You are on page 1of 12

Saint Louis University

SCHOOL OF TEACHER EDUCATION


Navy Base Campus, Claro M. Recto Rd, Saint Joseph Village
Baguio City, Philippines
(074) 447-0664

Batsilyer sa Edukasyong Sekondarya Major sa Filipino

SILABUS SA ANG FILIPINO SA BATAYANG KURIKULUM


(FIL 103)

I. BISYON AT MISYON NG INSTITUSYON

Ang Paaralan ng Edukasyong Pangguro ay naglalayong maging mahusay na institusyon sa edukasyong


pangguro na nagnanais na maging tagapanguna sa paghuhubog at pagsasanay ng mga edukador na may
kakayahan, malikhain, nakikisangkot sa lipunan, at may pagpapahalagang kristiyano tungo sa inklusibong
edukasyon.

Kristiyanong Pamumuhay. Upang mapaunlad ang mga mag-aaral sa anumang disiplina na may maka-kristiyanong
pilosopiya ng edukasayon na sang-ayon sa pagpapahalaga sa dignidad ng bawat mag-aaral.

Pagkamalikhain. Maglaan sa mga mag-aaral ng mga kaalaman at kakayahang magtataguyod ng pagkamalikhain,


kritikal na pag-iisip at mahusay na pananaliksik na kinakailangan para sa pambansang kalinangan. Makahanap ng
mga malikhaing pamamaraan at kaparaanan upang gumanap bilang isang nagsasariling yunit at mapanatili ang
pangmatagalang pag-unlad at kalinangan.

Kakayahan. Upang hubugin sa mga mag-aaral ang pagmamahal at dedikasyon sa napiling propesyon.

Panlipunang Pakikilahok. Upang hubugin ang mga mag-aaral na may pagmamalaki sa kanilang kalinangan at
pagkakakilanlan; maging ganap na mulat at tumutugon sa mga edukasyonal na pangangailangan ng lokal,
rehiyonal at pambansang komunidad.
II. BUNGA NG PROGRAMA

Pagkatapos ng programa ng BSED, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Kaalaman:
1. naipakikita ang mga batayan at higit na mataas na antas ng karunungan sa pagbasa at pagsulat, komunikasyon,
pagbilang, mapanuring pag-iisip at iba pang mga kasanayan na kinakailangan para sa mas mataas na pagkatuto;
2. naipakikita ang malalim at may paninindigang pag-unawa sa proseso ng pagkatuto at ng
tungkulin ng guro sa pagpapadaloy ng mga prosesong ito sa mga mag-aaral;
3. naipamamalas ang makabuluhan at komprehensibong kaalaman sa asignaturang kanilang ituturo;
1. Inihanda ni: ERMILYN P. RAMOS
Saint Louis University
SCHOOL OF TEACHER EDUCATION
Navy Base Campus, Claro M. Recto Rd, Saint Joseph Village
Baguio City, Philippines
(074) 447-0664

4. nagagamit ang mga bagong kalinangan sa edukasyong pangsekondarya;


Kasanayan:
1. nailalapat ang malawak na hanay ng mga kasanayan sa proseso ng pagtuturo (kabilang ang paglinang ng
kurikulum,pagpaplano ng aralin, paglinang ng mga kagamitan, pagtataya at mga pagdulog sa pagtuturo);
2. nalilikha ang mga alternatibong pagdulog ng pagtuturo, sinusubok na may kabatiran at tinataya ang kabisaan nito
tungo ng pagkatuto ng mga mag-aaral;
3. naipadadaloy ng makabuluhang pagkatuto ng mga mag-aaral na may ibat ibang kaligiran at kapaligiran sa
pamamagitan ng paggamit ng malawak na hanay ng kaalaman at kasanayan sa pagtuturo;
4. naihahayag nang may lubos na kahusayan sa pasalita at pasulat na komunikasyon gamit ang wikang Filipino;
5. naiaangkop ang mga makabagong kaalaman at alternatibong lapit/dulog, pamamaraan at estratehiya sa pagtuturo
at pagtataya ng Filipino na isinasaalang-alang ang pagkakaiba ng kaligiran at kapaligiran ng mga mag-aaral;
Kaasalan:
1. naipamamalas nang pagkukusa at kakayahan upang patuloy na matuto sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa
mga kasamahan at mga dalubhasa sa kanilang mga larangan upang maisakatuparan ang kanilang mga misyon
bilang guro;
2. gumagawa nang mabunga at Malaya sa isang pangkatang multidisiplinaryo at multikultural;
Pagpapahalaga:
1. naipakikita nang malalim at may paninindigang pag-unawa sa proseso ng pagkatuto at ng tungkulin ng guro sa
pagpapadaloy ng mga prosesong ito sa mga mag-aaral upang maitaguyod ang pagiging makabayan;
2. nalilikha ang isang inklusibo at kaaya-ayang kapaligiran na nagtataguyod sa kakayahan ng lahat ng mag-aaral;

