You are on page 1of 1

ANG AMA by Mauro Avena

Kapag naghinihintay ng mga bata ang kanilang ama ay laging may halong takot. paminsan
minsan ang ama ay may inuuwing malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at
gulay.pero ito ay para lamang sa kanya pero napakarami nito upang maubos niya nang mag isa at
itoy inihahati-hati ng ina sa mga anak sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang
mapupunta ang lahat,at ni katiting ay walang ,maiiwan sa maliliit.
anim lahat ang mga bata ang pinakamatanda ay isang lalaki dose anyos at isang babae onse, kahit
na payat ito ay matatapang parin at kapag wala ang ina ay sila nalang ang maghahati sa lahat ng
bagay para meron din ang mga maliliit,dalawang lalaki,kambal,nuwebe anyos,isang maliit na
babae,otso anyos at isang dos anyos na maliit pa lamang.lahat ito ay maiingay naghahangad na
mabigyang parte sa pinag aagawan.
sa kaluwagang palad ng ama ay nag uwi ito ng dalawang supot na puno ng pansit guisado,at
kanila itong pinagsaluhan.isa o dalawang beses lang ito naulit at hindi na naulit ang pag uwi ng
ama ng pansit guisado at mapalad pa ang mga bata kong ang ama ay hindi lasing at hindi
nagugulpi ang kanilang ina.
kapag uuwi itong pasigaw sigaw at padabog dabog at tiyak na walang pagkain ang mga bata ay
nagsisiksikan dahilan ng takot na makagawa ng ingay na makainis sa ama at umakit sa malaking
kamay nito at dumapo sa kanilang mukha.madalas na masapok ang kanilang ina kaya nahihiya
itong lumabas ng bahay para maglaba.
may isang batang sakitin at palahalinghing na parang kuting na nagngangalang mui mui alam
nila na ang halinghing na iyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbyos ng ama at itoy
sisigaw kapag di pa huminto itoy lalapit at hahampasin ng buong lakas
noong gabing umuwi ang ama at masama ang timpla dahil siyay nasisante sa trabaho sa lagarian
at hindi ito mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata at biglang bumagsak ang kamao ng
ama sa nakangusong bata na tumalsik sa kabila ng kwarto na kung saan nanatiling walang
kagalaw-galaw at nahimasmasan ito ng ina si mui mui dahil sa malamig na tubig
pagkaraan ng 2 araw ay namatay c mui mui at ang ina lamang ang umiiyak habang handang
ilibing sa sementeryo ng nayon mayroong isang kilometro sa tabi ng gulod ang ama naman ay
buong araw na nagmomokmok.may isang babae na nangolekta ng abuloy at pilit na inilagay sa
palad ng ama na nagsimulang humagolgol papuntang bayan ang ama at tiyak ng mga anak na
uuwi na naman itong lasing
pagkalipas ng isang oras ay bumalik ang ama na may dalang malaking supot namay mas maliit
sa loob at nilagay ito sa mesa at pumasok ang ama sa kwarto di nagtagal lumabas ito kinuha nito
ang malaking supot at lumabas ng bahay sinundan ito ng mga bata at napunta ang ama sa tabing
gulod lumuhod ito at kinuha ang laman ng supot at kanya itong inilapag sa puntod madilim na
ang langit at malapit na itong umulan pero patuloy parin ang ama sa pagdarasal at pag iyak.

You might also like