You are on page 1of 5

MGA SIMULAIN, METODO SA PAGTUTURO NG FILIPINO

Mga Konsepto:
Metodo. Ito and tawag sa pnalahat na pagplano para sa isang sistematikong at epektibong
pagtuturo ng isang aralin. May tiyak na hakbang na sinusunod and bawat metodo o pamaraan.
Istratehiya. Sa wika, ito ang tawag sa mga kagamitan at gawaing ginagamit sa bawat hakbang ng
pagtuturo. Halimbawa ay ang gamit ng mga awtentikong teksto, larawan, o larong pangwika.
Teknik. Ay tawag sa paraan ng organisasyon ng interaksyong pangklase. Alinman sa mga
kagamitang pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum, upang maisakatuparan ang mga layunin ng
isang aralin.
Dulog isang set ng pagpapahalagang hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo.
Pamaraan isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad wika at batay
sa isang dulog.
Metodolohiya itoy isang pag-aaral ng mga gawaing pedagohikal (kasama rito ang mga
paniniwalang teoretikal at kaugnay na pananaliksik). Itoy tumutugon din sa anumang konsiderasyon
kaugnay ng tanong na paano ang pagtuturo.
Silabus Itoy isang disenyo sa pagsasagawa ng isang particular na programang pangwika.
Itinatampok dito ang mga layunin, paksang aralin, pagkakasunod-sunod ng mga aralin at mga
kagamitang panturo na makatutugon sa mga pangangailangang pangwika ng isng tiyak na pangkat
ng mga mag-aaral.
B. MGA SIMULAIN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG WIKA
1. Simulaing nakapukos sa mga mag-aaral
Ang bawat klase sa wika ay binubuo ng mag-aaral na taglay ang kanilang ibat-ibang katangian:
kognitib, pandamdamin, at kagulangang sosyal, kaalaman sa wika; motibasyon, kakayahan sa
pagkatuto ng wika, istilo sa pagkatuto, mga mithiin at mga pangangailangang subhetibo. Sa
simulaing ito, itinuturing ang bawat mag-aaral na may taglay na sariling pangangailangan at interes.
2. Simulaing Nagsasangkot sa Mag-aaral
Isinasaad sa simulaing ito na dapat bigyan ang bawat mag-aaral ng maraming pagkakataon upang
makilahok sa ibat-ibang uri ng gawaing komunikatibo.
3. Simulaing Nakatuon sa Target na Wika
Binibigyang halaga ng simulaing ito na kailangang bigyan ng guro ang mga mag-aaral ng mga input
na komunikatibo na abot ng kanilang pang-unawa at makabuluhan para sa sarili nilang
pangangaailangan at interes. Magagawa lamang ito ng isang guro kung lilikha siya ng isang
sitwasyon kung saan mararamdaman ng mag-aaral na nagagamit niya ang target na wika ng natural
at hindi pilit.
4. Simulaing Nakapokus sa Ilang anyo ng Wika
Upang mahusay na malinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa loob ng maikling
panahon, kailangang ng guro ang mga mag-aaral sa ilang anyo at gamit ng wika, mga kasanayan at
stratehiya na makatutulong upang magamit ang wika sa isang kalagayan na limitado ang panahon.
5. Simulaing Sosyo-kultural
Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura ng mga taong gumagamit nito. Mahalagang magkaroon
ng mga kaalamang Kultural upang maunawaan at mabigyang-kahulugan ang sinasabi ng kausap.
Tungkuling ng guro na ipadama sa mag-aaral na kailangan ang pagpapahalaga sa mga karanasang
pang-kultura na dala nila sa pag-aaral ng wika at mapag-yaman ito sa kultura ng mga taong
gumagamit ng target na wika.
