You are on page 1of 2

Ako na tila nag-iisa lamang sa mundo

Sa mundong mayamot na tila ba isang disyerto


Nag-iisa sa mundong parang misteryo
Na walang ibang nilalang kundi ako

Sa mga sandaling walang kinahalubilo


Biglang napagtanto
Na kahit man akoy kontento
Tila hindi buo ang aking mundo

Nang lumipas ang mga araw


Kalungkutang unti-unting bumabalot sa mukha ay matatanaw
At sa paglaon, ako bay parang naliligaw
Hanggang sa ang mundo koy nagkaroon ng ikaw

Ikaw, na hindi ko inaasahang magiging parte ng aking mundo


Na sa iyong pagdating, ay biglang nagbago
Ang dating tinatawag kong munting disyerto
Ngayon ay naging isa ng paraiso

Ikaw na naging kasama ko minu-minuto


Ikaw na naging kaibigan kong totoo
Ikaw na laging nandyan sa tabi ko
Ikaw na nagpapangiti sa akin ng todo

Sa halos araw-araw na ikaw ang kasama ko


Mula umaga hanggang sa mga panaginip ko
Hindi ko inaasahang akoy magkakaganito
Hindi ko inaasahang mahuhulog na ang loob ko sayo

Ngunit ang masaklap ay hindi ko rin inaasahan


Na isang araw ay mawawala ka sa tabi ko
Hindi ko inaasahan
Na ang ating pagsasamay parang naging bula na biglang naglaho

Hindi ko inaasahan
Na babalik ang aking mundo sa ako
Na mawawala ang ikaw
Na hindi magkakaroon ng tayo

Nong isang araw dumating ka


Nasilayan ko muli ang mga ngiti sa iyong mukha
Mga ngiting matagal ko nang hindi nakita
Ang daya mot hindi ka man lang nagparamdam ng kusa

Ikay lumapit at tila may nais sabihin


Para bang ikay may nais aminin
Hindi ko alam kung ako bay kikiligin
Kinakabahan, naghahanda sa mga nais mong sambitin

Lumapit ka at tangan isang babaeng maganda


Agad ipinakilala, Ito ang aking sinisinta.
At sa mga oras na yon, mga ngiti saking labiy agad na napawi
Buong akalay aamin na akoy gusto mo rin sakali
Alam kong wala akong karapatang magalit sayo
Dahil ako naman itong nagbigay kahulugan sa mga ginawa mo,
Ako lang naman itong umasa na bakay isang araw ay mamahalin mo

Pero salamat pa rin sa mga sandali


Na ikay gumuhit ng ngiti sa aking mga labi
Ng mga ngiti at tawang kailanmay hindi ko naranasan dati
Sa mga masasayang araw na sa tabi koy iyong ipinalagi

Salamat sa mga alaala


Sa maikling pagkakataong nakasama ka
Sa pagmamahal na ipinadama
Bilang kaibigan, masaya akong ikay nakilala

Masaya ako dahil kahit minsan sa aking mundo


Nagkaroon ng ikaw, ng ako
Alam kong malabong magkaroon ng tayo
Pero kaibigan, masaya ako para sayo