You are on page 1of 1

ABSTRAK

GISELLE V. GIGANTE, BRYAN CHRISTIAN A. LALUAN, ANGELYN O.

CARDENAS, CHARLES D. MABALOT. Disyembre 11, 2017. “Mga Kalakasan at

Kahinaan ng Pagtuturo ng Filipino sa Baitang 11” Bachelors of Secondary Education, Don

Mariano Marcos Memorial State University - South La Union Campus, College of Education,

Agoo, La Union, Disyembre 11, 2017.

Tagapayo: Bb. Geneva Kimkiman

Ang ganap na pagkatuto ng mga mag-aaral ay nakasalalay sa pamamaraan ng kanyang

guro upang hikayatin siyang makibahagi sa pakikibaka ng buhay. Sa pamamagitan ng maayos

na paghulma sa mga binhi ng kinabukasan tiyak na aangat ang ating bayan. Ang pag-aaral na

ito kung gayon, ay naglalayong higit na mapabuti ang pagtuturo ng Filipino sa mga mag-aaral

na nasa Baitang 11 ng DEFEMNHS-SHS (n=138) at ang apat na mga piling guro (4) na siyang

respondante ng pag-aaral na ito sa pagtaya ng mga kalakasan at kahinaan ng pagtuturo ng

Filipino.

Ginamit sa pag-aaral na ito ang deskriptib-sarbey na pamamaraan. Bilang karagdagan,

ginamit din ang frequency count, mean, grand mean, percentage rating at pearson r correlation

upang mabigyan ng kaukulang interpretasyon ang mga nakalap na datos.

Natuklasan ng pag-aaral na ito ang mga kahinaan at kalakasan ng pagtuturo ng

Filipino. Ang natuklasang mga kahinaan sa pagtuturo ng Filipino ang naging batayan ng

paglinang ng mga pamamaraan upang matamo ang ganap na proseso ng pagtuturo at

pagkatuto.

iii

You might also like