6. Simulain ng kamalayan
Ang pag-aaral ng wika ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na lubos na maunawaan ang
ugnayan ng wika at kultura. Kailangan ng isang mag-aaral ng wika ang pagiging sensitibo sa wika at
kultura ng ibang tao. Ang pagsasaalang-alang sa kultura ay nagiging daan upang madama ang
lakas ng wika upang mapaglapit ang diwa at isipan ng ibat-ibang taong gumagamit ng target na
wika.
7. Simulain ng Pagtataya
Ang kamalayan hinggil sa sariling pag-unlad ng wika ay maaaring maging pampasigla para sa ibayo
pang pagkatuto. Kayat mahalaga na palagiang may pidbak ang mag-aaral hinggil sa kanilang
pagsulong sa pagkatuto at kailangan itong maging realistiko.
8. Simulain ng Pananagutan
Mahalaga sa anumang larangan ng pag-aaral ang pagkakaroon ng sariling pananagutan anuman
ang maging bunga nito at malinang ang pagkatuto sa sariling sikap.
MGA PAMAMARAAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO
Pamamaraang Grammar Translation (Pamaraang Klasiko)
Mithiin (Goals)
1. Mabasa ang literature ng target na wika.
2. Maisaulo ang mga tuntuning balarila talasalitaan ng target na wika.
3. Mga Katangian.
4. Ginagamit sa pagtuturo ang katutubong wika at bihirang gamitin ang target na wika.
5. Hiwalay na ginagawa ang paglinang ng mga talasalitaan.
6. Binibigyang diin ang pagbasa at pagsulat halos hindi nalilinang ang pakikinig at pagsasalita.
7. Pabuod na tinuturo ang balarila. Ilalahad ang tuntunin, pag-aaralan at pagkatapos ay
magkakaroon mg maraming pagsasanay sa pagsasalin.
8. Ang pagbabasa ng mga kahirapang teksto ay isinasagawa nang hindi isinasaalang-alang ang
kahandaan ng mga mag-aaral.
9. Kawastuhan sa pagsasalita ang mahalaga. Inaasahan na magaling sa pagsasalin ang mga mag-
aaral mula sa target na wika.
Ang Series Method
Ay isang pamaraan sa pagtuturo na kung saan ang target na wika ay itinuturo nang tuwiran (walang
pagsasalin) at isang serye ng mga magkakaugnay na pangungusap ay inilalahad sa isang kosepto
na madaling maunawaan ng mag-aaral.
Walang pagpapaliwana sa tuntuning balarila bagamat maaaring mayroong kayaring balarila na
napapaloob sa mga pangungusap ang dapat linawin.
Ang pamaraang itoy naniniwala sa kaisipang ang pagkatuto ng wika ay ang transpormasyon ng
mga pananaw sa wika at isang konsepto na madaling maintindihan.
Ang Pamaraang Direct
Mga simulain sa pamaraang Direct.
Mga katangian:
1. Inilalahad sa pamamagitan ng dayalog ang mga bagong aralin.
2. Pangunahing istratehiya sa pagkatuto ay ang panggagayak, pagsasaulo ng mga parilala, at
paulit-ulit na pagsasanay.
3. Ang kayariang balangkas ay itinuturo sa paggamit ng mga paulit-ulit na pagsasanay.
4. Halos walang pagpapaliwanag sa mga tuntuning pambalarila. Ang mga tuntuning balarila ay
itinuturo ng mga modelo.
5. Limitado ang gamit ng mga bokabularyo at itinuturo ito ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.
6. Malaki ang pagpapahalaga sa pagbigkas at karaniwang isinasagawa ito sa language labs at mga
pagsasanay na pares minimal.
7. Ang katutubong wika ay hindi ginagamit ng guro sa pagkaklase.
8. Ang mga tamang tugon sa mga tanong/pagsasanay ay agad na pinagtitibay.
9. Sinisikap ng furo na gamitin ng mga mag-aaral ang wika nang walang kamalian.
Ang Mga Designer Methods ng Dekada 70
1. Ang Community Language Learning (CLL)
Ang CLL ay isang klasikong halimbawa ng pamaraan na batay sa domeyn na pandamdamin. Ang
pamaraan ito ay ekstensyon ng modelong Counselling-Learning ni Charles A. Curran na nagbibigay-
diin sa pangangailangan ng mga mag-aaral-kliyente na nagsama-sama bilang isang komunidad na
binibigyan ng kaukulang pagpapayo.
