ating atensyon. Tinawag tayo ng Dios upang makipag-isa sa kanyang
Anak na si Jesus

Karanasan ng mga Taong malapit sa Dios


Abraham Genesis 19:27
Moses Exodus 34:4
Job Job 1:5
Hannah and Elkanah 1Samuel 1:19
Jacob Genesis 28:18
David Psalm 5:3; 57:7,8; Psalm 143:8; Isaiah 26:9; Ezekiel 12:8

Bakit kailangan pa natin paglaanan ng oras ang Salita ng Dios at Pananalangin? Kailangan
natin gawin ito upang lumago at mapalakas ang ating ugnayan sa Dios. May nagsabi na ang mabuting
balita ang magdadala sa tao patungo sa Dios ngunit ang Personal devotion ang patuloy na maglalapit
sa tao patungo sa Dios.

MGA ILANG DAHILAN:


1. Panahon na inilaan natin para lamang sa Dios
Ang buhay ay malimit nating mailaan para sa ating sarili, pamilya at mga kaibigan pero ang
Personal devotion ay ang oras na ilalaan natin para lang sa Dios
Ito ang pinaka-mahalagang panahon na maari nating gamitin dahil ito ay panahong ilalaan natin
para sa Dios
Nagiging kamukha natin ang palagi nating kasama, kaya kung nais nating maging katulad ng
Dios ay magbigay ng oras kasama Siya.
Palaging naglalaan si Jesus ng oras kasama ang Ama. Basahin ang mga sumusunod na talata
Luke 5:16; Luke 22:41-44; Hebrews 5:7
2. Ito ang panahon upang tayo ay makinig at makipagniig sa Dios
Napakalaking hamon ang paglalaan natin ng oras sa Dios. Kung mapapansin natin kapag
nagsimula tayo magbasa ng biblia at manalangin ay lumilipad din ang ating kaisipan at
mapunpunta sa ibang bagay.
Ang hirap para mag-devotion ay dahil sa ating struggle sa disiplina. Malimit gumagawa tayo ng
mga dahilan upang hindi matuloy ang ating quiet time.
Maraming bagay ang humahadlang upang magkaroon tayo ng tuloy-tuloy na personal devotion
3. Ito ay magdudulot ng Paglago sa ating buhay spiritual.
Katulad ng isang pagkain ang biblia ay ang pagkaing espiritual upang lumago tayo Mateo 4.4

Kapag ikaw ay isang karpintero hindi ka kukuha ng kasama na hindi kumakain ng isang linggo na.
Kung ikaw ay isang sundalo hindi ka kukuha ng kasama na hindi pa kumakain ng isang buwan na.
Dahil walang kakayanan ang taong mahina.

Hindi ka mananalo sa labang espiritual kung gutom ang iyong kaluluwa. Kailangan nating
pakainin natin
2
FAMILY CAMP APRIL 13-14 LESSON
Hindi katulad ng natural na pagkain natin, kapag pinakain natin ang ating kaluluwa ng biblia,
tayo ay lalong magugutom at hahanapin ang salita ng Dios

4.
3
FAMILY CAMP APRIL 13-14 LESSON
II. PAANO MAG-ARAL NG BIBLIA
Napakalaking papel ang ginagampanan ng biblia sa ating devotion. Dahil sa biblia ang Dios ay
magsasalita sa atin at Kanyang mensahe sa atin ay napaka-halaga. Kaya wag nating madaliin ang
pag-babasa ng biblia upang mangusap ang Dios sa atin.
Basahin ng mabagal. Wag magmadali o huwag bumasa ng mabilis, kailangan marahan lamang
upang maunawaan natin ang ating binabasa.
Ulitin ang binabasa. Para mas maunawaan natin ang mga talatang ating pinag-aaralan.
Maraming tao hindi nila maunawaan ang mensahe ng Dios dahil hindi nila inuulit-ulit.
Basahin ng may tinig. Kapag binabasa natin ng malakas ay nakakatulong ito upang makatuon
tayo sa ating binabasa. Pero hindi masyadong malakas para hindi makaabala sa iba.
Gumamit ng simpleng sistema. Kung nais mong mapakinabangan ng husto ang pagbabasa,
dapat hindi patalon-talon. Maaaring magsimula sa Genesis, maaari din naman sa bagon tipan,
ang iba ay gumagamit ng Daily Bread. Pero mas maganda ay magsimula sa Genesis upang
mabasa natin ang buong biblia.

A. PAGBUBULAY-6 NA PARAAN UPANG PAGBULAYAN ANG SALITA


1. Ilarawan sa ating isipan ang pangyayari sa biblia.
2. Bigkasin ang mga talata Pronounce It! Say the verse aloud, each time emphasizing a different
word.
3. Isulat sa inyong sariling salita ang mga talata.
4. Gawing personal ang mga salita halimbawa may tinutukoy na tao, palitan ang pangalan ng tao sa
inyong sariling
pangalan.
5. Gawing panalangin ang aral o mga aral na natutuhan.

