You are on page 1of 4

TSART

Karamihan sa mga kagamitang nagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng linya o


guhit,hugis,larawan at krokis ay tinatawag na tsart o kagamitang grapikal. Ang
mga mapa, grap, poster at dayagram ay nasa kategoryang tsart. Ngunit may mga
kagamitang grapikal na hindi mabigyan ng tiyak na pangalan,kung kaya’t inuri nina
mc Known at Roberts’ ang mga ito bilang tsart. Ayonkay Kinder.Ang tsart ay ang
mga kaalamang nakatala, nakalarawan at nakadayagram. Kaya, ang tsart na may
mga larawan ng bulaklak ay tinatawag na tsart ng bulaklak, ang tsart na may
nakasulat ng tamang pagbigkas ay tinatawag natsartnapagbigkas, at
angtsartnanagpapakitangkomposisyonngisangtanggapan ay tinatawagna
organizational chart.

Ang guro ang gumagawa ng tsart na ginagamit sa pagtuturo. Sa paggawa nito,


maaari siyang humingi ng tulong sa kanyang mga mag-aaral kung kinakailangan.
Maaari ring bilhin na lang ang tsart sa tindahan ng mga aklat kung mahirap itong
gawin.

Halimbawa:
KARTUN

Ayon kay kinder, ang kartun ay pagpapakahulugan ng larawan sa pamamagitan ng


pagsasagisag. Kadalasan, ginagamitan ito ng pagmamalabis o katatawanan upang
maihatid ang isangmensahe o kaisipan tungkol sa mga pangyayari,tao o sitwasyon.
Maaaring magamit ng guro ang karting nakikitasa pang-araw-araw na pahayagan.
Maaari niya itong idikit sa kartolina upang magamit sa paglalahad ng bagong liksyon
sa talakayan, pagganyak at pagsubok sa nakaimbak nakaranasan ng mga mag-
aaral.

SKETCH

Ang sketch ay payak at dagliang pagguhit na nagbibigay ng tampok na katangian


ngunit walang detalye. Ayon kina Haas at Packer, ang sketch ay tinatawag na
“Spark Plug” sa pagsasanay na biswal dahil madaling gawin at mabisang
kasangkapan sa pagsasanay. Kaunting kaalaman sa mga tuntunin ng pagguhit at
kaunting pagsasanay ay makagagawang sketch.

Halimbawa:
Mga mga pagpipiliang kartun

You might also like