You are on page 1of 34

Epekto ng Social

Networking Bilang Public Property

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa


Senior Highschool Department
Thoburn Memorial Academy

Isang Pananaliksik Papel ang Ipapasa kay:


Gng. Gina G. Aguinaldo

Bilang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa kurso ng


Filipino : Pagbabasa at Pagsusulat Tungo sa Pananaliksik
Ika-1 Semester, TA: 2017-2018

Ipinasa ni:
Jessa Mae A. Cac

January 3, 2018
TALAAN NG NILALAMAN

PAHINA
I. Ang Suliranin at Kaligirang Pag-aaral 1-2

a. Abstrak 1
b. Mga Layunin 2

II. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 3-17

III. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik 18-22

a. Metodolohiya 18-19
b. Presentasyon, Pagsusuri, at 20-22
Interpretasyon ng Datos

IV. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon 23-28

a. Lagom 23-24
b. Kongklusyon 25-27
c. Rekomendasyon 28

V. Bibliografiya 29-31
I. Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral

A. Kaligiran ng Pag-aaral (abstrak)

Ang pag-aaral ay tungkol sa epekto ng social networking bilang public

property. Ang papel ay naglalarawan sa pananaw, kaugalian, at ideya ng

mga mag-aaral ng Pamantasan ng Santo Tomas sa mga piling kolehiyo at

hayskul. Ang ginamit na instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay

isang sarbey na naglalaman ng mga open at close- ended na mga katanungan

tungkol sa ideya at pananaw ng mga mag-aaral sa social networking. Sa

lumabas na resulta ng mga datos, lumalabas na malaking porsiyento ang

nagsasabing higit na nakakabuti ang paggamit nito at ang mga

pangkaraniwang dahilan ay ang pakikihalubilo at pagpapakita ng sariling

identidad. Mas naging matimbang ang mabuting epekto nito sa kabila ng

masasamang epekto nito tulad ng mga kumukuha ng identidad o

impormasyon at pornograpiya.

Lumabas rin sa pag-aaral na ang kanilang malawak na kamalayan sa

seguridad. Ito ay dahil sa mga karanasan ng kanilang mga kaibigan o kaya

ay sa sariling kaganapan sa kanilang buhay. Isa pang dahilan ay ang mga

lumalabas sa media na naging impluwensyal sa pananaw at desisyon ng tao.


B. Mga Layunin

Sa pagsisimula ng pag-aaral na ito, nais naming malaman kung ano ang

mga saloobin ng iba’t ibang Thomasian students sa napapanahong

penomena ng Social Networking. Sa tulong ng pananaliksik at pangangalap

ng mga datos gamit ang sarbey ay nais naming maipakita:

 ang dami ng mag-aaral sa kolehiyo at hayskul na gumagamit ng

social networks.

 ang kadalasang kasarian ng mga mag-aaral na gumagamit ng social

Networks.

 ang kadalasang ginagamit na social network site, ang oras na

ginugugol nila para ditto, at ang mga personal na impormasyong

kanilang inilalahad sa mga sites na ito.

 kung ang social network site nila ay pampubliko o pampribado, ang

kadahilanan sa pagpili nito, at ang possibleng maging bunga nito.

 ang pananaw ng mga mag-aaral sa kasalukuyang umiiral na problema

tungkol sa panloloko gamit ang social networks.

 kung saang aspeto ng buhay nakasasama o nakabubuti ang social


networks.
II. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

1. Mga Batayang Kaalaman sa Social Networking

A. Kahulugan ng Social Networking

Ayon sa Wikipedia, ang social networking ay isang istrakturang sosyal na

gawa sa mga nodes o sa mas madaling salita, mga indibidwal na konektado ng

isa o maraming tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexual

na relasyon.

Ayon naman kina Boyd at Ellison (2007), ang social networking sites ay

mga serbisyong web-baed na nagbibigay sa mga indibiwal para (1) bumuo ng

isang pangpublikong profile, ang tawag sa impormasyong pormal na binibigay

kapag nagrerehistro(ayon sa www.gartner .com) na nakapaloob sa isang

system, (2) makita ang profile ng ibang indibidwal kung saan siya ay

konektado, at (3) para makita ang mga profile ng mga idibidwal na kasama

niya sa system. Idinagdag pa ng mga manunulat na ang SN ay nagiging patok

sa publiko dahil pinapayagan nito ang isang indibiwal na makilala ang ibang

tao.
B. Maikling Kasaysayan ng Social Networking

Mayroong pag-aaral na ang bawat kompyuter na magkakaugnay ay

maaaring maging basehan para sa interaksyong sosyal na computer-mediated.

Ito ay bunga ng The Network Nation ni S. Roxanne Hiltz at Murray Turoff na

nagdulot ng pagsulong ng kagamitan ng kompyuter sa pakikihalubilo.

Ayon sa Wikipedia.org, nagsimula ang social networking noong 1995 sa

pagtayo ng isang social network o SN na nagngangalang Classmates.com,

isang websayt kung saan ang mga miyembro nito ay makahahanap ng kanilang

mga lumang kaklase maging sa kindergarden o sa kolehiyo at mapanatili ang

komunikasyon sa pagitan nila. Ayon sa isang media release ng Oregon State

University(2007), si Randy Conrads ang gumawa ng websayt na ito. Sa

karagdagan, sinabi ng Classmates.com na ng kumpanyang ito ay pinagkikita

muli ang mga residente ng Estados Unidos at Canada na siyang naging kamag-

aral o kasama nila noong sila’y nagaaral, nagtratrabaho o maging ang mga

kasama nila sa militar. Noong taong 1995, nagkaroon ng mahigit kumulang sa

40 milyong tao ang kasali sa SN na ito.

