You are on page 1of 6

FILIPINO TIME

Isang Sanaysay ni Felipe Padilla deLeon

Isa sa napakapangit na kinagawian nating mga Pilipino ay ang pagiging lagi nang huli sa takdang oras na
pinagkasunduan. Karaniwan nang ang isang palatuntunan ay hindi nasisimulan sa oras na dapat
ipangsimula
dahil sa wala pa ang panauhing pandangal o kaya'y ang punongabala ng palatuntunan; gayon din, kulang pa
rin ang mga tauhang magsisiganap, o kung hindi naman kaya'y wala pa rin ang madlang siyang dapat
sumaksi sa palatuntunan kung kaya't naaantala tuloy ang lahat.

Sa mga tanghalang pangmusika, tulad ng opera, konsiyerto, resital at iba pang kauri ng mga ito, aya isang
karaniwan nang pangyayari ang pagiging lagi nang huli ng madlang manonood. Gayon din sa papupulong
ng iba't-ibang samahan, kapatiran o kapisanan, kahit na nga ang mga ito'y binubuo pa ng mga taong wika
nga'y may sinasabi o pinag-aralan, ay napangawitan na ng marami sa atin ang dumating nang huli sa
pinagusapang oras. Ito ang sanhi kung bakit nagging palasak na ang bukambibig na "Filipino time," o Oras
Filipino, na ang ibig sabihin ay sira, walang katiyakan pagka't lagi nang atrasado.Tunay na nakatatawang-
nakakaawa para sa isang bansang katulad ng sa atin na naghahangad na magkaroon ng isang marangal at
mataas na kalagayan sa lipunan ng mga bansang bihasa t malalaya kung maringgan natin ang ating mga
kababayan ng gaya ng mga sumusunod na pananality: Hoy, mamayang ika-pito ng gabi, "American time;"
"Partner, baka mahuli ka sa takdang oras, hindi Filipino time ang usapan natin;" o kaya'y "Ayoko ng
Filipino time, usapang maginoo ito, ha?" at marami pang katulad nito na ang ibig sabihin ay dahop na dahop
sa pagkamaginoo at hindo dapat pagkatiwalaan ang isang Pilipino dahil sa siya'y marunong tumupad sa oras
na napag-usapan.

Sa ganitiong pangyayari, na ang oras ng mga Pilipino o "filipion time" ay sira at walang kaganapan, ay
maaari rin naming sabihin na ang mga Pilipino pala ay sira na katulad ng ating orasan ay ano naman kaya
ang hinaharap ng isang BANSA na ang mga mamamayan ay palagi nang sira at walang katiyakan sa
pagtupad napagkasunduan.

galling sa Panitikan para sa Mataas na Paaralan Manila, U.S.T. Press, 1970.

