You are on page 1of 27

GABAY

AT DASAL
SA
PAGBI-BISITA IGLESIA
UNANG SIMBAHAN

N. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

B. Amen.

N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo Kung mayroong dalawa o tatlong nagkakatipon sa


pangalan ko, naroon ako sa piling nila. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod na ngayoy
nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling habilin Mo sa Iyong mga alagad
ay magbukas ng aming puso sa ibayong pasunod at pagmamahal sa Iyo at sa aming kapwa.

B. Amen.

Pagbasa: Juan 13:13-35

Pagkaalis ni Judas ay sinabi ni Jesus, Ngayoy mahahayag na ang karangalan ng Anak


ng Tao; at mahahayag din ang karangalan ng Diyos sa pamamagitan niya. At kung mahayag na
ang karangaln ng Diyos, ang Diyos naman ang maghahayag ng karangalan ng Anak, at gagawin
niya ito agad. Mga anak, kaunting panahon na lamang ninyo akong makakasama. Hahanapin
ninyo ako; ngunit sinasabi Ko sa inyo, Hindi kayo makapupunta sa paroroonan ko. Isang
bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo! Kung paanong inibig ko kayo, gayon
din naman, mag-ibigian kayo. Kung kayoy mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayoy mga
alagad ko.

(Sandaling katahimikan)

Salmo 51:1-6

Akoy kaawaan, O mahal kong Diyos,


Sang-ayon sa iyong kagandahang-loob;
Mga kasalanan koy Iyong pawiin,
Ayon din sa Iyong pag-ibig sa akin!

Linisin mo sana ang aking karumhan


At ipatawad mo yaring kasalanan!

Ang pagsalansang ko ay kinikilala,


Laging nasa isip ko at alaala.
Sa iyo lang ako nagkasalang tunay,
At ang nagawa koy di mo nagustuhan.
Kaya may matuwid ka na akoy hatulan,
Marapat na akoy iyong parusahan.

Akoy masama na buhat nang iluwal


Makasalanan na nang akoy isilang
Nais Mo sa akiy isang pusong tapat;
Puspusing Mo ako ng dunong mong wagas.

Dasalin: Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa Ama

Pangwakas:
Mga Hibik sa Kabanal-banalang Manunubos

Lahat: Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako


Katawan ni Kristo, iligtas Mo ako.
Dugo ni Kristo, tigmakin Mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako.
Butihing Hesus, dinggin Mo ako.
Sa loob ng sugat Mo, akoy itago Mo.
Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo.
Sa nagpapahamak na kaaway akoy ipagsanggalang Mo.
Sa sandali ng pagpanaw akoy tawagin Mo.
At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo.
Upang kaisa ng Iyong mga Banal
Akoy makapagpuri sa Iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan.
Amen.
IKALAWANG SIMBAHAN

N. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

B. Amen.

N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo Kung mayroong dalawa o tatlong nagkakatipon sa


pangalan ko, naroon ako sa piling nila. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod na ngayoy
nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling habilin Mo sa Iyong mga alagad
ay magbukas ng aming puso sa ibayong pasunod at pagmamahal sa Iyo sa aming kapwa.

B. Amen.

Pagbasa: Juan 14:27-31

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo;
hindi ito katulad ng ibinibigay ng sanlibutan. Huwag kayong mabalisa; huwag kayong matakot.
Sinabi Ko na sa inyo, Akoy aalis, ngunit babalik ako. Kung iniibig ninyo Ako, ikagagalak
ninyo ang pagpunta ko sa Ama, sapagkat dakila ang Ama kaysa akin. Sinasabi ko na ito sa inyo
bago pa mangyari upang, kung mangyari na, kayoy manalig sa bago sa akin. Hindi na ako
pakahahaba ng pagsasalita sa inyo, sapagkat dumarating na ang pinuno ng sanlibutang ito. Wala
siyang kapangyarihan sa akin, subalit dapat makilala ng sanlibutan na iniibig ko ang Ama at ang
ginagawa koy ang iniutos niya sa akin. Tumindig kayo; tayo!

(Sandaling katahimikan)

Salmo 51:7-11

Ako ay linisin, sala koy hugasan


At akoy puputi nang walang kapantay.
Sa galak at tuwa ako ay puspusin;
At muling babalik ang galak sa akin.

Ang kasalanan koy iyo nang limutin


Lahat ko nawang masamay pawiin.

Isng pusong tapat sa akiy likhain,


Bigyan Mo, O Diyos, ng bagong damdamin.

Sa iyong harapay hwag akong alisin


Ang Espiritu Mo ang papaghariin.
Dasalin: Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa Ama

Pangwakas:

Mga Hibik sa Kabanal-banalang Manunubos

Lahat: Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako


Katawan ni Kristo, iligtas Mo ako.
Dugo ni Kristo, tigmakin Mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako.
Butihing Hesus, dinggin Mo ako.
Sa loob ng sugat Mo, akoy itago Mo.
Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo.
Sa nagpapahamak na kaaway akoy ipagsanggalang Mo.
Sa sandali ng pagpanaw akoy tawagin Mo.
At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo.
Upang kaisa ng Iyong mga Banal
Akoy makapagpuri sa Iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan.
Amen.
IKATLONG SIMBAHAN

N. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

B. Amen.

N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo Kung mayroong dalawa o tatlong nagkakatipon sa


pangalan ko, naroon ako sa piling nila. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod na ngayoy
nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling habilin Mo sa Iyong mga alagad
ay magbukas ng aming puso sa ibayong pasunod at pagmamahal sa Iyo sa aming kapwa.

B. Amen.

Pagbasa: Juan 15-:1-4

Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapag-alaga. Pinuputol niya
ang bawat sangang hindi namumunga; at kaya namang pinuputulan at nililinis ang bawat
sangang namumunga upang lalong dumami ang bunga. Nalinis na kayo sa pamamagitan ng
salitang sinabi ko sa inyo. Manatili kayo sa akin at manatili ako sa inyo. Hindi
makapamumunga ang sangang hindi nananatiling nakakabit sa puno. Gayon din naman, hindi
kayo makapamumunga kung hindi kayo mananatili sa akin.

