Professional Documents
Culture Documents
Isa sa mga dapat isaisip ng bumabasa ay ang katotohanang may mga katangiang taglay ang mga
salita. Dapat na tanggapinito sa sarili ng mambabasa upang makatulong ito sa kanya sa pag-unawa, sa
mga salitang binabasa sa akda.
1. May mga salitang maraming kahulugan. Hindi sapat sa dami ng karanasan ng mga tao ang mga
salitang na likha ng tao. halimbawa, ang mga kabuuan ng bukabularyong filipino. Kasama na ang mga
salitang hinihiram sa ibang wika, ay hindi sapat upang mabigyan larawan o ngalanan ang milyun-milyong
konsepto, ideya, kaalaman, paniniwala at kung anu-ano pang naaabot na ng kaalaman ng mga tao, lalo
na ngayong naabot na natin ang iba pang planeta ng mundo.
3. Bata ng gobernador ang babaeng iyan. Mistress ang kahulugan dito ng bata.
2. May mga salitang ginagamit sa idyomang pahayag. Bawat wika ay may kaniyang idyoma. Ang
kahulugang ibinibigay ng mga salitang ginagamit sa pahayag na idyoma ay di-tuwiran o di-nauukol sa
kahulugan ng bawat salita. Kaya nasa pahayag na idyoma hindi dapat kunin ang kahulugang
denotasyong ng salitang ginagamit kundi ang panlahat na kahulugang ipinahihiwatig ng kabuuan.
Madalas na kita ang mga pahayag na idyoma sa mga akdang pampanitikan gaya ng tala, maikling
kwento, nobela drama.
1. Kabagang ni Liza ang kanyang kaibigan (Ang bagang ay isang uri ng ngipin at ang kabagang ay
kaparehong bagang na nangangahulugan ng kasundo)
2. Hindi mahulugang karayom ang panooran. (tumutukoy ito sa isang pook na punung-puno ng
mga tao kaya pati karayom ay hindi sasayad sa lupa kapag hindi inihulog)
3. Ikrus mo sa noo ang parangal ng iyong ina. (nangangahulugan ito ng tandaan o huwag
kalilimutan sapagkat ang noo ang patanda ng tao)
3. May mga salitang ginagamit sa pahayag na patayutay. Ang tayutay (figure of speech) ay tinatawag
ding patalinghagang pagpapahayag. Sa pagtatayutay, sadyang lumalayo ang nagpapahayag sa
karaniwang paraan ngpagsasalita upang sa ganoon ay magawang higit na maganda at kaakit-akit ang
kanyang sinabi.
3. Pagbibigay-katauhan Ditoy isinasalin sa mga karaniwang bagay ang mga katangian, talino, gawi ng
tao. Naipakikita ito sa paggamit ng pangngalan at pandiwa.
Halimbawa: Halos sumabog ang kanyang baga nang maabot niya ang pusod ng dagat. (pangngalan)
(sisidlan sa isinisilid)
(pinakamagandang babae)
5. Pagmamalabis- Ditoy sadyang pinag- uukulan ang kataga o katayuan ng tao o bagay na tinutukoy.
(payat na payat)
(lubhang pinalaki)
6. Paglilipat- lipat Inilipat sa karaniwang mga bagay ang mga pang-uri na sadyang pantao.
7. Pagtawag Itoy ang pakikipag-usap sa mga karaniwang bagay na parang isang tao, o sa isang tao na
gayong wala naman ay parang naroon at kaharap.
9. Pag-uyam Pananalita itong nangungutya kapag kukunin ng tiyakan ngunit tila kapuri-puri ang
pangungusap.
Halimbawa: Napakabuti mong kaibigan, pagkatapos kitang tulungan, ako pa ngayon ang
pinakamasamang tao.
10. Pagpapalit-saklaw o sinekdota Nagpapalit din ito ng ngalan o katawagan ngunit sa pamamagitan ng
pabanggit sa bahagi sa halip ng kabuuan o ng pangngalan ng isang tao na kumakatawan sa isang pangkat
ng mga tao.
