Professional Documents
Culture Documents
Nagbibigay ng bagong sigla at kasiyahan ang makatuklas ng bagong impormasyong hindi alam bago pa
gumawa ng pananaliksik.
Pwedeng tingnan ang isang ideya mula sa ibang anggulo, perspektiba at pananaw kaysa dati ng paraan
ng pagtingin ng iba rito.
Ang ganitong paksa ng mga pananaliksik ay naghahamon sa mga tinatanggap at ipinapalagay na totoong
ideya at siyang interes ngayon ng mga mananaliksik. May malaking kahalagahan ang pananaliksik sa tao.
Balido o totoo ang isang ideya kung ito'y mapapatunayan o mapasubalian ng mga makakatotohanang
datos.
May mga ideyang makabuluhang tingnan o suriin sa hinahirap o kinabukasan nito. Ngunit sa pagtukoy at
pagsusuri dito ay kailangan ang pananaliksik sa kasaysayan nito.