You are on page 1of 1

TAMA O MALI.

________1. Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook o pangyayari.
________2. Ang pangngalang pantangi ay karaniwang tawag sa tao, hayop, lunan o pangyayari.
________3. Ang pangngalang pambalana ay sadya, tiyak o tanging tawag sa tao, bagay, hayop, lunan o pangyayari
________4. Ang mga halimbawa ng pangngalang pantangi ay Aiza, Tagpi, Villa Isla at Edsa II
________5. Ang halimbawa ng pangngalang pambalana ay babae, aso, baryo at pag-aalsa.
________6. Ang pandiwa ay nagsasaad ng kilos o galaw sa isang pangyayari.
________7. Ang aspekto ng pandiwang pangkasalukuyan ay nagsasaad ito ng galaw na natapos na.
________8. Ang aspekto ng pandiwang panghinaharap ay nagsasaad ito ng kilos o gawaing isasagawa o magaganap pa lamang.
________9. Ang aspektong pandiwang pagnagdaan ay nagsasaad ito ng kilos o gawaing nasimulan na ngunit ipinagpapatuloy
pa rin.
________10. Ang pang-uri ay naglalarawan ng pangngalan at pandiwa.

Panuto: Bilugan ang pandiwa.


1. Lumalakad si Ana. 6. Sumisikat ang araw.
2. Umaawit ako araw-araw. 7. Naglalaba si nanay araw araw.
3. Naglilinis ako tuwing umaga. 8. Nagwawalis ako tuwing umaga.
4. Sumasayaw si Angelyka. 9. Si Ate ay umiinom ng gatas.
5. Si nanay ay nagluluto. 10. Si nanay ay naglilinis ng sala.

Panuto: Salungguhitan ang pangngalan sa pangungusap at isulat sa patlang kung ito ay ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, o
pangyayari.
________________1. Natakot ang pusa nang lumapit ang isang malaking aso.
________________2. Sasakay tayo ng dyip para makapunta sa bahay ni Lolo.
________________3. Tumawag ang kaibigan mo sa telepono kahapon.
________________4. Ang bagong sapatos na ito ay regalo mula sa ninong ko.
________________5. Ang kaarawan ni Jamie ay pinaghahandaan ng mga magulang niya.
________________6. Pupunta si Nanay sa bangko mamamayang hapon.
________________7. Ang kasal ni Kris at John ay magaganap sa Linggo.
________________8. Ang silid-aklatan ay matatagpuan mo sa dulo ng pasilyo na ito.
________________9. Ang manok ay nangitlog sa ilalim ng bahay.
________________10. Si Ginoong Garcia ang magtuturo sa atin kung paano magpalaki ng ibat-ibang puno.

Panuto: Salungguhitan ang pang-abay sa pangungusap. Bilugan ang salitang inilalarawan nito.

1. Sadyang matigas ang ulo ng bata. 6. Si Mang Teodoro ay maingat magmaneho ng dyip.
2. Mahirap magtahi sa lugar na madilim. 7. Magiliw na sinalubong ni Grace ang mga panauhin.
3. Ang magnanakaw ay tumakbo nang mabilis. 8. Mainit nang bahagya ang tubig mula sa bukal na ito.
4. Kamuntik nang magkabungguan ang dalawang sasakyan. 9. Ang mga mag-aaral ay tahimik na nagbabasa sa silid-aklatan.
5. Halos kumpleto na ang pangkat ng mga mang-aawit. 10. Tunay na kapani-paniwala ang mga kuwento ni Bert.

Panuto: Salungguhitan ang pang-uri sa bawat pangungusap. Bilugan ang pangngalan o panghalip na inilalarawan nito.
1. Kapansin-pansin ang kagandahan ni Angelica. 2. Ang anak ng kapitbahay natin ay tamad.
3. Ang mga damit nina Gina at Amanda ay magkasinghaba. 4. Kakaiba ang mga talento ng mga tao sa sirko.
5. Tumakbo pauwi ang asong duwag. 6. Ang opinyon ko ay salungat sa opinyon ng karamihan.
7. Dalian na natin dahil huli na tayo! 8. Tuwing tag-ulan, berde ang Chocolate Hills.
9. Ang mga kriminal ay may mga pekeng pasaporte. 10. Naghanda si Nanay ng espesyal na meryenda para sa atin.

You might also like