3. naisabubuhay ang mga Kristiyanong pagpapahalaga sa kanilang personal at propesyonal na gawain bilang isang
Louisian sa serbisyo ng misyon ng CICM.

III. BUNGA NG LARANGAN NG PAG-AARAL NG BSED-FILIPINO

Pagkatapos ng programa ng BSED, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


Kaalaman:
1. naipaliliwanag nang tama ang pagkatuto ng wika, linggwistika at mga teoryang pampanitikan;
2. natatalakay nang matalino ang Filipino bilang glocal na wika sa kontekstong multilinggwal at multikultural ;
3. natatalakay nang mahusay ang mga pamantayan, patakaran, kalakaran, proseso ng pagkatuto at mga isyu sa
akademikong Filipino mula sa mga malawakang pagbabasa;
4. naituturo nang may kakayahang linggwistika at kakayahang komunikatibo gamit ang wikang Filipino
Kasanayan:
1. Nakapagpapahayag nang may katatasan/lubos na kahusayan sa pasalita at pasulat na komunikasyon;
2. Inihanda ni: ERMILYN P. RAMOS
Saint Louis University
SCHOOL OF TEACHER EDUCATION
Navy Base Campus, Claro M. Recto Rd, Saint Joseph Village
Baguio City, Philippines
(074) 447-0664

2. Naiaangkop ang makabago at alternatibong lapit/dulog, pamamaraan at estratehiya sa pagtuturo at pagtataya ng


Filipino na isinasaalang-alang ang pagkakaiba ng kaligiran at kapaligiran ng mga mag-aaral;
3. Nakikilala ang ibat ibang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalapat ng malawak na
hanay ng mga kasanayan sa proseso ng pagtuturo (kabilang ang paglinang ng kurikulum,pagpaplano ng aralin,
paglinang ng mga kagamitan, pagtataya at mga pagdulog sa pagtuturo);
4. Nagagamit ang makabago at angkop na teknolohiya sa pagpapadaloy at pagpapagaan ng pagtuturo at pagkatuto ng
Filipino ;
Kaasalan
1. Nakahihikayat ng mga mag-aaral at mga kasamahan upang manguna sa transpormatibo at makabuluhang
pagbabago;
2. Nakapagtuturo ng Filipino nang may pagninilay-nilay at mapanaliksik na paraan sa pakikipatulungan sa mga dalubhasa
sa larangan upang maisakatuparan ang misyon bilang isang guro;
3. naipapamalas ang propesyonal, etikal at inklusibong mga pangangailangan sa pagtuturo ng Filipino;
Values
1. naipakikita nang malalim at may paninindigang pag-unawa sa proseso ng pagkatuto at ng tungkulin ng guro sa
pagpapadaloy ng mga prosesong ito sa mga mag-aaral upang maitaguyod ang pagiging makabayan;
2. naipamamalas ang propesyonal,etikal at inklusibong mga pangangailangan sa propesyon ng pagtuturo; at
3. naisabubuhay ang mga Kristiyanong pagpapahalaga sa kanilang personal at propesyonal na gawain bilang isang
LouisianCICM.

IV. BILANG NG KURSO

FIL 103 (3 UNITS)

V. PAMAGAT NG KURSO

ANG FILIPINO SA BATAYANG KURIKULUM

VI. DESKRIPSYON NG KURSO

Sinasaklaw ng kursong ito ang pag-aaral sa mga layunin, teorya, simulain, mga batas, kalakaran ng pagtuturo at
pagkatuto ng wikang Filipino batay sa kahingian ng kurikulum ng batayang edukasyon sa elementary, sekondarya, at
kolehiyo.

