You are on page 1of 3

Ang Suliranin at Hamong Pangkapaligiran

Gaano nga ba kahalaga ang likas na yaman? Natutuhan mo sa pag-aaral ng Ekonomiks na isa ang likas
na yaman sa tinatawag na salik ng produksiyon. Mahalaga ito dahil dito kumukuha ng mga hilaw na
materyales upang gawing produkto at pinagmumulan din ito ng ibat ibang hanapbuhay. Sa katunayan,
humigit kumulang sa 65 milyong Pilipino ang umaasa sa likas na yaman para mabuhay. Ilan sa mga
pangunahing hanapbuhay nila ay ang pagsasaka at pangingisda na bumubuo sa halos 20% ng Gross
Domestic Product (GDP) ng Pilipinas noong 2014. Kasama din dito ang 1.4% mula sa yamang-gubat, at
2.1% mula sa pagmimina. Ang likas na kagandahan ng Pilipinas ay isa sa mga dahilan kung bakit ang
turismo ay nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. Makikita sa mga nabanggit na situwasiyon
angkahalagahan ng likas na yaman at kalikasan sa ating pamumuhay. Ngunit, sa kabila nito ay tila hindi
nabibigyang-halaga ang pangangalaga sa ating kalikasan. Sa kasalukuyan ay malaki ang suliranin at
hamong kinahaharap ng ating bansa dahil sa pang-aabuso at pagpapabaya ng tao sa kalikasan. Ang
kapabayaang ito ay nagpapalala sa mga natural na kaganapan tulad ng pagkakaroon ng malalaakas na
bagyo, pagguho ng lupa, at malawakang pagbaha. Sa huli, ang mga mamamayang umaasa sa kalikasan
para mabuhay ang siya ring nakararanas ng hindi mabuting epekto sa ibat ibang aspekto ng pamumuhay.
Ilan sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran sa Pilipinas ay ang sumusunod: 1. Suliranin sa Solid
Waste Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na
establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at
iba pang basurang hindi nakakalason (Official Gazette, 2000). Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama
(2013), ang Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 tonelada ng basura kada araw noong taong 2015. Halos 25%
ng mga basura ng Pilipinas ay nanggagaling sa Metro Manila kung saan ang isang tao ay nakalilikha ng
0.7 kilong basura araw-araw. Mas mataas ito ng 130% kaysa sa world average (National Solid Waste
Management,2016). Ang malaking bahagdan ng itinatapong basura ng mga Pilipino ay mula sa mga
tahanan na mayroong 56.7%. Samantalang pinakamalaki naman sa uri ng tinatapong basura ay iyong
tinatawag na bio-degradable na may 52.31% (National Solid Waste Management Status Report,2015).
Mayroong ibat ibang dahilan kung bakit may problema ang Pilipinas sa solid waste. Isa na rito ang kawalan
ng disiplina sa pagtatapon ng basura. Tinatayang 1500 tonelada ng basura ang itinatapon sa mga ilog,
estero, kalsada, bakanteng lote, at sa Manila Bay na lalong nagpapalala sa pagbaha at paglaganap ng
mga insekto na nagdudulot naman ng ibat ibang sakit. Bagamat ipinagbabawal, madami pa rin ang
nagsusunog ng basura na nakadaragdag sa polusyon sa hangin. Nadaragdagan din ang trabaho ng mga
waste collector dahil kailangan nilang magsagawa ng waste segregation bago dalhin ang mga nakolektang
basura sa dumpsite, problemang maaari sanang maiwasan kung mahigpit na ipinatutupad sa mga
kabahayan at mga pampublikong lugar ang waste segregation. Samantala, ang mga dumpsite sa Pilipinas,
partikular sa Metro Manila, ay nagdudulot din ng panganib sa mga naninirahan dito. Sa ulat na
pinamagatang The Garbage Book (Asian Development Bank, 2004) ang leachate o katas ng basura mula
sa Rodriguez at Payatas dumpsite na dumadaloy patungo sa ilog ng Marikina at Ilog Pasig hanggang sa
Manila Bay ay nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib sa kalusugan ng tao. Panganib din ang dulot
ng pamumulot ng basura sa kalusugan at buhay ng halos 4,300 na waste pickers sa mga dumpsite sa
Metro Manila at sa maraming iba pa na pakalat-kalat at nagkakalkal sa mga tambak ng basura. Apektado
din ang pag-aaral ng mga kabataang waste pickers bukod pa sa posibilidad na sila ay magkasakit,
maimpluwensiyahan na gumawa ng ilegal na gawain, o kaya ay mamatay. Matatandaan na ipinasara ang
Payatas dumpsite matapos ang trahedya na naganap noong Hulyo 2000 kung saan maraming bahay ang
natabunan nang gumuho ang bundok ng basura dahil sa walang tigil na ulan. Nasundan pa ito ng sunog
na ikinamatay ng 205 katao. Isa pang lumalaking suliranin ng Pilipinas ay ang tamang pagtatapon ng
electronic waste o e-waste tulad ngcomputer, cellphone, at tv. Lumabas sa pagsusuri na ginawa ng Global
Information Society (2010), na humigit 58 kumulang sa anim na toneladang e-waste ang tinatapon sa
landfill na siyang kinukuha ng mga waste pickers upang ipagbili ang anomang bahagi nito na
mapapakinabangan. Subalit ang mga ginagawang pamamaraan tulad ng pagsunog upang makuha ang
tanso, at pagbabaklas ng e-waste ay nagdudulot ng panganib dahil pinagmumulan ito ng mga delikadong
kemikal tulad ng lead, cadmium, barium, mercury, at polyvinyl chloride na nakalalason ng lupa at maging
ng tubig(Mooney, Knox, & Schacht, 2011). Ang mga nabanggit na suliranin sa solid waste ay
pinagtutulungang solusyunan ng ibat ibang sektor. Ipinatupad ng pamahalaan ang Republic Act 9003 o
kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 upang magkaroon ng legal na batayan sa
ibat ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa (Official Gazette, 2000). Isa sa
mga naging resulta ng batas ay ang pagtatayo ng mga Materials Recovery Facility (MRF) kung saan
isasagawa ang waste segregation bago dalhin ang nakolektang basura sa mga dumpsite. Maraming
barangay ang tumugon sa kautusang ito, sa katanuyan mula sa 2,438 noong 2008 ay tumaas ang bilang
ng MRF sa 8,656 noong 2014 (National Solid Waste Management Status Report, 2015). Iniulat din ng
National Solid Waste Management Commission ang ilan sa best practices ng mga Local Government Units
(LGUs) sa pamamahala sa solid waste.

