You are on page 1of 6

N1 (Lalaki) Inay

N2 (Lalaki) Nanay
N3 (Babae) Tatay
N4 (Babae) Kalaro 1
N5 (Babae/Lalaki) Kalaro 2
Ang Guro
Res Sam
Chow Bata 1
King Robot
Wendy

N1: *tunong ng martsa sa graduation*


N2: Maligayang bati sa mga magsisipagtapos ngayong taong 2017 *audience claps* Narito ang
inyong kapwa nagtapos, Ang Mat A. Lino upang magbigay ng kanyang huling mensahe para sa
lahat, palakpakan natin siya. *audience claps*
N3 & N4: Teka muna! Teka lang! Bakit parang si Ang lang ang bida sa kwento na ito?
N1: *tugtugstugstugs* (transition sound)
N3: Oo narito na tayo kay Ang pero nasaan na si Res P. Onsible? Simulan natin mula sa
umpisa, bago ang enteblado, bago ang mensahe. Ang simula ng isang katapusan.
N4: *nanananana* (transition sound)
N5: Ito si Ang, siyam na taong gulang, sa edad na ito maraming tanong na ang binuo niya sa
kanyang isipan.
N1 {Ang}: Inay, bakit ho kapag naglalakad tayo eh sumusunod ang buwan?
N4 {Inay}: Ang, hindi buwan ang sumusunod sa iyo, ang mundo ang umiikot kayat lagi mo
itong nakikita.
N1 {Ang}: Ganoon po ba eh inay bakit naman po tuwing gabi ko lang nakikita ang buwan?
Saan po ito nagtatago sa umaga?
N4 {Inay}: Palaging nariyan ang buwan anak, yun nga lang masyadong maliwang sa umaga
kaya hindi mo ito makita, sa gabi, sa gitna ng dilim nariyan ang liwanag ng mga buwan at bituin.

N1 {Ang}: Eh bakit naman po maliwanag sa umaga? Bakit po mainit ang araw? Bakit may
anino sa hapon ngunit wala na tuwing gabi?
N4 {Inay}: Alam mo anak, ang araw ay isang bituin at isa sa katangian nila --- teka muna,
nasaan na yung isa mong sapatos?
N1 {Ang}: Ay naku po! Naiwan ko ata sa upuan kanina! Inay balik po tayo!
N4 {Inay}: Sige sige, mamaya na natin pag-usapan yang mga tanong mo.
N2: Ito naman si Res, walong taong gulang, sa ganitong edad ay mahilig siyang maglaro ng
patintero at agawan base.
N3 {Res}: Okay sige ganito ako muna lalapit tapos magpapahabol tapos kayo bahala magsave
sa kapag wala ng masyadong bantay?
N5 {Kalaro 1}: Paano kapag nataya ka ehdi talo na tayo
N3 {Res}: Problema ba yun, hindi nila ako matataya! Ako pa? Don sa kanan ka banda tumakbo
tapos layo ka muna, Den sa bandang likod ka naman.
N4 {Kalaro 2} Paano kapag hindi namin nasunod yan?
N3 {Res}: Ano ka ba Den! Ang mahalaga tumakbo tayo! Tara na!
N5: Sa tuwing uuwi si Ang sa kanilang bahay, tinutulungan niya ang kanyang Inay na bantayan
ang kanyang nakababatang kapatid
N1 {Ang} to kapatid: Alam mo ba may nakita akong matabaaaaang uod kanina sa dahon nung
pauwi kami sabi noon ni maam magigin paru-paro raw yun eh. Kung iuwi ko kaya? Ay kaso
baka matatay tatanong ko muna kay maam kung mabubuhay ba kapag iniuwi ko rito sa bahay
oh diba para makita mo rin!
N2: Pagkauwi naman ni Res ay nariyan ang kanyang mga komiks, hilig niya na bumuo nga
kaniyang mga sariling bersyon ng bawat kwento.
N3 {Res}: Darna! Pero teka malamig sa labas tapos lillipad ako kaya dapat lang na magtagal ng
jacket! Kuya Will akin na ang jacket! Hahahaha paano kaya kung si Kuya Will pala ang kasama
ni Darna at hindi si Ding!
N5: Ito si Ang, hayskul, isang pribado na paaralan ang napili ng kaniyang Inay. Para kay Ang
ang unang araw ng hayskul ay isang natitinging tsansa para mailatag ang sarili niya sa bagong
mga kamag-aral.
