You are on page 1of 5

Naimbag nga aldaw kan-yayu gagayyem. Magandang araw sa inyong lahat mga kaibigan !

,halinat ating
tunghayan ang kuwento ng PASUC Life Stories, Scholar ng Bayan, Kuwento ng Buhay.

PAPA MORGS: Dear Papa Morgs, isang mapagpalang araw po sa inyong lahat, ako po si Christian James
pero tawagin niyo na lang ako sa pangalang Bok, laking Tondo, Manila. Isang jeepney driver ang aking
tatay, habang ang aking nanay naman ay ume-extra extra tulad ng paglilinis at paglalaba. Sapat lang ang
kinikita ng aking mga magulang ngunit sobra-sobra naman sa pagmamahal at pag-aalagang binibigay nila
sa akin. Hayaan niyong ikuwento ko sa inyo ang aking buhay.

Scene One: Umaga, sa bahay ng pamilya De Guzman


SOUND: MGA TUNOG NG MGA KAGAMITAN SA KUSINA

ANGHELINA: Bok!!!!! Rolando!!!!, bumangon na kayo! Mga tulog mantika na naman kayo,
Ano ba? Lagi na lang bang ganyan? Lagi na lang ako ang tagagiding niyo sa umaga? WOW! Ano to? Ako
yung alarm clock niyo?
ROLANDO: Hay! Naku! Ayan na naman si Commander, yung lakas ng boses akala mo wala ng bukas.
ANGHELINA: Bok, maligo ka na , at mag-eexam ka pa. Ano nakapag review ka na ba ?
BOK: Ah Opo nay, kahit papano naman po nakapag review ako eh. Ipagdasal niyo po ako ah.
ANGHELINA : Bukod sa talinong pamana ko sa iyo, ipag rorosaryo pa kita.
ROLANDO : Anong talino ?, eh sa akin nagmana yang anak mo eh.
ANGHELINA: Siya, tama na. Eh di ikaw na lahat!.
ROLANDO: Oh, siya napakatampuhin mo naman. Iabot mo na lang yung bimpo ko.
BOK: Ay! Nay! Yung medyas ko po pala ?
ANGHELINA: Nandiyan na, nakahanda na lahat.
BOK: Tay! Bilisan napo natin, baka malate nap o ako sa klase at baka mabingi na tayo kay Nanay eh.
ANGHELINA: Aba,teka muna , hindi kayo puwedeng umalis ng hindi pa kumakain.
BOK: Nay!, late napo ako eh.
ANGHELINA: Christian James!, anak ni Rolando , hindi ka susunod! Di tinatangihan ang pagkain.
BOK: Sige na nga po nay, masarap pa naman ang niluto mong.
ANGELINA: Ang ganda ng tawag mo eh
ROLANDO AT ANGELINA: TUYO lang naman yan! Hahahahaha
Scene Two: Sa bahay ng pamilya De Guzman
MUSIC:
SOUND:
ROLANDO: Mukhang malapit na bumigay yung makina na toh, naku! Wag muna sana ngayon, makisama
ka muna ah.
ANGHELINA: Oh Rolando, kamusta na pamamasada mo?
ROLANDO: Ayos naman, kailangan kong magdoble kayod kasi gragraduate na ang anak natin
ANGHELINA: Naman, alam mo namang gagawin natin ang lahat para lang makatapos si Bok eh.
ROLANDO: Mukhang uulan, madilim ang langit
ANGHELINA: Oo nga
ROLANDO: Anghelina dilim k aba?
ANGEHELINA: Ayan na naman siya oh
ROLANDO : Sige na
ANGHELINA: Sige na nga , bakit?
ROLANDO: Kasi ganyan ang buhay ko kapag nawala ka.
ANGHELINA: Kaya mahal na mahal kita eh
ANGHELINA: Oh siya, siya, bilang papremyo mo ipagluluto kita ng paborito mong adobo.
BOK: Nay! Tay!
ANGHELINA AT ROLANDO: Istorbo ka naman.
BOK: Baka masundan pa po ako eh.
ROLANDO: Nak, baka may asim pa.
ANGHELINA: Anong may asim pa, baka kaya pa ng tulad mo.
ROLANDO: Aba! Sino kayang
BOK: Tama napo iyan, malalate na tayo tay. Promise! Nay! Gagalingan ko po sa exam!
ANGHELINA: Sige nak, oh Rolando mag-ingat kayo ng anak mo ah. Mahal na mahal ko kayo
ROLANDO: Yes, Mam! Mahal na mahal din kita.
SCENE THREE:
BOK: Taft. Taft. Taft. PGH. Lawton. SM Manila! Dalawa pa sa kanan, kuya kunting usog pa sa kaliwa oh,
isa pa sa kaliwa. Lalarga na!
ROLANDO: Nak, baon mo pala. Barya lang yan pero pag pinagsama-sama mo yan, diyan mabubuo ang
mga pangarap mo, pangarap namin ng nanay mo sa iyo. Kaya nak, huwag mo kaming bibiguin ng nanay
mo ah. Tuparin mo ang mga pangarap mo, huwag kang susuko anak kayang kaya mo yan. Mahal na
mahal kita aking Engineer.
BOK: Tay! Wag po kayong mag-alala, konting apak na lang sa silinyador, konting tiis na lang, konting
sakripisyo na lang. Last day of exam ko po and next week gagraduate na po ako. Sige tay, ingat po kayo!
Mahal na mahal ko po kayo.
PAPA MORGS: Halos matunaw ang puso ko sa kaba pero ang mga matatamis na salitang iyon ang
bumuhay sa aking damdamin. Para akong nasa ulap hanggang marating ko an gaming unibersidad- ang
lugar kung saan hinubog ko ang aking kaalaman at nagmulat sa akin sa reyalidad nang buhat- na kahit
mahirap basta may pangarap, may mararating. Last examination ko nun kaya binigay ko ang lahat at
lubos akong nagtiwala sa Panginoon.

