You are on page 1of 8

Moreno Integrated High School

Daet, Camarines Norte


Taong Panuruan 2017-2018

Masusing Banghay Aralin


Filipino 7

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng isang oras na talakayan, 85% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naibibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang ginamit sa akda.


2. Naibabahagi ang mga pangyayari batay sa mga larawang may kaugnayan sa akda.
3. Naiuugnay ang pangyayari sa awitin o akda sa kasalukuyang panahon.

II. PAKSANG ARALIN


Aralin: Hari ng Tondo ni Gloc 9
Sanggunian: Filipino 7 (modyul)
Kagamitan: Speaker, Cartolina, Larawang Biswal, Hand-outs
Pagpapahalaga: Napagtatanto ang kahalagahan ng tamang asal at pag-uugali sa kabila ng
kahirapan ng buhay.

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain/Pagganyak

Magandang Araw sainyong lahat!


Magandang Araw din po Mam. Sandee
(Ididikit ang mga larawan na bibigyan ng
Rodriguez.
simbolismo ng piling mag-aaral)

Panuto: Pabubunutin ang mag-aaral sa kahon na


naglalaman ng papel na may nakasulat na HARI
AKO/REYNA AKO. (Salitan ang bubunot nito,
lalaki at babae. Isisigaw ng mag-aaral ang
nakasulat sa papel na kanilang nabunot.)

Para sa unang larawan


Reyna Ako
Ano ito? Ano ang sinisimbolo nito?
Ito po ay puso na sumisimbolo sa
pagmamahal sa kapwa, pamilya,
kaibigan at maaaring sa bayan din.

Magaling. Hari Ako


Para sa ikalawang larawan. Ito po ay ilaw na sumisimbolo sa Pag-asa
Ano ito? Ano ang sinisimbolo nito? dahil sa liwanag nito.
Mahusay.
Para sa ikatlong larawan
Ano ito? Anong sinisimbolo nito? Reyna Ako
Ito ay watawat ng Pilipinas na
sumisimbolo sa ating Bansa, particular
na sa kultura,paniniwala, tradisyon at
lahi.

Tumpak.
Para sa ikaapat na larawan?
Ano ito? Anong sinisimbolo nito?

Hari ako
Ito po ay Korona na sumisimbolo sa
kapangyarihan at karangyaan ng isang
taong nagmamay-ari nito.

Tama. Ito ay sumisimbolo sa kapangyarihan ng


isang tao na may kakayahang magbigay ng
malaking impluwensya sa nakararami at dahil dun
nakikilala ang kanyang pangalan.
Hari po.
Sino ba ang madalas may suot nito?
Hari ng Tondo po.
Magaling. May ideya na ba kayo kung ano ang
ating tatalakayin ngayon?

Tama. Ang ating tatalakayin ay ang awitin ni Gloc


9 na Hari ng Tondo.

B. Paghawan ng sagabal

Sagutan ang mga salitang ginamit sa akda.(hahatiin


sa 5 na Pangkat)

Panuto: Punan ng tamang titik ang mga kahon


upang mabuo ang kahulugan ng salita/pahayag.
Pagkatapos gamitin sa pangungusap ang nabuong
salita.
T A L I W A S
Taliwas sa batas ang pumatay.
1. Talikwas

H A R I
Ang hari ay makapangyarihan.
2. Sino mang nang-aangkin ng lakas

B A N T O G
3. Pangalang ginagamit ng isang kilalang tao
Si Dr. Jose Rizal ay isang bantog na
bayani.
G A P O S

May gapos ang kamay ng criminal.


4. Magtali ng papulupot
T A L I K U R A N

Tinalikuran nya ang kanyang pangako.


5. Patatwa sa sinabi

(palakpakan ninyo ang inyong mga sarili)

Ang mga salita na inyong binuo ay nakapaloob sa


akdang ating tatalakayin kaya dapat pakinggan
itong mabuti at unawain dahil may kalakip itong
ilang katanungan na inyong sasagutin at mga
Gawain.

C. Paglalahad (papakinggan ang awit at maaaring


sabayan ng mag-aaral)
(Ipaparinig ang awitin ni Gloc 9 na pinamagatang
Hari ng Tondo.) Kahit sa patalim kumapit
Isang tuka isang kahig
Ang mga kamay na may bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala na ang taliwas kung
minsan ay tama
Ang hari ng tondo, hari ng tondo
Baka mabansagan ka na hari ng tondo
Hari ng tondo, hari ng tondo-ohhh
Baka mabansagan ka na hari ng tondo

[Voice: "May gatas ka pa sa labi, gusto


mo nang mag-hari dito sa Tondo?"]

