You are on page 1of 8

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ang pagtuturo ay isang sining, iyan ang isinaad ni Belvez (2002) sa


kanyang aklat na Ang Sining at Agham ng Pagtuturo. Ipinaliwanag niya sa aklat
na ito kung ano nga ba ang pagtuturo. Kung bakit nasabi niyang ito ay isang
sining at isang agham. Isinaad ni Belvez na sa paglikha ng maririkit na bagay at
magagandang kaganapan ito ay nakabatay sa sangay ng karunungan na siyang
matatawag na pagtuturo. Sa pagiging masining at maparaan ng isang guro
nakasalalay ang pagiging mabisa ng pagtuturo. Kung gayon, gagamit ng mga
estetikong paraan ang guro upang maituro nang maayos ang kaniyang aralin.
Bilang isang sining maraming malikhait interaktibong gawain ang maaaring
magamit sa pagtuturo. Maraming estratehiya ang maaaring ilapat na magbibigay
sigla sa talakayan. At agham dahil sa mga prosesong sistematiko na susundin
ng guro upang matuto ang mga mag-aaral. Kabilang dito ang mahuhusay na
metodo at pagsasapraktika ng mga teorya sa pagtuturo at pagkatuto. Maraming
metodo, kagamitan at estratehiya ang maaaring gamitin ngunit ang naging
suliranin ng mga guro sa kasalukuyan ay ang tiyaking sapat, lapat at dapat ang
mga naturang kagamitang handa.

Sa modernong panahon tunay na malaki ang epekto sa mga mag-aaral ng


hindi epektibong paggamit ng kagamitan at estratehiya. Nasasayang ang
pagkilos at panahon ng parehong panig sapagkat hindi nito napupunan ang
pangangailangan ng mga mag-aaral sa kanilag magagamit sa pagtutuloy ng
buhay. Ayon sa pag-aaral ni Lardizabal (1995), "Ang pagtuturo ay isang proseso
ng komunikasyon ng guro at mag-aaral. Maraming pamaraan ang pagtuturo at
pagkatuto. Ang kagamitang pampagtuturo o kagamitang instruksyunal at
anumang karanasan o bagay na ginagamit ng guro bilang pantulong sa
paghahatid ng impormasyon, kasanayan at pagpapahalaga sa mga mag-aaral
upang lalong maging konkreto, tunay, dinamiko at ganap ang pagkatuto."
Nangangahulugan na nararapat na pagplanuhan kung ang mga inilalapat na
gawain ay sasapat at dapat sa kasanayan na nararapat na tamuhin ng bata.
Ang artikulo ni Reyes (1993) na Ang panitikan ng Kahirapan ay umiikot
sa tatlong ideyang nais niyang pagtuunan ng pansin. Una, ang konsepto ng
kahirapan bilang isang prinsipyong makapangyarihan na nagbibigay-hugis sa
malaking bilang ng panitikang popular. Sunod ay ang pagsusuri sa mga
representasyon ng kahirapan na matatagpuan sa panitikan na siyang
makapagbibigay konklusyon sa papel ng panitikan sa lipunan. Binigyang pansin
din na kung papaanong ang tatlong anyo ng panitikan (nobela, kuwento at
komiks) ay lubhang naging popular sa mga karaniwang mambabasa. Ipinabatid
niyang hindi pagtakas kundi pagharap sa mga konstruksyon ng kahirapan ang
nagaganap tuwing magbabasa ang publiko ng mga akda. Sa pagwawakas ng
artikulo ay nag-iwan si Reyes ng isang hamon sa mga mambabasa, ito ay ang
higit nating pagtuunan ng pansin ang mga akdang buong tapang na tumutukoy
sa malawakang bunga ng kahirapan sa buhay ng mamamayan.

Makatutulong ang dyornal na ito sa pagpapakita ng tunay na mukha ng


lipunan at ang dapat na mukha ng panitikan. Kung saan mas maipapaintindi ang
tunay na papel ng panitikan sa buhay ng mamamayan. Kung paano pinadaloy ng
nasa laylayan ng lipunan ang diwa ng ating panitikan. Ipinakita ng dyornal na ito
na isa ang maikling kuwento sa mga popular na babasahin na nagtataglay ng
mga isyung panlipunan na magpapaigting sa diwang makabayan na siyang tuon
ng kasalukuyang pananaliksik.