Mayroon ding suporta na nanggagaling sa mga NGO upang mabawasan ang suliranin sa solid waste sa
Pilipinas. Ilan sa mga ito ay sumusunod: Mother Earth Foundation - tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa
mga barangay. Clean and Green Foundation- kabahagi ng mga programa tulad ng Orchidarium and
Butterfly Pavilion, Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso Para sa Pasig, at Trees for Life
Philippines(Kimpo, 2008). Bantay Kalikasan paggamit ng media upang mamulat ang mga mamamayan
sa suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation ng La Mesa Watershed at sa Pasig River
Rehabilitation Project. Greenpeace naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato
at pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan Sa kabila ng mga nabanggit na batas at
programa ay nananatili pa rin ang mga suliranin sa solid waste sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang 60
pinakamalaking hamon ay ang pagpapatupad ng batas at pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino sa
pagtatapon ng basura. Nangangailangan pa nang mas malawak na suporta at pagtutulungan ng ibat ibang
sektor upang tuluyang mabigyan ng solusyon ang suliraning ito dahil ang patuloy na paglala nito ay lalong
magpapabigat sa iba pang suliraning pangkapaligiran na ating nararanasan. 2. Pagkasira ng mga Likas na
Yaman Ang Pilipinas ay isa mga bansa na biniyayaan ng maraming likas na yaman. Tinatayang 15% ng
kabuuang kita ng Pilipinas noong 2010 ay kita mula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman,
halimbawa nito ay ang 62 pagtatanim at pangingisda. Mahalaga din ang likas na yaman bilang sangkap sa
paggawa ng produkto na ginagamit sa ibat ibang sektor tulad ng industriya at paglilingkod, halimbawa, ang
mga computer, sasakyan, makina, at pagkain ay naggawa mula sa mga likas na yaman. Tunay na
napakahalaga ng likas na yaman sa ekonomiya ng isang bansa. Sa kasalukuyan, patuloy na nasisira at
nauubos ang likas na yaman ng Pilipinas dahil sa mapang-abusong paggamit nito, tumataas na demand
ng lumalaking populasyon, hindi epektibong pagpapatupad ng mga programa at batas para sa
pangangalaga sa kalikasan, at mga natural na kalamidad. Matutunghayan sa susunod na bahagi ng aralin
ang mga kalagayan ng ilan sa mga likas na yaman ng ating bansa. Ang likas na yaman ng Pilipinas sa
kasalukuyan Kagubatan mabilis at patuloy na pagliit ng forest cover mula sa 17 ektarya noong 1934
ay naging 6. 43 milyong ektaraya noong 2003. Yamang tubig pagbaba ng kabuuang timbang ng mga
nahuhuling isda sa 3 kilo bawat araw mula sa dating 10 kilo. Yamang lupa pagkasira ng halos 50% ng
matabang lupain sa huling sampung taon Yamang mineral 1.3% ng GDP o 97.1 bilyong piso noong 2009
ay mula sa kita sa pagmimina. Biodiversity noong 2008 nasa 221 species ng fauna 526 species ng flora
ang nailista bilang mga threatened species. 2.1 Suliranin sa Yamang Gubat Maraming benepisyo ang
nakukuha natin mula sa kagubatan. Ito ang tahanan ng ibat ibang mga nilalang na nagpapanatili ng
balanse ng kalikasan, mahalagang mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito ay
maapektuhan din ang pamumuhay ng tao. Nagmumula din sa kagubatan ang 63 ibat ibang produkto tulad
ng tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao. Mayroon ding mga industriya na
nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na nakasalalay sa yamang nakukuha mula sa kagubatan
(Philiipine Tropical Forest Conservation Foundation, 2013). Sa kabila ng kahalagan, pinangangambahan
na maubos o masira ang kagubatan ng Pilipinas kung magpapatuloy ang deforesataion. Ayon sa Food and
Agriculuture Organization ng United Nations, ang deforestation ay tumutukoy sa matagalan o
permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng ibat ibang gawain ng tao o ng mga natural kalamidad
(FAO, 2010). Nagsimula ang deforestation sa Pilipinas noon pang 1500s kung saan ang nooy 27 milyong
ektarya ng kagubatan ay naging 7.2 milyong ektarya na lamang ngayong 2013 (Philippine Climate Change
Commission, 2010). Sa katunayan sa ulat ni dating DENR officer-in-charge Demetrio Ignacio, lumabas na
ang 24% kagubatan ng Pilipinas ay pangalawa sa pinakamaliit sa mga bansa sa Timog silangang Asya
(Andrade, 2013). Higit na mababa ang ulat na inilabas ng European Union Joint Research Centre kung
saan gamit ang satellite-based image, nasabi nila na mayroon na lamang 19% ang kagubatan ng Pilipinas

You might also like