Ayon kina Boyd at Nicole, ang pag-unlad ng SN ay nagsimula sa websayt

na SixDegrees.com. Sa websayt na ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga

tao na makagawa ng profile, mailista ang mga kaibigan, at ma-surf ang listahan

ng mga kaibigan. Nakatulong ang SixDegrees sa mga tao para makonekta at

makapg padala ng mga mensahe sa mga kaibigan nito. Kahit marami ang
naengganyo sa SixDegrees, hindi nila masayadong natatag ang nang mabuti

ang komersyong ito kaya hindi rin ito nagtagal.

Pagkatapos naman ng Classmates.com, maraming sumunod na SN tulad

ng SixDegrees.com noong 1997, LiveJournal.com noong 1999, Friendster.com

noong 2002, Multiply.com at MySpace.com sa taong 2003 at ang

Facebook.com naman noong 2004.

C. Mga uri ng Social Networking

1. Friendster.com

Ayon kay Ronald S. Lim(2007), ang Friendster ay isang pribadong

pagmamayaring sayt sa California noong 2002, at, naging pinakapolular na

social networking sayt sa Amerika bago ang MySpace sa taong 2004.

Bumaba man ang popularidad nito sa Estados Unidos, ang Friendster pa

rin ay ang mas pinupuntahan ng mga Asyano .Sa katunayan ng popularidad

nito, nakumbinsing dumalaw ang musikerang si Bonnie Bailey na kumanta ng

popular na “Ever After” dito sa Pilipinas dahil lamang sa mga komento na

iniwan sa kanyang Friendster. Sa kasalukuyan ay may 50 milyong tao na ang

tumatangkilik nito. Isa sa mga pinakasikat na gawin sa Friendster ay ang

“language options” nito. Dito, maaring pumili sa mga linggwaheng Chinese,

simplified Chinese, Hindi, Japanese, Korean, Spanish at Tagalog.


2. My Space

Ayon kay Paul Marks (2006) lumalaganap na daw ang iba’tibang uri ng

SN at isa na dito ang MySpace. Ang MySpace, na ayon sa OUT-LAW.com

(2006), ay ginawa ni Brad Greenspan, ay isang uri ng SN na para sa lahat. Ito

ay para sa mga magkaibigang mahilig makipagusap gamit ang Internet, mga

taong gustong makipagkilala sa iba, mga taong nagtutugma o nagrereto sa

kanilang mga kaibigan, mga tao na malayo sa pamilya na gustong

makipagkamustahan o makipagusap sa kanilang pamilya, mga negosyante at

kanilang mga katrabaho na interesado sa SN, mga magkakaklase at mga

kapareha sa pag-aaral, at marami pang iba.

Maihahalintulad natin ang myspace sa Multiply sapagkat halos parehas

lang ang kanilang mga layunin at mga katangian. Mas kumplikado nga lang

ang myspace kumpara sa multiply dahil mas madaming taga ibang bansa ang

gumagamit dito. Ito ay naitala na pang anim sa pinaka popular na website at

pangatlo ito sa sa Amerika.

Sa kasalukuyan, naitala ng MySpace network na mahigit kumulang na 300

milyon na tao ang gumagamit ng SN na ibinabahagi ng MySpace at patuloy pa

itong nadadagdagan pa ito araw-araw. Masasabi natin na sa panahon ngaun,

ang SN ay isa nang bahagi ng ating buhay dahil din ito sa patuloy na pagunlad

ng ating teknolohiya at ang epekto nito sa larangan ng social networking.


3. Multiply

Ayon kay Richard Macmanus (2006), ang Multiply ay isang uri ng social

networking na nagbibigay kakayahan sa mga gumagamit nito na mamahagi ng

mga uri ng media media tulad ng litrato, video, musika, at iba pa sa loob ng

iyong sariling websayt. Ito ay may kakaibang uri ng serbisyong higit sa ibang

SN sayt. Dahil nga naturingan itong isang SN, hinahayaan nito ang gumagamit

na makipagpalitan ng media sa iba’t-ibang kasama niya sa kanyang network.

Maaari silang magpalitan ng impormasyon o makipagtalakayan tungkol sa mga

bagay na nagbibigay interes sa kanila. Pinahihintulutan din ng Multiply na

ayusin ng gumagamit ang kanyang sariling websayt upang mas maenganyo ang

mga tumitingin dito.

Anong maganda sa pamamahagi ng media kung wala naman titingin dito?

Isang tanong na sinolusyonan ng Multiply. Ang Multiply ang may kakayahang

ibalita sa mga kasama sa iyong sariling SN kung may bago kang inilagay sa

iyong sariling Multiply account. At ganun din sayo, ipinapakita din nito sa

gumagamit kung merong mga bagong lagay na media o kung anung bagay sa

mga iba’t ibang tao na kasama mo sa iyong social network.

Sa kabuuan, ang Multiply ay isang SN sayt na nangingibabaw sa ibang uri

ng SN dahil sa iba’t-ibang bagay na nag-aangat dito sa iba pang maliliit na SN.

Hindi tulad ng maliit na networks na ito, ang Multiply ay laganap sa buong

mundo.Ibig lang nitong sabihin ay hindi lang tayong mga Pilipino ang
gumagamit nito kundi pati rin ang mga kapatid natin sa iba’t-ibang lugar sa

buong mundo.