4. Mga salitang naililipat ang kahulugan (Natalakayna ito sa pagtalakay sa kahulugang denotasyon at
konotasyon ng mga salita. Dapat itong isaalang-alang ng bumabasa sapagkat maraming salita ang
talagang naililipat ang kahulugan kapag ginamit na sa mga pangungusap.)
5. May mga salitang ginagamit sa pahayag na pang-uyam o ironya Ang ironya ay pahayag na
nagungutya ngunit sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyak na kahulugan ay tila kapuri-
puri. Kaya dapat mag-ingat sa pagpapahalaga sa ganitong pahayaag sapagklat maaaring tnggaping
mabuti at mainam ang sinasabi bagaman at sa totoo ay namamalibhasa o nag-uyam nga.
1. Masinsinang pagbasa itoy ang maingat na pag-aaral at puspusang pag-unawa sa isang aralin na
maaaring dalawa o hanggang limang pahina ang haba. Maaaring itoy pag-aaral ng isang tula, maikling
kwento, sanaysay at iba pang uri ng akda at inuukol ang pag-aaral sa kayarian at nilalaman ng akda.
2. Masaklaw na pagbasa ginagawa ito sa labas ng klase at itnakda ng guro nang mas maaga. Maaaring
itoy isang buong maikling kuwento, kabanata ng nobela o isang drama kaya at nakatuon ang pag-unawa
ng bumabasa sa mga tauhan at pangyayari sa halip na tamang detalye ng alin mang akda.
3. Malakas na pagbasa ang taong bumabasa nang malakas ay dapat may katamtamang lakas ng tinig,
wastong galaw ng katawan, pinag-iiba-iba ang tono ng tinig. May wastong oras ng pagtigil atpagbibigay-
buhay sa damdamin ng binabasa. Ang nilalaman ng akda ay kailangan maihatid sa mga nakikinig nang
buong pagkaunawa at kawilihan.
4. Pagbasa nang tahimik ito ang paraan ng pagbasa ng mga mata lamang ginagamit. Hindi ito
ginagamitan ng tinig. Pagbabasa ito sa sarili.
ANG PAGSULAT
KAHULUGAN
Ang pagsulat ang katapusan ng mga kasanayang pangwika. Natuto na munang nagsalita, nakinig
at bumasa ang tao bago naman siya natutong sumulat. Ang wikang kanyang sinasalita at pinakikinggan
at natutuhang basahin ay mga sagisag at simbolo ng binabasang wika at pag-aaralan naman niyang
sulatin. Hangad niyang ang dadaming nag-uumapaw sa kanya at ang mga kaisipan at karanasang marikit
at pambihira na alam niya ay nais naman niyang maipaalam at maipamana sa mga kasama at susunod
na saling lahi.
Kaya natuklasan ng tao ang pagsulat at sa ngayon ay pinag-aralan ng mga mag-aaral para matutuhang
isatitik ang iniisip, sinasabi at naririnig.
May dalawang (2) uri ng paraan ng pagtuturo ng pagsulat. Unay ang pinatnubayang pagsulat o
di-malayang pagsulat at ikalaway ang malayang pagsluat. Ang pinatnubayang pagsulat ay ginagamit sa
mga mag-aaral na hindi pa lubhang sanay magsulat at kailangan pa ang tulong ng guro upang makasulat;
pangkaraniwang ginagawa ito sa loob ng silid-aralan, samantala ang malayang pagsulat ay isinusuat ng
mag-aaral ng wala nang patnubay ang guro at ipinasusulat sa labas ng silid-aralan.
PINATNUBAYANG PAGSULAT
Dalawang uri ng tanong ang karaniwang gamitin dito: ang tanong na sinasagot ng oo at hindi at ang
tanong na nasasagot ng dili kaya. Dahil sa nasa unang taon na sa kolehiyo ang mga estudyante, ang
mga tanong na ipasasagot sa mga estudyante ay ang mga tanong na humihingi ng mga sagot na
nagsasalaysay.
Halimbawa:
2) Taga-saan siya?
Maaaring maging ganito ang panuto. Isulat sa tamang pagkakaayos o pagkakasubud-sunod ang mga
pangungusap upang makabuo ng isang maayos na talata.