(Sandaling katahimikan)

Salmo 51:12-17

Ang galak na dulot ng yong pagliligtas,


Ibalik at ako ay gawin mong tapat
Kung magkagayon na, aking tuturuan
Sa Iyo lumapit ang makasalanan
Ingat Mo ako, Diyos kong manunubos,
Ang pagliligtas moy galak kong ibabantog
Turuan mo akong makapagsalita.
At pupurihin ka sa gitna ng madla.
Hindi mo na nais ang mga panghandog;
Sa haing sinunog di ka nalulugod
Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat
Ay ang pakumbabat pusong mapagtapat.

Dasalin: Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa Ama


Pangwakas:

Mga Hibik sa Kabanal-banalang Manunubos

Lahat: Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako


Katawan ni Kristo, iligtas Mo ako.
Dugo ni Kristo, tigmakin Mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako.
Butihing Hesus, dinggin Mo ako.
Sa loob ng sugat Mo, akoy itago Mo.
Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo.
Sa nagpapahamak na kaaway akoy ipagsanggalang Mo.
Sa sandali ng pagpanaw akoy tawagin Mo.
At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo.
Upang kaisa ng Iyong mga Banal
Akoy makapagpuri sa Iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan.
IKAAPAT NA SIMBAHAN

N. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

B. Amen.

N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo Kung mayroong dalawa o tatlong nagkakatipon sa


pangalan ko, naroon ako sa piling nila. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod na ngayoy
nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling habilin Mo sa Iyong mga alagad
ay magbukas ng aming puso sa ibayong pasunod at pagmamahal sa Iyo sa aming kapwa.

B. Amen.

Pagbasa: Juan 15:18-20

Kung napopot sa inyo ang sanlibutan, dapat ninyong malamang napoot na ito sa akin
bago sa inyo. Kung kayo ngay sa sanlibutan, iibigin kayo nito bilang kanya. Ngunit yamang
hindi kayo sa sanlibutan, kundi pinili ko kayo mula rito, itoy napopoot sa inyo. Alalahanin
ninyo ang sinabi ko sa inyo: walang aliping higit kaysa kanyang Panginoon. Kung akoy inusig
nila, uusigin din nila kayo kung tinupad nila ang aking salita, tutuparin din nila ang salita
ninyo.

(Sandaling katahimikan)

Salmo 51:18-19

Iyong kahabagan, O Diyos, ang Sion;


Yaong Jerusalem ay muling ibangon

At kung magkayaon, ang handog na haing


Dala sa dambana, torong susunugin
Malugod na itoy Iyong tanggapin.

Dasalin: Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa Ama

Pangwakas:

Mga Hibik sa Kabanal-banalang Manunubos


Lahat: Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako
Katawan ni Kristo, iligtas Mo ako.
Dugo ni Kristo, tigmakin Mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako.
Butihing Hesus, dinggin Mo ako.
Sa loob ng sugat Mo, akoy itago Mo.
Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo.
Sa nagpapahamak na kaaway akoy ipagsanggalang Mo.
Sa sandali ng pagpanaw akoy tawagin Mo.
At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo.
Upang kaisa ng Iyong mga Banal
Akoy makapagpuri sa Iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan.
IKALIMANG SIMBAHAN

N. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

B. Amen.

N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo Kung mayroong dalawa o tatlong nagkakatipon sa


pangalan ko, naroon ako sa piling nila. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod na ngayoy
nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling habilin Mo sa Iyong mga alagad
ay magbukas ng aming puso sa ibayong pasunod at pagmamahal sa Iyo sa aming kapwa.

B. Amen.

Pagbasa: Juan 17:5-8

Kaya, Ama, ipagkaloob Mo sa akin ngayon ang karangalang taglay ko sa piling Mo


bago pa likhain ang sanlibutan. Ipinakilala Kita sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa
sanlibutan. Silay iyo; ibinigay Mo sila sa akin at tinupad nila ang Iyong salita. Ngayoy alam
na nilang mula sa Iyo ang lahat ng ibinigay Mo sa akin; sapagkat itinuro ko sa kanila ang lahat
ng aking nabatid sa Iyo at tinanggap naman nila. Natitiyak nilang akoy galing sa Iyo, at
naniniwala silang Ikaw nga ang nagsugo sa Akin.

(Sandaling katahimikan)

Salmo 55:1-7

Ang aking dalangiy dinggin, Panginoon


O dinggin Mo ako sa aking pagtaghoy;
Lingapin Mo ako, ako ay sagipin,
Sa bigat ng aking mga suliranin.

Sa maraming banta ng mga kaaway,


nalilito ako at di mapalagay.
Ang dulot sa akin nilay kaguluhan,
Namumuhi sila at galit na tunay.
Yaring aking pusoy tigib na ng lumbay,
Sa katakutan kong ako ay pumanaw
Sa tindi ng takot, akoy nanginginig
Sinasaklot ako ng sindak na labis.

Wika ko, kung ako lamang ay may pakpak.


Parang kalapit, ako ay lilipad;
Ako ay hahanap ng dakong panatag.
Aking liliparin ang malayong lugar,
At doon sa ilang mananahan.

Dasalin: Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa Ama

Pangwakas:

Mga Hibik sa Kabanal-banalang Manunubos

Lahat: Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako


Katawan ni Kristo, iligtas Mo ako.
Dugo ni Kristo, tigmakin Mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako.
Butihing Hesus, dinggin Mo ako.
Sa loob ng sugat Mo, akoy itago Mo.
Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo.
Sa nagpapahamak na kaaway akoy ipagsanggalang Mo.
Sa sandali ng pagpanaw akoy tawagin Mo.
At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo.
Upang kaisa ng Iyong mga Banal
Akoy makapagpuri sa Iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan.
IKAANIM NA SIMBAHAN

N. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

B. Amen.

N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo Kung mayroong dalawa o tatlong nagkakatipon sa


pangalan ko, naroon ako sa piling nila. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod na ngayoy
nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling habilin Mo sa Iyong mga alagad
ay magbukas ng aming puso sa ibayong pasunod at pagmamahal sa Iyo sa aming kapwa.