D. Mga kagamitan para magkaroon ng Social Networking

1. Kompyuter

Ayon sa Wikipedia, ang kompyuter ay isang uri ng mekanismong ang

ginagawa ay mangasiwa ng mga datos ayon sa mga panuto. Sa karagdagan,

ang programa na isang termino sa pagiimbak at pangangasiwa ng mga panuto

ay isang katangian ng kompyuter.Isang magandang katangian nito ay ang

pagsasa-ayos ng mga impormasyon sa iba’t ibang lugar. Ang kompyuter

network na nabuo ay itinawag na internet. Isa sa gamit ng computer ay ang

pagkonekta nito sa internet sa pamamagitan ng telepono. Sa pamamagitan ng

koneksyon sa Internet, maaaring makapasok o makapagbigay daan sa mga

website na may kinalaman sa social networking.

2. Internet

Ang Internet na kilala ring “information superhighway” ay malawakang pang

madlang daan na pinagsama-samang kompyuter networks na naghahatid ng

datos sa pamamagitan ng pocket switching na gumagamit ng pamantayang

Internet Protocol(IP). Ito ay isang “network of networks” na binubuo ng

milyon na maliliit na networks sa larangan ng pantahan, pampaaralan,


pangangalakal, pampamahalaan at sosyal na nagdadala ng iba’t ibang

impormasyon at paglilingkod katulad ng e-mail, online chat, file transfer o

paglipat ng salansanan at pinagdugtongdugtong na web pages at iba pang

mapagkukunan ng impormasyon ng World Wide Web. Maraming tao o

kumpanya ang gumagamit ng web logs o blogs na pangkaraniwang ginagamit

bilang online diaries o talaarawan. Mahalaga ang ginagampanang papel ng

Internet sa pagpapalawak ng social networking. Sa pamamagitan ng

Internet nakakagawa ng e-mail address na isa rin sa mahalang kasangkapan

para maiproseso ang SN.

3. E-mail address

Ang email, mula sa salitang elektronik mail, ay kadalasan na isinusulat na

email, e-mail o mail, ay isang paraan ng paggawa, pagpapadala, pag-iimbak at

pagtanggap ng mga mensahe sa paraan ng systemang elektronik na

komunikasyon. Ayon sa Wikipedia, ang terminong email ay naaplika sa

sistemang Internet email base sa Simple Mail Transfer Protocol (SMTP) at

sistemang Intranet na pinahihitulutan ang mga manggagamit sa loob ng isang

organisasyon na iemail ang bawat isa. Ang email ay karaniwang ginagamit

upang magpadala ng mga di-inaasahang mga mensahe, ngunit may mga

programa na may kakahayan na automatikong magbura ng mga ito. Ang e-mail

address ay kinakailangan para maging kasapi sa isang SN na websayt. Dito

ipinapadala ang mga impormasyon tulad ng mga paalala tungkol sa isang


kaibigan. Kinakailangan din ng isang kasapi na magbigay ng password

kaugnay ng email address para mapangalaagan ang kanyang pagiging kasapi sa

isang SN.

E. Mga proceso sa paggawa ng Social Networking Account

Friendster

Sa paggawa ng isang account, na ang ibig sabihin ayon sa online na

diksyunaryo ng Merriam-Webster ay lipunan ng mga pormal na usaping

kalakaran para sa isang serbisyo, simulang bisitahin ang

http://www.friendster.com at hanapin doon ang hyperlink na Sign Up at ito’y

pindutin. Katulad ng sa e-mail, pupunan mo ang isang aplikasyon upang

makagawa ng iyong sariling account, na ang ibig sabihin ay isang lipunan ng

mga detalye na magbibigay paraan upang magamit ng isang tao ang isang

serbisyo. Pagkatapos mapunan ang aplikasyon ay buksan ang account.

Maraming mga katangian ang Friendster na nagpapaiba dito sa ibang mga

programang pangsocial networking. Ito ay nagtataglay ng pakikibahagi sa

isang komunidad ng mga tao. Pwede kang mag-upload ng mga litrato ng iyong

sarili upang maibahagi ito sa iba, magbigay ng komento o testimonial sa ibang


tao at pati na rin ang pagbibigay ng mga pribadong mensahe sa iyong mga

kaibigan.

Multiply

Katulad ng Friendster, bisitahin ang http://www.multiply.com at gumawa

ng sariling account. Buksan ang nagawang account at magsimulang mag-

upload ng mga litrato na gustong ibahagi sa iyong mga kaibigan o sa ibang

mga tao. Katulad ito ng Friendster ngunit limitado ka lang sa pamamahagi ng

iyong mga litrato at dito nagaganap ang malawakang social networking.

MySpace

Sa paggawa ng MySpace account, bistahin ang http://www.myspace.com

kung saan kagaya ng mga nauna ay makakakita ka ng isang aplikasyon sa

paggawa ng sariling account. Pagkatapos gumawa ay buksan ito. Maraming

pinagkatulad ang Friendster at MySpace ngunit ang nag-iibayo sa lahat ay ang

kakayahan ng MySpace na makipaghalubilo sa buong mundo maging ikaw ay

magpunta sa iba’t ibang bansa.


F. Mga ibinunga ng Social Networking

Ang Internet ay isang “social space” na kung saan naghahalo ang kalayaan

at ang mga mas tradisyunal na sistemang sosyal. Dahil sa kombinasyong ito,

ang mga pamilyar at di-kilalang kondisyon ay nagiging isang potensyal na

pagbabago sa ugali’t kultura, online man ito o hindi.

F. 1. Epekto sa Sarili

“Acting Out”

Dahil ang Internet ay isang sosyal na midyum, ito ay nahihiligan ng mga

teenagers bilang isang bagay o maaaring pangyayari upang mapag-usapan ang

isang isyung pangmadla o kilala rin bilang forum para ipakita ng kontra-sosyal

at palabang ugali. Kadalasan, ang komunikasyon sa Internet ay nauugnay sa

madalas na paggamit ng mga insulto, mga mura, at agresibong pananalita.