N4 {Classmate}: Uy, may nakaupo na ba riyan?
N1 {Ang}: Ay nako wala. Upo ka na.
N4 {Wendy}: Ganoon ba sige sandali lang! Chow, King! Dito tayo oh wala pa raw siya kasama!
N5 {Chow}: Aga mo ah! Uy hello hello.
N2 {King}: Ngayon lang yan, noong graduation nga namin late yan eh! Ay hello King pala, as
in yung hari.
N5 {Chow}: King as in Kingkong.
N4 {Classmate}: Huy umayos nga kayong dalawa, Chow, King eto si Ang. Ano ulit buo mo
pangalan?
N1 {Ang}: Ang Mat. Ang Mat. A. Lino. magkakaklase na ba kayo noon? Mukhang close na kayo
eh.
N2 {King}: Kami ni Chow noong elementary parehas kami ng eskwelahan, tapos si Wendy
naman klasmeyt ko noong first year, eh ngayon eto kaming tatlo nagsama-sama ikaw ba anong
section noong first year dito ka na ba sa Star noon?
N1 {Ang}: Ah oo Section Sky ako noong first year.
N5 {Chow}: Woah ehdi matalino ka pala! Ayos King may magtuturo na sa iyo!
N2 {King}: Grabe King ako ba o ikaw tuturuan?
N4 {Wendy}: Kayong dalawa tumigil nga kayo! Nandito rin tayo sa Star eh ano naman, mag-
aaral pa rin tayo kagaya ng lahat.
N5: Hindi alam ni Ang ngunit naging magaan ang loob niya sa tatlo, kaya naman agad silang
nagkasundo-sundo at madalas na magsama-sama. Sila ay kumakain tuwing tanghalian
All: Tsek!
N5: Nag-aaral bago mag periodical test?
All: Tsek!
N5: Tumatambay, nagpupuyat, nakikitulog sa bahay ng isat isa?
All: Tsek!
N5: Nagkakatampuhan?
All: Aba tsek na tsek na tsek!
N5: Ngunit higit sa mga ito, labis natutuwa si Ang sa tuwing nagrerekomenda si Wendy sa
kanya ng mga libro, dahil manunulat ang tatay ni Wendy, marami itong mga koleksyon ng libro.
All: *whisper* Lovelife? Tsek!
N4 {Teacher}: Bilang kayo ay magtatapos na ng senior high school, malapit niyo na malaman
kung pasok ba kayo sa mga inapplyan niyo na kolehiyo. Sana kahit huling taon niyo na ay
seryosohin niyo parin ito at ibigay niyo ang makakaya niyo!
N5 {Chow}: Sa wakaaaaaas! Anim na taon tayo na inapi, inabuso, inalapin, eto na ang ating
kalayaan!
N2 {King}: Hoy Chow! Okay ka lang ba? Gagraduate ka lang ng senior high hindi ng preso!
Tyaka mayroon pa college uy!
N5 {Chow}: Kayo siguro nina Ang, nahalata niyo naman nina Ang diba, humiwalay ako sa inyo
ng track, balak ko na kasi magtabaho pagkatapos makuha ang skill set certificate tapos tutulong
na ako sa gastusin sa bahay.
N1 {Ang}: Kaya mo yan Chow! Andito lang kami basta ba kapag day-off mo sama ka parin sa
amin ha!
N4 {Wendy}: Ikaw ba Ang balak mo na ba magpasa ng requirements sa Unibersidad ng
Bayan? Nakuha mo na yung sulat diba.
N1 {Robot Voice}: Heto ang mga Pasok sa Unibersidad ng Bayan. Ilagay ang iyong pangalan.
N1 {Ang}: *tik tik tik* Ang Mat *tik* A. *tik tik tik* Lino.
N5: Binaba ang listahan, kinakabahan si Ang di niya magawang tumingin, tinakpan ang mata
ngunit muling binuksan. Binaba, binaba, binabi muli ang listahan aaaaaat
N1 {Ang}: Inay! Inay! Tanggap ako! Pasado! Unibersidad ng Bayan Inay!
N4 {Inay}: Talaga anak! Congrats congrats! Naku napakandang balita!
N1 {Ang}: Pero Inay hindi po ba kayo mahihirapan. Alam ko naman po na dobleng kayod po
ang ginagawa niyo para sa amin ni bunso simula po noong umalis si itay. Alam ko po na kaya
ng sweldo niyo pero ayaw niyo po ba na magtrabaho na ako?
