You are on page 1of 1

MR & MISS INTRAMURALS 2017

Tinangkilik at inabangan ng mga mag aaral ng Mataas na Paaralan ng Laoac


ang pagdiriwang ng Intramurals 2017 na ginanap noong ika-25 ng Agosto.

Ibat ibang mga palaro ang inihanda ng mga guro para lubos na kasiya siya
ang Intramurals katulad ng mga larong lahi,ibat ibang sports tulad ng volleyball,
basketball, table tennis at iba pa,at ang inaabanganng Mr and Ms. Intramurals
2017.
Hindi naman magkumayaw ang mga manonood nang naglabasan na ang
mga naggagandahan at naggwagwapuhang mga kalahok sa pagtuklas ng Mr. and
Ms. Intramurals.Buong husay na rumampa ang mga kalahok upang ipresenta ang
napili nilang sports at ang mga kasuotan nila. Nagkaroon rin ng Question and
Answer ang patimpalak na ito na dapat ang bawat kalahok ay kailangan mamili na
katanungan at sagutin ito.Sa huling pagkakataon rumampa ulit ang mga kalahok
at inanunsyo na rin kung sino ang mga nagwagi.Sa huli,nakamit nina Rommel
Tingco at Jocylee Solamillos (kapwa mula sa Grade 12) ang pangalawang puwesto
at nakamit naman nina Rexcel Reasonda (7-Einstein)at Leah Tingco(8-Venus) ang
unang puwesto.Nakamit nina John Rey Urbina(10- )at Monique Tano(11-TVL/ICT)
ang Mr and Ms. Health. Nakamit naman nina Michael Pom (8-Venus) at Daniela
Nicole Barcena (9-Zircon) ang Mr. and Ms. Physical Education at sina Ardaniel
Simbulan(9-Garnet) at Angelou Acosta (7-Einstein) ang nagwagi sa Mr. and Ms.
Arts.Dahil sa taglay nilang husay nagwagi sina Jade Jullian (11-TVL/ICT) at Jennifre
Tarape (10-Stargazer) bilang Mr. and Ms. Intramurals 2017.

You might also like