You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Southern Luzon State University


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Lucban,Quezon

Pangalan: ___________________________________________
Baitang: Grade 2

Bilugan ang titik ng tamang sagot.


__________1. Ano ang kahulugan ng komunidad?
a. Ito ay tumutukoy sa lugar kung saan makapagdarasal ang mga tao sa Panginoon.
b. Ito ay tumutukoy sa lugar kung saan namimili ng mga pangangailangan ang isang
pamilya.
c. Ang pangkat ng mga taong naninirahan sa isang lugar.
d. Ang lugar kung saan dinadala ang may mga sakit.
__________2. Ito ay tumutukoy sa lugar kung saan nakatalagang tumawid?
a. Pedestrian crossing b. Warning Signs
c. Forbidden signs d. Traffic lights
__________3. Sino ang nangongolekta ng ating mga basura?
a. Pulis b. Doktor
b. Basurero d. Barangay tanod
__________4. Bakit mahalaga ang bayanihan sa komunidad?
a. Upang maging kapaki-pakinabang ang lahat.
b. Upang maging masaya ang lahat ng tao.
c. Upang magturingang magkakapamilya ang lahat sa inyong lugar.
d. Lahat ng nabanggit.
__________5. Bakit kailangan magkaisa at magtulungan ang mga tao sa komunidad?
a. Upang maging palaasa.
b. Upang maging sikat.
c. Upang maging maayos at masaya ang samahan ng bawat isa sa komunidad.
d. Upang maging magulo ang mga tao.
__________6. Paano ka makakaiwas sa peligro sa pagtawid?
a. Tumawid sa tamang tawiran.
b. Tumakbo habang natawid.
c. Tumawid habang umaandar ang mga sasakyan.
d. Walang gagawin.
__________7. Bakit ang pulang ilaw ang nagsisilbing kailangan mong mag-intay sa
tamang tawiran at huwag tumawid?
a. Dahil ito ay hudyat na ang mga drayber ay nagpapatakbo ng kanilang sasakyan.
b. Dahil ito ay hudyat na kailangan kang tumawid.
c. Dahil ito ay hudyat na nagbabala sa iyo na ang kasunod na iilaw ay pula.
d. Dahil ito ay hudyat na pampalito.
__________8. Bakit kailangang panatilihing malinis ang kapaligiran?
a. Upang makaiwas sa sakit.
b. Upang maging kaaya-aya ang paligid.
c. Upang magdulot ito ng baho sa paligid.
d. A at b
__________9. Paano makakaiwas sa sakit ang mga tao?
a. Panatilihing malinis ang paligid.
b. Hayaang nakatambak ang mga basura sa paligid.
c. Itapon ang mga basura sa mga ilog.
d. Tambakan ang bakanteng lote ng mga basura.
__________10. Bilang isang huwarang bata, alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng
magandang halimbawa upang gayahin ng ibang bata?
a. Awayin ang kapwa bata kapag hindi tumutulong sa inyong lugar.
b. Hikayatin ang bawat bata na tumulong sa gawaing pangkomunidad.
c. Turuan ang bata na magkalat sa inyong komunidad.
d. Hayaan ang ibang bata sa gusto nilang gawin.
__________11. Bilang isang bata, alin sa mga sumusunod ang maaari mong maitulong sa
inyong komunidad?
a. Maglaba ng damit ng iyong kapitbahay
b. Magligpit ng mga kalat
c. Magtrabaho habang nag-aaral
d. Magkalat sa inyong lugar
__________12. Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsunod
sa batas trapiko?
a. Si Gina ay tumatawid kahit na pula ang ilaw na pinapakita sa ilaw trapiko.
b. Si Lora ay tumatakbo sa kabilang kalsada kahit na dilaw na kulay ang pinakikita sa
ilaw trapiko.
c. Si May ay tumatawid habang nakaberdeng kulay sa ilaw trapiko.
d. Si Airon ay tumatakbk habang ang mga sasakyan ay umaandar.
__________13. Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI dapat
tularan ng bata?
a. Tumawid nalang basta sa kalsada
b. Magpatulong tumawid sa nakakatanda
c. Tumingin sa ilaw trapiko at kapag berdeng kulay ay tumawid na
d. Tumawid sa tamang tawiran
__________14. Bilang isang bata, alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng wastong
halimbawa?
a. Hinihiwalay ng pamilya Reyes ang mga basura sa nabubulok at di-nabubulok.
b. Tinatapon ng pamilya Rizal ang kanilang basura sa bakanteng lote.
c. Hinahayaan ng pamilya Bonifacio ang mga basura na nagdudulot ng mabahong
amoy sa paligid ng kanilang lugar.
d. Hindi nililinis ng pamilya Ramos ang kanilang bakuran.
__________15. Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang maaari mong maitulong
para magkaroon ng malinis na kapaligiran?
a. Itapon ang basura sa kung saan gustuhin.
b. Itapon ang basura sa tamang tapunan
c. Sabihan ang kapwa bata na itapon ang basura sa basurahan
d. A at b
__________16. Alin sa mga sumusunod ang bahagi ng isang komunidad?
a. pamilya at paaralan b. simbahan at pamilihan