B. Amen.

Pagbasa: Juan 17:9-13

Idinadalangin ko sila, hindi ang sanlibutan kundi ang lahat ng ibinigay Mo sa akin,
sapagkat silay iyo. Ang lahat ng akin ay iyo, at ang lahat ng iyo ay akin; at parangalan ako sa
pamamagitan nila. At ngayon, akoy papunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan ngunit nasa
sanlibutan pa sila. Amang banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong
pangalan, pangalang ibinigay mo sa akin, upang silay maging isa, kung paanong tayoy iisa.
Habang kasama nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong
pangalang ibinigay Mo sa akin. Inalagaan ko sila at ni isay walang napahamak liban sa taong
humanap ng kanyang kapahamakan, upang matupad ang Kasulatan. Ngunit ngayon, akoy
papunta na sa iyo at sinasabi ko ito habang akoy nasa sanlibutan upang mapuspos sila ng aking
kagalakan.

(Sandaling katahimikan)

Salmo 4:1-3

Sagutin mo ako sa aking pagtawag,


Panginoong Diyos na aking kalasag;
Ikaw na humango sa dusa kot hirap,
Ngayoy pakinggan Mo, sa akiy mahabag.

Hanggang kailan pa kaya lilikhain


Niyong mga tao ang Iyong alipin?
Hanggang kailan pa nila iibigin
Ang walang halagat pagsisinungaling?

Dapat mapagkuro ninyo at malaman


Na mahal ng Panginoon
akong Kanyang hinirang,
Dininig Niya sa panawagan.

Dasalin: Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa Ama

Pangwakas:

Mga Hibik sa Kabanal-banalang Manunubos

Lahat: Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako


Katawan ni Kristo, iligtas Mo ako.
Dugo ni Kristo, tigmakin Mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako.
Butihing Hesus, dinggin Mo ako.
Sa loob ng sugat Mo, akoy itago Mo.
Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo.
Sa nagpapahamak na kaaway akoy ipagsanggalang Mo.
Sa sandali ng pagpanaw akoy tawagin Mo.
At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo.
Upang kaisa ng Iyong mga Banal
Akoy makapagpuri sa Iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan.
IKAPITONG SIMBAHAN
N. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

B. Amen.

N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo Kung mayroong dalawa o tatlong nagkakatipon sa


pangalan ko, naroon ako sa piling nila. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod na ngayoy
nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling habilin Mo sa Iyong mga alagad
ay magbukas ng aming puso sa ibayong pasunod at pagmamahal sa Iyo sa aming kapwa.

B. Amen.

Pagbasa: Juan 17:24-26

Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga ibinigay Mo sa akin, upang
mamasdan nila ang karangalang bigay Mo sa akin, sapagkat inibig mo na ako bago pa nilikha
ang sanlibutan. Makatarungang Ama, hindi ka nakikilala ng sanlibutan, ngunit nakikilala kita; at
nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinakilala kita sa kanila at
ipakikilala pa, upang ang pag-ibig na sa akin ay sumapuso nila at ako namay sumakanila.

(Sandaling katahimikan)

Salmo 137, 1-2a; 2bk-3.4-5.7k-8

Ako, Poon, buong pusong aawit ng pasalamat,


Sa harap ng mga anghel pupurihin kitang ganap.
Sa harap ng iyong templo ay yuyuko at gagalang,
Pupurihin kita roon, pupurihin ang yong ngalan.
Dahilan sa pag-ibig mo sa iyong katapatan,
Ikay tunay na dakila, pati yong kautusan.

Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo,


Sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.
Dahilan sa pangako mong narinig ng mga hari,
Pupurihin ka ng lahat at ikawy ipagbubunyi
Ang lahat ng ginawa mo ay kanilang aawitin,
At ang kadakilaan mo ay kanilang sasambitin.

Nahahandang harapin mo mapupusok kong kaaway,


Ligtas ako sa piling mo, sa lakas na iyong taglay.
Yaong mga pangako mo ay handa mong tupding lahat,
Ang dahilan nito, Poon, pag-ibig moy di kukupas,
At ang mga sinimulang Gawain may magaganap.

Dasalin: Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa Ama

Pangwakas:

Mga Hibik sa Kabanal-banalang Manunubos

Lahat: Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako


Katawan ni Kristo, iligtas Mo ako.
Dugo ni Kristo, tigmakin Mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako.
Butihing Hesus, dinggin Mo ako.
Sa loob ng sugat Mo, akoy itago Mo.
Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo.
Sa nagpapahamak na kaaway akoy ipagsanggalang Mo.
Sa sandali ng pagpanaw akoy tawagin Mo.
At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo.
Upang kaisa ng Iyong mga Banal
Akoy makapagpuri sa Iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan.
BISITA IGLESYA

1. Ang pagdalaw ng ibat ibang simbahan


kung Huwebes Santo ay isang sakripisyo
at hindi pamamasyal.

2. Maaaring dumalaw sa kahit ilang


simbahan o maaaring sundin ang
matandang kaugalian na pitong simbahan
ang dadalawin.

3. Hindi ito panahon para sa Daan ng


Krus kundi para pagdalaw sa Santisimo
Sakramento na nasa repository.

Pag-aari ng:
JOY IN THE SPIRIT PRAYER GROUP
Severna Park, Maryland
http://www.orgsites.com/md/jits
Sa kagandahang-loob ni:
Clarisse Castro
Christ Young Professional
Parokya ni San Juan Nepomuceno
Cabiao, Nueva Ecija, Philippines

MGA PANALANGIN SA VISITA IGLESIA HUWEBES SANTO

MAIKSING PALIWANAG

Pagkatapos ng misa sa paghahapunan ng Panginoon ng Huwebes Santo, sinisimulan ang behilva sa


karangalan ng banal na sakramento Ang gabi ng Huwebes Santo av nakatuon sa pagninilay ng simbahan
ukol sa dakilang regalo ni Hesus ng kanyang sarili sa banal na Eukaristiya.

