You are on page 1of 2

FOCUS GROUP DISCUSSION

PRELIMINARIES:

I. Discuss ARC Profile


II. Presentation of Previous Investment Profile
III. Identification of Gaps and Needs
IV.Brief Orientation on Climate Change Proofing
Ipakita ang mapa at tukuyin ang mga lugar na nakalantad sa
kalamidad. (note: dapat ay may dalang secondary data at mapa ang
AC)

FGD GUIDE QUESTIONS:

1. Bukod po sa niyog, ano pa po ang iba pang tanim ninyo dito sa inyong
ARC? Mayroon din po ba kayong mga alagang hayop?

2. Ano po ang napapansin ninyo sa klima? Ano po ang epekto ng klima sa


inyong mga pananim at mga alagang hayop? May epekto po ba ito sa
inyong kinikita o kabuhayan?

3. Ano po ang naging epekto nito sa inyong kalusugan, at sa mga pang


araw-araw na pangangailangan?

4. Saan po mahina o sensitibo ang inyong mga pananim o mga alagang


hayop, sa sobrang init, sa sobrang lamig o sa sobrang ulan?

5. Ano po ang kasalukuyang ginagawa ninyo para matugunan o


masolusyunan ang mga suliraning nararanasan ninyo?
Hal. Mais, anong napapansin ninyo sa ani noon at ngayon, at ano ang
ginagawa ninyong paraan para masolusyunan ito? Sa mga
alagang hayop?

6. May ibang ahensyang gobyerno po ba ang nakapagbigay tulong o


solusyon sa inyo tungkol sa mga suliraning nararanasan ninyo?

7. Ano po ang mga pangangailangan nyo para matugunan ang mga


suliranin ninyo sa inyong mga pananim at alagang hayop na dulot ng
climate change?

8. Sa mga kasalukuyan nyong physical infrastructure, ano na po ang


kalagayan o kundisyon ng mga ito sa ngayon? May nangangailangan
na po ba ng pagsasa-ayos o repair ng mga ito?
9. Ano pa pong physical infrastructure ang kakulangan ninyo na maaaring
matugunan ng gobyerno?

10. Mayroon na po ba kayong mga health centers? Health workers?


At ang mga kabahayan po ba ay may maayos na palikuran?

11. Naka-attend na po ba kayo ng mga seminars o trainings tungkol


sa mga health awareness at disaster preparedness?

12. Mayroon po ba kayong mga ginagawa o proyekto upang


mapangalagaan ang kapaligiran at mga likas na yaman? Kung wala,
ano po sa palagay ninyo ang magiging epekto nito sa inyong
komunidad? Ano po ang mga dapat ninyong gawin o ihingi ng tulong sa
ibat-ibang ahensya ng gobyerno?

You might also like