You are on page 1of 4

Duterte, nanawagan para labanan ang terorismo

Marty Go, ABS-CBN News

BACOLOD CITY - Ngayong tapos na ang gulo sa Marawi City, nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte
sa sambayanan na magtulungan para labanan ang terorismo.
Ayon kay Duterte, hindi ligtas ang lahat ng bansa sa mundo sa problema ng terorismo, gaya ng dala ng
grupong ISIS.
Dahil dito, nanawagan siya sa publiko na magtulungan at maging mapagmasid sa kanilang kapaligiran
upang hindi na maulit ang nangyaring paglusob sa Marawi City.
Dapat rin umanong magtulungan ang publiko at ang gobyerno para mapanatiling ligtas ang bansa laban
sa terorismo.
Pinasalamatan ni Duterte ang mga sundalo at pulis na sumabak sa digmaan sa Marawi at nararapat umano
silang bigyan ng parangal sa kanilang pag-uwi sa kanilang mga bayan.
Nanawagan rin ang Pangulo sa mga miyembro ng New People's Army na tigilan na ang pagpatay sa mga
pulis at sundalo na kapwa rin nilang mga Pilipino.
Ayon kay Duterte, umaabot na sa 50 taon ang digmaan sa pagitan ng gobyerno at mga rebelde. Makabubuti
umano na wakasan na ng mga rebelde ang patayan para maka-uwi na sila sa kanilang mga pamilya na
matagal na nilang hindi nakikita.
Muli ring pinasaringan ni Duterte ang mga human rights advocates na nag-aakusa sa kanyang
administrasyon ng extra-judicial killings. Imbes umano na magbilang ng mga taong namamatay dahil sa
kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga, mas nararapat umano na tanungin muna kung bakit
pinatay ang mga ito.
Ipinagtanggol ni Duterte ang mga pulis na gumagawa lang umano ng kanilang trabaho kaya't namamatay
ang mga nanlalaban na drug addict.
Pinayuhan rin ni Duterte na huwag na lang labanan ang mga pulis at sumuko na lamang. Kung may reklamo
umano sila ay maaring sampahan ng kaso ang pulis.
Ayon pa kay Duterte, hindi niya pinapansin ang mababang ratings dahil ginagawa lang niya ang kanyang
trabaho.
Samantala, pinuri ng pangulo ang MassKara Festival ng Bacolod City dahil nagpapaalala ito sa maraming
tao na kailangan pa ring ngumiti at ipagpatuloy ang kasiyahan sa buhay sa gitna ng maraming mga
problema na hinaharap ngayon ng bansa.
Ito na ang ikalawang beses na dumalo sa pagdiriwang ang Pangulo dahil gusto niyang makapanood ng
sikat na MassKara Street and Arena Dance Competition.

Lalaki inuntog ang kapwa pasaherong babae, arestado

Posted at Oct 23 2017 09:12 AM

MANILA - Inaresto ang isang lalaki matapos umanong iuntog ang isang babae sa pader ng sinasakyan
nilang jeep papuntang Monumento, Caloocan Lunes.
Kuwento ng biktimang si Arlene Otico, naramdaman niyang may humihipo sa kanya kaya nagbanta siyang
magsusumbong sa mga pulis.
Dahil dito, kaagad bumaba ang 3 lalaking kapwa niya pasahero, pero bago tuluyang makaalis ay inuntog
umano ni Nathaniel Herrera si Ortico sa pader ng jeep.
Agad nakapagsumbong sa mga pulis ang mga nakakakita sa insidente kaya nahuli si Herrera. Hindi naman
nahuli ang 2 nitong kasamahan.
"Sabi sa amin, may nag-aaway. Yun pala inuntog. Saka namin nahuli ito nga," sabi ng imbestigador na si
PO1 Ronnie Perocho.
Nakuhanan aniya si Herrera ng kutsilyo.
Humingi siya ng ng tawad sa biktima, pero desidido si Ortico na sampahan ito ng kasong physical injuries.
Babae sa viral video, hinarana ni Daryl Ong
ABS-CBN News
Posted at Oct 22 2017 10:26 PM
Una nang nag-viral sa social media ang bidyo ni Nacelle Villa na umiiyak habang sinusumbatan ang lalaking
nanakit ng kanyang puso.

