You are on page 1of 2

Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at

kuha ng Kamera

1.Establishing/Long Shot-Sa ibang termino ay tinatawag na scene-


setting.Mula sa malayo ay kinukunan ang buong senaryo o lugar upang
bigyan ng ideya ang manonood sa magiging takbo ng buong pelikula o
dokumentaryo.
2.Medium Shot-Kuha ng kamera mula tujod paitaas o mula baywang
paitaas.Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may diyalogo o sa
pagitan ng dalawang taong mag-uusap.Gayundin kapag may ipakikitang
isang maaksiyong detalye.
3.Close-Up Shot-Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang.hindi
binibigyang-diin ang nasa paligid.Halimbawa nito ay ang pagpokus sa
ekspresiyon ng mukha; sulat-kamay sa isang papel.
4.Extreme Close-Up-Ang pinakamataas na lebel ng close-up shot.Ang
pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-up.Halimbawa,ang
pokus ng kamera ay nasa mata lamang sa halip nasa buong mukha.
5.High Angle Shot-Ang kamera ay nasa bahaging itaas,kaya ang anggulo o
pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim.
6.Low Angle Shot-Ang kamera ay nasa bahaging ibaba,kaya ang anggulo o
pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.
7.Bird’s-Eye View-Maaari ding maging isang aerial shot na anggulo na
nagmula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang
bahagi.Halimbawa nito ay ang senaryo ng buong karagatan at mga
kabundukan na ang manonood ay tila isang ibong lumilipad sa
himpapawid

You might also like