Minsan sa isang lugar sa Maynila


Maraming nangyayari
Ngunit takot ang dilang
Sabihin ang lahat
Animo'y kagat-kagat
Kahit itago'y 'di mo pwedeng pigilin ang
alamat na umusbong
Kahit na madami ang ulupong
At halos hindi iba ang laya sa
pagkakulong
Sa kamay ng iilan
Umaabusong kikilan
Ang lahat ng pumalag
Walang tanong
Ay kitilan ng buhay
Hukay, luha'y magpapatunay
Na kahit hindi makulay
Kailangang magbigay-pugay
Sa kung sino mang lamang
Mga bitukang halang
At kung wala kang alam
Ay yumuko ka nalang
Hanggang sa may nagpasya
Na sumalungat sa agos
Wasakin ang mga kadena na siyang
gumagapos
Sa kwento na mas astig pa sa bagong-
tahi na lonta
Sabay-sabay nating awitin ang tabing na
tolda

Kahit sa patalim kumapit


Isang tuka isang kahig
Ang mga kamay na may bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala na ang taliwas kung
minsan ay tama
Ang hari ng tondo, hari ng tondo
Baka mabansagan ka na hari ng tondo
Hari ng tondo, hari ng tondo-ohhh
Baka mabansagan ka na hari ng tondo

[Voices: "Sino ang may sabi sa inyo na


pumasok kayo sa teritoryo ko? Amin ang
lupang ito." "Hindi, kay Asiong!"]

Nilusong ang kanal na sa pangalan niya'y


tumawag
Alang-alang sa iba, tsaka na muna ang
paawat
Sa maling nagagawa na tila nagiging
tama
Ang tunay na may kailangan ang siyang
pinatatamasa
Lahat sila'y takot, nakakapaso ang 'yong
galit
Mga bakal na may nagbabagang
tinggang papalit-palit sa hangin na
masangsang
Nakakapanghina ang nana at hindi mo
matanggal na para bang sima ng panang
Nakakulawit subalit sa kabila ng lahat
Ay ang halimuyak lamang ng nag-iisang
bulaklak
Ang siyang tanging naghahatid sa kanya
sa katinuan
At hindi ipagpapalit sa kahit na sinuman
Ngunit nang dumating ang araw na gusto
na niyang talikuran
Ay huli na ang lahat
At sa kamay ng kaibigan
Ipinasok ang tingga
Tumulo ang dugo sa lonta
Ngayon, alam niyo na ang kwento ni
Asiong Salonga

Kahit sa patalim kumapit


Isang tuka isang kahig
Ang mga kamay na may bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala na ang taliwas kung
minsan ay tama
Ang hari ng tondo, hari ng tondo
Baka mabansagan ka na hari ng tondo
Hari ng tondo, hari ng tondo-ohhh
Baka mabansagan ka na hari ng tondo.

D. Pagtalakay

Matapos mapakinggan ang awitin ay sasagutan ng


mga mag-aaral ang mga katanungan sa
pamamagitan ng dalawang mensahe kung saan
magpapamalas ng kanilang pang-unawa sa awitin.

Kwento ng buhay ni Asiong Salongga.


Ipinapakita nito ang kalagayan ng
Sino ang pamumuhay ng mga tao sa Tondo.
Tungkol
nagsasalita sa Saksi sa mga pangyayari. Maaaring
saan ang dayuhan o mamamayan mismo ng
awitin? awitin?
Tondo ang nagsasalaysay ng kwento ng
buhay ni Asiong Salongga.

Magaling.

Pangkatang Gawain. Itapat ang larawan kung ano


ang pangyayari o sitwasyon sa awit. Ibigay ang
mga karagdagang paliwanag sa bawat sitwasyong
nakapaloob sa awit.
(Papangkatin sa apat ang mga mag-aaral).
Panuto: Sa paggawa ng pangkatang Gawain,
kailangang sundin ang pamantayang nakadikit sa
pisara.