(Wallace,2000). Marahil ang kakayahan na lumabas sa isang pag-uusap sa

Internet ang dahilan ng pagdami ng mga gawaing ito. Ito ay pwedeng iwan ng

kung sinuman na nagsulat ng masamang komento sa pamamagitan ng paglo-

logoff.

Sa karagdagan, ang SN ay nagdudulot ng adiksyon sa sarili at ito ay

ipinapakita sa dalawang klase ng gumagamit ng Internet, ang dependent at

independent. Ayon kay Young(1996), ang dependent ay gumugugol ng 39 oras


sa Internet para sa sosyal na pakikipag-usap at pakikihalubilo. Samantala, ang

independent naman ay kumokonsumo ng 5 oras para sa netsurfing o e-mail

lamang. Kadalasan ay ang mga malungkot, binubukod, o walang kakahayan sa

larangang sosyal ang apektado ng adiksyong ito. Marahil ito ang nagbibigay ng

kung anong wala sila sa totoong buhay. Sa mga nasabi ni Young, makikita pa

rin na mas mahina itong adiksyon na ito kung ikukumpara sa mga lasenggo o

durugista.

F.2. Epekto sa Pamilya

Pagbukod at Depresyon

Dahil sa pagiging sapat ng relasyon sa Internet, ang mga potensyal na

pakinabang at disadbentahe ng internet ay kaduda-duda. Ayon kay Kraut at

kanyang mga kasamahan (1998), sa isang longitudinal na pag-aaral sa 73

pamilya, nalaman nila na ang paggamit ng Internet ay may kinalaman sa

pagtaas ng depresyon at pagdalang sa ugnayan sa mga kaibigan at pamilya.

F.3. Epekto sa lipunan

Maraming epekto ang SN sa lipunan. Una, mas malalaman ng mga

teenager ang mga pangyayari sa kasalukuyan at sa mundo sa ibang mga

komunidad. Sa karagdagan, nagkakaroon ng pagtaas ng kamalayan at

oportunidad sa mga teenagers na parte ng mga binubukod na grupo at sumasali

sa SN. Mas magkakaroon sila ng kaalaman sa mga ibang kabataang tulad nila.
Mayroon rin itong mga masasamang epekto, isa na dito ay ang pagtaas ng

aktibismo na tutungo sa aksyong sosyal. Isama pa natin ang cybercrime na

ayon sa isang report ng BBC, ay laganap sa buong mundo at mahirap tugisin.

Ayon sa ulat ng CSI/FBI Computer Crime and Security(2000), sinasabi na

79% ng mga empleyado ang umaabuso ng Internet sa Estados Unidos at isa sa

mga abusong ito ay ang pagdownload ng pornograpiya. Sa karagdagan, sa

isang sarbey na ginawa ng NOL poll ng ICM, sinasabing halos lahat ng

respondenteay humihiling ng karagdagang control upang maiwasan at

panloloko, pornograpiya at pedopilya.

2. Ang Social Networking Bilang Public Property

A. Depinisyon ng Public property

Ang simpleng kahulugan ng salitang public property ay “bukas sa lahat,

maaaring makita o ma obserbahan ng lahat ng walang pahintulot

(answers.com)”. Sa karagdagan, ayon sa isang artikulo ni Jon Udell na

Omnidirectional Identity(2006), ang public property o kilala rin na public

identity ay isang penomenang imahinasyunal na laganap sa mga websayt.


B. Mga Kalakasan at Kahinaan ng pagiging Iang Public property

Ang public property ng SN ay may kalakasan at mayroon din naming

kahinaan. Una, ang pinaka hangarin ng public property social network ay ang

makapagbigay ng higit na impormasyon tungkol sa iyong sarili. Sa

pagkakaroon din ng public property, marami tayong maaaring makilala, iba’t

ibang tao na may iba’t ibang ugali, sa mga taong ito makakakilala tayo ng mga

bagong kaibigan at maaaring ang taong ating mamahalin. Mapapadali din tayo

sa paghahanap ng mga dati nating kaibigan.

Sa pamamagitan din ng public property na SN ay mailalahad natin ang

ating mga saloobin sa pamamagitan ng tinatawag na blogs, mailalabas natin

ang bawat reaksyon na hindi natin kayang ilabas ng harap harapan sa

sitwasyon.

Masasama din natin na dahil dito ay maaari nating makausap agad ang

mga kaibigan natin sa pag- iiwan ng mga mensahe sa SN nila. At ang ibang

public property social networks ay ginagamit sa negosyo tulad ng pagbenta at

pagbili o sa pag-aanunsyo ng mga pangyayari.

Sa likod ng mga kalakasang ito ay hindi maitatago ang maraming

kahinaan. Una, dahil public property nga ito, marami ang manloloko. Maaaring

gamitin lahat ng impormasyon tungkol sa iyo at gamitin sa mga illegal na

gawain. Maaaring maloko din ang user sa mga tao na nakikipagkita para lang

perahan ka o pagsamantalahan ka. Dito nagsisimula ang ibang kaso ng


panggagahasa at pagkawala ng mga tao lalo na ang mga menor de

edad(Harvey).

Ang kahinaan din ng public property social networking ay may direktang

epekto sa gumagamit dahil sa public property, maaaring mawalan na ng oras

ang isang indibidwal sa kanyang sarili at kaibigan dahil lamang sa pagtingin sa

iba’t ibang pahina sa network ng sari-saring tao na kadalasan ay hindi naman

kilala. Pwede ring mawala ang galing natin sa pakikipag-usap sa ibang tao sa

totoong mundo dahil sa mga chat rooms at SN. Nagkakaroon ng social

isolation o ang paghiwalay natin sa ibang totoong mundo para sa oras ng

public property sa networking.