Ayon sa kanya, hindi na niya kinaya ang kanyang nararamdaman kaya inilabas na niya ito sa pamamagitan
ng isang bidyo.

Matapos ang kanyang karanasan, binigyan ng makeover si Nacelle. Hinarana rin siya ni Daryl Ong.

Teddy Corpuz at misis, muntik maghiwalay dahil sa goto


ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2017 10:16 PM

Ikinuwento ng "It's Showtime" host at singer na si Teddy Corpuz ang kwentong pag-ibig nila ng asawang
si Jasmin.

Sa isang panayam sa "Rated K," ibinahagi ng dalawa ang pinagdaanan ng kanilang relasyon.

At katulad ng ibang mga tao, may mga bagay rin na pinag-awayan ng mag-asawa.

Mag-anak minartilyo: Ama, sanggol patay


Gemma Amargo-Garcia at Rhoderick Beez | Updated October 23, 2017 - 12:48am

Kalunus-lunos ang si-na-pit ng isang mag-anak matapos na pasukin ng isang lalaki sa kanilang tindahan
at pagpupukpukin ng martilyo habang natutulog na ikinasawi ng negos-yanteng ama at 5-buwang sanggol
na anak habang nasa malubhang kalagayan ang ina ng bata sa Mandurriao Plaza, Iloilo City kahapon ng
madaling-araw.

5,000 pulis ide-deploy sa Metro Manila


Non Alquitran | Updated October 23, 2017 - 12:05am

Tinatayang nasa 5,000 na miyembro ng kapulisan ang ide-deploy upang bantayan ang 82 sementeryo sa
Metro Manila para sa nalalalapit na paggunita ng Undas sa Nobyembre 1.

UE, NU pinalakas ang tsansa sa Final 4


Chris Co | Updated October 23, 2017 - 12:06am

Ginulantang ng Univer-sity of the East ang University of the Philippines, 73-64 para manatiling buhay ang
kanilang pag-asang makahirit ng Final Four slot sa UAAP Season 80 mens basketball tournament kahapon
sa The Arena sa San Juan City.
Presyo ng petrolyo, tataas
ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2017 09:26 PM | Updated as of Oct 21 2017 09:27 PM

Tinatayang tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.


Maglalaro sa P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang dagdag-presyo sa gasolina.
Ganoon din ang inaasahang dagdag sa presyo sa kerosene.
Samantala, nasa P0.30 hanggang P0.40 ang tantiyang imamahal ng presyo ng diesel sa susunod na
linggo.
Tinatayang dagdag sa presyo sa petrolyo
Gasolina P0.50 - P0.60/litro
Kerosene P0.50 - P0.60/litro
Diesel P0.30 - P0.40/litro

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Sahod ng Marawi troops dodoblehin


Ni Gemma Garcia/Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) | Updated October 23, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines Dodoblehin ang sahod ng mga police at military personnel lalo na ang mga tropa
ng gobyerno na nakipaglaban sa Marawi City.
Ito ang tiniyak ni House Appropriations Committee chairman at Davao Rep. Karlo Nograles bilang suporta
sa pahayag ni Pangulong Duterte na doblehin ang sahod ng mga pulis at sundalo.
Ayon kay Nograles, nararapat lamang na bigyan ng mataas na sahod ang mga unipormadong babae at
lalaki na nakipaglaban sa Marawi at nanganib ang buhay sa pakikipaglaban sa mga teroristang grupo.
Kudos to our troops for getting the job done. They showed that they are capable of neutralizing the worlds
most dreaded terrorists and bandits. They deserve all the additional benefits coming their way under the
Duterte administration, ayon pa sa kongresista.
Inindorso na rin umano ng Department of Budget and Management (DBM) sa Senado at Kamara ang isang
draft resolution na opisyal na nagbibigay ng 100 porsyentong salary increase para sa police at military
personnel.
Giit ng kongresista, ito na ang tamang procedure ng Kongreso lalo na ng Kamara na mayroong power of
the purse o kapangyarihan para maglaan ng pondo para magastos ng gobyerno.
Tiniyak naman ni Nograles, na aaprubahan ang draft resolution sa sandaling mag-resume ang sesyon ng
kongreso sa Nobyembre 13 mula sa kanilang Undas break.

