You are on page 1of 4

Arlene Jane A.

Lim
BSA- 4B

ANG HULING PAG-IBIG NI GREGORIO DEL PILAR

Noong 2 December 1899, matapos na mapatay sa Labanan sa Pasong Tirad si


Gregorio del Pilarsi Goyo, ang batang heneralnatagpuan sa kanyang kasuotan ang
isang gintong locket na may ilang buhok at isang sedang panyo na may nakaburdang
pangalan: "Dolores Jose."

Sa kabila ng pangalan sa panyo, nananatiling misteryo maging sa mga historyador ang


katauhan ng huling pag-ibig ni Gregorio del Pilar. Ang kuwento ng huling pag-ibig ni del
Pilar at ang katauhan ng babae ay hindi man lamang mababanggit sa mga istandard na
talambuhay ni del Pilar tulad sa isinulat ng historyador na si Teodoro Kalaw na isinalin
sa Ingles bilang An acceptable holocaust: Life and death of a boy-general. Sa internet
wala halos mabasa na detalyadong kuwento ukol dito.

Ang interes sa huling pag-ibig ni Goyo ay lalong iigting dahil sa pag-aantay ng lahat ng
sequel ng pelikulang Heneral Luna na ukol sa mga huling buwan ng buhay ni Gregorio
del Pilar na ang working title ay Goyo: Ang Batang Heneral na isasapelikula ng director
na si Jerrold Tarog at ng Artikulo Uno Productions.

Sa lektura ni Ambeth R. Ocampo ukol kay Gregorio del Pilar sa Ayala Museum noong
26 Nobyembre 2016, isiniwalat niya na may isang artikulo sa 4 Disyembre 1965 na isyu
ng Philippines Free Press na isinulat ng historyador na si Carlos Quirino, naging
Pambansang Alagad ng Sining sa Literaturang Pangkasaysayan, na may
pinamagatang "Remembering del Pilar." Nagtataglay ito ng panayam sa isang
matandang babaeng nagpakilalang siya ang huling pag-ibig ng batang heneral.

At kaiba sa ipinapalagay ng lahat na ang pangalan ng babae ay Dolores Jose, ang


pangalan ng babaeng ito ay si Remedios Nable Jose.

Sa mga huling bahagi ng 1899, habang ang Republica Filipina sa pangunguna ni


Heneral Emilio Aguinaldo ay nakahimpil sa Tarlac, Tarlac, limang buwan na nadestino
si del Pilar sa Dagupan upang bantayan ang mga dalampasigan ng Pangasinan mula
sa mga pagsalakay ng mga Amerikano.

Doon nakilala ng 24 na taong gulang na Heneral Goyo ang 17 taong gulang na si


Remedios. Ayon sa kanya, ang heneral ay isang "very romantic young man."
Minsan isang gabi, ayon kay Remedios: "He pointed to a particularly bright star and
asked me to look at it always after he had left that town, because he would be doing the
same and thinking of me. The star, he said, would be ours, and ours alone!"

Dahil raw bata pa siya noon pinaniwalaan niya ang heneral pero napagtanto niya rin na
maaring ganito lang talaga magsalita ang mga lalaking manliligaw. Masasabing
nagkaroon ng "crush" si Remedios sa Heneral sapagkat siya ay isang batang opiser,
"dashing" sa kanyang suot na uniporme ng Pamahalaang Mapanghimagsik bagama't
maaaring hindi talaga "passionately in love" sa kanya.

Minsan raw na tinangkang pagselosin ni Goyo si Remedios sa pagsasabing darating


raw ang kanyang ex-girlfriend sa Dagupan. Sabi lang ng lola mo, "Fine, I would be glad
to meet her." Sabi niya, "I was not jealous at all."

Gayundin, muntik na siyang maipakasal sa Heneral. Ayon sa kanya, nag-propose raw


sa kanya ang heneral at dahil mapilit ito, napa-oo siya bagamat hindi taos sa kanyang
kalooban. Ngunit, isang araw ng Linggo na itinakda ang kasal, hindi umalis ng bahay si
Remedios.

Biglang nanaog sa bahay ng mga Nable sa tabing ilog si Koronel Tomas Arguelles.
Mainit raw ang ulo ng heneral at tinatadyakan lahat ng upuan sa simbahan at
sinisigawan ang kanyang mga kawal. Pinakiusapan ni Arguelles si Remedios na
tumungo sa simbahan.

Sagot ni Remedios, "Oh no! I don't want to marry anyone, and if Gregorio wants to see
me, he can come here, but I won't go to him."

Dinaga raw si ate kaya hindi tumuloy dahil sa mga masasamang kuwento ng mga
nagpapakasal, lalo pa at may reputasyon ang heneral na maraming mga naging
kasintahan. Ayon nga kay Carlos Quirino, "The general, it would seem, was as daring
and adventurous in the realm of romance as he was in the battlefield." Ilan sa mga
naugnay kay Goyo ay ang mismong kapatid ni Heneral Aguinaldo na si Felicidad, at
isang misteryosong babaeng nagngangalang "Poleng" na sinulatan ni Goyo noong siya
ay 20 taong gulang pa lamang, nga lang ayaw sa kanya ng ina ng dalaga. May
binabanggit si Remedios na isang babaeng taga Polo, Bulacan na nakatakda nang
pakasalan ni Goyo bago tumungo ng Dagupan na kalaunan ay nag-asawa ng isang
Espanyol. Marami pang iba.