2. Ang Suggestopedia
Ang pamaraang itoy halos katulad ng ibang tinalakay na ngunit ang kakaibay isinasagawa ang
mahahalagang bahagi nito sa isang kalagayang palagay ang kalooban ng bawat mag-aaral at relaks
ang kanilang isipan.
Mga katangian:
a) Ginagamit ang lakas ng pagmumungkahi upang matulungan ang mga mag-aaral na maging
panatag ang kalooban
b) Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuot at may maririnig na mahinang
tugtugin.
c) Inilalahad at ipinaliliwanag ang gramatika at bokabularyo ngunit di tinatalakay nang
komprehensibo.
d) Napapalinaw ang kahulugan sa pamamagitan ng pagsasalita sa katutubong wika.
e) Nangyayari ang komunikasyon sa dalawang dimension; ang kamalayan (conscious) kung saan
nakikinig sa isang binabasaang diyalogo at ang kawalang-kamalayang (sub-conscious) kung saan
ang musikang naririnig ay nagpapahiwatig na ang pagkatuto ay madali.
f) Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika, awitin, at drama.
g) Bahagi ng ginagawa ng mag-aaral sa klase ang ebalwasyon; walang pormal na pagsubok ang
ibinibigay.
3. Ang Silent Way
Ito ay nanghahawakan sa paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung ipinapaubaya sa mga mag-
aaral ang kanilang pagkatuto.
Ang mga mag-aaral sa isang klasrum na Silent Way ay nagtutulungan sa proseso ng pagtuklas ng
mga kasagutan sa mga suliraning pangwika. Sa ganitong kalagayan nanatiling tahimik ang guro
kaya ang katawagan Silent Way.
4. Ang Total Physical Response (TPR)
Ang pamamaraang itoy humango ng ilang kaisipan sa Series Method ni Gouin na nagsasabi na ang
pakatuto ay epektibo kung may kilos na isinagawa kaugnay ng wikang pinag-aralan.
Mga Katangian:
a) Nagsisimula ang mga aralin sa pamamagitan ng mg autos mula sa titser na isinasagawa ng mga
mag-aaral.
b) May interaksyong guro-mag-aaral o mag-aaral-mag-aaral; nagsasalita ang guro, tumutugon ang
mga ma-aaral sa pamamatnubay ng guro.
c) Binibigyang diin ang komunikasyong pasalita, isinasaalang-alang ang kultura ng mga katutubong
tagapagsalita sa pagkatuto ng pangalawang wika.
d) Pinalilinaw ang mga kahulugan sa pangalawang sa pamamagitan ng mga kilos.
e) Inaasahang magkakamali ang mga estudyante sa pagsisimula nilang magsalita; mga kamaliang
global lamang ang iniwawasto.
5. Ang Natural Approach
Ginagamit sa pamamaraang ito ang mga gawain sa TPR sa panimulang lebel ng pagkatuto kung
saan mahalaga ang mga comprehensive input upang mapasigla ang pagtatamo ng wika. Nilalayon
ng Natural approach na malinang ang mga personal na batayang kasanayang pangkomunikasyon
tulad ng gamiting wika para sa mga pang-araw-araw na sitwasyon gaya ng pakikipag-usap,
pamimili, pakikinig sa radyo at iba pa.
Ang guro ang hanguan ng mga input at tagalikha ng ibat-iba at mga kawili-wiling gawaing
pangklasrum gaya ng laro, maikling dula-dulaan at pangkatang gawain.
