You are on page 1of 2

Ellah Mae G, Jandayan 11- Simplicity

“Reaksyong Papel”
(Paggamit ng Hayop sa Pananaliksik ng Makabagong Gamot)

Sa kasalukuyang panahon, laganap na ang iba’t-ibang uri ng mga sakit na maaaring


kumitil ng buhay ng kahit sino. Sa kabila nito, paano nagiging maari parin para sa atin ang
mamuhay ng matagal? Sa buong mundo, ang mga tao ay nagtatamasa ng mas mahusay na
kalidad ng buhay dahil sa mga bagong gamot na ginagawang posible sa pamamagitan ng medikal
na pananaliksik. Ang isang maliit ngunit mahahalagang bahagi ng gawaing iyon ay nagsasangkot
sa paggamit ng mga hayop. Naitataya ang kanilang mga buhay para sa pagtuklas ng lunas sa
ating mga sakit.

May mga maganda at masamang dulot ang gawaing ito. Iba-iba ang mga reaksyon at
opinyon ng mga tao tungkol dito. May mga kanya-kanya rin silang dahilan sa likod ng kanilang
mga paniniwala. Ang pagpatay sa mga hayop para sa pagtuklas ng mga bagong gamot ay hindi
pa maaring matigil. Karamihan man sa mga pananaliksik ay natutupad na sa mga alternatibong
paraan, hindi parin maiiwasan ang pagsakripisyo ng mga hayop para sa ating patuloy na
pagkabuhay.

Totoong ang mga hayop ay tulad rin natin. Sila rin ay mga nilalang na may buhay na
dapat igalang. Isang nakakalungkot na realidad ang kawalan ng ibang paraan para sa
modernisasyon ng gamot kundi ang pagtaya sa kanilang mga buhay. Naiintindaihan ko ang
pagkabahalang nararamdaman ng ilan para sa mga hayop. Dahil sa kasalukuyang kakulangan sa
kaalaman sa siyensiya, libo-libong mga hayop ang napapatay para sa lang kapakinabangan ng
tao.

Sa kabila namang banda, masasabi kong may basehan rin naman ang mga aksyon ng mga
siyentipiko. Kung hindi nila isasagawa ang pananaliksik sa mga hayop, tayo ring mga tao ang
kawawa. Hindi ko rin lubos maisip kung gaano karaming tao ang magtataya ng kanilang buhay
dahil sa kawalan ng lunas sa kanilang mga sakit. Sadyang ang pagpatay lang sa mga hayop ang
natatanging paraan sa kasalukuyan, para masagip ang buhay ng milyon-milyong mga tao.
Minsan, isa lang talaga itong bagay ng buhay o kamatayan.

Minsan sa buhay, may mga sakripisyo talagang nasasagawa alang-alang sa kapakanan ng


mas nakararami. Ang pagkitil sa buhay ng mga nilalang na ito ay magiging mas patas para sa
kanila kung hindi natin ipagsawalang-bahala lang ang kanilang mga sakripisyo.
Napakaimportante ng sakripisyong inaalay ng mga hayop para sa patuloy nating pag-iral sa
mundo. Gayunpaman, hindi parin lubusang makatarungan ang pagkitil sa buhay ng kahit ano
mang nabubuhay. Tunay na ang isyong ito ay isang mahirap na problema sa etika, ngunit ang
mga mananaliksik at mga doktor sa buong mundo ay naniniwala na ang ilang mga patuloy na
pananaliksik ng hayop ay mahalaga kung dapat nating isalba ang buhay at pigilan ang mga taong
nagdurusa.

You might also like