Maraming parokva ang nagtatayo ng'monumento' O tanging altar: na nagagayakan ng mga palamuti at
pinaglalagakan ng isang tabernakulo na pansamantalang tintahanan ng banal na eukaristiya para sa
maringal na behilya. Hindi dapat na itinatanghal ang banal na sakramento sa pamamagitan ng
monstrance sapagkat ito ay isang reposition at hindi exposition ng eukaristiya. Ang pintuan ng
tabernakulong gagamitin para dito ay dapat na nakasara upang maitago ang kabanal-banalang
sakramento.

Sa gabing ito, ginagawa ng mga mananampalataya ang tradisyunal na Visita Iglesia. Ang bilang ng
simbahan na pinupuntahan ay kadalasang pito.Sa mga pagdalaw na ito mas marapat na ituon ang
mga panalangin sa banal na eukaristiyang nakapatente sa monumento. Ang pagdiriwang na sumusunod
ay isinaayos para magamit ng mga mananampalataya sa mga pagdalaw, na ito. Maaring magdasal ng
rosaryo habang naglalakbay mula sa isang simbahan patungo sa susunod na simbahan.
Nais naming ipaalam na ang pagtatanod ay dapat tapusin sa hating-gabi sapagkat ang araw ng Byernes
Santo ay nagsisimula at sa oras na ito ang buong simbahan ay tumutugon naman sa hiwaga ng krus ni
Kristo. Ang Istasyon ng Krus ay mas magandang dasalin sa araw ng Biyernes Santo kung saan ang
misteryo ng pagpapakasakit ni Kristo sa Krus ay binibigyang halaga.

UNANG SIMBAHAN

PASIMULA

Namumuno:
Sa ngalan ng Ama at ng anak at ng Espiritu Santo

R. Amen.

Namumuno:
Mga kapatid, sa gabing ito tayo ay nagtatanod upang samahan si Hesus at pasalamatan ang katangi-
tangi at dalisay na regalo ng kanyang sarili sa Eukaristiya. Sa banal na pagatatanod na ito isama natin sa
ating panalangin ang lahat ng kaparian sa buong mundo upang sila ay mapuspos ng tunay na
pagmamahal sa Eukaristiya na ipinagkatiwala sa kanilang mga kamay. Ipanalangin din natin ang lahat ng
tao na nanlalamig na sa Diyos ng Awa, upang sa banal na sakramento sila ay makasumpong ng init ng
pag-ibig at lakas ng pananampalataya. Bilang mga anak ng Diyos Ama nararapat lamang na tayo ay
magnilay at sumamba sa tunay na katawan ni Hesus sa anyong tinapay. Marami pa rin ang ayaw
kumilala sa kapangyarihan ng krus ni Kristo at ang mabuting balita na nagliligtas sa tanan. Hilingin natin
kay Hesus na ipagkaloob sa sandaigdigan ang tunay na kapayapaan at kasaganaan na nagmumula
lamang sa kanya.

PAGBASA

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kav San Juan (17:9-73)


R. Papuri sa iyo, Panginoon.

Noong Panahong iyon sinabi ni Hesus, "idinadalangin ko siya hindi ang sanlibutan kundi ang lahat ng
ibinigay mo sa akin sapagkat sila'y iyo. Ang lahat ng akin ay iyo at ang lahat ng iyo ay akin; at
pararangalan ako sa pamamagitan nila. At ngayo'y ako'y pupunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan,
ngunit nasa sanlibutan pa sila. Amang banal ingatan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong
pangalan, pangalang ibinigay mo sa akin upang sila'y maging isa, kung papaanong tayo'y iisa Habang
kasama nila ako, iniingatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalang ibinigay mo sa
akin. Inaalagaan ko sila at ni isa'y walang mapapahamak liban sa taong humahanap ng kanyang
kapahamakan, upang matupadang kasulatan. Ngunit ngayon ako'y papunta na sa iyo, atsinasabi ko ito
habang ako'y nasa sanlibutan upang mapuspos sila ng aking kagalakan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


R. Pinupuri ka namin Panginoong Hesu-kristo

Uupo ang lahat para sa tahimik na pagninilay.

Ang Panginoon ang aking pastol

Ang Panginoon ang aking pastol pinagiginhawa nya akong


lubos

Handog nyang himlaya'y sariwang pastulan ang pahingahan koy payapang batisan hatid sa kaluluwa ay
kaginhawahan sa tuwid na landas sya ang patnubay.

Madilim na lambak man ang tatahakin ko wala akong sindak Sya'y kasama ko ang hawak niyang tungkod
ang s'yang gabay ko hawak nyang pamalo sigla't tanggulan ko.
Luluhod ang lahnt para ipanalangin ang intesyon ng Santo Papa.

Ama naming... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

MGA HIBIK SA KABANAL-BANALANG MANUNUBOS

Lahat:
Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin mo ako. Katawan ni Kristo, iligtas mo ako. Dugo ni Kristo, tigmakin mo
ako. Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan mo ako Pagpapakasakit ni Kristo, Patatagin mo ako.
Butihing Hesus dinggin mo ako. Sa loob ng sugat mo ako'y. itago mo. Huwag mong ipahintulot
namawalay ako sa iyo. Sa nagpapahamak na kaaway, ako'y ipagsanggalang mo, Sa sandali ng
pagpanaw, ako'y tawagin mo. At iyong ipag- utos na lumapit ako sa iyo. Upang kaisa ng mga banal ako'y
makapagpuri sa iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan. Amen.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Lahat:
Panginoon namin at Diyos, sa sakramentong ito dumudulog kami sa presensya ni Hesu-kristong Anak
mo, ipinanganak ng mahal na birhen at ipinako para sa aming kaligtasan. Marapatin mong kami na
nagpapahayag ng pananampalataya sa bukal ng awa at pag-ibig ay mapakinabang sa tubig ng buhay na
walang hanggan. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.Amen.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo Amen

IKALAWANG SIMBAHAN

Namumuno:
Mga kapatid, sa gabing ito tayo ay nagtatanod upang samahan si Hesus at pasalamatan ang katangi-
tangi-at dalisay, na regalo ng kanyang sarili sa Eukaristiya. Mula pa noong una ipinakita na ng Diyos sa
pamamagitan ng pagpapadala ng manna, ang tinapay na galing sa langit sa kanyang piniling
bayan. Ang pagkain ay importanteng bahagi ng buhay ng tao subalit ang tao ay di lamang binubuo ng
katawan ito ay may espiritung kailangang busugin ng presensya ng Diyos na lumikha rito. Sinasabi ni
Hesus na siya ang pagkaing nagmula sa langit ang tunay na nakabubusog ng bawat puso. Bilang mga
anak ng Diyos Ama nararapat lamang na tayo ay magnilay at sumamba sa tunay na katawan ni Hesus sa
anyong
tinapay.

