You are on page 1of 2

Mga Talinghaga - Lipon ng mga salitang may ibang kahulugan.

TALINGHAGANG TINUMBASAN NG MGA KATANGIAN NG HAYOP, IBON, ISDA, KULISAP, AT


HALAMAN
Asong-pungge susunod-sunod sa dalaga
Balat-kalabaw Matibay ang hiya; walanghiya
Balat-sibuyas maramdamin; madaling umiyak
Basang-sisiw api-apihan; kalagayang sahol sa hirap
Buhay-alamang laging nasusuong sa panganib; hikahos
Buhay-pusa mahaba ang buhay; laging nakaliligtas sa panganib
Bulang-gugo buks ang palad sa paggasta
Buwayang-lubog taksil sa kapuwa; hindi mabuti ang gawa
Dagang-bahay taksil sa kasambahay
Kakaning-itik api-apihan
Kutong-lupa bulakbol; walang hanapbuhay
Lakad-kuhol mabagal utusan; patumpik-tumpik kapag inutusan
Ligong-uwak hindi naghihilod o gumagamit ng bimpo kapag naliligo; ulo lamang ang binabasa.
Maryakapra (marya-kapra) babaing masagwa o baduy magbihis
Mataas ang lipad hambog
Matang-manok Malabo ang paningin kung gabi; Di-makakita kung gabi
May sa-palos Hindi mahuli. Mahirap salakabin. Madulas sa lahat ng bagay.
Nagmumurang kamatis nagdadalaga
Nagmumurang kamyas bagong naniningalang-pugad; bagong nanliligaw.
Paang-pato tamad; makupad; babagal-bagal kung lumakad
Pagpaging alimasag walang laman
Puting-tainga maramot
Putok sa buho Walang tiyak na ama nang isilang
Salimpusa (saling-pusa) hindi kabilang sa anumang panig;
Sangkahig, sangtuka Ginagasta ang siyang kinikita.
Tagong-bayawak madaling makita sa pangungubli
Tawang-aso tawang nakatutuya
TALINGHAGANG TINUMBASAN NG MGA BAHAGI NG KATAWAN O KAYAY KILOS NG TAO
Buks ang palad magaang magbitiw ng salapi; galante; hindi maramot
Kadaupang-palad kaibigang matalik
Kumindat sa dilim nabigo; nilubugan ng pag-asa
Lawit ang pusod balasubas
Ligaw-tingin torpe; hindi makapagsalita sa nais ligawan
Mababang-luha iyakin; bawat kalungkutan ay iniiyak
Mabigat ang dugo kinaiinisan
Magaan ang bibig palabati; magiliw makipagkapuwa
Magaan ang kamay magandang magbuwana mano, kung sa negosyo o sugal; mapagbuhat ng
kamay, o madaling manampal o manakit
Mahaba ang paa nananaon sa oras ng pagkain ang pagdating o pagdalaw
Mahabang-dila palasumbungin
Mahabang-kuko palaumit
Mahigan ang kaluluwa matinding galit
Mainit ang mata malas sa panonood; nagdadala ng kamalasan kapag nagmiron sa sugalan
Manipis ang balt mapaghinanakit; madaling masaktan kapag sinabihan
Marumi ang noo taong may kapintasan
May balahibo ang dila sinungaling
May blat sa batok malas
May bituin sa palad masuwerte sa lahat ng bagay, lalo sa negosyo; mapapalarin
May kuko sa batok masamang tao; di-mapagkakatiwalaan
May kurus ang dila nagkakatotoo ang bawat sabihin
May nunal sa paa Lays; mahilig maglagalag
May tala sa noo babaeng ligawin o malimit suyuin ng mga lalaki
May-sungay lalaking di-pinagtatapatan ng asawa; lalaking kinakaliwa o pinagtataksilan ng asawa
Nakadikit ng laway tanggalin; madaling tanggalin
Namuti ang mata Nabigo sa paghihintay; hindi dumating ang hinihintay
Namuti ang talampakan kumarimot dahil naduwag; tumakbo palayo dahil sa natakot o naduwag.
Nasa dulo ng dila hindi masabi-sabi; hindi matandaan, bagamat alam na alam
Naulingan ang kamay nagnakaw; kumupit ng salapi
Puting tainga maramot
Sa pitong kuba paulit-ulit
Tabla ang mukha walang kahihiyan
Taingang-kawali nagbibingi-bingihan; kunwariy hindi nakarinig.
Walang butas ang buto malakas

You might also like