c. pagamutan at barangay d. lahat ng nabanggit
__________17. Ano ang sinisimbolo ng pulang ilaw sa ilaw trapiko?
a. intay b. tigil
c. tawid d. wala sa nabanggit
__________18. Ano ang tawag sa paghihiwalay ng mga basura ayon sa nabubulok at di-
nabubulok?
a. Solid waste b. RA 9003
c. Reduce, Reuse, Recycle d. Waste Segregation
__________19. Paano ka tinutulungan ng mga tao sa inyong komunidad?
a. Tinuturuan nila ako na maging isang mabuting bata at mamamayan
b. Tinatarayan nila ako
c. Binibigyan nila ako ng maraming kendi
d. Wala sa nabanggit
__________20. Paanong paraan upang maging mabuting mamamayan sa inyong
komunidad?
a. Kapag tutulong ay pagalit
b. Huwag sundin ang mga batas
c. Iwasang maging alerto sa mga pangyayari sa paligid
d. Maging mabuti sa iyong kapwa
__________21. Bakit ang berdeng ilaw ang nagsisilbing kailangan mong tumawid sa
tamang tawiran?
a. Dahil ito ay hudyat na ang mga drayber ay nagpapatakbo ng kanilang sasakyan.
b. Dahil ito ay hudyat na kailangan kang tumawid.
c. Dahil ito ay hudyat na nagbabala sa iyo na ang kasunod na iilaw ay pula.
d. Dahil ito ay hudyat na pampalito.
__________22. Bakit mahalaga na malaman ang mga sinisimbolo sa ilaw trapiko?
a. Upang makaiwas sa aksidente
b. Uoang makatulong sa iba na hindi alam ang sinisimbolo ng bawat ilaw sa ilaw
trapiko
c. Upang maging maayos ang daloy ng trapiko
d. Lahat ng nabanggit
__________23. Bakit kailangang ienhans ang proper waste management?
a. Para magkaroon ng malusog na pangangatawan
b. Para makaiwas sa mga sakit
c. Para maging malinis ang kapaligiran
d. Lahat ng nabanggit
__________24. Bakit mahalaga ang 3rs o reduce, reuse at recycle?
a. Para hindi na magamit ang mga bagay na pwede pang magamit
b. Dahil nagbibigay ito ng dagdag kita
c. Para mas maging malikhain
d. B at c
__________25. Bilang isang bata, ano ang pwede mong gawin upang makatulong sa mga
gawaing pang komunidad?
a. Makilahok sa gawain sa inyong komunidad
b. Maging pasaway
c. Huwag makilahok sa mga aktibidad
d. Magkalat sa inyong komunidad
__________26. Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang HINDI naglalarawan ng
isang komunidad?
a. Galit na nagtutulungan ang bawat tao sa isang komunidad
b. Tanging ang mga bata lamang ang nakikilahok sa pagsasaayos at paglilinis ng
komunidad
c. Ang pamilya Gonzales lamang ang kumikilos upang maging malinis ang
komunidad
d. Lahat ng tao sa komunidad ay masaya nagtutulungan at may pagkakaisa
__________27. Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang wasto?
a. Ang pulis na nakatalaga ay nakatayo lamang sa gitna ng kalsada.
b. Ang pulis ay nagkukwentuhan kahit na mayroonh banggaan.
c. Ang pulis ay sinisiguradong maayos ang daloy ng trapiko at ligtas ang mga tatawid
d. Walang ginagawa ang pulis
__________28. Bilang isang bata, hahayaan mo bang ang iyong kapwa bata ay tumawid
ng magisa sa kalsada gayong alam mong hindi siya marunong tumawid?
a. Hindi, dahil alam ko na hindi siya marunong tumawid at baka siya ay mabangga
b. Oo, kasi hindi ko naman siya kilala
c. Oo, kasi tinatamad ako na tulungan siya
d. Oo, kasi may kasabay naman siyang mas nakababata sa kanya
__________29. Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong
pag-uugali?
a. Dahil nakita ni Anna ang kanyang ate na itinapon ang basura nito sa bakuran ng
kapitbahay ay ginaya niya ito at dun na tinatapon lahat ng basura nila.
b. Hinikayat ni Jose na itapon ang mga dumi ng kanilang alagang aso sa kalsada na
nagdudulot ng masangsang na amoy.
c. Nang makita ni Jenny na itinapon ng kanyang ina ang mga kalat sa basurahan ay
ginaya niya ito ay ibinahagi sa mga kalaro ang nalalaman na pagtatapon ng basura
sa basurahan.
d. Ikinakalat ng mga bata ang mga basura na kanilang nakikita sa daan.

__________30. Bilang isang bata, paano mo mahihikayat ang iyong kapwa bata na
irecycle ang mga basurang pwede pang magamit?
a. Ipinapakita ni Ben ang paggawa ng pitaka gamit ang balat ng tsitsirya na
pandagdag kita kapag ito ay naibenta.
b. Ipakikita mo sa kapwa bata na walang madudulot na maganda ang pagrerecycle.
c. Ibinahagi ni Loie ang kanyang nalalaman sa paggawa ng palamuti gamit ang
plastik na bote ng softdrinks at pwede itong pangkabuhayan.
d. Hindi ko hihikayatin ang mga kapwa ko bata kasi bata pa ako.

You might also like