Halimbawa:
1. Nakakita naman ang mga ito.
3. Bago sila umakyat na muli sa bundok nagpakuha muna ang albularyo ng isang malaking tandang na
kulay pula.
Maaari rin namang ang buod ay ibigay ng guro. Mula sa buod ag mga estudyante ay susulat ng
isang maikling komposisyon.
5. Pagkuha ng paksa mula sa modelo Magbibigay ng huwarang komposisyon ang guro. Babasahin ng
mga estudyante ang kathang modelo. Gagawa ang mga estudyante ng komposisyon na ang paksa ay
katulad ng paksa ng modelong komposisyon.
Halimbawa: ang komposisyon ay ukol sa mga kaugalian ng mga tao sa isang pook. Walang
gagawin ang mga estudyante kundi umisip ng isang pook na kilala nila at isalaysay sin ang kaugalian ng
mga tao roon nang ayon sa anyo at paraan ng pagkakasulat ng modelo.
7. Pagsulat ayon sa mga tala ng mga pangyayari Maglalahad ng mga tala ng mga pangyayari ang guro.
Palalawakin ng mga mag-aaral ang mga tala ng mga pangyayari upang makasulat ng isang komposisyon.
Ang malikhaing guro ay marami pang maiisip na paraan para matugunan ang pangangailangan
mapatnubayan sa pagsulat angkanyang mga mag-aaral.
MALAYANG PAGSUSULAT
Kapag nasanay nang magsulat ang mga mag-aaral sa paraan ng pinatnubayang pagsulat,
nanaisin na mismo ng mga estudyante na makasulat nang malaya.
Sa ganitong pagsulat, itinatakda ng guro sa mga estuyante ang mungkahing paksa sa loob ng silid-aralan.
Maaaring magtalakayan muna ukol sa paksa. Ngunit sa labas ng silid-aralan isinusulat ng mga bata ang
kanilang sulatin.
Malayang sumulat sa napiling paksa ang mga estudyante at malayang gumamit ng paraang ibig
nila. Ang bahaging ito ng pag-aaral sa pagsulat ay pagpapatibay sa kasanayang natutuhan ng mga
estudyante sa loob ng silid-aralan.
Higit na magiging maingat ang mga estudyante sa pagsulat kung malalamang may pamantayan
ang kanilang guro sa kanilabng pagsusulat. Dapat maitanim sa isip ng mga estudyante ang pamantayang
ito buod sa katotohanang ang tao ay sumusulat, ipabasa at pahalagahan ang kanyang saloobin,
damdamin at kaisipan.
Narito ang ilang tanong na magagamit na batayan ng mga estudyante sa pagbibigay halaga sa kanilang
sinusulat.
4. Wasto ba ang mga bantas? Ang mga baybay ng mga salta? Ang pagkakagamit ng malalaking
letra?
8. 1. Ang Paksa o Ideya Ang una sa lahat, kailangang may paksang susulatin bago magsulat. Kung
wala ang paksa, ano ang susulatin.
9. Ano mang problema sa buhay ay maituturing na isang paksa na maaaring sulatin. Sari-
saring problema ang nakakaharap ng tao, malaki man o maliit na problema mahalaga man o di-
mahalagang problema. Mangyari pa sa pagsulat pipiliin iyong hindi lamang mahalagang
problema kundi iyong nakakawili sa sumusulat at sa kanyang mambabasa. Sa problema, ang
susulatin ay kung paano nabigyan ng angkop na solusyon ang nasabing problema.
10. 2. Paggawa ng balangkas Higit na mabuting magsulat sa gabay ng isang balangkas. Ang iba sa
halip na balangkas ang gawin, ang story line ang kanilang binubuo. Maging storyline o balangkas
man ito, iyan ang pinakaplano ng manunulat sa kanyang susulatin. Totoo na ano man ang gawin
higit na mainam ang may plano. Gabay ito sa paggawa sa kasong ito sa pagsulat.
11. Ang balangkas ay maaaring sulatin lalo na at bagu-bagong sumusulat. Sa mga datihan
nang sumusulat, ang balangkas ay binubuo na lamang nila sa kanilang isip.