You are on page 1of 1

PAG-IBIG SA PANAGINIP

-Arlo

Hindi ko lubos maisip,


kung bakit ikay nasa aking panaginip.
Mistulang tadhana na ang nagdala,
upang tayo ay magkita.

Madilim man ang iyong imahe,


Ngunit malinaw sa akin ang mensahe.
Na ikay aking nasilayan,
Dahil sa akin ikay nakalaan.

Alam kong ako lang ang makakaramdam nito,


Kaya sana ay pagbigyan mo ako.
Na kahit sa panaginip man lang,
Ikay aking mahagkan.

Patuloy paring umaasa,


Na kahit minsay akoy iyong maalala.
Hanggang sa muli nating pagkikita,
Pero sana sa panaginip mo na.

You might also like