C. Mga Kaugnay na pag-aaral sa Social Networking bilang Public Property

Isang sarbey ang ginawa ni Keith J. Anderson, Ph.D. sa 13,000 mag-aaral

sa kolehiyo sa walong akademikong institusyon. Ito ay tungkol sa paggamit ng

Internet upang makilala kung paano nito naaapektuhan ang pakikihalubilo at

ang akademikong pamumuhay. Lumabas na ang tipikal na gumagamit ng

Internet ay kumokonsumo ng 100 minuto bawat araw at ang maliit na grupong

ito ang nagsasabing ang Internet ay humahadlang sa ilang aspeto ng kanilang

buhay.

“America, kilalanin natin ang mundo ng MySpace ”.(Frauenhelm, 2007)

Ito ang sinabi ni Ed Frauenhelm sa kanyang artikulong Social Revolution.

Sinabi niya na ang SN ay unti-unting sinasakop ang iba’t ibang aspeto ng ating
pamumuhay at isa na dito ang sa kalakaran .Ito ay sa ikabubuti at para sa

ikasasama nito. Ayon kay Frauenhelm(2007), sa kasalukuyan ay mayroong

higit sa 14,000 na pangkatan sa MySpace na may kaugnayan sa mga

kumpanya o mga katrabaho habang may walong libong network sa karibal na

websayt na Friendster. Ang pagdating ng Generation Y (mga ipinanganak sa

pagitan ng 1970 hanggang 2000) sa industriya ng pagtatrabaho ay nagsasabing

ang mga kumpanya ay may kaunti o walang mapili kung hindi ang iakma ang

mga ito sa mga dumadaming katrabahong mahilig makihalubilo at gamay ang

umuusad na teknolohiya sa Internet.

Sinasabi sa mga nakalipas na pananaliksik na ang sobrang paggamit ng

Internet sa mga mag-aaral sa kolehiyo ay umuugnay sa mga isyung

debelopmental na pangkaraniwan sa mga mag-aaral sa kolehiyo. Samantala,

habang ang ilang mag-aaral ay nasa kapaligirang nagbibigay ng maraming

oportunidad sa pakikipagkita sa ibang tao at pag-unlad ng bagong relasyon,

ang ilan na hindi mahilig makihalubilo ay may kahirapang sa pakikipagkapwa-

tao. Sa karagdagan, ang pagkakaroon ng di pagkakakilanlan sa Internet ay

nagbibigay sa mga mag-aaral ng seguridad at hindi mapanganib na oportunidad

sa pagkakaroon ng relasyon sa Internet (Anderson).

Ang paglago ng SN sayt ay may kasabay na mga problema. Sinasabi sa

artikulong pinamagatang Social Revolution (Frauenheim, 2007), ang mga

kumpanya ay unti-unting inaaral ang SN na parang isang malaking pagsubok.


Sinasabi na ang mga ito ay maaaring magdulot ng nakaka-asiwang relasyon sa

mga katrabaho at paraan upang sayangin ang oras. Bunga dito, ang mga

negosyante ay dumisenyo ng mga SN na nakapokus sa kalakaran upang

maiwasan ang mga nasabing suliranin. Sa mga nakalipas na pag-aaral na

nakalap ni Anderson, sinasabi na ang paggamit ng Internet bilang isang

computer-mediated na komunikasyon ay may mga isyung kinahaharap tulad ng

panggigipit, stalking, at pornograpiya. Ang mga termino tulad ng “Internet

dependence” at “pathological computer use” ay ginagamit sa taong may

adiksyon sa Internet.

Sa kabila ng mga suliranin sa paglaganap ng social networking, may mga

mabubuting epekto ito. Sa artikulo, sinabi na ang mga ito ay nakakatulong sa

mga kumpanya na pagbutihin ang “organisasyong impormal” na tumutukoy sa

mga hindi opisyal na channels ng komunikasyon at kolaborasyon na may

malaking kontribusyon sa bisa ng isang kumpanya. Sa karagdagan, ito ay

ginagamit upang makakuha ng mga magagaling na aplikante sa isang trabaho.

Ito rin ay nakakapabuti ng pagtuturo at pagpupursige sa mga empleyado at

pagkakaroon ng magandang relasyon sa pagitan ng kumpanya at mga dating

empleyado nito.

Ayon sa artikulo ni David Holmes sa librong Virtual Politics: Identity and

Community in Cyberspace(1997), sinasabi na may malaking kahalagahan ang

mga kapalit o katumbas ng paglalabas ng ating kakilanlan sa mga teknolohiya.


“Ang mga uri ng teknolohiyang ito ay nagbibigay ng malaking posibilidad na

hindi tayo ‘mawawala’”(Holmes, 1997). Sa karagdagan, sinasabi na lubos

nating kinokonsumo ang ating oras makabalik sa ating pinagmulan at

hinahanap kung gaano natin kilala ang ating sarili . Dahil dito, nawawalan tayo

ng kontrol sa pisikal, mental, at emosyunal na mundo. Ito ay nababago sa

paggamit ng mga kagamitang komunikasyon.

III. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

A. Metodolohiya

1. Instrumento

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng isang sarbey na naglalaman ng

dalawampu’t tatlong katanungan na maaaring open o close- ended. Ang close-

ended na mga katanungan ay naglalaman ng kwantitatib na mga sagot. Sa

karagdagan, ang mga uri ng mga close-ended na katanungan na ginamit ay ang

multiple choice kung saan mas limitado ang mga posibleng sagot at ordinal na

siya namang katanungang nagbibigay ng pagkakasunud- sunod. Sa kabilang

dako naman, ang open- ended na mga katanungan ay ginagamit kung ang

sariling salita ng tagatugon ay ay kinakailangan. Ito ay karaniwang tinatawag

na “breaking the ice” na mga tanong. Dahil ang sariling salita ng tagatugon ang

kailangan, ito ay nagiging kwaliteytib na mga tanong.


