Professional Documents
Culture Documents
Galing sila sa Borneo at naglakad sa mga tulay na lupa. Nagtungo sila sa Palawan,
Mindoro at sa ilang bahagi ng Mindanao.
Pandak at maitim ang mga Negrito. Pango ang ilong at makapal ang kanilang labi.
Kulot na kulot ang itim nilang buhok.
Pagala-gala sila upang humanap ng pagkain tulad ng prutas at halamang-ugat.
Nabubuhay sila sa pangingisda gamit ang kanilang sumpit, busog at pana, at mga
kagamitang yari sa bato.
Ang ikalawang pangkat ay ang mga Indones
Indones
Galing sila sa Timog Silangan Asya // Dumating
sa Pilipinas gamit ang mga banka (boats) //
mahaba at tuwid ang buhok // Gamit at kutsilyo,
sibat at sumpit // Mangagaso // nakatira sa
ilalim or taas ng puno
1 .Unang Grupo ng
Indones
Balinkinitan (payat) // Mapuputi // Manipis ang
labi // bilugan ang ilong // malapad ang noo //
malalim ang mata
2 .Pangalawang Grupo ng
Indones
Maiitim // Pandak (maliit) // Pango ang ilong //
makapal ang labi //
16.
17.
Ang mga Negrito ay maliliit na mga tao. Kulang ang taas nila sa limang talampakan.
Tinagurian silang "negritos" dahil sa kanilang maiitim na balat, maikli at kulot na kulot
na mga buhok, makapal na mga labi at pangong ilong. Halos wala silang damit. Wala
silang pamahalaan, walang kasulatan, at walang permanenteng tahanan. Naglilibot sila
sa kagubatan at nabubuhay sa pamamagitan ng pangangaso gamit ang pana,
pangingisda, at pagkuha ng mga ligaw na mga halaman at mga prutas.
18.
Ngayon, mayroon pang mga Negrito sa mga burol ng Zambales. Sila ay napinsala sa
pagputok ng Bulkang Pinatubo noong 1991.
Ang mga Indonesian. Sa migration theory, ang mga Indonesian ay ang mga unang
dayuhang dumating sa Pilipinas sa pamamagitan ng dagat. Dumating sila ng may mga
5,000 taon na ang nakalipas. Silay naglayag sa mga bangka mula sa Timog Asya.
Napaalis ang mga Negrito tungo sa mga bundok at ang mga Indonesian ang nanirahan sa
kapatagan.
19.
May dalawang uri ng mga Indonesian. Ang unang uri ay matataas, maputi ang balat,
malapad ang noo, matatangos ang ilong at manipis ang labi. Bandang huli na ng
dumating ang pangalawang uri. Higit na pandak at maiitim sila, malalaki ang ilong,
makapal ang labi at malaki ang panga.
Higit na maunlad ang mga Indonesians kaysa sa mga Negrito. Mayroon silang mga
permanenteng tahanan. Gumagamit sila ng apoy sa pagluluto ng kanilang mga pagkain.
Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pangangaso, pangingisda, at maliit na sakahan.
Pinipinturahan nila ang kanilang katawan ng mga makukulay na larawan.
Ngayon, ang minoryong tribong Indonesian ay matatagpuan sa liblib na bahagi n gating
bansa. Ang mga ito ay ang mga Apayao, mga Gaddang, mga Ibang, at mga Kalinga ng
Hilagang Luzon; mga Tagbanuas ng Palawan; at Bagobo, mga Manobo, mga Mandaya,
mga Bukidnon, mga Tiruray, at mga Subanon ng Mindanao.
20. Sumunod na pangkat na sumapit sa kapuluan. Silay buhat sa
timog silangang asya at sakay ng mga bangkang magaspang
ang kayarian.
Ang panahon ng kanilang pagdating: tinawag na new stone age
at silay binubuo ng 2 pangkat.
Ang una'y dumating mga 5,000 - 6,000 na ang taong
nakararaan, at ang ikalawa'y mga 3,500 - 4,000 taon naman.
Ang unang dumating ay matangkad kaysa pangalawa, may
karaniwang taas na mula 5 talampakan-at-apat-na-pulgada
hanggang 6 talampakan-at-dalawang-pulgada, balingkinitan ang
katawan, maputi, matulis ang hugis ng mukha, manipis na labi,
matangos ang ilong, malapad ang noo at malalim ang mga mata.