Zubiri sa lider ng Aegis Juris

MANILA, Philippines Mabulok siya doon dahil unang-una, masyado siyang duwag.

Ito ang binigyang-diin kahapon ni Sen. Migz Zubiri sa lider ng Aegis Juris na si Arvin Balag dahil sa
pagtanggi nitong umamin na siya ang lider ng kanilang fraternity sa nakaraang hearing ng Senado.

Nakadetine sa Senate detention facility si Balag matapos siyang i-contempt ng committee on public order
and dangerous drugs ni Sen. Panfilo Lacson na nag-imbestiga sa pagkamatay ng UST freshman law
student na si Horacio Atio Castillo III.
Unang-una masyado siyang duwag. Ayaw niyang aminin na siya yung leader ng kanilang fraternity. Tama
yung sinabi ni Senator Grace (Poe) na anong klaseng leader ito, na he doesnt man up, giit pa ng senador
sa radio dzBB.

Wika pa ni Zubiri, malinaw sa leaflets ng fraternity na si Balag ang pangulo pero ng tanungin siya sa hearing
ay tumatanggi ito.

Klarong-klaro naman sa mga leaflets sa mga pinirmahang dokumento sa eskwelahan na siya yung
talagang head na tinatawag na GP, giit pa ni Zubiri.

Siya po yung head ng fraternity kaya galit na galit yung mga myembro dahil common knowledge naman
na siya yung leader, ayaw niyang aminin, ginagago na naman yung committee namin. Kaya hindi po kami
pumayag at we placed him under contempt and arrest, dagdag pa nito.

Mananatili sa detention si Balag hanggang sa muling mag-resume ang sesyon ng Senado sa susunod na
buwan.

TF vs kolorum lumarga na

Ni Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) | Updated October 23, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines Nag-umpisa na ng kanilang operasyon ang bagong buong Task Force Alamid ng
Inter-Agency Committee on Traffic (IACT) na tututok sa panghuhuli sa mga kolorum na mga pampublikong
behikulo lalo ngayong inaasahan ang mga pananamantala sa pagpasok ng Kapaskuhan.

Sinabi ni IACT spokesperson Elmer Argano na pamumunuan ang Task Force ni IACT Commissioner ret.
Gen. Manny Gonzales at nasa ilalim rin ng superbisyon ni Metropolitan Manila Development Authority
(MMDA) General Manager Tim Orbos.

Fil-Am senior citizen itinumba sa loob ng taxi


(Pilipino Star Ngayon) | Updated October 20, 2017 - 2:04pm

MANILA, Philippines Isang 63-anyos na Filipino-American ang pinagbabaril sa loob ng sinasakyang taxi
sa Valenzuel City nitong kamakalawa.

Nakilala ang biktimang si Antonio Fermo na residente ng Barangay Marulas.

Ayon sa ulat, nakipagkita ang hindi pa nakikilalang suspek sa bahay ni Fermo bandang alas-2 ng hapon
nitong Miyerkules.

Makalipas ang dalawang oras ay sumakay sila ng taxi na minamaneho ni Ferdenand Marcon.

Habang binabaybay ang McArthur Highway sa Brgy. Dalandanan ay biglang pinaputukan ng suspek si
Fermo.

Kaagad namang nakatakas ang suspek na sumakay sa isang puting van na nakaabang malapit sa
pinangyarihan ng krimen.

Iniimbestigahan na rin naman ang driver ng taxi.

You might also like