You are on page 1of 1

Mickey Matsing at Kiko Duck!

Heidi B. Sarno

Hindi sina Kiko Matsing at Pong Pagong


Na mula sa Batibot ang sentro ng Turismo,
Kung di ang Disneyland kung nasaan
Sina Mickey Mouse at Donald Duck.
Ano bang tatak ng pantalon mo?
Lee, Bench, Guess, Diesel o Girbaud?
Wala dyan!
Levis pa rin ang namamayagpag sa mundo.
Madalas dinidikta ng mga patalastas
Sa telebisyon, sa radio,
Nailalathala sa dyaryo,
O maging higanteng billboard
Kung ano ang dapat mong isipin
Kung ano ang dapat mong gawin
Kung ano ang dapat mong kainin
At syempre kung ano ang dapat mong tangkilikin.
Talaga?
Oo. kaya di na ako nagugulat,
Kung bakit ang natural na kulot ay pilit nagpapaunat,
Kung bakit ang maitim ay pilit nagpapaputi
At kung bakit ang matataba ay pilit na nagpapapayat.
Nagbago na kasi ang batayan ng kung ano ang maganda
At dapat.
Kung dati Salamat sa Diyos
Ngayon Salamat sa Doctor ko.
Mahirap mabuhay ngayon, lalo pat ang tagumpay
Ay sinusukat hindi sa kung ano ang nagawa mo,
Kungdi magkano ang kinikita mo,
At kung anong material na bagay na nasa iyo.
Tama! Pera na ang nagpapaikot ng mundo
Sobrang talino na rin ng mga ng mga tao.
Lahat gustong maimbento,
Kahit nakakaperwisyo.
Kung dati baril at bala ang labanan,
Ngayon armas nukleyar.
Hindi naman nagbago ang mundo, tao lang ang hindi makuntento.

You might also like