You are on page 1of 4

SKYFAKES

NI EROS ATALIA

Alas dose na . Nagsilabasan na ang mga kasamahan niya sa opisina. Lunch break.
Niyaya siya ng mga ito na mananghalian. "Sunod na ako,tapusin ko lang itong
pinipagawa ni Sir, kailangan daw ng 2 pm, e." , wika niya.Naiwan siya sa opisina.
Pinaspasan niya ang trabaho. Unti-unti nang umiinit. Hinubad niya ang blazer.
Pinapatay kasi ang aircon sa opisina nila kapag lunch break. 12:40 tapos na ang
trabaho. Tinext siya ng kanyang mga kaopisina kung nasaan na siya. Nag-reply
siya" D p tpos. Nxt time n lng. Nwy, I'll just eat my baon here."Kinakailangang
niyang ma-promote. Kailangan niya lang siguro ng magandang break. Sa
pinapatrabaho ng kaniyang boss, baka ito nga ang kaniyang break.Mula sa
kaniyang kinauupuan,kitang-kita niya ang nagdidilim na langit. Dinukot ang pitaka.
Binuksan. Tinitigan ang larawan ng mga anak. Binilang ang barya sa pitaka. Muli
tiningnan ang langit. " Wag kang uulan. Wag".Kumakalam na ang kaniyang tiyan.
Binuksan niya ang drawer. May isa pang pakete ng biskwit. Binuksan niya ito.
Kumain. Tumungo sa water dispenser. Kumuha ng disposable cup. Uminom ng
tatlong basong malamig na tubig. Napadighay siya. Bumalik sa pwesto. Muling
tumingin sa langit. Hindi niya tiyak kung makulimlim o maaraw.Napailing siya."
Makisama ka naman. Wag kang umulan. Wag." Muling binilang ang barya sa
pitaka.

HAHAMAKIN ANG LAHAT


(Ni : Abdon Balde Jr.)

"Kung kaya mong magbreakdance sa JS", sabi niCherry. May halong biro. Para na
rin niyang sinabing,"Pagputi ng uwak".Ngunit hindi ganoon ang dating kay
Dindo.Sinuway ni Dindo ang bilin ng magulang.Inilihim niya sa mga kaibigan ang
balak. Nagpalakas siya. Kinausap si Sam. Nagsanay si Dindo. Hindi alintana ang
sakitat hirap."Puwede ka na," sabi ni Sam pagkaraan ng isang buwan.Isang linggo
bago mag JS Prom, nilapitan ni Dindo si Cherry na nagmemeryenda sa
canteen."Para sa'yo , handa na ako", sabi ni Dindo."Oh shocks ! " sagot ni Cherry
,nakangisi,"Serious ka? Kami na ni Joko, noh ! "Malungkot na tumalilis si Dindo,
iika-ika, hila ang paa namay polio.Malupit ang pag-ibig.

Father and Son

Ikaapat ng Disyembre. Ako’y nakaupo sa koridor ng aming bahay habang maingay


sa pagtilaok ang mga manok sa bakuran.
Humigop sa bagong timplang kape. Hindi pangkaraniwan ang araw na ito.
Kaarawan ng haligi namin sa bahay.
“Gising ka na pala? naunahan mo ako.” Sabi ng tatay ko.
“Opo naman, Pang. Happy Birthday!” bati ko sabay halik sa pisngi.
“Salamat anak ha? Pasensiya ka na sa tatay mo. Problema na lamang ang parati
kong dala. Hayaan mo susubukin kong tanggalin ang pag-iinom at paninigarilyo.”
pangako niya.
“Naku Pang, wala pong problema. Pero nagpapasalamat ako na kayo na po
kusang magbabago. Alam niyo naman pong hindi maganda sa inyong
pangangatawan iyang mga bisyo ninyo. Hindi na rin kayo bata. Mahina na rin
resistensiya ninyo.” litanya ko.
Taimtim na nakikinig ang tatay. Sa loob-loob ko, naku, tumalab na yata ang mga
linya ko na parati kong sinasabi sa tuwing kami ay nag-uusap. Ngayon ko lamang
naramdaman na gumana ang aking mga payo.
“Dahil sa ngayon ay inyong kaarawan at tayo’y nagkaroon ng ganitong pag-uusap
humiling kayo ng kahit na ano at pagbibigyan ko kayo.” masaya kong sabi.
“Talaga anak? Naku maraming salamat. Sige anak, Maaari bang makahingi ng
limang piso pambili ng Marlboro?”
HATINGGABI

Ginising ako ng kalampag ng hindi-lapat na bintanang


inihampas ng hangin sa hambahan. Pagdilat ko’y kumislap ang
isang malayong kidlat na tila ibig lamang ipakita ang orasan sa
dingding na naghuhudyat ng hatinggabi.
Naging ganap ang katahimikan.
Nawalan ng kulay ang paligid.
Muling umihip ang hangin, may kasamang anggi ng ulan.
Bahagyang wumagayway ang mga kurtina, parang mga
dambuhalang pakpak sa mapusyaw na karimlan.
Noon ko nakita ang anyo ng tao sa labas, nakasilip sa salaming
ng bintana, nakamasid sa akin.
Hindi ako makabangon. Hindi ako makakilos. Dahil ang nakasilip
sa maliit na siwang ng mga kurtina ay sarili kong mukha!
Mga Bahagi ng Pahayagan

1)PANGMUKHANG PAHINA o COVER PAGE - naglalaman ito ng pangalan


ng pahayagan at ang mga pangunahin o mahahalagang balita.
2)BALITANG PANDAIGDIG - naglalaman ng mga balita mula sa iba't
ibang bansa at panig ng daigdig.
3)BALITANG PANLALAWIGAN - naglalaman ng balita may patingkol sa
sariling bansa o lugar.
4)PANGULONG TUDLING - naglalaman ng mga kuru-kuro o puna na
isinulat ng patnugot hinggil sa isang napapanahong paksa o isyu.
5)BALITANG KOMERSYO - naglalaman ng mga balita tungkol sa
kalakalan, industriya at komersyo. 6)ANUNSYO KLASIPIKADO -
naglalaman ng mga anunsyo tungkol sa hanapbuhay, bahay, lupa,
sasakyan at iba pang kagamitang ipinagbibili.
7)OBITWARYO - nagsasabi ng mga taong namatay na. Nakasaad dito
kung saan nakaburol at kung kailan ililibing ang namatay.
8)LIBANGAN - nagsasaad ng mga balita tungkol sa artista, pelikula,
telebisyon at iba pang sining. Naririto rin ang krosword, komiks at
horoscope.
9)LIFESTYLE - naglalaman ng mga artikulong may kinalaman sa
pamumuhay, tahanan, pagkain, paghahalaman at iba pang aspeto ng
buhay sa lipunan.
10)Isports- nagsasaad at nagkekwento ito ng mga balitang may
kinalaman sa isport, kumpetisyon, o pampalakasan ng mga atleta.

You might also like