Talasalitaan

kinagawian habit takdang oras scheduled time


pinagkasunduan agreed upon palatuntunan program
panauhing pandangal guest of honor punong-abala coordinator; chair person
tauhan character tanghalan stage
madla public naaantala gets delayed
sumaksi witness samhon association
pagpupulong meeting dahop in need miserably
Tila tigalgal
Para sa mga nagpakamatay ngayong taon
Hindi ko alam kung sumusulat ako ngayon dahil masaya ako o dahil patong patong ang lebel ng depresyon sa
buhay ko. Marahil mas matimbang ang lungkot sa saya. Marahil kahit anong gawin kong pagtakbo ay bakit tila
hindi matakasan ang kalungkutan. Kalungkutang mistulang anino na sa tuwinay nakamasid, nagbabantay,
naghihintay na akoy tuluyang manghina at bumitaw. Umiyak. Sumuko. Maglaho.
Oo, tila kay sarap maglaho kasama ng hangin. Marahil sa wakas makakadama ako ng kagaanan habang
inililipad ako patungo sa himpapawid na parang usok na walang patutunguhan.
Walang patutunguhan. Yan ang pinakamahusay na kahulugan ng buhay ko dito sa mundo. Walang
patutunguhan.
Masaklap ba? Oo masaklap nga! Subalit bakit tila walang gustong magpahiram ng kamay? Bakit tila walang
gustong maghain ng tulong? Bakit pakiramdam koy nagiisa ako sa gitna ng milyon milyong taong nakatayo at
walang patumanggang nakikipaglaban sa isat isa. At ako, nasa ilalim at pinagaapakan ng libo libong mga
paang bakit tila maligaya sa pagtalon sa ibabaw ng aking nauupos na katawan?
Minsan tila mas madaling sumuko na lang kesa makipaglaban lalo na kung ang ipinaglalaban mo ay malaon ka
nang kinalimutan at binura sa kanilang alaala. Minsan tila mas mainam na huminto upang damayan ang iyong
sarili sa pagkakagupo sa kumunoy ng pagdadalamhati. Minsan tila mas karangalang mamatay na nagmamahal
kesa mabuhay na magisa at walang kasama.
Patuloy kong tinatanong sa aking sarili? Anong kulang sa akin? Anung kailangan kong gawin upang akoy
iyong ibigin. Upang pagmamahal moy makamtan. Upang mga kamay moy mahawakan at masabi sa iyo na
ikaw lamang ang itinitibok nitong puso at ikaw lamang ang handang ipaglaban habang akong nabubuhay.
Ngunit bakit tila kay ilap ng pagkakataon? Bakit tila kay damot ng pagsinta? Bakit hindi maintindihan? Bakit
hindi mo makita? Bakit hindi mo matutuhang gustuhin at mahalin ang isang ako?
Minsan tila pinaglalaruan tayo ng tadhana. Yung akala mong ligaya na, naging bato pa. Yung akala mo pagibig
na, nadagit pa ng iba. Yung akala mong sasaya ka na, mas matinding buhos ng ulan pala. Nais kong lapitan ka.
Puntahan ka. Nais kong damayan ka sa iyong pagluha. Nais kong maging bahagi ng iyong pagtawa, ng iyong
lungkot, ng iyong kagalakan. At nais kong maging bahagi ka ng aking muling pagbangon mula sa putikang
kinasasadlakan. Ngunit pano magiging bahagi ng buhay kung ang tulay na nagdurugtong sa ating mga landas ay
tuluyang bumagsak at nilamon ng ilog na bakit tila baga kay durot na makita tayong maligaya? Pano may
sisilay na bituin ng pagibig kung ang pintong datiy kay luwang ng bukas ay ngayoy sarado na tila baga may
kinasisindakang magnanakaw o masamang loob. Masamang loob. Siguro ngay isa akong masamang loob.
