You are on page 1of 4

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Karaniwang reaksyon ng mga kabataan sa makabagong henerasyon ay


ginagawang katawa tawa ang mga lumang salita na minsay binibigkas ng mga
matatanda, sa kadahilanan na iba ang pagkakasampit ng mga salitang ito o
kakaiba sa pandinig ng mga kabataan sa ating panahon ngayon. Napakahalaga
ng pananaliksik na ito sapagkat karamihan sa mga kabataan ay nakakalimutang
pahalagahan ang mga salitang noon pay ginagamit ng ating mga ninuno. Ang
katunayan na binibigkas ito ng mga matatanda, ay nagpapatunay na buhay ang
wikang ito noong unang panahon, bagkus dapat natin itong pahalagahan. Kaya
ang pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod:
1. Sa mga mag-aaral. Malaking porsyento ng mga mag-aaral ay ang kabataan,
at kapag ang isang mag-aaral ay edukado, alam nito kung ano ang tama at mali.
Kaya ang ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa kanila upang kanilang
malaman kung bakit natin dapat pahalagahan ang wika at hindi lamang
tawanan at bigyan ng kawalang-galang ang mga salitang ito.
2. Sa mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng kaalaman
ukol sa kahalagahan ng mga salitang ito at kung paano ito makakatulong sa
pag-unlad ng bayan.
3. Sa mga susunod pang henerasyon. Hindi maiiwasan na ang mga salitang
ating ginagamit sa modernong panahon ay mapapalitan at magbabago kaya ang
pag-aaral na ito ay maari nilang balikan at ito ay magbibigay sa kanila ng ideya
tungkol sa mga mga salitang ginagamit noong unang panahon at kung paano
ito nag bago.
SAKLAW AT LIMITASYON
Sa mga tuntunin ng paggamit ng wika at pag-unlad nito ay may mga
limitasyon lang na dapat isaalangalang, ang dahilan nito ay upang manatili ang
kaayusan ng pag-aaral ukol dito. Gagawin ang pananaliksik na ito upang
bigyan ng kamalayan ang bawat mamamayan, lalong lalo na ang mga kabataan
sa makabagong henerasyon; at bigyang pansin at buhayin muli ang mga
salitang naibaon na sa limot ng mga taong nasa modernong panahon. Ang mga
salitang makukuha ay galing lamang sa mga matatanda na may edad na 50
pataas. Nangangailangan lamang ito ng 15 na kalahok at 50 lamang ang mga
salitang makukuha galing sakanila. Ang mga salitang bubuo sa pananaliksik
na ito, ay galing lamang sa mga taong naninirahan sa loob ng Tomas Oppus,
Southern Leyte. Ang paraan ng pagkuha ng mga salitang ito ay ang
pakikipanayam ng mananaliksik sa bawat kalahok. Hindi ito gagamitan ng
anumang instrumento, survey forms, o checklist.
BATAYANG KONSEPTWAL

Interview
Pagkalap ng mga Maliit na Diksyunaryo
Limampung Datos ukol sa mga nakalap
salita (50 words) na Mga lumang
Pag-aaral sa mga
Nakalap na salita
Datos
BATAYANG TEORETIKAL

You might also like