Ang panitikan ang sumasalamin sa buhay ng mga Pilipino at nagsisilbing


gabay sa pamumuhay bilang isang Pilipino. Ang kawalan ng interes sa pag-aaral
nito ay isang malaking suliranin na tinutugunan ng pananaliksik na ito. Hindi
nararapat na mabalewala ang pag-aaral ng panitikan na siyang nagpapakilala sa
ating lahi. Paano natin pangangalagaan ang ating kultura kung hindi natin
kayang pahalagahan ang ating panitikan. Malaking bagay kung makahahanap ng
paraan upang maituro ang panitikan na pumupuno sa pangangailangan at
kagustuhan ng mga mag-aaral na makapagdudulot sa kanila ng interes na pag-
aralan, unawain, pahalagahan, pangalagaan at isabuhay ang nilalaman ng bawat
akda at musika. Ganito dapat maunawaan at matamo ng mga bata ang
kasanayan. Nararapat nilang maranasan at maunawaan ang mga kahalagahang
dulot ng mga araling tinatalakay. Isa itong hamon sa mga guro na pag-ibayuhin
ang pagpaplanong tutumbok sa interes ng mga mag-aaral, sasapat sa
kalagayang nais iparating, at dapat na ayon sa kontekstong nais ibahagi ng
bawat aralin.

Sa guro mag-uumpisa ang pagpapahalaga sa panitikan sa pamamagitan


nang maayos na pagtuturo nito. Sinasabi sa mga nakaraang pag-aaral na ang
panitikan ay hindi naluluma, ang paraan lamang ng pagtuturo nito ang nababago.
Hindi sapat na maituro lamang ang panitikan, dapat ay maituro ito sa makabago
at kawili-wiling paraan kung saan mas maiintindihan at mapapahalagahan ito ng
mga mag-aaral. Upang matamo ng mga mag-aaral ang epektibong pagkatuto,
kailangan sa guro mag-umpisa ang epektibong pagtuturo. Malaki ang
ginagampanang bahagi ng guro sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa panitikan,
kaalinsabay nito ang malaking hamon na ituro ito. May kaunting pagkukulang
ang guro pagdating sa pamamaraan ng pagtalakay ng panitikan na nagbubunga
ng hindi malalimang pag-unawa at hindi naisasabuhay ng mga mag-aaral ang
magagandang aral na isinasaad ng mga akdang pampanitikan. Dapat itong
maging panawagan na ang epektibong pagtuturo ng asignaturang Filipino ay
nasa kamay ng mga guro at dapat na naaayon sa pangangailangan na sasapat
sa interes at kagustuhan ng mag-aaral.
RESULTA NG PAG-AARAL

Mahaba ang proseso ng pananaliksik bago tamuhin ang produktong at


kasagutang nais na maabot ng mga mananaliksik.

Ang pagtuturo ay isang proseso ng paglilipat ng kaalaman ng guro sa


kaniyang mag-aaral ngunit lalagos sa ideolohiya ng pagtatamo ngunit
magtatanim ng panghabang-buhay na kasanayan. Kung kaya isang pagsubok na
magamit nang maayos at tama ang mga kagamitan at estratehiyang
pampagtuturo na magiginglunsaran ng nasabing pagkatuto. Sa pagtuturo,
kapansin-pansin ang pagkakaroon ng pagkakaiba sa pagtanggap ng bata sa
mga impormasyon at kaalaman na siyang nagbunsod sa mga mananaliksik na
mauwi sa pagtukoy sa pagiging epetibo ng mga kagamitan at estratehiyang
ginagamit sa pagtuturong asignaturang Filipino. Isinaalang-alang sa pananaliksik
ang edad at henerasyong kinabibilangan ng mag-aaral at ng guro na siyang
nagbabahagi ng naturang impormasyon at kaalaman.

Ang mga respondente ay nagmula sa Mataas na Paaralan ng Araullo,


kabilang sa pangkat Aristotle, Aquinas at Descartes ng baitang 10. May edad 15-
17 ang naturang respondente at kabilang sa computer age na henerasyon.

Sa siyamnapung (90) bilang ng mag-aaral ay tinaya rito ang pagiging


epektibo ng iba't ibang kagamitan at estratehiyang gamitin sa pagtuturo ng
asignaturang Filipino.

KAGAMITAN SA EPEKTIBO % DI % DI
NAGSAGOT
PAGTUTURO EPEKTIBO

1. Chalk 81 90% 9 10%


(Tradisyunal)

2. Projector 88 97.77% 2 2.22


(Di-Tradisyunal)

3. LED TV 86 95.56% 4 4.4%


(Di-Tradisyunal)
4. Speakers 88 97.77% 2 2.22%
(Di-Tradisyunal)

5. Manila Paper 75 83.33% 15 16.66%


(Tradisyunal)

6. Video 88 97.77% 2 2.22%


(Di-Tradisyunal)

7. MP3(4) 67 74.44% 23 25.55%


(Di-Tradisyunal)

ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO

1. Venn Diagram 71 78.88% 19 21.11% 1- 1.11%


(Tradisyunal)

2. Paggamit ng mga 87 93.66% 3 3.33%


larawan

(Di-Tradisyunal)

