You are on page 1of 1

Ang pangarap ay nagsasaad ng iyong tagumpay sa buhay at ito ang iyong ninanais na makuha bilang

layunin mo sa iyong sarili. Upang makamit mo ito kailangan mo ng tiyaga sa iyong sarili at kasipagan.
Hindi sapat na ang isang tao ay may mayroon lang pangarap. Kailangang nya itong samahan ng tiwala
sasarili at paggawa. Bawat taong nabubuhay dito sa mundong ibabaw ay may kani-kaniyang pangarap.
Malaki ang papel na ginagampanan nito sa ating buhay. Dahil dito, lumuluha tayo nang hindi natin alam
at ngumingiti tayo nang hindi natin namamalayan. Lahat ng bagay na akala natin ay hindi natin kayang
gawin ay ating nagagawa dahil sa ating determinasyon, tiwala sa sarili at pagsisikap para lang maabot
ang pinakamimithinating pangarap. Naaalala ko pa ang paboritong itanong ng aking mga guro noong
akoy nasa elementarya pa lamang at lalong- lalo na noong akoy sumampa na sa hayskul. Gusto kong
maging isang tanyag na guro upang maibahagi ang aking alam, maging inspirasyon at humubog ng mga
mag-aaral na magsisilbing pag-asa ng ating hinaharap. Itinuturing kong bagong bayani ang mga guro.
Sapagkat sa guro nakasalalay ang mga buhay at pangarap ng mga batang ipinagkatiwala sa kanila ng mga
umaasang magulang. Bagkus, sa guro nakasalalay kung ilan sa mga tinuturuan niya ang mamumuno ng
bansa, papatay ng tao, magiging artista o magiging isa na namang guro at marami pang iba. Kaya para sa
akin, masaya at masarap maging isang guro. Nagbabahagi ka na ng iyong kaalaman, may natutunan ka
pang bago sa mga tinuturuan mo. Matututunan mong humarap sa ibat-ibang klase ng tao. Mula sa
pinakamababa hanggang sa pinakamataas. Matututunan mong magpahaba ng pasensya sa mga taong
makukulit at bastos. Matututunan mo kung paano rumespeto at dumisiplina ng sarili at ng ibang tao.
Matututunan mong magsakripisyo alang-alang sa ibang tao. Matututunan mong makinig sa problema at
payo ng iba at gawan ito nang solusyon para sayo at para na rin sa ibang tao.

You might also like