You are on page 1of 3

I.

METODO

Ang mga respondente sa pananaliksik o pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Saint

Louis University galling sa ibat ibang kurso. Ang mga respondente ay hindi limitado at hindi rin

napili sapagkat ang pag-aaral na ito ay para sa mag-aaral ng Saint Louis University. Naging

respondente rin ang ilan sa mga magulang ng mga mananaliksik at mga ibat ibang faculty ng

Saint Louis University. Napili sila upang ma ayon sa nais makita ng pananaliksik na ito bilang

mga kabilang sa saklaw ng edad na nakaranas ng pagkahapo sa 20th century.

Ang mga mananaliksik ay nakapaglikom ng mga datos mula sa dalawamput apat (24) na

artikulo galing sa EBSCO library ng unibersidad, ang mga mananaliksik ay nakapili ng isang

pag-aaral kung saan ito ang may pinaka malapit sa ideya ng isinasagawang pananaliksik. Ang

sumunod na isinagawa ay ang pagbuo ng pansamantalang talatanungan, kinilatis ang bawat

kakailanganin sa talatanungan at gumawa na rin ng pamagat sa isinasagawang pag-aaral o

research. Ang pamagat ng artikulo kung saan nagtugma ang pananaliksik na ito ay stress

tolerance: challenges for millennial college students dahil ang pokus ng pag-aaral na ito ay ang

KOMPERATIBONG PAG-AARAL: STRESS NOON AT STRESS NGAYON.

Nakatuon ang atensyon ng pag-aaral na ito sa mga estudyanteng laging nai-istress sa

panahon ngayon at kung ano ang pinag kaiba ng mga nakararanas ng pagkahapo noon at ngayon.

Layunin ring malaman ng pananaliksik na ito kung ano ang mga epekto ng mga nai-istress sa

panahon natin ngayon at kung ano ang epekto rin noon, dahil karamihan ng mga estudyante na

rin ngayon ay laging nakakaranas ng pagkahapo sa kaliwa't kanan na mga gawain sa eskwelahan

at sa mga iba pa nilang mga problema.


Sa mga nakalap na datos, ang mga talatanungan ay napasagutan sa mga ilang miyembro ng

klase na kabilang sa ibang grupo, sa mga kaibigan ng nga mananaliksik na nakaksalubong sa

paligid ng Unibersidad, at ang mga mananaliksik ay nag-ikot sa ibang silid-aralan para mag

pasagot ng mga talatanungan, ngunit bago isinagawa ito, humingi muna ng pormal na pahintulot

ang mga mananaliksik sa mga kinauukulan. Ganun rin sa mga naging respondente bago ito

nasagutan upang maiwasan ang pagiging sanhi ng sagabal sa oras at klase ng mga estudyente.

Pagkatapos nilang sagutan ang mga talatanungan ay nagkaroon ng pasasalamat bilang ganti sa

pagbahahi ng oras nila para sa pananliksik na ito

You might also like