You are on page 1of 1

Pahinga

'Pahinga'
Pitong letra, iisang salita...
Sa unang tingin, parang balewala
Pero pag iyong pagninilayan, ito ay kakaiba...

Marami nang taong kinalimutang magpahinga


Nagpupuyat para sa exam upang makapasa
Mga babad sa trabaho para magkapera pa
At mga nag iisip ng solusyon sa kanilang mabibigat na problema...

May ginagawa pa
Iyan ang dahilan ng iba
Ang mga katagang laging bukang bibig nila
Di pa ba tayo nagsasawa?

Mahirap na kapag nasabi na nating ang mga sumusunod na kataga:


"Pahingi nga ng pahinga"
"Para makatakas muna sa mga problema..."
"At para mayroon pa akong lakas at hininga"

Nandito lang ako para magpa-alala


Na minsa'y kailangan tayo magpahinga muna
Pahingang di pangmatagalan pero kahit sandali lang nga
Para tayo'y may lakas pa sa darating na bagong umaga.

-Jeje

You might also like