Masamang loob sa pagtatangkang nakawin ang iyong puso. Sa pagiisip gabit araw na sana ikaw ay akin
lamang. Na sana may puwang ang isang tulad ko kahit konting espasyo man lang dyan sa puso mong hibang sa
pagmamahal sa kanya. Sya na ang tingin sayoy basura. Sya na hindi ka kailanman pagaalayan ng tunay na
pagibig. Sya na walang pakialam kung ikaw man ay masaktan o lumuha sa kanyang kadahilanan. At ako. Ako
na handang gawin ang lahat makuha ka lamang. Ako na handang magsakripisyo upang mabigyan ka ng
magandang kinabukasan sa piling ko kung saan ang pagibig sayo ay wagas at walang katapusan. Ako na
handang mamatay para sa iyo. Ako na handang masaktan at ialay ang puso at kaluluwa upang ikaw ay maging
maligaya.
Oo, ako nga. Ako na hindi mo napapansin. Andito lang ako. Laging nakamasid, laging nakabantay. Laging
naghihintay ng pagkakataon na sana lumingon ka upang minsan pay magliwanag ang mga mata kong tila
tigalgal sa pagkakasalampak sa sahig na sa tuwi-tuwinay lanip ng luha.
Inaasam asam kita. Mahawakan ang iyong mga kamay. Mahagpos ang iyong buhok at mahalikan ang iyong
tenga. Maibulong sa iyo na kahit kailan akoy walang ibang minahal at inibig kundi ikaw lamang. Nais kong
itanong sa iyo kung bakit ngayon ka lang dumating? Kung bakit ngayon lang napansin ang pusong matagal
tagal na ding nagbabakasali.
Lagi akong umaasa. Laging nangangako sa sarili na isang araw magiging akin ka. Na akoy mamahalin mo rin.
Na akoy pupuntahan at hindi na muling iiwan pa. Bawat araw, bawat bagong umaga, may panibagong pag-asa
na ibigin ka. At ang puso kong itoy hindi susuko. Hindi magaalinlangan. Hindi magtatanim ng sama ng loob.
Hindi maiinggit. Hindi magagalit. Hindi manghihinayang. Hindi mamamatay. Hindi
Subalit tila pangarap ka na lang. Tila baga hindi na magkakaroon ng katotohanan ang pantasya kong bakit
hinding hindi maiwaksi kahit patuloy na dinudurog ng iyong kataksilan? Marahil ngay hibang. Marahil ngay
tila tigalgal sa pagasang hindi mamatay matay na isang araw, lalapitan mo ako, ilalahad ang iyong mga kamay
upang akong makatayo, at sasabihin mo sa akin na, tila tigalgal ka dyan, halika at akoy iyong samahang mag
kape.
At doon, yayakapin kita ng sobrang higpit hanggang bawat himaymay ng nagkapira-piraso mong puso ay
mabuo ng aking wagas na pagmamahal sayo. Yayakapin kita hanggang ikaw ay muling mabuo. Hanggang ang
luhang dumadaloy sa iyong mga mata ay tuluyan na ngang matuyo. Hanggang ang masasakit mong karanasan
ay tuluyan na ngang maglaho. Hanggang ang puso moy hayaang alagaan at mahalin ko nang walang kapantay.
Yayakapin kita ng mahigpit. Hanggang ikaw ay tuluyang masanay sa init ng yakap ko at wag nang bumitaw
pa.
mula dito ang larawan at hindi inaangkin ng author ng akdang ito.
Posted on July 11, 2015 in Kathang sanaysay, Tagalog Literature, Tulanghabi Tagged depression, halimbawa ng
sanaysay, kalungkutan, kasawian, Kathang sanaysay, sanaysay na filipino, Sanaysay na Tagalog, Sanaysay ni Renante Beron,
sanaysay tungkol sa depresyon, sanaysay tungkol sa emosyon, tigalgal Leave a comment