N4 {Inay}: Ikaw ba Ang, ano talaga ang gusto mo na gawin, alam kong tinaguyod ko kayo pero
kahit kailan hindi ko naramdaman na mag-isa ako. Anak ko kaya at sinuportahan niyo ako, kaya
naman sinusuportahan ko rin kayo. Kung gusto mo akong tulungan aba salamat namang
talaga, pero alam kong may mga iba ka pa na pangarap kayat kung anong desisyon mo, roon
tayo.
N5: *tuntuntutun*(transition sound)
N1 {Ang}: Oo, magpapasa na ako sasabay na ako kay Chow sa Biyernes. Ikaw pala Wendy,
goodluck din sa Unibersidad sa Teknolohiya, siguradong kaya mo yun!
N4 {Wendy}: Salamat Ang! Magkita-kita pa rin tayo kapag libre kayo!
All : GROUP HUG! WOOOH! WOOH!
N2: Ito naman si Res, hayskul, isang pampublikong paaralan naman ang kaniyang napili
kasama ang kanyang matalik na kaibigan.
N5 {Sam}: Huy Res! Nagsusulat ka na naman ng mga kwento mo!
N3 {Res}: Ano Sam! Syempre bago mawala sa utak sinusulat ko na! Teka nakita mo ba yung
bagong labas na pelikula? Samahan mo ko manuod!
N5 {Sam}: Bakit ililibre mo ba ako?
N3 {Res}: Kanya-kanya naman! Wala ng libre ngayon! Pagkatapos ng departmental exam natin
yayain mo sina Mari at Kit!
N5 {Sam}: Ang lakas mo lumakwatsa pero mataas pa rin exam mo how to be u po?
N2: *tugstugstugs* How to be Res in three simple ways!
N2: Number 1! Number 1! Kumain at matulog! Kailangan ng energy energy sa tuwing mag-aaral
kaya kahit gaano siya ka abala ay hindi niya nakakaligtaan na kumain at matulog!
N2: *tugstugstugs* Number 2 Number 2! Si Res ay mas komportableng nakakapag-aral tuwing
umaga kaya naman, sa gabi siya gumagawa ng reviewer at sa umaga ay tsaka niya aaralin!
N2: *tugstugstugs* Numbeeeeeer 3! K Drama! At pagsusulat! Hindi lang palaging nag-aaral si
Res, binibigyan niya rin ng panahon ang pagsusulat niya ng mga istorya. Kamakailan lang ay
nagustuhan niya ang mga kwento ng KDrama at syempre paminsan-minsan lumalakwatsa siya
roon, diyan at kung saan-saan!
N3 {Res}: Sam hindi naman ako lalakwatsa lang tsaka pinag-ipunan ko ipanunuod ko. Gusto ko
kasing magkaroon ng ideya sa ganoong genre ng palabas, malay mo magamit ko sa isang
bagong kwento!
N5 {Sam}: Diretso ka na ba sa Unibersidad ng Bayan pagkatapos nating manuod? Tuloy na
tuloy ka na diba.
N2: *tugstugstugs* (transition sound) Noong nakaraang linggo lang ay kinausap ni Res ang
kanyang magulang ukol sa plano niyang pagkokolehiyo.
N1 {Robot Voice}: Heto ang mga Pasok sa 100% Scholarship. Ilagay ang iyong pangalan.
N3 {Res}: *tik tik tik* Res *tik* P. *tik tik tik* Osinble.
N2: Binaba ang listahan, kinakabahan si Res, di niya magawang tumingin, tinakpan ang mata
ngunit muling binuksan. Binaba, binaba, binabi muli ang listahan aaaaaat
N3 {Res}: Ma! Pa! Pasado! Iskolar! 100% Free tuition! Pwede na po ako tumuloy sa
Unibersidad ng Bayan!
N1 {Tatay}: Congratulations anak! Naku congrats talaga congrats!
N4 {Nanay}: Congrats anaaak! Napakalaking tulong din na kumuha tayo ng loka sa
scholarship, may pandagdag tayo sa allowance mo nakuuu anak! Congrats talaga!
N2: *tugstugstugs*
N3 {Res}: Hindi baka sa Lunes na ako pumunta sabay na tayo!
