You are on page 1of 2

MGA ELEMENTO NG TULA

Ito ang mga bumubuo at tumutulong sa pagpapalitaw ng kahulugan ng tula.

1. Anyo nakatuon sa kung paano nabubuo ang tula; nahahati sa dalawang anyo ang tula
Tradisyunal sumusunod sa mga kumbensyon (paggamit ng sukat at tugma);
pumapaksa sa mga tradisyunal na kaisipan
Moderno binabasag ang mga kumbensyon (hal. Free verse poetry o malayang
taludturan); pumapaksa sa mga modernong kaisipan

2. Persona ang nagsasalita sa tula; natutukoy sa pamamagitan ng mga salitang ginamit


sa tula
Sa tulang Nakabibinging Katahimikan ni Gregorio Bituin, Jr.. ang persona ay
isang taong alam ang nangyayari sa digmaan.
Patunay rito ang kakayahan niyang tukuyin kung bakit hindi magkaparehas ang
kahulugan ng kapayapaan at katahimikan. Halimbawa:
Kung kahulugan ng kapayapaan
Ay ang kawalan lamang ng digmaan
Itoy walang anumang kahulugan
Sa mga gutom at may karamdaman.

3. Dramatikong Sitwasyon tumutukoy sa nangyayari o sa kwento sa loob ng tula;


maaaring tingnan ang ginagawa ng persona o ang nangyayari sa kapaligiran niya
Sa tulang Nakabibinging Katahimikan ni Gregorio Bituin, Jr., madalas banggitin
ang tungkol sa kung ano ang kapayapaan. Ipinaliliwanag ng persona ang tunay
na kahulugan ng salitang ito sa pamamagitan ng pagsalungat (contradict) ng
karaniwang alam ng tao tungkol sa kapayapaan.
Maaari ding tingnan na ang dramatikong sitwasyon ay ang pagpapakita ng mga
epekto ng digmaan sa mga tao.
Patunay lamang dito ang pagbabanggit sa gutom (hunger) at karamdamang
(illness) nararanasan ng mga tao bagamat wala na silang naririnig na putukan ng
mga armas (weapon)

4. Tono tinatawag ding himig ng tula; tumutukoy sa damdamin o emosyon


Subuking balikan ang tulang Nakabibinging Katahimikan ni Gregorio Bituin, Jr.,
Ano ang tono o himig ng tulang ito?
Maaaring sabihing may pagdududa sa tono ng persona dahil tinutunggali niya
ang nakasanayang kahulugan ng salitang kapayapaan. Sa konteksto nila,
ipinapahiwatig niyang hindi pa tapos ang kahirapan dahil lang nahinto na ang
digmaan.

5. Talinghaga nagpapalitaw sa kagandahan ng tula; sa paggamit ng mga tayutay


(figures of speech) ay nagiging malalim at maganda ang pananalita sa tula
Pagtutulad (simile) hal. Ang mga mata niya ay kagaya ng mga bituin sa
langit.
Pagwawangis (metaphor) hal. Ang aking ina ang aking liwanag sa buhay.
Pagsasatao (personification) hal. Naghihintay ang mga alon sa pagdating mo.
Pagmamalabis (hyperbole) hal. Nadurog ang puso niya nang makita ang
mga may-sakit.
Paghihimig (onomatopoeia) hal. Narinig mo ba ang unga ng mga baka?
Simbolismo (symbolism) hal. Hindi mo ba nakikita ang pagsikat ng araw?

6. Imahen tinatawag na imagery; nagpapakita sa halip na naglalahad; kinakailangan ng


paggamit ng pandama sa tula
Sa tulang Nakabibinging Katahimikan, litaw ang imahen ng kadiliman at
imahen ng mga taong takot, gutom, at may-sakit. Binubuo rin sa tula ang
imahen ng pagkasira ng lugar na tinitirhan ng persona. Tahimik ang lugar ngunit
naghihirap ang mga tao.
7. Tema tinatalakay na mensahe ng makata (poet); pangkalahatang ideya sa tula
Sa tulang Sining ng Pagtula ni Lacaba, ano nga ba ang tema?
Upang malaman ang tema, tingnan ang paksa (topic) ng tula. Maaaring basehan
sa tema ang mga umuulit na konseptong ginamit dito.
Sa tula ni Lacaba, maaaring ito ang tema:
Ang pagtula ay hindi biro. Nangangailangan ito ng liksi ng isip at likot ng
imahinasyon upang maging masining ang paglalarawan sa mga pang-araw-
araw na bagay sa ating buhay.

PARAAN NG PAGSUSURI

Basahin ng MARAMING BESES ang tula. Hindi sapat ang 1 o 2 beses lamang.
Hanapin ang lahat ng mga salitang hindi maunawaan. Hanapin din ang kahulugan nito.
Ugaliing mag-annotate o magtala habang nagbabasa o pagkatapos magbasa.
Tingnan ang bawat saknong at taludtod. Alamin ang pinakabuod o sinasabi ng mga
saknong na ito.
Balikan ang mga ELEMENTO ng tula. Isa-isahin ang pagsusuri sa mga ito at ang halaga
ng mga ito sa tula.

You might also like