Dagitab
Oil-Lamp-
para kina Yer at Rob
At patuloy ngang nagningas ang apoy. Apoy na tutupok sa iyong pagal na katawang lupang pilit babangon sa
pagkasubasob sa tigang na disyerto ng kahapon.
Oo kahapon! Ginambala ng malakas na ihip ng malabagyong hangin ang walang katapusang kapatagan ng ilang.
Umindayog ang mahaharot na alikabok na nakalutang sa iyong balintataw. Naalimpungatan ang mga tila bagay
nangahihimbing na rolyo ng tuyong sanga at baging na pinagbuhol-buhol ng panahon. Panahong siyay iyong
kaulayaw. Panahong siyay iyong kapiling. Panahong dili ibat nasayang. Panahong ikaw at siyay nagdiriwang
sa musikang nilikha ng mga halamang anot kay tutulis ng tinik na tatarak sa puso?
Oh ang puso! Puso mong kahapoy kay ligaya tila walang hanggang kaluwalhatian lamang ang nag-aalab.
Anot ngayoy balot ng pagdadalamhating hindi kayang ipaliwanag kahit sumugod pa ang pinakamatatalinong
pantas? Anot ngayoy tumatangis na tila ba hindi na mapapatahan ng sanlaksang kaligayahang kailan pa nga ba
dadatal?
Pagdatal ng ngiti, ng bagong pag-asa, ng bagong pagibig, ng bagong ligaya! Hindi ibat iyong hinintay mula
pa noon subalit tila naglahong usok ng nagbabagang batis na unti-unting naiiga sa init ng araw. At ang
musikang nagpalundag sa iyong nalulumbay na damdamin ay bakit unti-unting napalitan ng ugong ng kung
anong tampalasan? Dagundong na gigimbal sa iyong mundong akala moy tahimik nang iinog sa kanyang
pagsinta. Ragasa ng kung anong estrangherong ligaw at pilit na bubuwagin ang kapayapaang malaon mo nang
inangkin at pinagyaman.
Yaman! Wala kang ibang kayamanan kundi tanging ang kanyang pagibig. Pag-ibig na masaganang namumunga
sa gitna ng ilang. Subalit kapagdakay lumitaw ang haring araw mula sa kung saan at walang patumanggang
sinunog ang iyong mayayabong na sanga. Nagliwanag ang kapaligiran dulot ng ningas ng apoy na nilikha ng
katampalasanang sino ang may gawa? At patuloy ngang nagningas ang apoy. Apoy na tuluyang nagpabagsak sa
iyong nauupos na kaluluwa. Apoy na walang humpay na tutupukin ang pagmamahal na sanay para sa kanya.
Ngunit ano nga ba ang mas mainam? Ang manatiling nagmamahal sa isang nilalang na hindi ka kailanman
kayang mahalin o ang hayaang matupok na lamang ng nagngangalit na apoy ang damdaming nasayang.
Damdaming inialay ng lubos subalit tinanggihan. Damdaming patuloy na ipagtatabuyan hanggang sa
kasukdulan ng iyong mga bangungot; hanggang sa huling patak ng butil ng pawis mula sa napapaso mong
katawan. Pawis nga ba o luha?
Luha sa iyong mga matang bakit hindi sumuko sa kabila ng kataksilang nasaksihan? Luha sa iyong mga matang
bakit hindi mapakiusapang huwag na lamang sanang sumilay? At ang natutustang pagsuyo ay bakit hindi
mamatay-matay kahit pa ilang ulit kang ipagtulakan! Patuloy na nagningas ang apoy. Ngunit ikaw ay tulala sa
kawalan. Kahalintulad ay batang paslit na iniwan ng kanyang Inang. Anot kapagdakay aatungal na katulad ng
sa tigre at lulupagi sa tuyot na lupang kukulay sa iyong sunog na katawan. Kaawa-awa.
Ngunit mas kaawa-awang siyang naging duwag sa tawag ng puso. Mas kaawa-awa siyang hindi naramdaman
kung gaano kasarap magmahal ang isang katulad mong salat man sa ambon ng kanyang pagsinta ay hitik naman
sa dakilang pagibig mula sa kaibuturan ng iyong pusong pinagtibay ng panahon. Oo, marahil siya ngay hindi
ang para sa iyo. Ngunit sino? Sinong makapaguusal? Sinong makahuhula sa ibinubulong ng mga puso ng mga
sawing tulad mo o tulad nya?
Bubunghalit ng isang bagong umaga ang kapalaran. Sosorpresahin ang nangahihimlay na dili ibat ikaw.
Babagsak ang malakas na ulan mula sa kalangitan upang diligan ang naghihingalong disyerto ng iyong buhay.
Kalangitang sino nga ba ang nakakaalam?
Subalit ikaw ay tulala sa kawalan. Gimbal sa nasaksihan. Patda sa kinatatayuan. Tangan ang tanging sandatang
ni minsan ay hindi binitawan pagibig. Hanggat maalam kang umibig, patuloy ang buhay. At mula sa kapurit
na dagitab sa dako pa roon ay patuloy na magniningas ang apoy ng pagasa. At sa araw ng pagdating niyaong sa
iyoy itinakda, ikaw ay magiging maligaya. Bubukal ang mga batis sa lahat ng sulok ng ilang at pagdakay
lilikha ng karagatan ng matamis na pag-irog. Tutubo ang mga halaman, bulaklak at punong magbibigay buhay
sa istoryang anot bakit ngayon lang nasumpungan?
Ano pat ikaw ay magiging masaya at hindi na muling malulumbay pa.
mula dito ang larawan at hindi inaangkin ng author ng akdang ito.
Posted on October 19, 2013 in Kathang sanaysay, Tagalog Literature, Tulanghabi Tagged halimbawa ng sanaysay,
halimbawa ng talumpati, Kathang sanaysay, malayang tula, Sanaysay, sanaysay na filipino, Sanaysay na Tagalog, Sanaysay ni
Renante Beron, sanaysay tungkol sa disyerto, sanaysay tungkol sa kalikasan, sanaysay tungkol sa pagbabakasali, sanaysay
tungkol sa pagibig, sanaysay tungkol sa pagsuyo, sanaysay tungkol sa ulan, talumpati, talumpati sa tagalog, Tula, Tulanghabi
2 Comments
Kabilugan
Marahang naglakbay ang ulap.
Matamis na susuyuin ang buwan. Iwawagwag ang malambot na buntot at ipapagaspas ang mahalimuyak na
bagwis. Aawitin ang sanlaksang himno sa hangin. Susuyurin ang kalawakan at magsasabog ng masaganang
ambon.

