You are on page 1of 1

WIKANG FILIPINO, WIKANG MAPAGBAGO WIKANG FILIPINO, WIKANG MAPAGBAGO

Ni Erico Memije Habijan Ni Erico Memije Habijan

Tinig ng Seklusyon: Tinig ng Seklusyon:

May bago bang masasaba, kung sablay ang gantimpala. May bago bang masasaba, kung sablay ang gantimpala.
Ng milenyang mapag-imbot, intensiyon niyay di bihasa Ng milenyang mapag-imbot, intensiyon niyay di bihasa
Kalikasang kabuktutan, palalo at upasala Kalikasang kabuktutan, palalo at upasala
Sintat irog nating wika ang sipat ay hampas-lupa. Sintat irog nating wika ang sipat ay hampas-lupa.

Siglo nitong dalawampu at isa na lumalatay Siglo nitong dalawampu at isa na lumalatay
Munting sisiw sumisiyap, pagkat tukdo ay kinatay Munting sisiw sumisiyap, pagkat tukdo ay kinatay
Dalisdis nga nitong ilog, di marinig pagkat patay Dalisdis nga nitong ilog, di marinig pagkat patay
Unawaang binusabos, popular na sumasablay. Unawaang binusabos, popular na sumasablay.

Bakit hilaw ang paghiyaw, tinig nitong saguiguilid Bakit hilaw ang paghiyaw, tinig nitong saguiguilid
Di madinig pagkat pahaw, awit ibong binilibid Di madinig pagkat pahaw, awit ibong binilibid
Buang-buang ang pagkampi sa wikang di maigilid Buang-buang ang pagkampi sa wikang di maigilid
Kayat ahas pag-aanyo, pagkalayang tumagilid. Kayat ahas pag-aanyo, pagkalayang tumagilid.

Tinig ng Rebolusyon: Tinig ng Rebolusyon:

Isaisip nito bungo kung nais ay pagbabago Isaisip nito bungo kung nais ay pagbabago
Mag-umpisa sa paggamit nitong wikang makabago Mag-umpisa sa paggamit nitong wikang makabago
Filipino ang gamitin, sa saliksik na siyang sentro Filipino ang gamitin, sa saliksik na siyang sentro
Pagsasaling kasanayan, mabubuhay itong mundo. Pagsasaling kasanayan, mabubuhay itong mundo.

Bumubuka ang liwayway sa disenyong makatao Bumubuka ang liwayway sa disenyong makatao
Paghahasik-kaalaman, karunungang may diskurso Paghahasik-kaalaman, karunungang may diskurso
Pinapanday nitong wika, itong ating pagkatao Pinapanday nitong wika, itong ating pagkatao
Pagkat hatid unawaan, sa batis ng pagkatuto. Pagkat hatid unawaan, sa batis ng pagkatuto.

Kita nganing mga henyo, bangot tindig magmapuri! Kita nganing mga henyo, bangot tindig magmapuri!
Transpormasyong kapatiran, humihitik dumadampi Transpormasyong kapatiran, humihitik dumadampi
Wika Ina nating sakdal, pagbabago ang kandili Wika Ina nating sakdal, pagbabago ang kandili
Agham, Bilang Masa media, uusbong na luwalhati. Agham, Bilang Masa media, uusbong na luwalhati.

Kitlin itong palamarang sa niyay lapastangan Kitlin itong palamarang sa niyay lapastangan
Pagbabagong ginigibo hindi siya kasangkapan Pagbabagong ginigibo hindi siya kasangkapan
Rebolusyon ang kaputol, mapagpanggap ay undayan Rebolusyon ang kaputol, mapagpanggap ay undayan
Upang hindi lumaganap kamandag ng kamangmangan. Upang hindi lumaganap kamandag ng kamangmangan.

Magmalakit magtampisaw Filipinoy disiplina Magmalakit magtampisaw Filipinoy disiplina


Haring araw nakatunghay sa pag-asang dala niya Haring araw nakatunghay sa pag-asang dala niya
Lumang-gawi, gawat tigsik ilibing nat upasala Lumang-gawi, gawat tigsik ilibing nat upasala
Tanikalang kamangmangan, pagsibol ay napatid na! Tanikalang kamangmangan, pagsibol ay napatid na!

You might also like