3. Tanong-Sagot 75 83.33% 15 16.66%


(Tradisyunal)

4. Pagkakabisado 63 70% 27 30%


(Tradisyunal)

5. Tableau 69 76.66% 21 23.33% 1- 1.11%


(Di-Tradisyunal)

6. Skit 77 85.55% 13 14.44% 1- 1.11%


(Di-Tradisyunal)

7. Dugtungang 65 72.22% 25 27.77% 1- 1.11%


pagpapabasa (Tradisyunal)

(pigura 1)

Ang sarbey ay may positibong resulta sa pagtataya kung ang mga


tradisyunal at di-tradisyunal na kagamitan at estratehiyang ginagamit sa
pagtalakay at pagtuturo sa asignaturang Filipino ay epektibo ba o hindi.

Kapansin-pansin sa Pigura 1 na ang lahat ng nasabing kagamitan at


estratehiya ay nakakuha ng malaking porsyento bilang epektibo kaysa di
epektibo. Nangangahulugan na ang mga nasabing lunsaran ay tunay na
epektibo sa pagtatamo ng kaalaman at kasanayan. Ngunit ang pagkakaroon ng
mga mag-aaral na sumagot na hindi epektibo ay nararapat na bigyang pansin at
aksyon upang magamit sa mas tamang pagkakataon at bahagi ng aralin.
Sapagkat malaking salik na dapat isaalang-alang ang bawat mag-aaral na hindi
nakapagtatamo ng kasanayan dahil ang pagtatamo ng kaalaman ay hindi
mababase sa mayoryang nakikinabang.

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang lahat ng kagamitan at


estratehiya ay epektibo, nangangailangan nga lamang ito ng tamang paraan ng
paggamit sa tamang aralin, bahagi at panahon.
ABSTRAK

Mga Mananaliksik : BRECINO, CAMILLE


PAGUAGAN, ANNE LORRAINE
Pamagat ng Tesis :PAGTUKOY SA PAGIGING
EPEKTIBO NG TRADISYUNAL AT DI-
TRADISYUNAL NA KAGAMITAN AT
ESTRATEHIYANG PAMPAGKATUTO

Pangunahing Konsepto :Matukoy kung gaano kaepektibo ang


mga tradisyunal at di-tradisyunal na
lunsarang gamit sa pagtuturo ng
asignaturang Filipino
Pinagkakadalubhasaan :Wika at Panitikan (Filipino)

LAYUNIN

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na matukoy ang pagiging epektibo


ng mga lunsarang gamit sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.

Maraming kagamitan at estrateihiyang ginagamit at maaaring gamitin sa


pagtuturo nang epektibo ng Filipino ngunit isang suliranin na kinakaharap ng
mga guro at ng wika at panitikang Filipino ang hindi pagkatuto nang maayos at
malalim ng mga mag-aaral.

METODOLOHIYA

... (na kay Camille)


RESULTA NG PANANALIKSIK

Ang sarbey ay may positibong resulta sa pagtataya kung ang mga


tradisyunal at di-tradisyunal na kagamitan at estratehiyang ginagamit sa
pagtalakay at pagtuturo sa asignaturang Filipino ay epektibo ba o hindi.

Nangangahulugan na ang mga nasabing lunsaran ay tunay na epektibo


sa pagtatamo ng kaalaman at kasanayan. Ngunit ang pagkakaroon ng mga mag-
aaral na sumagot na hindi epektibo ay nararapat na bigyang pansin at aksyon
upang magamit sa mas tamang pagkakataon at bahagi ng aralin. Sapagkat
malaking salik na dapat isaalang-alang ang bawat mag-aaral na hindi
nakapagtatamo ng kasanayan dahil ang pagtatamo ng kaalaman ay hindi
mababase sa mayoryang nakikinabang.

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang lahat ng kagamitan at


estratehiya ay epektibo, nangangailangan nga lamang ito ng tamang paraan ng
paggamit sa tamang aralin, bahagi at panahon.

REKOMENDASYON

Maraming kagamitan at estratehiyang maaaring gamitin sa pagtuturo ng


Filipino. Isaalang-alang ang edad at kalagayan ng kapaligiran (kahandaan ng
mga kagamitan at kaangkupan sa kapaligiran ng estratehiya) bago gamitin ang
isang lunsaran. Maaaring magsagawa ng pagpapares ng isang aralin sa mga
gawain at kagamitan na sa tingin ng guro ay sasapat at magiging dapat bilang
lunsaran ng pagkatuto. Sa ganitong paraan, makikita kung tama ba ang
isasagawa at gagamiting kagamitan at estrateihiya sa pagtuturo. Hindi
masasayang ang panahon at paghahanda kung magiging epektibo itong
lunsaran sa malalim at pangmatagalang pagkatuto,

You might also like