Layunin din ng pag-aaral na ihanda ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino na maging mulat at
3. Inihanda ni: ERMILYN P. RAMOS
Saint Louis University
SCHOOL OF TEACHER EDUCATION
Navy Base Campus, Claro M. Recto Rd, Saint Joseph Village
Baguio City, Philippines
(074) 447-0664

maalam sa mga bagong kalakaran sa pagtuturo at pagkatuto ng Filipino. Isinama rin sa kurso ang pagtalakay sa mga
kahalagahan ng kagamitang panturo na maaaring magamit nila at maiangkop ang mga ito sa tiyak na paksa.

VII. BUNGA NG KURSO

KAALAMAN
Nagagamit nang mahusay ang wikang Filipino sa pagtalakay ng kahulugan at katangian ng kurikulum.
Natatalakay nang matalino sa malikhaing paraan ang katayuan ng asignaturang Filipino sa mga nabuong kurikulum
sa edukasyon ng Pilipinas.
Natatalakay nang mahusay ang mga pamantayan, patakaran, kalakaran at mga prosesong pinag-ugatan ng
kurikulum.

KASANAYAN
Nagagamit nang mahusay ang wikang Filipino sa pagtalakay ng mga ugat at kasaysayan ng kurikulum.
Naiaangkop ang mga estratehiya sa pagtuturo ng nobela.
Nakakabuo ng mga kagamitang pampagtuturo na angkop na tumutugon sa iba't ibang kakayahan at kasanayan ng
mga mag-aaral
Nakagagamit ng makabago at angkop na teknolohiya para sa pagtuturo ng nobela.
Nakapagsasagawa ng payak na pananaliksik tungkol sa isang partikular na nobela sa isang partikular na panahon.

KAASALAN
Nakabubuo ng mga sariling desisyon o prinsipyo bilang pagpapatotoo sa mga nabasang nobela.
Naipapamalas ang pagpapahalaga sa mga maikling kuwento na nabuo ng mga kamag-aral bilang pagpapakita ng etikal
na usapin.
Naipaliliwanag nang mahusay sa paraang pagbibigay ng ebalwasyon ang kahalagahan ng pag-unawa sa maikling
kuwento bilang pagpapakita ng pagtangkilik ng sariling kultura bilang isang Pilipino.

PAGPAPAHALAGA
naipakikita nang malalim at may paninindigang pag-unawa sa proseso ng pagkatuto at ng tungkulin ng guro sa
pagpapadaloy ng mga prosesong ito sa mga mag-aaral upang maitaguyod ang pagiging makabayan;
naipamamalas ang propesyonal,etikal at inklusibong mga pangangailangan sa propesyon ng pagtuturo; at
naisabubuhay ang mga Kristiyanong pagpapahalaga sa kanilang personal at propesyonal na gawain bilang isang
LouisianCICM.

4. Inihanda ni: ERMILYN P. RAMOS


Saint Louis University
SCHOOL OF TEACHER EDUCATION
Navy Base Campus, Claro M. Recto Rd, Saint Joseph Village
Baguio City, Philippines
(074) 447-0664

VIII. NILALAMAN NG KURSO

NILALAMAN Bilang Bunga ng pagkatuto Pagtataya ng Mga Hanguan ng


ng oras gawain gawain/ Pagkatuto
(54 na (pangunahing estratehiya
oras sa pangangailangan sa
bawat ng kurso at pagkatuto
semes- pamamaraan sa
tre) pagtataya)
Oryentasyon sa saklaw, at mga 1 Nailalahad ang Pagbabahagi Isahan Syllabus
inaasahang gagawin sa kurso mga inaasahan ng mga g Mga
sa inaasahan pagba pagbab
asignaturang ng mga bahagi ahagi ng
ito. mag-aaral sa ng mga
Naipapaliwana asignatura akade mag-
g ang sa paraang mikon aaral
pangunahing pasalita. g
kahilingan ng karan
asignatura. asan
Nailalahad ang na
mga may
kaugnayan ng kaugn
asignatura ito ayan
sa iba pang sa
asignatura. asigna
tura.
Kahulugan at kahalagahan ng 4 naipapaliwanag paper pagba Mga aklat
kurso ang kahulugan folding bahagi
at kahalagan ng
Kahulugan at kahalagahan ng sa paraang mga
Filipino, Kurikulum, at simboliko ideya

5. Inihanda ni: ERMILYN P. RAMOS


Saint Louis University
SCHOOL OF TEACHER EDUCATION
Navy Base Campus, Claro M. Recto Rd, Saint Joseph Village
Baguio City, Philippines
(074) 447-0664