PAGBASA
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San ]uan (6:51-58)
R. Papuri sa iyo, Panginoon.

Noong panahong iyon sinabi ni Hesus sa mga tao: "Ako ang pagkaing nagbibigay buhay na bumaba
mula sa langit. Mabubuhay magpakalianman ang sinumang kumain nito. At ang pagkaing ibibigay ko ay
sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman." Dahil dito'y nagtalutalo ang mga Judio. "papaanong
maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang kanin natin?" tanong nila, kayat sinabi sa
kanila ni Hesus , "Malibang kanin ninyo ang laman ng anak ng tao at inumin ang kanyang Dugo hindi
kayo magkakaroon ng buhay. Ang kumakain ng aking laman at ang umiinom ng aking dugo ay may
buhay na walang hanggan, at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. Sapagkat ang aking laman ay
tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin. Ang kumakain ng aking laman at ang umiinom
ng aking dugo ay nananahan sa akin at ako sa kanya. Buhay ang Amang nagsugo sa akin at akoy
nabubuhay dahil sa kanya. Gayon din naman ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin.
Ito ang pagkaing bumaba mula sa langit; ang kumakain nito'y mabubuhay magpakailanman. Hindi ito
katulad ng kinain ng inyong mga magulang sa ilang; namatay sila bagamat kumain niyon."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


R. Pinupuri ka namin Panginoong Hesu-kristo.
Umupo ang lahat para sa tahimik na pagninilay.

Awit ng Paghahangad

O Diyos ikaw ang taging hanap loob ko'y ikaw ang tanging
hangad nauuhaw akong parang tigang na lupa sa tubig ng yong
Pag-aaruga.

Ika'y pagmamasdan sa dakong banal ng makita ko ang iyong


pagkarangal dadalangin akong nakataas aking kamay
magagatak na aawit na ang papuring iaalay.
Gunita koy ikaw habang nahihimlay pagkat ang tulong mong sa
tuwina'y taglay sa lilim ng iyong mga pakpak umaawit akong
buong galak.
Aking kaluluwa'y kumakapit sa'yo kaligtasa'y tiyak kung
hawak mo ako magdiriwang ang hari ang Diyos s'yang dahilan
ang sa iyo ay nangako galak yaong makakamtan.

Luluhod ang lahat para ipanalangin ang intensyon ng Santo Papa.


Ama naming... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

PANALANGIN SA PAGIGING BUKAS PALAD

Lahat:
Panginoon turuan mo akong maging bukas palad. Tururan mo akong maglingkod sa iyo, na magbigay ng
ayon sa nararapat na walang hinihintay mula sa iyo, na makibakang di inaalintana, mga hirap na
dinaranas, sa twina'y magsumikap na hindi humahanap ng kapalit na kaginhawahan, na di naghihintay
kundi ang aking mabatid, na ang loob mo'y sy'ang sinusundan.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Lahat:
Panginoon namin at Diyos, ipinagkaloob mo sa amin ang tinapay na bumaba sa langit. Sa pamamagitan
ng pagkaing ito, mapalakas nawa kami upang mamuhay sang ayon sa iyong buhay at sa katapusan ay
mapakinabang sa iyong luwalhati sa huling araw. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming
Panginoon.
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo Amen.

Namumuno:

Mga kapatid, sa gabing ito tayo ay nagtatanod upang samahan si Hesus at pasalamatan ang katangi-
tangi at dalisay na regalo ng kanyang sarili sa Eukaristiya. Ang Diyos ay Pag-ibig at lahat ng nais
sumunod sa kanya ay dapat umibig ng wagas at dalisay. Ang sangtinakpan sa pamamagitan ng pag-ibig,
sinagip dahil sa pag-ibig at muling babaguhin sang-ayon na rin sa pag-ibig ng Diyos. Ang gabing ito ay
patunay sa atin kung gaanong kalaki ang malasakit sa atin ni Hesus na ninais niyang manatii sa anyo ng
tinapay upang maranasan ng bawat salinlahi ang kalayaang nanggaling sa kanyang pag-ibig. Bilang mga
anak ng Diyos Ama nararapat lamang na tayo ay magnilay at sumamba sa funay na katawan ni Hesus sa
anyong tinapay. Hilingin natin kay Hesus na ipagkaloob sa sandaigdigan ang tunay na kapayapaan at
kasaganaan na nagmumula lamang sa kanya.

PAGBASA

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (15:9-17)


R. Papuri sa iyo Panginoon.

Noong panahon iyon, sinabi Hesus sa kanyang mga alagad, "Kung paanong iniiibig ako ng Ama, gayon
din naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig. Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos,
mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili
sa kanyang pag-ibig. "Sinabi ko sa inyo ang mgabagay na ito upang makahati kayo sa kagalakan ko at
malubos ang inyong kagalakan. Ito ang aking utos: mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo. Walang
pag- ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga
kaibigan. Kayo'y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang mga utos ko. Hindi ko na kayo inaaring alipin"
sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip inaari ko kayong mga
kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng naririnig ko sa Ama, hindi kayo ang pumili sa akiru ako
ang pumili at humirang sa inyo upang kayo'y humayo at mamunga, at manatili ang inyong bunga. sa
gayon anumtm ang hingin ninyo sa Ama sa aking panaglan ay ipagkakaloob sa inyo. Ito ang inuutos ko
sa inyo:mag-ibigan kayo."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


R. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesu-kristo

Umupo ang lahat para matahimik na pagninilay.

