You are on page 1of 5

Bagong Taon

Ang Bagong Taon ay isang pangyayari na nagaganap kapag nagdiwang ang isang
kultura ng katapusan ng isang taon at simula ng susunod na taon. Mayroong mga
pagdidiriwang ng Bagong Taon ang lahat ng mga kultura na sinusukat ang taonang
mga kalendaryo.

Pista ng Itim na Nazareno


Tuwing ika-9 ng Enero, ipinagdiriwang ng mga deboto ang Pista ng Itim na
Nazareno sa Quiapo, Maynila. Dinudumog ng mga tao ang santong patron ng
Quiapo, ang Nuestro Padre Nazareno, na dinala noong siglo 1800 ng Ordeng
Recoletos at itinampok sa simbahang nakaharap sa tanyag na Plaza Miranda.
Pagdiriwang ng Sinulog
Sumisiklab ang Lungsod Cebu, Cebu tuwing Enero dahil sa pagdiriwang ng Sinulog. Gaya ng
Ati-atihan, ang Sinulog ay tinatampukan ng sagradong imahen ng Santo Nio, at sa himig ng
Pit Seor! Hala, Bira! ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan ng mga tao ang buong
lungsod.

Pista ng Ati-atihan
Pinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang
pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Nio. Nagpapahid ng
uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo
ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng Hala, Bira!
Pista ng Dinagyang
Ang Pista ng Dinagyang ay ipinagdiriwang tuwing ikaapat na linggo ng Enero kada taon
upang ipagbunyi ang pagbibinyag ng mga dayo sa mga katutubo na maging Kristiyano at nang
maparangalan ang Santo Nio.

Mahal na Araw
Ang Mahal na Araw ay ang panahon ng paggunita at pagbabalik-loob ng mga
Kristiyanong Filipino sa pinaniniwalaan nilang diyos na tagapagligtas na
kinakatawan ni Hesuristo. Taon-taon, ipinagdiriwang ito ng mga Filipino upang
palalimin ang kanilang pananampalataya, habang binubuhay ang mahabang
tradisyon ng mga Kristiyano, gaya ng pag-aayuno at pamamanata.
Pista ng Pahiyas
Pinararangalan dito ang santo ng mga magsasaka na si San
Isidro de Labrador. Nagkakaisang nagsasabit ang mga taga-
Quezon ng mga produktong-bukid at katutubong pagkain sa
pintuan at mga bintana ng kanilang bahay.

Pista ng Kadayawan
Ang Pista ng Kadayawan ay isa sa popular na pagdiriwang sa ating bansa. Idinadaos ito
tuwing ika-3 lingo ng Agosto sa Lungsod ng Davao. May mga pagsasayaw, pagandahan,
tribunal na mga drama at marami pang iba. Tatlong simbolo ang ipinaiiral ditto ang Mt. Apo,
waling-waling (isang uri ng bulaklak) at Durian (isang uri ng prutas).
Pista ng Masskara
Ang Pista ng Masskara ay isang pagdiriwang tuwing unang dalawang lingo ng
Octubre, sa Lungsod ng Bacolod sa probinsya ng Negros Occidental. Ang pistang ito
ay ulit-ulit ng naipresenta sa ating bansa sa maraming pagdiriwang sa Asia.

Ang Pasko
Ang Pasko o Pasko ng Pagkabuhay ay ang araw na ginugunita ng mga Kristiyano
ang muling pagkabuhay ni Hesukristo. Ito ang sentro ng kaganapan sa
pananampalataya ng mga Kristiyano. Naniniwala ang mga Kristiyano sa nakasulat
sa bibliya, na nagbalik si Hesuskristo o bumangon mula sa kamatayan, tatlong araw
makaraang mamatay sa krus, upang pagbayaran ang mga kasalanan, at matubos
ang lahat ng mga naniniwala sa kaniya.

You might also like