Ang nasabing sarbey ay ibinigay kay Gng. Zendel Taruc, punong tagapayo

at guro ng Filipino II, upang iwasto at suriin ng husto ang sarbey. Pagkatapos

nito ay binago ang sarbey sa tulong ng www.surveymonkey.com at ayon na rin

sa mga komento at suhestiyon ng tagapayo. Ang naayos na sarbey na may 400

na kopya ay ipinamahagi at sa kalaunan ay kinolekta rin at 290 na sarbey na

lamang ang naibalik.

2. Respondente

Ang naturang sarbey ay ipinamahagi sa 400 na mga tagatugon na

kinabibilangan ng mga sumusunod na pamantayan:

1. Isang mag-aaral ng Pamantasan ng Santo Tomas

2. Maaaring undergradweyt o hayskul

3. Kung isang undergradweyt, siya ay dapat kabilang sa mga sumusunod na

kolehiyo:

i. AB

ii. Commerce

iii. Engineering

iv. Nursing

v. Pharmacy

vi. Architecture

vii. Rehabilitation Sciences


Sa kabuuan, 290 lang ang naibalik na sarbey. Ang datos ay binigyan

ng interpretasyon. Sa karagdagan, ang datos ay nilagay sa mga bahagdan

para sa mas magandang pagkakaiba ng mga resulta.

B. Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos

1. 1 Katangian ng mga Tagatugon

Sa 400 na sarbey na ipinamahagi, 290 lamang ang bumalik sa mga

mananaliksik. 271 o 93% ng mga tagatugon ang may social networking site

habang 19 o 7% ang walang social networking site, ibig sabihin maraming mga

kabataan ang may lubos na kaalaman at ginagamit ang SN sayt.

1. 2 Katangian ng mga Sagot ukol sa Social Networking

Ang Friendster ay ang pinakaginagamit ng mga kabataan sa ngayon ( 271

o 53%). Sumunod sa Friendster ay ang Multiply ( 182 o 36%) at ang

pinakahuli ay ang MySpace (57 o 11%).

Sa larangan ng bilang ng oras na ginugugol sa SN, nangunguna ang mga

gumagamit ng wala pa sa isang oras( 102 o 36.17%), sumunod ang isang oras

at dalawang oras(64 o 23%), ang higit sa tatlong oras(41 o 15%) at ang

panghuli ay iba pa(11 o 4%). Pinapakita sa larawang ito na hindi gaanong

sinasayang ng SN ang oras ng kabataan sa mas importanteng gawain.


Sa mga surbey, inilalarawan ang lebel ng pagiging pribado ng SN sa

aspeto na may kasama o wala sa oras na pupunta sa isang SN sayt.Nangunguna

ang sumagot sa “minsan nag-iisa at minsan ay kasama ang kaibigan” na may

61%. Sumunod ang “nag-iisa” (88 na tagatugon o 31%), “may kasamang

kaibigan”( 17 o 6%) at ang huli ay ang iba pa na may limang tagatugon o 2%.

Sinasabi dito na ang lebel ng pagiging pribado ay limitado lamang sa mga

kaibigan at nagdudulot ito na ang paggamit SN ay isa ring paraan ng

pakikihalubilo.

Sa larangan ng profile, sinasabi ditto na hindi nagkakalayo ang agwat ng

mga gumagamit ng pampubliko o pribadong profile. Ang karaniwang sagot ng

mga respondenteng sumagot sa pribadong profile ay dahil sa seguridad as sa

gusting maging eksklusibo ang kanilang sayt sa mga kaibigan lamang. Isa pang

dahilan ay ang takot na maaaring maloko o kunin ang inilathalang

impormasyon sa web. Ang karaniwang sagot naman ng mga gumagamit ng

pampublikong profile ay dahil sa kagustuhang maipakita ang identidad at

magkaroon ng maraming kaibigan at makita ang profile sa mga kaibigang

hindi kasama sa listahan ng mga kaibigan.

Sa antas ng kaalaman sa seguridad ng kanilang katauhan sa SN sayt,

nangunguna ang sumagot sa “naglilimita ang mga makakakita” na may bilang

na 131 o 46%. Sumunod dito ay ang sagot na “maaaring makita ng sino ang

tauhan”(101 o 36%), “mga kaibigan lamang ang nakakakita ng


impormasyon”(46 o 16%) at nahuhuli ang “wala akong alam kung nakikita

man o nalilimita ang pagtingin” na may bilang na anim o 2%. Sinasabi na may

malaking kamalayan ang mga kabataan sa kanilang seguridad sa SN.

Sa aking mga nakitang surbey, pinapakita na malaki ang hilig na kabataan

sa pangkalahatan ang SN. Ang kanilang ayaw sa SN ay ang mga hackers o

mga tao na kumukuha ng impormasyon upang gamitin sa kalokohan at

pornograpiya.

80% din ang mga naniniwalang maaari silang mabiktima ng SN. Ito ay sa

mga sariling karanasan ng tagatugon o karanasan o sa mga karanasan ng

kanilang mga kaibigan. Sa karagdagan, ang media ay nakakaimpluwensya sa

kamalayan ng mga tagatugon. Ang mga hindi naniniwala ay nagbigay ng

kadahilanang kailangan laman ng pag-iingat upang hindi ka mabiktima ng SN.

Ano ang higit na naidudulot ng SN sa iyo?

