You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

NORTHWEST SAMAR STATE UNIVERSITY


San Jorge Campus
San Jorge, Samar

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO II

I.LAYUNIN:

1. Natutukoy ang ibat-ibang tunog ng mga sasakyan.


2. Nakasisipi ng salita na may wastong anyo at hugis ng titik.

II.PAKSANG ARALIN
A. Paksa: Tunog ng mga Sasakyan
B. Sanggunian: PELC/BEC Handbook in Filipino 2, Pakikinig d.33
Landas sa Wika at Pagbasa dd. 18-13
Pagdiriwang ng Wikang Filipino 2, dd. 9-12
Sining sa Wika at Pagbasa dd. 8-13
C. Kagamitan: Tsart, mga larawan, speaker o player
III.PAMAMARAAN

GAWAING guro GawainG mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Airell pangunahan mo ang ating Opo, maam ( sa ngalan ng mga ama,

panimulang panalangin sa araw na ito. ng anak, at ng espiritu Santo, Amen.)

2. Pagbati

Magandang Hapon mga bata Magandang Hapon din po maam

3. Pagtala ng Liban

Mga bata may lumiban ba sa araw na

ito? Wala po!

4.Pagkolekta ng takdang aralin

May takdang-aralin ba akong pinagawa

Sa inyo? Meron po!

Pakipasa nalang dito sa harap


5. Balik-aral

Bago natin talakayin ang ating aralin

ngayong araw na ito, atin munang

balikan ang ating tinalakay kahapon.

Mga bata ano ang tinalakay natin

Kahapon? Ako po maam

Sige nga john carl Ang tinalakay po natin kahapon ay

tungkol sa_________

Magaling!

6.Pagganyak

Mga bata ano ang nakikita niyo sa larawan


na ito? Mga ibat ibang sasakyan po.

Mga mag-aaral kayo ba ay nakakita o


nakasakay na ng sasakyan? Opo!

Anu-anong sasakyan na ang inyong


nasakyan o nakita?

Sige nga Airell, anong sasakyan na ang


Iyong nakita o nasakyan? Ang sasakyan po na aking nasakyan

ay ang motorsiklo.
Magaling!

Sino pa? Ako po maam

Sige nga Cleo, anong sasakyan na ang

iyong nakita o nasakyan? Ang sasakyan po na akin ng nakita ay


barko.

Nakakabilib!

Sino pa? Ako po mam


Sige nga Joe Carl, ipabatid mo nga sa amin

ang sasakyang iyo ng nakita. Ang sasakyan pong akin ng nakita ay

eroplano.

Kahangahanga!

Sino pa?

Sige nga limuel, ibahagi mo nga ang

Sasakyang iyo ng nakita. Ang sasakyan po na akin ng nakita ay

ambulansya.

(Ipagpapatuloy ang pagtatanong) (Ibat- ibang sasakyan pa ang kanilang

ipapahayag.)

Ngayon, gusto nyo bang malaman ang mga

tunog na nagmumula sa mga sasakyang

iyong binanggit? Opo!

Mabuti kung gayon.

7. Pagtalakay ng Aralin

Meron akong babasahing kuwento at nais

kong kayoy makinig ng mabuti dahil may

mga katanungan akong ibibigay sa inyo

ukol sa kuwentong binasa.

Naiintindihan ba mga bata? Opo!

Magaling!

Ang kuwento ay pinamagatang Mga Tunog

ng Sasakyan.

Mga Tunog ng Sasakyan

Isang umaga, sa daan ay naririnig ang

malakas na tunog ng nagmamadaling

ambulansya. Wee! Wee! Wee! Beep! Beep!

Beep! Ang busina naman ng jeep na tumatabi.


Tsk! Tsk! Tsk! Ang tunog naman ng kalesa na

kasunod ng dyip. Maya maya may narinig

kaming kleng! Kleng! Kleng! Ang tunog ng

trak ng bombero, tumabi lahat ng sasakyan

sa nagmamadaling sasakyan na ito sa

pagsaklolo ng sunog. Sa itaas ay may

dumaan na eroplano dahil sa tunog na ereng!

Sa may rile naman ay may parating na tren

dahil sa toot! Toot! Doon sa may daungan ay

narinig ang kararating lang ng bapor Poot!

Poot! Poot! Ang tunog nito.

Anu anong mga sasakyan ang nabanggit

sa kuwento?

Sige nga Claire,magbigay ng isa. Ang sasakyan po na nabanggit sa


kuwento ay ambulansya.

Ano naman ang tunog nito? Ang tunog po nito ay Wee! Wee! Wee!