Umasa ka sa Diyos

Umasa ka sa Diyos ang mabuti'y gawin at manalig kang ligtas sa lupain sa Diyos mo hanapin ang
kaligayahan at pangarap mo'y makakamtan.

Ang iyong sarili sa Diyos mo ilagak at magtiwalang tutulungan kang ganap. Ang kabutihan mo ay
magliliwanag katulad ng araw kung tanghaling tapat.

Sa harap ng Diyos pumanatag ka maging matiyagang maghintay sa kanya huwag mong kainggitan ang
gumiginhawa sa likong paraan umunlad man sila.

Luluhod ang lahat para ipanalangin ang intensyon ng Santo Papa.


Ama naming... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

PANALANGIN PARA SA MGA PARI

Lahat:
O Hesus ipinapanalangin ko sa iyo ang matapat at maalab mong pari, ang mga lilo at nanlalamig mong
pari; ang iyong mga paring nagpapagal dito at sa ibat-ibang bansa lalo na yaong mga nasa
kaduluduluhang bahagi ng daigdig; ang mga pari mong nahaharap sa matinding tukso at pagsubok; ang
mga nagungulila at nag-iisa mong pari, ang iyong mga bata at maysakit m pari; ang mga kaluluwa sa
purgatoryo ng iyong mga pari. Higit sa lahat ipinapanalangin ko sa iyo ang mga paring mahal sa akin; ang
mga paring nagbinyag sa akin;ang mga paring nagpakumpisal sa akin; ang mga paring nangunguna sa
misa naming at nagbibigay sa akin ng iyong ktawan at dugo sa banal na komunyon; ang mga paring
nagturo at gumabiy sa akin; at ang lahat ng paring pinagkakautangan ko ng loob. O Hesus alalahanin at
ilapit mo silang lahat sa iyong mahal na puso at lagi mo nawa silang pagpalain ngayon at
magpasawalang hanggan. Amen.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Lahat:
Panginoon namin at Diyos, mapuspos nawa ang aming mga puso ng lakas sa pamamagitan ng
sakramentong ito ng bagong buhay. Gawin mo kaming masigasig sa pagpapalaganap ng iyong kaharian.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo Amen
IKAAPAT NA SIMBAHAN

Namumuno:

Mga kapatid, sa gabing ito tayo ay nagtatanod upang samahan si Hesus at pasalamatan ang katangi-
tangi at dalisay na regalo ng kanyang sarili sa Eukaristiya. Sa eukaristiya ating natatagpuan ang susi ng
ating pagkakaisa, kung pgpaanong siya ang puno ng ubas at tayo ang mga sanga tayo ay makakaugnay
sa iisang panananampalatya at iisang patutunguhan. Sa mga pagkakataong pakiramdam natin ay nag-
iisa tayo at walang karamay. Masdan natin ang milagro sa ating piling, ang Diyos na hindi lumisan sa atin.

PAGBASA

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (15:1-4)


R. Papuri sa iyo,Panginoon.

Sinabi ni Hesus "Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga. Pinuputol niya
ang bawat sangang hindi namumunga; at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang
namumunga uapang lalong dumami ang bunga. Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi ko sa
inyo., hindi makakapamunga ang sangang hindi nananatiling nakakabit sa puno. Gayon din naman hindi
kayo makakapamunga kung hindi kayo nakakabit sa akin."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


R. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesu-kristo

Isang Tinapay isang Katawaan isang Bayan

Katulad ng mga Butil na tinitipon


upang maging tinapay na nagbibigay buhay
kami naway matipon din at maging bayan mong giliw
Iisang Panginoon iisang katawan
isang bayan isang lahi sa yo' y nagpupugay.

Katulad din ng mga ubas na piniga at naging alak


sinumang uminom nito may buhay na walanghanggan.
Kami naway maging'sangkap sa pagbuo nitongbayang liyag

Luluhod ang lahat para ipanalangin ang intensyon ng Santo Papa.


Ama naming... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

PANALANGIN PARA SA PANGKALULUWANG


PAKIKINABANG

Lahat:
Pinakamamahal na Hesus, buong pananalig kong sinasampalatayanan na ikaw ay nariyan sa kabanal-
banalang Sakramento. Iniibig kita higit sa lahat ngbagay, at ninanais kong tanggapin ka sa aking
kaluluwa. Dahil hindi kita matanggap sa sandaling ito sa banal na komunyon, sa halip pumasok ka sa
aking puso. Niyayakap kita na parang ikaw ay tunay na nariyan, at iniuugnay ko ang aking buong sarili sa
iyo, huwag mo kailanman itulot na mawalay pa ako sa iyo.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Lahat:
Aming Ama itinalaga mo si Hesu-kristo bilang kataas-taasang pari sa ikaluluwalahati mo at ng aming
kaligtasan. Nawa,y ang bayang pinapagindapat niya sa pamamagitan ng kanyang dugo, ay makasalo sa
kapangyarihan ng kanyang krus at muling pagkabuhay sa pagdiriwang ng huling hapunan, siya ni
nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo iisang Diyos magpasawalang hanggan.
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo Amen

IKALIMANG SIMBAHAN

Namumuno:
Mga kapatid, sa gabing ito tayo ay nagtatanod upang samahan si Hesus at pasalamatan ang katangi-
tangi at dalisay na regalo ng kanyang sarili sa Eukaristiya. Sa panahong puno ng alitan at di
pagkakasundo hatid ng Panginoon ang kapayaang di kailanman ay maibibigay ng mundo. Magnilay tayo
sa harap ng Prinsipe ng kapayapaan upang ituro sa tin ang landas ng pakikipagkasundo. Panibaguhin
nawa tayo ng ating pananalig sa hapag ng bagong pag-asa Kung saan si Kristo ang hain at naghahain sa
ikaliligtas ng santinakpan.