Sa kabila ng isyu ng seguridad, “hackers”, at paggamit ng impormasyon


ng walang pahintulot, at sagabal sa pagaaral, nananatiling mabuti ang epekto
nito sa mga mag-aaral sa UST. Ito ay sa kadahilanang:

 Pakikipagkaibigan sa mga taong hindi kilala

 Pagpapatibay ng relasyon sa mga kaibigan

 Pagkakaroon ng komunikasyon sa mga kamag-anak sa ibang bansa

 Nahahasa ang pakikihalubilo ng tao

 Naipapahayag ang sariling identidad


IV. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

A. Lagom

Ang papel na ito ay naglalarawan sa kaugalian ng mga tao partikular

ng mga estudyante sa pamantasan ng Unibersidad ng Santo Tomas tungkol

sa social networking. Batay sa nagawa naming interpretasyon ng mga datos

na aming nakalap mula sa mahigit na 250 na estudyante mula sa iba’t-ibang

kolehiyo ng unibersidad, aming nalaman na karamihan sa mga estudyante

sa nasabing unibersidad ay tumatangkilik sa mga social networking sites.

Sa nasabing pamantasan, napag-alaman ng grupo na mas popular ang

Friendster bilang kanilang pangunahing social networking site at ang

Multiply na sumusunod. Marami ang naidudulot na maganda ng mga social

networking sites na ito sa kanilang pakikipaghalubilo sa mundong virtual.

Bagama’t alam ng mga kabataan ngayon ang maaring maidulot sa kanila ng

pakikipaghalubilo sa iba’t ibang uri ng tao, ipinagpapatuloy pa rin nila ang

pagiging aktibo sa mga social networking sites na ito sa kadahilanang

nakikita nila at napipapakita nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan

ng mga ito. Itinuturing ng mga kabataan ngayon ang social networking

bilang isang “social trend” na humahatak sa bawat estudyante na gumawa

ng kani-kanilang sariling account. Marami ring masamang naidudulot ang

pagkakaroon ng account sa mga social networking sites sapagkat nawawala

ang seguridad ng mga estudyante at maari silang masangkot o mabiktima sa

mga di kanais-nais na tao na mayroon ding account sa social networking


sites. Sa lahat ng mga nasabi, mayroon ngang maganda at masamang

epekto ang pagkakaroon ng accounts sa mga social networking sites ngunit

sa aming mga nakalap na impormasyon, mas nakikita ng mga estudyante

ang mabuting epekto nito sa kanila at sa kanilang mga kaibigan, kapamilya

at iba pa. Lahat ng aming ebidensya ay nagtutugma upang ipakita na ang

social networking sites ay mahalaga nga sa mga kabataan ngayon at ang

mga benepisyo nito sa kanila ay kanila namang nararamdman.


B. Kongklusyon

Sa pagwawakas ng aming pananaliksik tungkol sa Social Networking, nais

naming ilahad ulit ang mga pag-aaral mula sa mga nakalap naming mga datos.

Ang mga datos ay ikinumpara sa aming review of related literature. Naipakita

dito na lumabas na magkatugma ang sarili naming pag-aaral sa mga nakalap

na mga datos at ang review of related literature na buhat sa iba pang mga pag-

aaral sa Social Networking.

Ang pag-aaral na aming isinagawa ay ang paraan ng pagkuha ng pananaw

ng mga piling mag-aaral ng Pamantasan ng Santo Tomas sa pamamagitan ng

sarbey. Ang sarbey na ito ay naglalaman ng mga open-ended at closed-ended

na mga tanong para malaman naming ng lubos ang pananaw ng mga mag-aaral

tungkol sa Social Networking. Pagkatapos ng pangangalap ng mga datos, ang

mga ito ay aming pinagaralan at sinuring mabuti. Sumonod na hakbang ay ang

pag-iinterpreta ng mga ito, nang hindi mahirapan, kami ay gumawa ng mga

bahagdan upang mapadali ang interpretasyon ng mga datos. Ito ang buod ng

aming pag-aaral:

Una sa lahat, inasahan na napakalaking porsyento ng mga mag-aaral ang

may kaalaman at gumagamit sa Social Networking Site. Isang simpleng

dahilan ng pagkakaroon ng bawat kabataan o kahit mga matatanda ng Social

Networking Site ay upang makihalobilo sa ibang tao sa internet.


Ikalawa, sa mga uri ng Social Networking Sites, may kanya-kanya ring

preperensya ang mga tao, higit na ginagamit at may pinakamaraming myembro

ng mga mag-aaral ang Friendster, sunod ang Multiply, at panghuli naman ang

Myspace. Ito ay tumugma sa mga unang mga pag-aaral sa Social Networking,

na ang Friendster ay ang siyang pinakapopular na Social Networking Site sa

Pilipinas.

Susunod, kaunti lamang ang oras na inilalaan ng mga mag-aaral sa

pagpunta sa mga Sites na ito. Ibig sabihin nito ay hindi nila inilalaan lahat ng

oras nila ditto na nagbibigay daan sa mga mas mahahalagang bagay pa sa

kanila gaya na lamang ng pag-aaral at pakikihalubilo sa pamilya at mga

kaibigan nila.

Nagiging maingat din ang mga higit sa mga mag-aaral sapagkat nililimita

lamang nila ang mga impormasyon na kanilang inilalathala sa internet, hindi

nagiimbita ng mga taong hindi nila kilala at hindi nila binabalak na

makipagkita sa mga taong nakilala sa internet lamang. Karamihan sa mga mag-

aaral ay gumagamit ng pribadong profile at higit sa kanila ay may kaalaman na

maaari silang mabiktima ng mga manloloko kaya’t alam nila ang mga dapat

gawin upang ito’y hindi mangyari.