SCENE FOUR:
ENGR. DITA: Okey class, this is the last day of your exam. Ill give five problems, answer all of them then
see you on graduation day. The names of the graduating students will be posted on the bulletin board.
PAPA MORGS: Nasagutan ko naman ang exam ni Engr., Dita at pinagpapasa diyos ko na lang ang resulta
hanggang sa nakita kong kinakabahan si Belle, ang aking pinakamamahal na babae.

SCENE FIVE:
BOK: Belle, exam kaba?
BELLE: Oh bakit naman Bok?
BOK: Kasi gagawin ko ang lahat makuha lang ang sagot mo.
BELLE: Hay naku Bok, kinakabahan na nga ako.
BOK: Sige Belle, pampawala ng kaba. Hmmmm. Knock knock.
BELLE: Whos there?
BOK: I love you
BELLE: I love you who?
BOK: Dont ask who, its YOU.
BELLE: Bok tigilan mo ako kinikilig ako bes. Pero yong exam bes, square root muna bago harot.
BOK: Belle, kinakabahan talaga ako sa resulta ng exam natin.
BELLE: Sus! Diyos me, ikaw pa! Bok!, matalino ka, mabait, mabuting anak at madasalin ka pa. Papasa ka
niyan! Eh running for Cum Laude ka nga eh.
BOK: Ikaw din naman, papasa ka, papasa tayo at matutupad ang pangarap nating maging isang Engineer.
Just hold my hands.
BELLE: Yes, I will.
BOK/BELLE: Yes!!!! WOOOOH! Gragraduate na tayo, congratulations sa atin.
BOK: I love you Belle
ZELLE : I love you too Bok.
BOK : So tayo na ?
BELLE: Teka nabigla lang ako Bok
BOK: oops wala ng bawian , kapag binawi mo mawawala ka sa lisatahan, Ikaw din.
BELLE: Sige na nga Bok, wala naman na akong magagawa eh.

