You are on page 1of 2

ANG SAMPUNG UTOS (ni Moises)

1. Ibigin mo ang Diyos nang higit sa lahat.


- Ipinag-uutos ang pag-ibig sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya at
pagsunod sa kanyang mga utos.

2. Huwag kang magpahamak manumpa sa ngalan ng Diyos.


- Ipinagbabawal ng Diyos ang panunumpa sa walang katotohanan, ni katwiran ay di-
kailangan, pagtutungayaw at pagwiwika ng masama laban sa Diyos at sa mga santo o mga
banal na bagay.
- Ang panunumpa ay pagsaksi sa ngalan ng Diyos upang mapatunayang tayo ay nagsasabi
ng totoo.

3. Mangilin ka kung araw ng Linggo at mga pistang pinangingilinan.


- Ipinag-uutos ang pagsisimba sa ganitong mga araw.
- Ipinagbabawal ang paggawa ng mabigat kung araw ng Linggo at mga pistang dapat
ipangilin.

4. Igalang mo ang iyong Ama at ang iyong Ina.


- Ipinag-uutos ng Diyos ang pagtalima, paggalang at pagtulong sa mga magulang at sa
lahat ng maykapangyarihan, sa mga namumuno at sa mga matatanda man at sa mga guro at
sa sinumang may karangalan.
- Katungkulan ng mga magulang na alagaan ang kanilang mga anak, pangralan, sawayin at
bigyan ng mabuting halimbawa at tulungan sa pagkakaroon ng karapat-dapat na kalagayan.

5. Huwag kang pumatay ng kapwa mo tao.


- Ipinagbabawal ang pagsugat o pananakit sa kapwa; ang pagtatanim ng galit, ang
pagtutungayaw at pagnanasa sa kapwa.
- Ipinagbabawal ang pagpapakamatay at paglalasing.

6. Huwag makiapid sa hindi mo asawa.


- Ipinagbabawal ang pag-iisip, pagnanasa, pagsasalita at paggawa ng kahalayan lalo na sa
hindi mo asawa.
7. Huwag kang magnanakaw.
- Ipinagbabawal ang pagkuha at pagsira sa hindi mo pag-aari.

8. Huwag kang magbintang o manirang-puri sa kapwa mo tapo at huwag ka namang


magsisinungaling.
- Ipinagbabawal ang pagbibintang ng di-makatwiran, ang paninirang-puri.

9. Huwag kang magnasa sa asawa ng iyong kapwa.


- Ipinagbabawal ang pagnanasa sa hindi mo asawa.

10. Huwag pagnasaan ang hindi mo pag-aari.


- Ipinagbabawal ang di-matuwid na paghahangad sa mga bagay na pag-aari bg iba, at ang
pagkainggit sa kapwa.

You might also like