PAGBASA

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (14:27-31)

R. Papuri sa iyo, Panginoon.


Sinabi ni Hesus "Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo;
hindi ito katulad ng ibinibigay ng sanlibutan. Huwag kayong mabalisa; huwag kayong matakot, sinabi ko
na sa inyo, ako'y aalis ngunit babalik ako. Kung iniibig ninyo ako, ikagagalak ninyo ang pagpunta ko sa
Ama, sapagkat dakila ang Ama kaysa sa Akin. Sinasabi ko na ito sa inyo bago pa mangyari upang kung
mangyari na, kayo'y manalig sa Ama bago sa Akin. Hindi na ako pakahahaba ng pagsasalita sa inyo,
sapagkat dumarating na ang pinuno ng sanlibutang ito. Wala siyang kapangyarihan sa akin, subalit dapat
makilala ng sanlibutan na iniibig ko ang Ama at ang ginagawa ko'y ang inuutos niya sa akin. Tumindig
kayo tayo na!"

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

R. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesu-kristo

Dakilang Pag-ibig

Dakilang pag-ibig saan man manahan


Diyos ay naroon walang alinlangan

Tinipon tayo sa pagmamahal, ng ating Poong si Hesus


tayo'y lumigaya sa pagkakaisa, sa haring nakapako sa Krus.

Purihi't ibigin ang ating Diyos, na siyang unang nagmahal;


Kayat buong pag-ibig rin nating mahalin, Ang bawat kapatid at
kapwa.
Iwasan lahat ang pagkapoot, pag-aalinlanga't yamot
Sundin ang landasin ni Hesu-kristo, at ito'y halimbawa ng
Diyos.

Luluhod ang lahat para ipanalangin ang intensyon ng Santo Papa.


Ama naming... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

PANALANGIN KAY HESU-KRISTONG NASA SA KRUS

Lahat:
Kaybuti at pinakamamahal na Hesus, nangangayupapa ako sa iyong paanan, humihiling na mataimtim na
iukit mo sa aking puso ang isang malalim at buhay na pananampalatya pag-asa at
pag-ibig na may dalisay na pagbabalik loob para sa aking mga\ pagkakasala at matibay na pagnanais na
gumawa ng pagbabayad puri. Habang aking pinagninilayan ang iyong limang sugat at pinagmumuni-muni
ang mga ito ng may pagkahabag at hinagpis, naalala ko butihing Hesus ang matagal nang sinabi ni
Propeta David ukol sa iyo: Binutasan nila ang akin! mga kamay at paa. Nabibilang na nila ang aking mga
buto!

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Lahat:
Ama naming makapangyarihan, ginanap mo ang gawain ng kaligtasan sa Pamalnagitan ng muling
pagkabuhay ni Kristong iyong Anak. Nawa'y kaming matapat na nagpapahayag ng kanyang kamatayan
at pagkabuhay sa sakramentong ito ay maranasan ang paglago sa kaligtasan sa aming buhay' Hinihiling
namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo Amen

IKAANIM NA SIMBAHAN

Namumuno:
Mga kapatid, sa gabing ito tayo ay nagtatanod upang samahan si Hesus at pasalamatan ang katangi-
tangi at dalisay na regalo ng kanyang sarili sa Eukaristiya.Hindi tayo nilisan ng Panginoon patuloy
gingabayan ang kanyang simbahan sa liwanag ng Espirirtu Santo. Sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos
ang mga sakramento ay nagkakaroon ng bisa at lakas' Tumawag tayo kay Kristo, ang daan, katotohanan
at pagkabuhay.

PAGBASA

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (14:15-21)

R. Papuri sa iyo, Panginoon.

Sinabi ni Hesus "Kung iniibig ninyo ako tutuparin ninyo ang aking mg utos. Dadalangin ako sa Ama, at
kayo'y bibigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. Ito'y ang
Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat hindi siya nakikita ni nakikilala ng
sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo Siya sapagkat siya'y sumasainyo at nananahan sa inyo." Hindi ko kayo
iiwang nangungulila; babalik ako sa inyo. Kaunting panahon na lamang at hindi na ako makikita ng
sanlibutan. Ngunit ako'y makikita ninyo; sapagkat mabubuhay ako, at mabubuhay rin kayo. Malalaman
ninyo sa araw na yaon na ako'y sumasa-Ama, kayo'y sumasaakin, at Ako'y sumasainyo. Ang
tumanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa Akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin
ko rin siya at ako'y lubusang magpapakilala sa kanya."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

R. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesu-kristo

Sa Diyos lamang Mapapanatag

Sa Diyos lamang mapapanatag ang aking kaluluwa


sa kanya nagmumula ang aking pag-asa at kaligtasan

O Diyos ikaw ang aking kaligtasan nasa yo aking kaluwalhatian


Ikaw lamang aking inaasahan ang aking moog at tanggulan.

Poon ika'y puno ng kabutihan pastol akang nagmamahal sa


kawan
inaakay sa luntiang pastulan tupa'y hanap mo kung mawaglit
man.
Luluhod ang lahat para ipanalanginn ang intensyon ng Santo Papa.
Ama naming... Aba Ginoong Maria...Luwalhati...

PANALANGIN NG PAGSAMBA

lahat:
O Hesus, ikaw ang daan na dapat kong sundan ang ganap na modelo na aking gagayahin Sa aking
pagharap sa huling paghuhukom nais kong matagpuang kawangis mo. O modelo ng mabathalang
kababaang loob at pagsunod marapatin mo akong matulad siyo, O ganap na halimhawa ng
pagpapakasakit at kalinisan marapatin mo akong matulad sa lyo, O Hesus payak at matiyaga marapatin
mo akong matulad sa iyo. O Dakilang halimbawa ng pag-ibig at malinis na hangarin, marapatin mo akong
matulad sa iyo.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Lahat:
Panginoong Hesu-kristo, minarapat mong ikaw na kapiling namin sa iyong katawan at dugo ay aming
sambahin. Maihain nawa namin ang pag-ibig na ganap sa Ama sa langit. Makapag-alay nawa kami ng
ganap na paglilingkod sa aming mga kapatid. Ikaw na nabubuhay at naghaharing kasama ng Ama at ng
Espiritu Santo iisang Diyos magpakailanman.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo Amen.