PAPA MORGS: Opo Papa Morgs, napabilang kami ni Belle sa mapalad na nakapasa sa exam na iyon.
Hindi ko lubos inakala na sinagot ni God ang prayers ko at hindi ko rin maipaliwanag ang kasiyahang
aking naramdaman nung araw na iyun. Nang biglang..
(call alarm)
(kiss the rain)
BOK: O Nay,napatawag po kayo?, sakto may magandang balita po ako sa inyo.
ANGHELINA: Nak, huwag ka sana mabibigla ah, si Tatay mo nasa PGH, emergency room, inatake.
BELLE: Bok, anong nangyari?
BOK: Si tatay daw inatake, nasa PGH!
BOK: Ma, bayad po, pakibilisan lang ho.
(nagmamadaling pumunta sa PGH)
BOK: Excuse me, excuse me po. Ahm Nurse nasan po yung tatay ko ?
ANGHELINA: Bok, tatay mo
BOK: Tay?! Tay?! Huwag ka na naman ganyan. Tay!!!
DOCTOR: The patient is not responding, declare DOA.
(dance with my father)

BOK: Tay! Tay! Bakit naman ganun, ang daya daya mo naman, kung kalian naman ako ga-graduate saka
ka naman na bumitiw, nandun na nga yung pangalan ko, ginagawa ko naman ang lahat eh para maka
graduate on time, para makatulong po sa inyo ni nanay, para maiahon kayo sa hirap. Tay, bakit po? Bakit
ngayon pa? Tay, salamat sa pagsasakrapisyo, sa pagmamahal, sa pagpapalakas ng loob ko, sa paggising
ko sa umaga at tatawagin mo akong Engineer. Salamat sa ngiti na kahit alam kong hirap na hirap ka na
pala . Salamat sa napakagandang bukas na binigay ninyo sa akin ni Nanay. Salamat sa pagpapatawa.
Salamat sa pagsasabing Kaya mo ya anak dahil alam mong down na down ako. Maraming salamat Tay!
Dahil sa konting barya mong kinikita akoy nakapagtapos, sa konting barya mo may isang magandang
umagang naghihintay sa buhay natin. Tay, para sa iyo ang Diploma ko, sukli sa barya mo sa umaga.
Lord, ikaw na po ang bahala sa tatay ko, alam ko naman na hindi niyo po siya pababayaan. Ahhm, alam
ko naman na masaya siya dahil nakapagtapos ako. Sana po hipuin niyo ang puso namin ni Nanay na
matanggap naming ang nagyari. Maraming salamat po kasi nagkaroon ako ng isang Tatay na katulad
niya. Lahat po ng ito ay hinahabilin ko na sa inyo, Panginoon.

PAPA MORGS: Lumipas ang ilang buwan ay natanggap na rin namin ni Nanay ang nangyari, imbis na
magmukmok eh mas lalo pa naming tinibayan ang aming sarili. Grumaduate ako bilang Cum Laude at
nag top-notcher sa board exam. Ako na ngayon ay isang branch Engineer sa Meralco. Malaki ang kinita
ko run Papa Morgs at tamang-tama yun dahil nag-iipon ako para makalipat na kami ng bahay ni Nanay.
Naway magsilbi itong isang aral sa inyong lahat. Lubos na gumagalang, Bok.
PAPA MORGS: Mga kaibigan natapos na naman ang isang napakagandang kuwento na pinamagatang
Ang Barya Sa Umaga, Sa Buhay ni Bok. Lagi nating tatatandaan na ang PASUC ay barya man sa
paningin ng ilan, haligi naman ng lipunan at bahagi na ng kasaysayan. Muli, ito ang PASU Life Stories,
Iskolar ng Bayan, Kuwento ng Buhay.

You might also like