6. Ang Pagtuturong Nakapokus sa Mag-aaral (Learner-Centered Teaching)
Ang katawagang itoy gamitin sa kurikulum at sa ilang tiyak na teknik sa pagatuturo.
Ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit ng mga teknik na:
a) Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin at istilo sa pag-aaral;
b) Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral.
(Hal. Pangkalahatang gawain o pagsasanay)
c) Nakadaragdag sa pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili;
d) At kurikulum na may kunsultasyon at isinasaalang-alang ang input ng mag-aaral at hindi
itinatakda kaagad-agad ang mga layunin.
7. Ang Pagkatuto na Tulong-tulong (Cooperative Learning)
Sa pagiging kasapi sa isang pangkat, nagagawa nilang magbahaginan ng mga impormasyon na
laging naroon ang pagtulungan sa isat-isa.
Dagdag na konotasyon ng kooperatib ay ang pagbibigay diin nito sa sama-samang (collaborative)
pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang mga itinakdang layunin.
8. Ang Pagkatutong Interactib (Interactive Learning)
Kailangan sa interaksyon hindi lamang ang pagpapahayag ng sariling ideya kundi pag-unawa rin s
ideya ng iba. Ang mga kalahok ay gumagawa ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon, na
lagging may nauunawaan sa isang konteksto.
Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga sumusunod:
a) madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan
b) paggamit ng mga awtentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na paggamit nito.
c) Paglikha ng mga tunay ng wika para sa makabuluhang komunikasyon
d) Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para sa aktuwal na paggamit ng
wika sa labas
e) Pagpapasulat na totoo ang target audyens
9. Ang Whole Language Education
Ang katawagang itoy bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at ginagamit upang bigyan-diin:
a) Ang kabuuan ng wika laban sa pananaw ng pagbabahagi ng wika sa maliliit nitong elemento
gaya ng ponema, morpema at sintaks.
b) Sa interaksyon at pag-uugnayan sa pagitan ng pasalitang wika (pakikinig at pagsasalita) at
wikang pagsulat (pagbasa at pagsulat); at
c) Ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na itoy likas na umuunlad, na katulad din ng
alituntuning pasalita.
Malawak ang nasasakop ng katawagang ito sa edukasyon. Ang whole language ay isang lebel na
ginagamit upang mailarawan ang:
a) Tulong-tulong na pagkatuto
b) Pagkatutong partisipasyon
c) Pagkatutong nakapokus sa mag-aaral
d) Integrasyon ng apat na kasanayan
e) Paggamit ng awtentiko ant natural na wika
10. Content-Centered Education
Ayon kina Brimton, Snow, at Weshe (1989) ang content-centered education ay ang integrasyon ng
mga pagkatuto ng mga nilalalman sa mga layunin sa pagtuturo ng wika. Itoy ang magkasabay na
pag-aaral ng wika at paksang-aralin, na ang anyo at pagkakasunod-sunod ng paglalahad ng wika ay
idinidikta ng nilalaman ng paksa. Taliwas ito sa nakagawiang pagtuturo na ang mga kasanayan sa
wika ang itinuturo nang hiwalay at malayo sa konteksto ng paggamitan nito
11. Ang Pagkatutong Task-Based
Ayon kay Michael Breen (1987) ang task ay alinmang binalangkas na pagkatutong pangwika na may
tiyak na layunin, nilalaman, paraan at mga inaasahang matatamo nga mga magsasagawa ng task.
Ang task ay isang espesyal na anyo ng teknik subalit man malaki ang saklaw nit kaysa sa teknik.
Ang pagkatutong task-based ay bagong pamaraan. Binibigyang pokus lamang nito ang tasksa
pagtuturo. Tinatanaw nito ang proseso sa pagkatuto bilang isang komunikatib task na tuwirang
nakaugnay sa mga layuning pangkagawian at ang mga hangaring nitoy lagpas na nakagawiang
pagsasanay ng wika.

You might also like