Ang pangalawang pangkat ay pandak, higit na matipuno, maitim,
pangahan, malapad na mukha, malaki at makapal na ilong,
malaki ang bibig makapal na labi at malaki ang mga mata.
Ang mga Indones ay higit na maunlad ang pamumuhay kaysa
Negrito. Bukod sa pangangaso at pangingisda, marunog
magsaka at magtanim ng mga palay, gabi at iba pa. Niluluto nila
ang kanilang pagkain sa mga paso. Malimit ding iniihaw nila ang
anumang kanilang kinakain.
Ang panakip ng mga Indones ay mga balat ng hayop at balat ng
punongkahoy kung saan kanilang hinahampas hanggang
lumambot upang maginhawang maibalot sa kanilang mga
katawan.
21. Ang kanilang kasangkapan ay yari sa bato, at tulad sa
kasalukuyang asarol at pait. Mahusay sila sa paggamit ng
sumpit, gumagamit din sila ng busog at palaso, sibat at kalasag.
Nagsimulang magtunaw ng tanso dito at nagsimula ring
gumamit ng pandayan..
Sa mga ilonggot kalinga, ang kanilang bahay ay nasa itaas ng mga punungkahoy.
FERDINAND MAGELLAN
Sinakop ng Espanya ang Pilipinas sa loob ng 333 taon. Malaki ang naging
impluwensiya ng Espaol sa ibat ibang aspeto ng kulturang Pilipino sa
kasalukuyan.
Nagtayo sila ng mga paaralan at kolehiyo. Ang mga prayle ang naging guro at
pinalaganap nila ang pananampalatayang kristiyano.
Ang estilong Baroque ay makikita sa mga simbahang ipinatayo ng mga pari. Ito ay
makikita din sa mga kumbento, paaralan at iba pang gusali.
Mga bahay sa Vigan, Ilocos Sur Fort Santiago sa Intramuros, Manila
Natuto rin ng iba ibang libangan ang mga Pilipino tulad ng baraha, sabong, karera
ng kabayo, loterya at cara y cruz.
Itinuro ng mga Amerikano ang paraang demokratiko. Nakilala ng mga Pilipino ang
mga pangkat-pampulitika, halalan,plebisito, at reperendum.
Noong Disyembre 7, 1941, sinalakay ng mga Hapones ang Pearl harbor sa Hawaii.
Bunga nito,sumiklab ang digmaan sa pagitan ng japan at United States of America.
Nang sumunod na araw, nilusob din ng mga Hapones ang Pilipinas. Inilipat sa
Corregidor ang pamahalaang Komonwelt. Buhat doon tumakas sina heneral
Douglas Mac Arthur at Pangulong Manuel Quezon. Iniwan ni Quezon ang
pamamahala ng Maynila kay Jorge B. Vargas, ang kalihim na tagapagpaganap.
Kay Jose P. Laurel, Sr. naman ipinagkatiwala ni Quezon ang buong bansa. Sinakop
ng mga Hapones ang Maynila at ang buong bansa noong Enero 2,1942.
Hen. Douglas Mac Arthur Manuel L. Quezon Jose P. Laurel
Tuluyang nasakop ng mga Hapones ang bansa nang bumagsak ang Corregidor sa
kanilang kamay noong Mayo 6, 1942.
Digmaan sa Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941
Nalagay sa panganib ana buhay ng mga Pilipino noong panahon ng digmaan. Lagi
silang takot dahil sa mga labanan at sa kawalan ng kalayaan. Nahirapan ang mga
Pilipino noong panahon ng Hapones subalit natuto silang umangkop sa sitwasyon.
Umisip sila ng ibat ibang paraan para mabuhay. Sa panahon ng pananakop ng
mga Hapones, sumigla ang damdaming makabayan ng mga Pilipino. Maituturing
na Gintong Panahon ng wikang Filipino ang ginamit na opisyal na wika ng bansa,
panturo ng kasaysayan ng Pilipinas at kabutihang-asal.
PROYEKTO SA HEKASI
Ipinasa ni: