You are on page 1of 1

Magandang araw sa iyong lahat. Ako si John Andrew L. Moquia.

Kumukuha ng kursong
batsilyer sa sekondaryang edukasyon na nagpapakadalubhasa sa filipino. Sa bidyong
ito ay may is akong layunin, iyon ay ang talakayin kung ano ang mga dapat isaalang-
alang at hindi dapat gawin pag ikaw ay nagtatalumpati.
Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining. Dito makikita ang katatasan at kahusayan ng
tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwaalaan ang kaniyang pangangatwiran sa
paksang tinatalakay.
Siyempre dapat isaalang-alang ang mananalumpati, dapat isaalang-alang ng
mananalumpati ang kanyang sarili sa harap ng kanyang tagapakinig; ang kanyang
paraan ng pagbigkas ng mga salita, kanyang pananamit, kanyang asal sa entablado,
kumpas ng kamay; at laging dapat tandaan na siya ay nasa harap pinakikinggan at
pinanood ng mga tao.
Sunod ang talumpati – kailangang isaalang-alang ang nilalaman ng talumpati upang
matukoy ang wasto at pinakamabuting paraan ng pagbigkas nito. Higit sa lahat dapat
matukoy ang layunin at kaisipang nais iparating ng talumpati upang maiabot ito nang
malinaw sa mga tagapakinig.
Sunod ang Tagapanood/Tagapakinig – higit na mabuting malaman ng isang
mananalumpati ang uri at antas ng kanyang tagapakinig. upang makapagisip siya ng
mabuting paraang gagamitin na makapukaw ang atensyon ng mga ito at nang
mahikayat ang mga ito na makinig hanggang sa wakas ng talumpati; mahalaga ring
malaman kung sino ang tagapakinig upang maibagay sa kanila ang talumpati at maging
malinaw ang kahalagahan ng talumpati para sa kanila.
Ito naman ang mga Dapat Iwasan sa Pagtatalumpati
Ang mananalumpati ay hindi dapat mayabang, sa halip ay maging simple upang
maging kaiga-igaya sa mga nakikinig. Huwag maging matamlay at iwasang
sumimangot. Iwasang manalumpati ng hindi nagsasanay, dapat laging handa.
uminto kung tapos na. Huwag nang dagdagan nang dagdagan pa upang hindi lumabo
at maging paligoy-ligoy Kung maganap ang ppuwang o sandaling mga pagtigil, huwag
matakot at mangamba.
Iwasang maging stiff at huwag mahiyang ikumpas at igalaw ang mga bahagi ng
katawan Huwag mangamba o kabahan, maging tuwid at payak lang sa pakikipag-usap
na tila ba ay ginagampanan lamang ng isang kaswal na pakikipagkomunikasyon
Iwasang mautal para malinaw na maintindihan ng mga tagapakinig ang ninanais mong
ipabatid sa kanila.

You might also like