N2 & N5: Mabilis, mabilis, mabilis na lumipas ang mga araw at pareho na pumasok si Ang at
Res sa Unibersidad ng Bayan.
N4: Ngunit hindi naiwasan ni Res ang sobraaaaang traffic! Traffic sa tricycle! Sa jeep! Sa bus!
At kahit sa loob ng campus ay traffic pa rin! Kaya naman tumatakbo na siya papunta sa
kanyang unang klase.
N3: Tumakbo siya at hindi namalayan nag biglang *booogsh* nakbanggan niya si Ang! Sa
sobrang lakas ay napaupo siya! Agad naman ni tinulungan ni Ang si Res na makatayo.
All: And I was born for youuuuuuu it was written in the stars~~ Yes I was borrrr---
N1{Ang}: Teka kakakilala lang born for her agad? Agad? Agad-agad?
N3 {Res}: Bahala kayo riyan late na akoooooo!!!
N2: Ito sina Res at Ang, kapwa nasa iisang kolehiyo. Isa sa pinakamalaking pagbabago ay kung
paano nawala ang lahat ng kontrol nila sa sarili nilang oras.
N1: Isang malaking weather forecast ang kanilang buhay sa kolehiyo. Kung minsan ay kalmado
ang kanilang mga naging klase, ngunit madalas ay umuulan ng pagsusulit! Exams sa dulo ng
linngo at sa dulo ng buwan!
N4: Lumalakas din ang ihip ng mga papel! Kailangan nila magpasa ng book report, maging mga
mini stories at review paper! Lahat na ata ng klase ng paper!
N3: Pero hindi pa rin nawawala ang oras nila para sa kanilang mga kaibigan! Food trip! HIke
trip! Photo trip! Halos lahaaaat di ng trip! Lumipas ang taon, naigapang ang mga gabi, at
nagsumikap sa mga pagsusulit.
N4: Mapaglaro ang tadhana, at siyempre ang ating kwento, kayat sa kanilang huling taon sa
kolehiya ay naging makaklase sina Res at Ang.
All: And I was born for youuuuuuu it was written in the stars~~ Yes I was borrrr--- SHHHHHH
QUIET!
N4 {Guro}: Magandang umaga class. Welcome to Writing 101 or as I like to call it How to Get
Away with Writers Block. Huwag niyo na asahan na ibibigay ko sa inyo ang lahat, narito kayo
para mahasa ang kung ano man na mayroon kayo. Gumawa na ako ng grupo para sa inyo at
sa dulo ng klase ay kailangan ko ng isang kwento mula sa inyo.
N1 {Ang}: Tungkol saan naman po ang kwento na kailangan naming buuin?
N4 {Guro}: Simple lang naman, isulat niyo ang isang kwento na nakapapapamulat. Paano mo
ililimbag ang kwento ng buhay, ng kung paano mabuhay? Iyon ang gusto ko makita.
N3 {Res}: Tutal tayo ang magkaparehas para sa kwento, ako nga pala si Res. Res P. Onsible.
N1 {Ang}: Ako si Ang. Ang Mat. A. Lino. May mga naiisip ka na ba tungkol sa sinabi na maam.
N3 {Res}: Tutal gusto ni maam ng kwento ng buhay, naisip ko na pwede tayong dalawa ng
isang lugar na para sa atin ay nagpapakikita ng buhay, ikaw bahala kung saan mo gusto tapos
akong bahala sa kung saan ko gusto, pupuntahan natin parehas at ayun tignan natin kung saan
tayo dadalhin.
N1 {Ang}: Osige okay ako riyan!
N5: Si Ang ang unang pumili ng lugar, ang kanilang sariling kolehiyo, kahit kapwa estudyante na
roon ay nilibot nila itong muli. Sa eskwelahan na ito, ipinakita ni Ang ang maingay na mga
classroom, ang canteen kung saan sila madalas na tumambay ng kaniyang barkada. Ang library
kung saan makailang ulit din silang nagluksa na mag-aral at ang mismong mga daan na araw-
araw nilang tinahak.
N1 {Ang}: Alam ko naman na mas malaki pa ang buhay na nag-aabang sa paglabas natin sa
kolehiyo na ito, pero sa tuwing maalala ko kung paano ako nagsimula rito ay tila nararanasan
kong muli kung paano matutuong magbasa o magsulat, bawat araw ay bagong pagtuklas.
N3 {Res}: Kahit ba madalas tayong naghirap dito, napuno rin ng masaya na alala diba.