Edukasyon

Epektibong guro at malikhaing 5 nalilikha ang Mga Pagbu Mga aklat


pagtuturo mga graphic kompilasyon o ng News articles
organizers ng mga ABCs Journal articles
1. Mga katangian ng guro bilang artikulo tungk
pagpapaliwana tungkol sa ol sa
2. Code of ethics g tungkol sa mga guro, mga
guro pagtuturo katan
3. Disenyo ng malikhaing nabubuo ang maging code gian
pagtuturo mga gabay sa of ethics. ng
pag-uugnay ng Pagbabahagi guro
4. Layunin ng pagtuturo mga kaalaman ng mga magin
tungkol sa karanasan g sa
5. Kasangkapan sa proseso ng proseso ng sa code
pagtuturo pagtuturo elementarya of
at ethics
6. Mga elemento ng mabuting sekondarya at
tungk
pagtuturo
ol sa
pagtut
uro
Recipe
ng
pagtut
uro

Mga katangian ng mag-aaral at 3 Naitatanghal rubrics pagtat Mga aklat


maraming intelehensiya ng mga ibat anghal
ibang ng
kakayahan ng kani-
mga mag- kanila
aaral. ng
intele
hensy

6. Inihanda ni: ERMILYN P. RAMOS


Saint Louis University
SCHOOL OF TEACHER EDUCATION
Navy Base Campus, Claro M. Recto Rd, Saint Joseph Village
Baguio City, Philippines
(074) 447-0664

a
Kahulugan ng kurikulum at 8 naisusulat rubrics pagsul Mga aklat
kalinangan ng kurikulum nang matalino at ng Internet
ang mga sanay
Pagpaplano ng kurikulum, ideyang say
Konstuksiyon at kalinangan ng nagpapatotoo
kurikulum tungkol sa
kurikulum
Pundasyon ng pagpaplano ng
kurikulum

Konkretong halimbawa ng
seleksyon ng nilalaman ng
kurikulum at organisasyon

Kalagitnaan

Katangian ng maayos na 11 naipaliliwanag Kompilasyon timeli Mga aklat


kurikulum at maayos na nang may ng mga ne News articles
kalinangan ng kurikulum katatasan mga nasuring Journal articles
pagbabago ng artikulo
Kurikulum at paglinang ng kurikulum sa
kurikulum sa Pilipinas Pilipinas.
Naisasaliksik
1. Ang kurikulum bago panahon ng mga artikulo
na umuugnay
ng Espanyol
kurikulum ng
bawat panahon
2. Ang kurikulum sa panahon ng
Espanyol

3. Ang kurikulum sa panahon ng


Amerikano

4. Ang kurikulum sa panahon ng


7. Inihanda ni: ERMILYN P. RAMOS
Saint Louis University
SCHOOL OF TEACHER EDUCATION
Navy Base Campus, Claro M. Recto Rd, Saint Joseph Village
Baguio City, Philippines
(074) 447-0664

Komonwelt

5. Ang kurikulum sa panahon ng


Hapon

6. Ang kurikulum sa panahon ng


Republika ng Pilipinas

7. Ang kurikulum sa panahon ng


Bagong Lipunan

8. Ang kurikulum sa ilalim ng


1987 na konstitusyon

9. Ang kurikulum sa
kasalukuyang panahon (2012)
Ang Mother Tongue Based
Multilingual Education

Mga batayang legal at opisyal 8 naipapaliwanag rubrics docum Mga aklat


na paggamit ng Filipino bilang nang may ent News articles
wika ng edukasyon katatasan mga analys Journal articles
pagbabago ng is
Pananaw sa Wikang Filipino kurikulum sa
Pilipinas.
Ang kurikulum sa edukasyong Naisasaliksik
elementary ang mga
artikulo na
Ang Filipino sa antas umuugnay
kurikulum ng
elementarya
bawat panahon

8. Inihanda ni: ERMILYN P. RAMOS


Saint Louis University
SCHOOL OF TEACHER EDUCATION
Navy Base Campus, Claro M. Recto Rd, Saint Joseph Village
Baguio City, Philippines
(074) 447-0664

Pinal

Ang kurikulum sa edukasyong 4 Naisasaliksik rubrics docum Mga aklat


sekundarya ang mga ent News articles
artikulo na analys Journal
Ang kurikulum sa edukasyon sa umuugnay is articles
antas tersarya kurikulum ng
bawat panahon
Mga dulog sa pagdidisenyo ng
kurikulum

ga prinsipyo sa pag-organisa ng
isang programa para sa
kalinangan ng kurikulum

Mga kagamitang panturo 10 Nasasaliksik rubrics pakita Mga aklat


ang mga ng News articles
Graphic organizers artikulo na turo Journal articles
umuugnay
Banghay ng pagtuturo kurikulum ng
bawat panahon
Naipakikitang
turo paglalapat
ng mga
kaalaman sa
usaping
kurikulum.

