You are on page 1of 2

Puguon, Karla Jeanne H.

BS-Pharmacy 01-18-18
Ang Alamat Ng Bigas

Noong unang panahon, ang ating mga ninuno ay nabubuhay lamang sa pagkain ng
prutas, gulay, ibon, at hayop-gubat na kanilang nahuhuli sa kagubatan. Ang pagbubungkal ng
lupa ay wala pa sa isip nila. Ang pagmamanukan at pag-aalaga ng iba pang hayop ay hindi nila
alam. Umaasa lamang sila sa mga pagkaing dulot ng kalikasan.

Sa ganitong paniniwala, hindi sila nagtatagal sa isang lugar; Lumilipat sila ng tirahan sa
oras na wala nang makuhang pagkain sa isang lugar. Pumupunta sila sa lugar na mayroong
makakain at pag wala na ay lilipat silang muli.

Ang ating mga ninuno ay tuwang—tuwa sa kanilang kulay kayumanggi at sa kanilang


kinagisnang mga tradisyon. Ito ay kanilang ipinagmamalaki. Labis-labis silang nagpapasalamat
sa "Bathala." Kuntento na rin sila sa uri ng kanilang pamumuhay.

Ang mga kalalakihan ay nanghuhuli ng hayop sa gubat samantalang ang mga


kababaihan at mga bata ay nanghuhuli ng isda, namimitas ng prutas at gulay. Ang lahat ng
kanilang mahuhuli at maaani ay kanilang pinagsasama-sama at pinaghahatian. Pantay-pantay
ang kanilang paghahati sa buong barangay.

Minsan nakaabot sa malayong lugar ang mga kalalakihan sa paghahanap ng usa.


Nakarating sila sa mga bundok ng Cordillera. Sa labis na pagod ay nagpahinga sila sa ilalim ng
isang puno. Malapit na ang tanghalian kaya't lahat sila ay gutom na gutom na.

Sa kanilang pagpapahinga ay may namataan silang isang grupo ng tao na kakaiba sa


kanilang anyo. Inakala nilang mga bathala ang kanilang nakita. Tumayo sila at nagbigay galang
sa mga "bathala. "Natuwa sa kanila ang mga "bathala." Inanyayahan sila upang dumalo sa
kanilang pagtitipon. Tumulong ang mga kalalakihan sa paghahanda ng mga pagkain. Kinatay
nila ang mga hayop at inihaw. Maya-maya'y may inilabas na bumbong ng kawayan ang alipin
ng mga "Bathala." Ang laman ng kawayang ito ay mapuputing butil. Pagkaluto nito ay isinain
ang lutong puting butil sa dahon ng saging na nakalatag sa hapag—kainan. Ang hapag ay
napapalamutian na ng mga prutas, lutong karne ng hayop, gulay at mga inumin.
Noong una ay ayaw kumain ng mga puting butil ang mga bisita. Akala nila ay mga bulati
ang mga puting butil. "Hindi kami kumakain ng mga uod, sag sabi ng mga bisita.

“Ang mga puting butil na iyan ay hindi uod. Iyan ay mga nalutong bigas. Ang tawag
namin diyan ay kanin. Galing sila sa aming pananim na aming inaalagaan at pinalalaki. Hali
kayo, tikman ninyo ito. Pagkatapos ninyong kumain ay maaari ninyo kaming patayin kung may
maramdaman kayong kakaiba sa inyong katawan”, ang sabi ng isa sa mga "Bathala."

Pagkatapos kumain ay nakaramdam ng panibagong Iakas ang mga bisita, hindi dahil sa
sila ay nabusog kung di dahil sa kinain nilang mga puting butil. Nagpaalam silang lahat sa mga
"Bathala."

Bago lumisan ang mga bisita, bawa't isa sa kanila ay pinabaunan ng mga "Bathala" ng
isang sakong palay. "ito ang palay," paliwanag ng isang "bathala," "bayunin ninyo ito upang
maalis ang balat nito. Linisin ninyo at hugasang mabuti, Ilagay ito sa loob ng bumbong ng
kawayan. Lagyan ng kaunting tubig. Ilagay ninyo ito sa ibabaw ng
apoy hanggang sa maluto. Ito ay magiging kanin. Ang pagkaing ito ay nakapagpapalakas ng
katawan. Ang ibang palay ay pagyamanin ninyo upang maging binhi. Itanim ninyo ito pagsapit
ng tag-ulan. Pag sapit naman ng tag-araw ay maaari na ninyo itong anihin. Humayo kayo at
ipamalita ito at ituro sa inyong mga kasamahan. Turuan ninyo silang magbungkal ng lupa.
Makikita ninyo at kayo ay uunlad at hindi na kayo magpapalipat-lipat pa ng tirahan.”

Matapos magpasalamat sa mga "Bathala," ang mga bisita ay nagbalik na sa kanilang


tribu. Sinunod nila ang bilin ng mga "Bathala." Tinuruan nila ang kanilang mga kasamahan sa
pagbubungkal ng lupa at sa pagluluto ng mga puting butil. Ang ibang barangay ay gumaya na
rin sa kanila.

Magmula noon ang pagbubungkal ng lupa ay naging isang hanapbuhay na ng mga tao
at ang bigas o kanin ang naging pangunahing pagkain natin.

You might also like