Mahusay!

Sino pa ang makapagbibigay? Ako po mam!

Sige nga Neralyn, magbigay ng isa. Ang sasakyan po na nabanggit sa


kuwento ay dyip.

Ano naman ang tunog nito? Ang tunog po nito ay beep! beep! beep!

Magaling!

Ano pa? Ako po mam!

Sige nga, rinafe magbigay ng sasakyang

nabanggit sa kuwento. Ang sasakyan po na nabanggit sa


kuwento ay kalesa.

Ano naman ang tunog nito? Ang tunog po nito ay tsk, tsk, tsk.

Mahusay!
Meron pa ba? Opo

Sige nga marlito, ano pa? Ang sasakyan po na nabanggit sa


kuwento ay trak ng bombero.

Ano naman ang tunog nito? Ang tunog po nito ay kleng! kleng!
kleng!

Magaling!

Sino pa ang makapagbibigay? Ako po mam!

Sige nga nevijen,ano pang sasakyan ang

nabanggit sa kuwento? Ang sasakyan pong nabanggit sa


kuwento ay eroplano.

Ano naman ang tunog nito? Ang tunog po nito ay ereng! ereng!
ereng!

Mahusay!

Meron pa ba? Opo!

Sige nga Anjolina, ano pa? Ang sasakyan po na nabanggit sa


kuwento ay tren.

Ano naman ang tunog nito? Ang tunog po nito ay toot! toot! toot!

Magaling!

Ano pa?

Sige nga John Carl, magbigay pa. Ang sasakyan po na nabanggit sa


kuwento ay bapor.

Ano naman ang tunog nito? Ang tunog po nito ay poot! poot! poot!

Tumpak!

Ngayon naman meron akong mga tunog na (Sasabihin ang tunog at tutukuyin kung

ipaparinig sa inyo. Nais kong sabihin niyo sa anong sasakyan galing ang tunog na

ang tunog na inyong narinig at tukuyin kung ito.)

sa anong sasakyan galing ang tunog na ito.

Maliwanag ba mga bata? Opo!

(Magpaparinig ng ibat-ibang tunog ng

sasakyan)
8. Paglalapat

Ngayon magkakaroon tayo ng pangkatang

Gawain, bibigyan ko kayo ng tig-iisang

Pirasong papel pagkatapos gagayahin niyo

Ang tunog ng sasakyan na nakapiring ang

Inyong mga mata sa pamamagitan ng

Paggaya ng tunog ay hahanapin niyo ang

Inyong kaparehong tunog hanggang sa

Makompleto o mahanap niyo ang lahat ng

Inyong kaparehong tunog. Paalala huwag

Niyong ipakita sa inyong katabi kung anong

Uri ng sasakyan ang inyong nakuha at

Kapag nakahanap kayo ng inyong kapare-

Hong tunog ay huwag niyo na itong bitawan

O huwag na kayong maghiwalay. Bibigyan

Ko kayo ng limang (5) minuto at pagkatapos

Ng oras kung sinong grupo ang makatapos

Ang siyang tatanghaling panalo.

Naintindihan ba mga bata? Opo!

Mabuti kung gayon.

9. Paglalahat

Ano ang nagsisilbing hudyat na meroong

paparating na sasakyan? Ang tunog po ang magsisilbing hudyat

na mayroong paparating na sasakyan.

Lahat ba ng sasakyan ay magkapareho ng Hindi po dahil magkakaiba po ang

tunog? tunog ng bawat sasakyan.

Ano ang dapat gawin kapag mayroong mga

sasakyang dumaraan sa kalsada? Mag- ingat po sa pagtawid sa kalsada.


Tama! Dapat na nag- iingat tayo sapagtawid

upang makaiwas sa disgrasya.

Meron ba kayong mga tanong tungkol sa

Ating tinalakay ngayon? Wala po.

Kung gayon. Kumuha kayo ng kalahating

Papel, isulat ang inyong mga pangalan

at sagutan ninyo ito

IV. Pagtataya

Punan ang kahon ayon sa hugis ng titik upang mabuo ang tamang salita.

1. Beep! Beep beep!

2. poot! poot! poot!

3. Kleng! Kleng! Kleng!

4. Toot! Toot! Toot!

5. Tsug! Tsug! Tsug!

V. Takdang-aralin

Pagtambalin ng guhit ang mga larawan at tunog nito.

Broom! broom! Broom!

Ereng! Ereng! Ereng!


Wee! Wee! Wee!

Tsk! tsk! Tsk!

Tsug! Tsug! Tsug!

Inihanda ni:
REBECA S. ORCALES

You might also like