IKAPITONG SIMBAHAN

Namumuno:
Mga kapatid, sa gabing ito tayo ay nagtatanod upang samahan si Hesus at pasalamatan ang katangi-
tangi at dalisay na regalo ng kanyang sarili sa Eukaristiya. Tayo'y mga anak ng muling pagkabuhay dahil
sa muling pagkabuhay ng Anak. Hindi'sa kamatayan at kasalanan natatapos ang lahat kundi sa
tagumpay na nakamit ni Kristo Hesus. Sa ating paglalakbay sa laban ng buhay mabuksan nawa ang ating
mga mata sa presensya ng Diyos na patuloy na nagbibigay ng lakas ng loob sa ating lahat. Bilang mga
anak ng Diyos Ama nararapat lamang na tayo ay magnilay at sumamba sa tunay na katawan ni Hesus sa
anyong tinapay.

PAGBASA

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San juan (6:51-58)

R. Papuri sa iyo, Panginoon.

Nang Linggo ding iyon ang dalawa sa mga alagad ay patungo sa isang nayong tinatawag na Emaus, may
labing isang kilometro ang layo sa Jerusalem. pinaguusapan nila ang mga pangyayari. Samantalang nag-
uusap sila at nagtatanungan, lumapit si Hesus at nakisabay sa kanila. Siya'y nakita nila ngunit hindi
nakilala agad, tinanong sila ni Hesus,"Ano ba ang pinag-uusapan ninyo?" At tumigil silang nalulumbay.
Sinabi ng isa na nagngangala'y Cleopas "Kayo lamang po yata ang dayuhan sa Jerusalem na hindi
nakakaalam ng mga bagay na katatapos pa lamang mangyari roon." "Anong mga bagay?" tanong niya. At
sumagot sila tungkol kay Hesus na taga Nazaret, isang propetang makapangyarihan sa gawa at salita,
maging sa harap ng Diyos at ng mga tao. Isinakdal slya ng aming mga punong saserdote at mga pinuno
upang mahatulang mamatay, at siya ay ipinako sa krus. Siya pa naman ang inaasahan naming
magpapalaya sa Israel. Hindi lamang iyan ikatlong araw na ngayon mula ng mangyari ito; nabigla kami sa
ibinalita ng ilan sa mga babaing kasamahan namin. Maagang maaga raw silang nagpunta sa libingan at
di nila natagpuan ang kanyang bangkay. Nagbalik sila at ang sabi'y nakakita raw sila ng isang pangitain
ng mga anghel na nagsasabing buhay si Hesus. pumunta rin sa libingan ang ilan sa mga kasamahan
namin at gayon nga ang natagpuan nila, ngunit hindi nila nakita si Hesus." Sinabi si kanila ni Hesus "Kay
hahangal ninyo! Ano't hindi ninyo mapaniwalaan ang lahat ng sinasabi ng mga propeta. Hindi bat ang
Mesiyas ay kailangang magbata ng lahat ng ito bago niya kamtan ang marangal niyang katayuan?" At
ipinaliwanag sa kanila ni Hesus ang lahat ng nasasaad sa kasulatan tungkol sa kanyang sarili, simula sa
mga aklat ni Moises hanggang sa mga isinulat ng mga propeta. Malapit na sila sa nayong kanilang
patutunguhan at si
Hesus ay waring pa ng lakad. Ngunit sila'y pinakapipigil-pigil nila. "Tumuloy na po kayo rito sa amin, anila
sapagkat palubog na ang araw at dumidilim na." kaya't sumama nga siya sa kanila. Nang siya'y kasalo na
nila sa hapag dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos saka pinaghati-hati at ibinigay sa
kanila. Nabuksan ang kanilang mga paningin at nakilala nila si Hesus, subalit itoy bigalang nawala. At
nawika nila, "Kaya pala gayon ang pakiramdam natin habang tayo'y kinakausap sa daan at ipinaliliwanag
sa atin ang kasulatan!" Noon di'y tumindig sila at nagbalik sa ]erusalem.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon


R. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesu-kristo

Umupo ang lahat para sa matahimik na pagninilay.

Liwanag ng aming Puso

Liwanag ng aming puso sa ami'y manahan ka.


Ang init ng yong biyaya sa ami'y ipadama.
Patnubay ng mahihirap o aming pagasa't gabay
sa aming saya at hapis tanglaw kang kaaya-aya.

Liwanag ng aming puso sa ami'y manahan ka.


Kandili mo ang takbuhan noong unang-una pa.
Pawiin ang aming pagod ang pasani'y pagaanin
minamahal kong kandungan sa hapis kami hanguin.

Luluhod ang lahat para ipanalangin ang intensyon ng Santo Papa.


Ama naming... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

PANALANGIN SA PAGKILALA
SA PAGTANGGAP SA PANGINOON

Lahat:
Aking buong pusong tinatanggap ang tunay na katawan na isinilang ng Birheng Maria, ang katawang
nagpakasakit at naihain sa krus para sa sangkatauhan. Ang katawang nasugatan sa tagiliran at binukalan
ng dugo. Ito nawa'y maging pagkain nagbibigay lakas sa oras ng kamatayan. O katamis-tamisan at
kabanal-banalang Hesus, aming hari anak ni Maria. O modelo ng mabathalang kababaang loob at
pagsunod marapatin mo akong matulad sa iyo. O ganap na halimbawa ng pagpapakasakit at kalinisan
marapatin mo akong matulad sa iyo. O Hesus payak at matiyaga marapatin mo akong matulad sa iyo. O
Dakilang halimbawa ng pag-ibig at malinis na hangarin, marapatin mo akong matulad sa iyo.

PANGWAKAS NA PANALANGIN
Panginoon namin at Diyos, mapagindapat nawa kaming laging makapagbigay ng parangal sa
pamamalagi ng Kordero na inihain para sa aming kaligtasan. Pagkalooban nawa kami ng pitak ng
kanyang luwalhati dahilan sa aming pananampalataya, siya na nabubuhay at naghahari ngayon at
magpakailanman.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo Amen.

You might also like