Ambon. Oh tila kay lakas ng ambon sa buhay ko.


Minsan ko pang nilingon ang buwan. Nagtatago sa kailaliman ng ulap. Duwag!
Anot hindi maipakita ang liwanag na taglay. Anot ngayoy tila inakay na nagkukubli sa kaibuturan ng
kawalan? Hindi bat ikaw na rin ang nagsabi na ang bawat pagibig ay nagwawakas? Hindi bat ikaw na rin ang
nagtulak sa pusong lango sa dugo ng kawalang pag-asa. At hindi bat ikaw na rin ang kumitil ng buhay sa
pagsintang kelan pa nga ba muling mararamdaman?
At yaong karagatang pipi sa iyong mga daing. Yaong kabundukang nagkakailang nangahihimlay sa saliw ng
hanging habagat. Anot ikaw ay ipinagkanulo sa mapanalantang bagyo? Anot hindi nahabag sa iyong
kaluluwang sabik sa mainit na yakap at halik.
Oh kay dilim ng landas na aking tinatahak. Nasan ka araw? Nasan ang sanlaksang bintuing isinabog ng
Maykapal sa kalawakan upang tanglawan ang aking daan? Hindi ko masilayan. Ang aking mga matay hilam sa
luhang bakit walang katapusan ang pagdaloy? Ang aking katawang lugmok sa kumunoy ng iyong alaala ay
bakit hindi huminahon?
Oh kay liwanag ng buwan. Oh kay sigla ng sikat ng liwanag na magdudugtong sa aking mga pangarap.
Pangarap na makamtan ang puso mong bakit tila kay ilap? Pangarap na mahawakan ang iyong mga kamay na
bakit tila kay hirap abutin. Pangarap na umuwing kasama ka. Pangarap. Oh ang mga hinabing pangarap. Anot
nakahandusay sa hagdan ng karimlan. At ang diwang nahirati sa tugtugin ng iyong hininga tuwing ikaw ay
tulog at walang malay ay unti unting babangon at gigising sa kabalintunaan ng lahat.
Oh kay liwanag ng buwan. Subalit itoy nagkukubli sa ulap.
Tulungan mo akong makakita. Hawakan mo ang aking mga kamay upang nang sa gayon ay muling madama
ang daloy ng dugo sa aking mga kalamnan. Akayin mo ako patungo sa iyong liwanag at huwag hayaang
ibayubay ang sarili sa krus ng kapalaluan.
Itanim mo sa aking isipan kung ano ang tama. Idikdik mo sa aking utak kung ano ang nararapat. Halibasin mo
ng kidlat yaring pusong baliw sa iyong pagsuyo. Gisingin mo ako sa bangungot na papaslang sa aking buhay.
Isakay mo ako sa ulap. Pabayaang matanaw ang ganda ng mundong ibabaw. Pabayaang masilayan ang mga
anghel na bakit tila kay saya sa kanilang puting kasuotan. Pabayaang sungkitin ang mga bulalakaw na hindi
alam kung saan patungo. Hindi nga bat silay mga kaluluwang naliligaw ng landas. Mga pusong napabayaan.
Mga damdaming nakalimutan.
Hungkag yaring gabi.
Kaparis ay pagibig mong matingkad pa sa sikat ng buwan ang kasinungalingan. Kaparis ay ang inalay mong
puso na kasing tigas ng bakal. Kaparis ay ang ang hindi mapantayang pagpukaw ng iyong mga alaala sa aking
balintataw.
Isa kang magnanakaw ng puso. Sumisipsip ka ng buhay. Kaparis moy ahas na may taglay na kamandag o di
kaya namay tigreng luluray sa aking naghihingalong katawang lupa. Ngunit hindi ko matanaw ang buwan.
Isang hiling lang ang mayron ang katulad kong sawi. At iyon ay ang makamtan ang puso mong manhid sa
katotohanan. Anot kay damot ng kapalaran. Walang senyales ang buwan. Marahil ito man ay tuluyan nang
narahuyo sa piling ng ulap na bakit walang kapantay kung magmahal? Marahil ay naakit ng ganda at yumi ng
pagibig na bakit ikaw lang ang makapagaalay? Marahil.
Marahil may isang umaga. Pagkatapos ng karimlan ng hatinggabi. Pagkatapos ng mga palahaw ng mga nilalang
na uhaw sa kalinga.

Marahil ay pilit na aagawin ang silahis ng araw upang dumatal ang kabilugan sa dakong katanghalian.

Ito ang istorya ng mapait at misteryosong pagibig mo

Inilalahad ko.

Pumipintig pa rin ang puso.

Naghuhumiyaw pa rin ang isip.

Nagpupumiglas pa rin ang damdamin.

Habang kabilugan

You might also like