Sa limang buwan na iyon, madalas pumanhik sa bahay ni Don Antonio Nable ang
heneral. Si Don Antonio ay mayamang may-ari ng mga barkong ginagamit sa
pangangalakal. At sa tuwing bumibisita ang heneral kay Remedios, sila ay nakaupo sa
mahabang mesa at ang madrasta nito ay matamang nagbabantay sa kabilang dulo at
paminsan-minsan ay tumitingin pa sa ilalim ng mesa, para masigurado raw na hindi sila
nagfu-"footsie." Bago raw matulog, sinisiguradong walang mga binata sa veranda at
titingnan ang mga silid kung tulog na ang magkakapatid na Jose.
Matapos na dumaong ang mga barkong Amerikano sa Lingayen noong Nobyembre
1899 upang ipatibong ang mga kawal ng himagsikan, inatasan ni Aguinaldo si del Pilar
na tumungo sa paanan nang ngayon ay Mountain Province upang makibisig sa
malakas na puwersa ng pinakabatang heneral, si Manuel Tinio, na may malakas ring
puwersa sa Abra.

Walumpu't tatlong taon na si Remedios at nakatira na sa San Juan, Rizal (Metro


Manila) nang alalahanin ang mga pangyayari noong 1965. Bakit nga ba Dolores Jose at
hindi Remedios Jose ang nakaburda sa sedang panyo. Parang si Aida, o si Lorna o si
Fe lang ang peg? Ngunit sino nga ba si Dolores Jose?

Si Dolores pala ay nakababatang kapatid ni Remedios. Sa huling gabi bago siya umalis
ng Dagupan, humingi rin si Goyo ng alaala kay Dolores. Ayaw pa ngang ibigay ng
dalaga sa heneral ang kanyang panyo dahil marumi raw ito at siya ay sinisipon. Kinuha
na lamang daw ng heneral ang panyo at nilagay sa kanyang bulsa, "saying he valued it
more in that condition."

Si Remedios naman ay pinakiusapan ni Goyo na tumalikod, nilagyan ng ribbon ang


isang bahagi ng kanyang mahabang mahabang buhok at ginupit ito at sinabi raw ng
heneral, "This I shall always keep next to my heart."

Nais sanang iwan ni Goyo ang isang gintong singsing na may malaking batong
diyamante subalit tinanggihan ito ni Don Mariano. Hindi raw tatanggap ang pamilya ng
kahit anong napakahalagang bagay kahit na kanino. Ang tinanggap nila ay isang
regalong engagement ring na may mga mas maliliit na diyamante, "because it was not
an expensive one."

Noong Disyembre 1899, nang mabalitaan ang kabayanihan ni Gregorio del Pilar sa
Tirad Pass sa pagtatanggol ng Unang Republika laban sa mga Amerikano upang
makatakas si Pangulong Emilio Aguinaldo upang maipagpatuloy ang digmaan ng mas
matagal pa, tumangis si Remedios hindi dahil mahal niya ang heneral ngunit higit pa
dahil sa paraan ng kanyang pag-aalay ng buhay para bayan.

Kasama rin sa mga kinuha ng mga Amerikano sa katawan ng namatay na heneral ay


ang gintong singsing na may malaking diyamante at ang ilang sulat ni Remedios sa
heneral.

Nang lumuwas ng Maynila si Remedios, ipinatawag siya mismo ni Lt. Heneral Arthur
MacArthur, ang gobernador militar, upang ibalik ang mga sulat na ito at inanyayahan
siya sa Palasyo ng Malacaan. Ngunit tumanggi si Don Mariano: "I am sorry but my
daughter doesn't leave this house for that purpose." Kaya inihatid na lamang ng tauhan
ni MacArthur ang mga nasabing sulat kalakip ang isang sulat mula sa gobernador
militar na Amerikano.
Kung tutuusin, isang panayam lamang ito at maaaring pang may mahalungkat na mga
dokumento ukol sa pag-iibigan nina Goyo at Remedios. Mayroon kayang tala dito si
Arthur MacArthur sa kanyang mga papeles? Mayroon kayang testimonya si Dolores na
maaaring magpatunay o magpasinungaling sa mga kuwento ng kanyang ate? Basta
ang alam natin, may patunay sa katauhan ni Remedios Nable Jose sa isang
jurisprudence ng Korte Suprema na binanggit ang kanyang pangalan (G.R. No. 7397
December 11, 1916 - AMPARO NABLE JOSE, ET AL. v. MARIANO NABLE JOSE, ET
AL.). Wala pang ibang dokumento o alinmang mga pahayag na nagsasabing hindi totoo
ang kanyang kuwento.

Ngunit nasaan ang mga sulat na isinauli kay Remedios? Ito ay ibinigay niya sa kanyang
mapapangasawa na si Fernando Arce na itinago ito hanggang mawala o masunog
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Kung may natututunan tayo sa mga kuwentong ito, tulad nang laging sinasabi ni
Ambeth Ocampo, na ang mga bayani natin ay mga ordinaryong tao tulad rin natin; sila
ay umibig, nasaktan, nagsaya. Kung gayon, kaya rin natin na may maiambag sa
pagbubuo ng bansa maging sino man tayo. BM/KG, GMA News

You might also like