LARAWAN SITWASYON/
I. Takot ang dilang sabihin ang lahat.
PANGYAYARI

Isang saksi sa krimen na ayaw


magwitness
Hindi nagsasabi ng totoo
tungkol sa mga pangyayari
Ayaw madamay sa isang
pangyayating nasaksihan

II. Kahit sa patalim kumapit.


Isang tuka isang kahig

Nagnanakaw para lang


mabuhay
Nanloloko para sa paghahangad
na yumaman
Nanlalamang sa kapwa

III.
Ang syang tanging naghahatid
ng katinuan. At hindi
pagpapalit sa kahit na sino
man.

Ang pamilyang walang sawang


sumusuporta
Kaibigang may malasakit sa
gitna ng kapighatian
Asawa na tunay na
nagmamahal

IV.
Sa kamay ng kaibigan
Ipinasok ang tingga
tumulo ang dugo sa lonta.

Ang kaaway na nagging kaibigan
ay maaaring magtaksil
Ang kaibigang gumagawa ng
masama na hindi dapat
pagkatiwalaan
Lihim na kaaway

(Pagbabahagi ng bawat pangkat ng mga mag-aaral)


(Pagbibigay puna sa bawat pangkat)

PAMANTAYAN:

Kaangkupan ng pangyayari/sitwasyon
sa awit 10
Maayos at malinaw na
pagbabahagi sa klase 5
Kalinisan at kaayusan ng gawa 2
Pagkakaisa ng bawat kasapi ng
pangkat. 2
kabuuan 20

E. Pagpapahalaga
Ano ang naging epekto sainyo ng awitin? Dapat hindi ibigay ang buong tiwala sa
dating kaaway na nagging kaibigan dahil
baka sa huli traydorin ka lang.

Mahusay.
Ano pa? May karagdagan pa ba?

Kung ikaw ay gagawa ng sariling awit Tungkol po sa pagbabago. Dahil lahat


tungkol saan. Bakit? naman po naghahangad ng pagbabago
tungo sa kaunlaran.

Magaling.

Ano pa? Tungkol po sa kapayapaan. Para po


malaman ng lahat na dapat mapanatili ito
para walang kaguluhan.

Tama.

F. Paglalahat
1. Ano-ano ang natutunan nyo sa akda? Ang aking natutunan ay hindi dahilan
ang kahirapan para gumawa ng masama.

Tama. May karagadagan pa ba? Huwag basta-basta magtitiwala sa isang


kaibigan na hindi mo pa masyadong
kilala.
Makatlong isipin ang Gawain bago
gawin
Matutong kontrolin ang bugso ng
damdamin.

Magaling.

G. Palalapat

Sa pamamagitan ng Concept map aalamin natin


kung may mga pangyayari pa ba sa kasalukuyan na
ipinakita o binanggit din sa akda?

May mga pangyayari


pa ba sa kasalukuyan
na ipinakita o
binanggit din sa awit?

Meron, mga taong mahihirap na


gumagawa ng masama at nagpapairal ng
Mahusay. masamang ugali.
Minsan ang mga pangyayari na inyong nabanggit Pagtataksi ng kaibigan
sa kasalukuyan ay napapanuod natin sa balita, Karahasan
nababasa sa dyaryo at minsan pay tayo mismo ang Taong takot magsabi ng totoo
nagiging saksi hindi ba?
IV EBALWASYON

PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot na tumutukoy sa larawan batay sa mga pangyayari sa
akda. (Babasahin ng guro ang bahagi ng akda na tumutukoy sa larawan)

A. C.

B. D.

E.

1. Kahit sa patalim kumapit. Isang tuka isang kahig. D


2. Hukay luhay magpapatunay na kahit hindi makulay kailangang magbigay pugay sa kung
sino mang lamang. E
3. Ang halimuyak lamang ng nag-iisang bulaklak. Ang syang tanging naghahatid sa kanya ng
katinuan. C
4. Huli na ang lahat. At sa kamay ng kaibigan. Ipinasok ang tingga. Tumulo ang dugo sa lonta.
Ngayon alam nyo na ang kwento ni Asiong Salongga. A
5. Takot ang dilang sabihin ang lahat. Animoy kagat-kagat. B

V. TAKDANG ARALIN

1. Pumili ng isa sa mga bahagi ng awit ng nagustuhan at bigyan ito ng interpretasyon sa


pamamagitan ng larawang guhit. (Gawin sa short bond paper)
2. Pakinggan at unawain ang isa pang awitin ni Gloc-9 na pinamagatang UPUAN.
Gamit ang Venn Diagram ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng awiting Hari ng
Tondo at Upuan ni gloc-9.

Inihanda ni:

SANDEE P. RODRIGUEZ
Applikante

You might also like