IX. SISTEMA NG PAGMAMARKA

Gamitin ang sistema sa ng pagmamarka ayon sa SLU faculty handbook bilang sanggunian
Ang mga sumusunod ang pagbabahagdan ng mga gawain sa bawat markahan
9. Inihanda ni: ERMILYN P. RAMOS
Saint Louis University
SCHOOL OF TEACHER EDUCATION
Navy Base Campus, Claro M. Recto Rd, Saint Joseph Village
Baguio City, Philippines
(074) 447-0664

20 % Pakikibahagi sa mga talakayan at gawaing pang-klase


Mga Pag uulat
Mga Pasulat na Gawain
Class Standing
40 % Mga Pangunahing Gawain

Mga Gawain ng Pagganap

Mga Pagsusulit 40 % Mga Mahabang Pasulat na Pagsususulit ( Pang-una, Panggitna, at Pinal)

TOTAL 100 % Grado sa bawat markahan at pinal na grado


Mga rubrik, tseklist ( checklist ), pagtataya ng mga kasamahan ang gagamitin sa pagtataya ng mga pangunahing
mga pangangailangan o output at iba pang mga gawain.

X. MGA SANGGUNIAN

Mga Aklat:
Agno, Lydia N. Ed. D. (2010). Principles of teaching method 1. A modular approach. C & E Publishing, Inc.

Agno, Lydia N. (2010). Principles of teaching method 2. A modular approach. C & E Publishing, Inc.

Badayos, Paquito. (1999). Metodolohiya sa pagtuturong wika: Mga teorya, simulain at istratehiya. Grandwater
Publication and Research Corporation. Makati City.

Bilbao, Purita P., Ed. D. et al. (2006). The teaching profession. Published by Lorimar Publishing Inc.

Calderon, Jose F., Ed. D. (2004). Curriculum and curriculum development. First Edition. Giuani Prints House.
Malabon Philippines.

Cruz, Isagani R. (2003). The basic education curriculum in 17 easy lesson. Anvil Publishing Inc. Pasig City.

Mayos, Norma S. et al. (2008). Ang guro ng bagong milenyo: Mga kagamitang panturo sa Filipino. Jimcy
Publishing House.

10. Inihanda ni: ERMILYN P. RAMOS


Saint Louis University
SCHOOL OF TEACHER EDUCATION
Navy Base Campus, Claro M. Recto Rd, Saint Joseph Village
Baguio City, Philippines
(074) 447-0664

Salandanan, Ph.D. (2007). Elements of good teaching. Published by Lorimar Publishing Inc.

Mga Sanggunian sa Internet:

Hango mula sa http://www.scribd.com/doc/93080865/FILIPINO-K-to-12-BatayangKakayahan-7-10-by-


Quarter noong ika-20, 2012 sa oras na 11:00 ng gabi.

Hango mula sa http://www.scribd.com/doc/93080682/K-to-12-FILIPINO-Batayang-Kakayahan-1-3 noong ika-20, 2012 sa oras na


11:00 ng gabi.

Inihanda ni:

ERMILYN P. RAMOS
Guro
Kagawaran ng Filipino
Pamantasang Saint Louis
Akademikong Taon 2014-2015

Binigyang pansin ni:

MARILYN L. BALMEO, Ph.D.


Tagapangulo
Kagawaran ng Edukasyong Pampropesyonal
Pamantasang Saint Louis

Inaprubahan nina:
11. Inihanda ni: ERMILYN P. RAMOS
Saint Louis University
SCHOOL OF TEACHER EDUCATION
Navy Base Campus, Claro M. Recto Rd, Saint Joseph Village
Baguio City, Philippines
(074) 447-0664

JANE K. LARTEC, Ph.D


Katuwang na Dekana
Paaralan ng Edukasyong Pangguro
Pamantasang Saint Louis

FELINA P. ESPIQUE, Ph.D


Dekana
Paaralan ng Edukasyong Pangguro
Pamantasang Saint Louis

12. Inihanda ni: ERMILYN P. RAMOS

You might also like