B. APPLYING THE BIBLE

S-in to Confess (kasalanan na dapat ihingi ng tawad)


P-romise to Keep (pangako ng dapat panghawakan)
A-ttitude to Change (ugali na dapat baguhin)
C-ommand to Keep (utos na dapat sundin)
E-xample to FOLLOW (halimbawa na dapat gayahin)

P-rayer to pray (panalangin na dapat hilingin)


E-rror to AVOID (mali na dapat iwasan)
T-ruth to Believe (katotohanan dapat paniwalaan)
S-omething to thank GOD FOR (bagay na dapat ipagpasalamat sa Dios)
4
FAMILY CAMP APRIL 13-14 LESSON

III. PAANO MANALANGIN


Ang panalangin ay napakalaking bahagi ng ating Personal Devotion. Dahil ito ang
paraan upang masabi natin sa Dios ang ating mga kahilingan. Nagsasalita ang
Dios sa pamamagitan ng biblia, ngunit nagsasalita naman tayo sa
pamamagitan ng pagdarasal. Ang panalangin ay ang pakikipag-usap sa Dios.
Ito ay nakatutulong upang
lumago ang ating ugnayan sa Dios. Ang
sabi ng Mateo 26:41 dapat maging
mapagbantay tayo at manalangin. Mayroong
simpleng gabay sa pananalangin ang tawag
natin ay ACTS, ito ay isang Acronym
A-doration (Pagpupuri sa Dios) basahin ang
Awit 68.35
Ito ang pagsasabi kung gaano kadakila ang Dios sa
ating buhay, kung paano natin naranasan ang
kanyang habag at kabutiahan. Ang Pagsamba ay nakatuon lamang sa Dios at sa
Kanyang mga katangian na naranasan natin sa
ating buhay!

C-onfession (Paghingi ng tawad) basahin ang 1John 1:9


Pag-amin sa ating nagawang mga pagkakamali at paghingi ng tawad sa mga nagawang
pagkukulang. Dapat ihingi natin ng tawad upang hindi mahadlangan ang ating ugnayan sa
Panginoon. Ang kasalanan ang dahilan kung bakit hindi dirinig ang Dios sa ating mga pagsamo
Awit 66.18

T-hanksgiving (Pasasalamat) basahin ang Awit 69:30


Dapat ipagpasalamat natin ang mga pagpapalang natangap natin mula sa Dios. Ang
pagpapasalamat ay dapat galing sa ating puso na puno ng kagalakan. Ang nais ng Dios ay
magpasalamat tayo sa lahat ng sandal 1Thesalonica 5.18

S-upplication (Pagsamo sa ating mga Kahilingan) basahin ang Philippians 4:6


Paghingi sa Dios ng ating mga kailangan o paghingi para din sa ibang tao. Nararapat lamang
humingi na may pagpapakumbaba at may magandang layunin. Hindi lang tayo humihingi para sa
ating sarili kundi isinasamo din natin ang kahilingan ng ibang tao.
5
FAMILY CAMP APRIL 13-14 LESSON
IV. COMMITMENT SA DEVOTION
Para magkaroon ng tuloy-
tuloy na personal devotion ay
nararapat lamang mag-takda ng
oras at lugar kung kalian natin
nais gawin ang pagbabasa ng biblia
at pananalangin.
Ilaan ang pinaka mainam na oras
para sa iyo- maaring ito ay sa
umaga, tanghali, hapon o gabi.
Ang mahalaga ay ang oras
na ating ibibigay ang yaong
magkakaroon tayo ng
kalidad na panahon sa Dios.
Ang ating Panginoong Jesus ay
naglaan ng oras sa umaga-para sa
Kanya ay ito ang pinaka mainam
na oras na maibibigay Niya sa Ama
Mark 1:35

ILANG PROBLEMA NA
MAAARING MARANASAN NATIN
1. Alam ko na dapat maglaan ng
Personal Quiet Time pero Ayaw ko!
Solution: idalangin sa Banal na Espiritu na magkaroon tayo ng pagnanais
2. Tinatamad ako mag-devotion
Solution: idalangin sa Banal na Espiritu na magkaroon tayo ng kasipagan
3. Kung saan-saan napupunta ang aking isipan kapag nananalangin ako
Solution: idalangin sa Dios na magkaroon ka ng Focus at madisiplina ang isipan
4. Nakakatamad ang aking Quiet Time
Solution: lagyan ng variation o umawit ka muna ng pagsamba bago magbasa, sumubok ng
ibang pamamaraan

PAGTATALAGA SA AKING SARILI:


Nais kong italaga ang aking sarili para magkaroon ng araw-araw na Personal devotion upang
makapaglaan ako ng oras sa pakikipag-fellowship sa Dios:

___________________________
PANGALAN

You might also like