N1 {Ang}: Hindi lang alala, pakiramdam ko, palagi ko pa rin babalikan ang mga natutunan ko
rito. Ganoon din siguro sa buhay, kahit lumipas man ang panahon, lahat ng sakit, pagod parang
walang katapusan habang ating pinagdadaan. Ngunit kung ating malagpasan at muling balikan,
haaaaaay siya pa na nakakapagpalakas sa atin.
N2: Si Res naman ang sunod na pumili ng lugar, isang ampunan ang napili ni Res. Mga bata na
ibat ibang edad, kwarto kung saan sila ay sama-sama, sa hapagkainan na pinagsasaluhan.
N3 {Res}: Noong hayskul, madalas din ako pumunta rito. May mga bata rito na iniwan, dito na
lumaki, o kaya naman ay ibinalik mula sa foster care. Alam ko na hindi lahat sila ay masaya na
narito, may iba naman na hindi pa lamang naiintindihan na iniwan sila rito, pero lahat sila sa
loob ng kanilang puso ay naghihintay na balilkan ng kanilang magulang o di kaya ay
makahanap ng pamilyang matatawag nila na sa kanila.
N1 {Ang}: Bakit naman ito ang napili mo na lugar?
N3 {Res}: Para sa akin kasi, isa rin itong repleksyon ng kung ano ang buhay. Hindi lahat ng
desisyon ay magagawa natin, ni hindi nga natin sariling desisyon na isilang sa mundong ito eh.
Hahaha. Pero alam mo ba, sino ba ang nagsasabi kung kailang tayo bata at kung kailan hindi
na? Noong labinwalong taong gulang tayo bigla bigla na kailangan na natin malaman kung saan
tayo magkokolehiyo, anong trabaho ang ating kukunin, kailangan matutunan natin kung paano
mabubuhay sa susayidad na ito.
N4 {Bata}: Bye bye Ate Res! Balik po ulit kayo haa!
N3 {Res}: Pero kagaya nila, gusto natin na mayroong makapitan sa lahat ng ito. Bukod sa sarili
nating lakas, ang koneksyon natin sa iba ay mahalaga rin sa atin. At hindi mabubuo ang
mabuting relasyon na iyon kung hindi tayo magiging mabuti sa ating kapwa.
N1: *tunong ng martsa sa graduation*
N2: Maligayang bati sa mga magsisipagtapos ngayong taong 2017 *audience claps* Narito ang
inyong kapwa nagtapos, Ang Mat A. Lino upang magbigay ng kanyang huling mensahe para sa
lahat, palakpakan natin siya. *audience claps*
N1 {Ang}: Sa huling taon ko sa kolehiyo ay nagkaroon kami ng pagkakataon na ilimbag kung
paano ang mabuhay.
Madali lang huminga, ang sariling katawan pa nga natin ang humihinga para sa
atin, ngunit heto ba ang tunay na pagiging buhay? Kasama ang partner ko na si
Res, tinuklas namin ang iba ibang perspektibo ng pamumuhay. Bakit kailangan
nating maghirap? Bakit hindi maaaring puro saya ang buhay? Ngunit sa lahat ng
aming tanong, sa tingin ko ay nagkasundo kami ni Res sa isang konsepto.
N1 {Ang}: Bigyan mo ang iyong sarili ng pagkakataon.
Ang buhay ay isang pagkakataon na maramdaman ang lahat ng emosyon. O kahit
maranasan ang pagkawala ng inspirasyon. Maaring naisin mo na gawin ang lahat ng
bagay, maaaring naisin mo na gawin lang isa. Pwede ka maging sikat o mamuhay
ng payak. Pwede mo na maramdaman na pareho pareho ang bawat araw. Ang lugar
kung saan ikaw ay pinakamalaya ay sa loob ng iyong isip at damdamin. Ngunit lahat
ng ito ay pagkakataon na ibibigay mo sa iyong sarili habang ikaw ay patuloy na
namumuhay. Sa pagitan ng ating bawat pagpikit, tayo ay patuloy na mamumuhay at
lalaban. Bigyan mo ang iyong sarili ng pagkakaton para sa buhay na ito. Kaya para
sa partner ko si Res pagbati sayo riyan sa Japan habang sinusulat mo ang iyong
libro! At para sa ating lahat, ito ay isang hakbang pasulong,
All: Isang panibagong pagkakataon!

You might also like