Naitanong din namin kung may ayaw sila sa mga Social Networking Sites

na ito. Kakaunti lamang ang sumagot na mayroon silang ayaw sa mga sites na

ito, karamihan sa mga dahilan ay ang pagkakaroon ng madaming manloloko,


talamak na pornograpiya at mga hackers. Konti lamang sa tingin namin ang

may ayaw, sapagkat mayroon naman paraan upang malimita ang mga

impormasyon na puwedeng ilathala ng mga indibidwal sa internet. Ito ay

nakasalalay na lamang sa pag-iingat ng bawat indibidwal sa mga impormasyon

tungkol sa kanilang mga sarili.

Sa kabuuan, ang Social Networking ay may higit na mabuting naidulot sa

mga mag-aaral. Napapalawak ng mga sites na ito ang kaalaman ng mga mag-

aaral, napagtitibay ang relasyon sa mga magkakaibigan, nakahahanap ng

bagong mga kaibigan, napagbubuti ang buhay sosyal ng bawat tao, nagtatagpo

ulit ang mga dating mga kaibigan na matagal ng walang komunikasyon sa

isa’t-isa at higit sa lahat, naipapahayag ang sariling idea at pananaw sa buhay

sa buong mundo.
C. Rekomendasyon

Imunumungkahi ng mga manunulat na higit na mapaghusay pa ang

kanilang pag-aaral sa larangan ng Social Networking sa kadahilanang nais pa

nilang higit na maunawaan ang mga mabubuting implikasyon na Social

networking. Nais din irekomenda ng mga manunulat ang ilang mga dapat na

gawin upang makaiwas sa mga manloloko. Isa sa mga dapat gawin dito ay ang

pag-iingat sa mga impormasyon na nilalathala sa iyong network. Ito ay

makakatulong upang higit na mas mapaganda ang pag gamit ng social

networking. Para higit na mas mpagtibay ang mga datos na nakalap, dapat din

tagalin ang limitasyon sa mga tagatugon. Sa mga gusto pang ipag patuloy ang

pag-aaral tungkol sa social networking, nais ng mga manunulat na payuhan ang

mga magaaral na huwag limitahan ang social networking sa isang aspekto

lamang at huw ag din limitahan ang kanilang mga tagatugon.


V. Bibliografiya:

About Classmates Online, Inc., Classmates.com, Nakuha noongFebruary 12, 2008

from

http://www.classmates.com/cmo/about/;jsessionid=RIVWXDQ2MEVJ4CQKWZ

SSVRQKBK1GMIV3?s=74606&_requestid=171457,

http://en.wikipedia.org/wiki/Classmates.com

Anderson, K. Internet use among college students: An exploratory study[ Paggamit ng

internet sa mga mag-aaral sa kolehiyo: Isang eksploratoring pag-aaral]. Nakuha noong

February 12, 2008 from http://www.rpi.edu/~anderk4/research.html

Boyd, D. M. at Ellison, N. B. (2007). Social network sites: Definition, history, and

scholarship[ Mga social networking sayt:Depinisyon, kasaysayan at kaalaman] .

Journal of Computer-Mediated Communication, 13(1), article 11.

http://jcmc.indiana.edu/vol13/issue1/boyd.ellison.html

Changing adolescent experience[ Pagbabago ng karanasan ng tin-edyer]. Cambridge

University Press.

Frauenhelm, E.(2007) Social Revolution. Workforce Management, (2837)

Harvey, G. The pros and cons of social networks[Mga kabutihan at kapalit ng social

networks] , Ezine Articles. Nakuha noong February 12, 2008 from

http://ezinearticles.com/?Social-Networking,-The-Pros-and-Cons-of-

SocialNetworks&id=683823CSI/FBI Computer Crime and Security Survey, 2000


Friendster. Kinuha mula sa website na http://www.friendster.com noong Pebrero 11,

2008.

Holmes, D(1997). Virtual Politics: Identity and Community in Cyberspcae

http://en.wikipedia.org/wiki/Computer

http://en.wikipedia.org/wiki/Internet

http://en.wikipedia.org/wiki/E-mail

http://en.wikipedia.org/wiki/Multiply.com

http://multiply.com/info/about

http://news.bbc.co.uk/hi/english/static/in_depth/uk/2001/life_of_crime/cybercrime.st

http://www.answers.com/topic/public-space

Iskold, A(2006).Multiply: A different approach To social networking[Multiply: Isang

kakaibang pakikitungo sa social networking]. Nakuha noong February 12, 2008 sa

http://www.readwriteweb.com/archives/mutiply_analysis.php

Lim, R (2008) J1, Students and campuses, friends,inc., Retrived January 6, 2008 from

Manila Bulletin

Multiply. Kinuha mula sa website na http://www.multiply.com noong Pebrero

12,2008.
Myspace. Kinuha mula sa website na http://www.myspace.com noong Pebrero

12,2008.

Social Networking, Retrived February 12, 2008 from

http://en.wikipedia.org/wiki/Social_networking

Stivers, Richard. (2004). Shades of loneliness: Pathologies of a technological

society[Pangungulimlim ng kalungkutan:Patolohiya ng teknolohiyal na lipunan].

Lanham: Rowman & Littlefield Publishers, Inc.

Wolf, Mark J. (2000). Abstracting reality: Art, communication, and cognition in the

digital age[Pagwawalang katiyakan sa realidad: Sining, komunikasyon at paglilimi sa

digital na panahon]. Lanham: University Press of America, Inc.

WordNet 1.7.1 Copyright © 2001 by Princeton University. All rights reserved

www.en.wikipedia.org/wiki/MySpace

www.mashable.com/2006/08/09/myspace-hits-100-million-accounts

www.myspace.com/index.cfm?fuseaction=misc.aboutus

You might also like